Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ryle. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito. Gayunpaman ay wala itong magawa. Langgam lang ang pamilya niya kumpara kay Natalia."Ms. McCollin,"Mabilis na lumapit si Dominica sa kanila habang may pag-aalala sa mukha. Sinundan naman agad ito ni Caroline, Kina at Ferdinand."Anong ginagawa n'yo rito? Si Kina ba ang nagpapunta sa inyo?" dagdag na usisa ni Dominica, nagtatakang napatingin pa kay Kina.Tumaas ang dalawang kilay ni Kina sabay bahagyang nailing. Wala rin itong ideya kung bakit naroon si Natalia."Good evening, Lady Dominica. Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko rito,"Sa likod ng magalang na pagbating iyon ni Natalia ay napansin ni Luke ang pagkamuhing nakakubli sa tipid nitong ngiti. Mukhang para kay Dominica iyon."Oh it's actually fine. Kahit araw-araw ka pang pumunta rito sa'min ay welcome na welcome ka sa aming munting mansyon." malugod na saad ni Dominica."Actually kaya ako pumunta rito ay dahil gusto kong sunduin ang kaibiga
Naging mas mapusok at determinado pa ang bawat pag-atake ngayon ni Ryle kumpara kanina. Kahit na mismo ang mga nanonood ay ramdam nila kung gaano kalakas ang bawat pagsuntok nito.Oras na tumama ang kahit isa mang suntok nito kay Luke ay tiyak na malaking pinsala iyon. Lalo pa't mukhang ang kanyang ulo ang pinupuntirya nito.Nagsindi naman ng sigarilyo si Natalia habang inip na nakatingin sa ibang direksyon. Nakasandal ito sa mismong Ferrari na panregalo ni Ryle. Tumingin ito sa dalawang naglalaban pagkatapos ay nailing-iling."I can smell the stench of bad news miles away," usal nito sa sarili habang nakasunod ang tingin kay Ryle. "Unfortunately ay hindi 'yan uubra kay Luke. You're just going to kill yourself." dagdag pa nito.Nagpatuloy sa pag-ilag si Luke. Kasabay ng pag-iinit ni Ryle ay parang mas nakikita niya pa ang kakaiba sa pangangatawan nito. Parang unti-unting nagiging maputla ang balat nito pero hindi iyon mahahalata kapag may distansyang tiningnan dahil sa maputi si Ryle.
Kung anong ekspresyon ng mukha ng mga nanonood kanina nang itapon ni Luke si Ryle ay nasa ganoon pa rin silang estado ngayon.Pinulsuhan ni Luke ang leeg ni Ryle upang makasigurado. Nang maramdamang pumipintig naman iyon ay nakahinga siya nang maluwag. Tumayo siya at nagtungo sa kinaroroonan ni Natalia."Mukhang nag-enjoy ka pa sa laban n'yo ah. You could've done it earlier with that strike." saad ni Natalia na saktong kakaubos lang ng hinihithit nitong sigarilyo. Itinapon nito ang upos sa patyo pagkatapos ay nagsimulang maglakad paalis.Tumingin muna si Luke sa kinatatayuan ni Kina na parang hinihintay ring tingnan niya ito bago siya umalis. Iniwanan niya ito ng matamis na ngiti saka marahang nagbaba-taas ang ulo bilang paalam.Ilang saglit pa bago tuluyang makakilos ang mga naiwan doon na gulat na gulat sa nangyaring laban. Dali-daling nagsilapitan ang mga bisita sa walang malay na si Ryle upang tulungan ito nang makabawi ng diwa ang mga ito.Parehas namang may gulat lang na reaksyo
"Ano 'to, basement?" tanong niya."Nope. Go ahead and open it."Nag-alanganin pa si Luke bago sundin si Natalia. Paano kung patibong lang iyon nito sa kanya at plano siya nitong ikulong roon at gawing bihag?Gayunpaman ay huli na ang lahat kung mangyari man nga ang pinag-iisip niya. Kahit anong husay niya sa martial arts ay hindi siya uubra kay Natalia. Tangkain man niyang tumakbo ngayon ay imposibleng makalayo pa siya."What? Iniisip mo bang may gagawin akong masama sa'yo? Hanggang ba ngayon ay wala ka pa ring tiwala sa'kin?"Lumapit ito sa kanya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba. Bukod sa babae, ay si Natalia lang ang unang nakapagbigay sa kanya ng ganoong klaseng kaba.Halos kasingtangkad niya lang ito. Ang maalindog nitong pangangatawan ay hinahapit ng suot nitong damit kaya hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito lalo na sa maputi nitong dibdib na malamlam lang na nahahagip ng ilaw ng flashlight. Hindi na nakakapagtaka pa kung bakit pinapantasya ito ng lahat ng nasa uppe
