Share

Chapter 187 - Zheng Family

"T-Teka. Baka makalabit mo 'yan?"

Ibinaba ni Natalia ang baril at tinanggalan ng magazine. Ikinasa nito iyon upang tanggalin ang balang nakasalang.

"Kaya kailangan mong matutunan kung paano ilagan ang bala ng baril. Kailangan mong maging mas mabilis pa. Iyon nalang ang kailangan mong matutunan."

Suminghap si Luke at hindi nag-abalang magsalita sa kabila ng pagtataka. Pinagmasdan ang iba't-ibang klase ng ripleng nakadisplay sa isang estante. Nilapitan niya iyon.

Nagsimula siyang magsanay ng martial arts sa edad na pitong taong gulang. Sa edad na labing anim, pagkatapos ng kanyang highschool ay ipinadala siya ng kanyang lolo sa isang giyera para sa kanyang ikatlong training sa loob ng isang taon.

Kasagsagan pa mismo na may nangyayaring giyera nang ipinadala siya. Kahit na marami na siyang kaalaman noon sa iba't-ibang uri ng baril na kasama sa itinuro sa kanya sa unang naging pagsasanay niya, hindi naman iyon makakatulong kung papaulanan siya ng bala ng mga kalaban dahil hindi niya naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status