"T-Teka. Baka makalabit mo 'yan?"Ibinaba ni Natalia ang baril at tinanggalan ng magazine. Ikinasa nito iyon upang tanggalin ang balang nakasalang."Kaya kailangan mong matutunan kung paano ilagan ang bala ng baril. Kailangan mong maging mas mabilis pa. Iyon nalang ang kailangan mong matutunan."Suminghap si Luke at hindi nag-abalang magsalita sa kabila ng pagtataka. Pinagmasdan ang iba't-ibang klase ng ripleng nakadisplay sa isang estante. Nilapitan niya iyon.Nagsimula siyang magsanay ng martial arts sa edad na pitong taong gulang. Sa edad na labing anim, pagkatapos ng kanyang highschool ay ipinadala siya ng kanyang lolo sa isang giyera para sa kanyang ikatlong training sa loob ng isang taon.Kasagsagan pa mismo na may nangyayaring giyera nang ipinadala siya. Kahit na marami na siyang kaalaman noon sa iba't-ibang uri ng baril na kasama sa itinuro sa kanya sa unang naging pagsasanay niya, hindi naman iyon makakatulong kung papaulanan siya ng bala ng mga kalaban dahil hindi niya naman
Hirap na tunawin ng isip ni Luke ang mga sinabi ni Natalia, lalo na ang gusto nitong mangyari. Bakit kailangan pa siyang pagsanayin nito kung ang kailangan lang naman nitong gawin ay protektahan si Kina? Pwede naman silang magtulungan nalang kumbaga iyon lang ang layunin nito.Narinig niya ang marahang pagbuntong hininga nito. "Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa'yo. Pero sa ngayon ay iyon lang muna ang sasabihin ko. Sa tamang oras ay malalaman mo rin ang buong detalye."Isa pa iyon sa ipinagtataka niya at mas nagpapasakit ng kanyang ulo. Kung bakit ayaw nito iyon sabihin sa kanya ngayon at kung kailan ang tamang oras na iyon."Naiintindihan ko. Pero maaari ko bang malaman kung anong mga nalalaman mo sa organisasyon ni Jason? Magiging malaking tulong ang impormasyong iyon hindi lang sa'kin kun'di ay maging na rin sa organisasyon ni lolo."Pinagsalikop ni Natalia ang mga kamay nito sa ilalim ng sariling baba habang nakatukod ang mga siko sa counter. "Plano ko na rin namang sabih
Break time at kasalukuyang nasa classroom si Luke, bagot na nakatitig lang sa kanyang de-keypad na cellphone sa kanyang harapan. Lumapit ang pangkat nina Andrie sa kanya at pinalibutan siya ng mga ito. Nagtatakang napatingin din sila sa cellphone ni Luke."Bakit, hindi ka pa ba nire-reply-an ng dyowa mo?" tanong ni Totoy. Pare-parehas na sinamaan nila ito ng tingin."Bakit?" takang tanong nalang ni Totoy na kasalukuyang kumakain ng tinapay.Tumabi si Andrie kay Luke. "Alam mo, mahirap talagang umakyat ng ligaw lalo pa kapag marami kang kakompetensya. Pero 'wag kang mag-alala, tiwala akong ikaw ang mananalo sa kompetisyon."Napataas ang kilay ni Luke pagkatapos ay binalingan ng tingin si Andrie. Alam na pala nito ang tungkol sa kanyang pagsali sa kompetisyon?Marahang tumango-tango si Andrie na sinundan ng pagtaas-baba ng kilay nito nang maunawaan ang kanyang iniisip pagkatapos ay tinapik-tapik ang kanyang balikat. "Pwede kaming makatulong kung gusto mo," alok nito.Napakamot nalang si
Pagkalipas ng saglit na pagtitinginan ay nagsitawanan ang grupo nina Oliver."Ooh, scary." mapang-inis na sambit ni Paolo."Don't worry, alam ko kung anong dapat gawin sa hindi dapat gawin. It's not you that I'm worried about kung hindi ay ang ibang manliligaw niya. Pupunta lang kami roon upang makipagkilala sa kaibigan mo." nakaismid na sambit ni Oliver pagkatapos ay tumalikod at nagpatiunang umalis.Mayabang na kinalampag pa ni Paolo ang desk ni Luke bilang pahabol bago sumunod kina Oliver."Sigurado ka bang okay lang 'yong kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan niya? Alodia?""Alona." pagtatama ni Luke kay Andrie. "Kaya niya ang sarili niya."Kahit na pagtulungan pa nila si Alona ay hindi sila uubra dito. Minsan niya nang naikumpara ang kakayahan ni Oliver sa kakayahan ni Alona sa pakikipaglaban at kampante siyang mas mahusay si Alona."Really? Marunong din ba siya sa martial arts?" nakakunot noong tanong ni Jonas, tila interesado ang tono ng boses nito.Tinatamad na tumango si Luke."