Share

Chapter 192 - Faster Than A Fly

Narinig niya ang ilang palakpak mula sa kanyang likuran. Nilingon niya si Natalia na ngayon ay nakasuot ng itim na sports bodysuit na gawa sa katad. Hapit na hapit iyon sa katawan nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Tinanggalan niya muna ng bala ang baril bago muling ilapag sa mesa.

"Mahusay,"

Lumapit si Natalia sa kinatatayuan niya pagkatapos ay binuksan ang drawer ng mesa at kinuha roon ang isang magazine na puno ng bala at ipinalit iyon sa magazine na nakasalpak sa baril. Kinasa nito iyon at iniabot sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

"Anong gagawin ko rito? Uulitin ko ba ang ginawa ko?" takang tanong niya.

"Nope." Naglakad si Natalia papunta sa gitna ng mga target. "Kapag natamaan mo ako kahit na daplis lang ay sasagutin ko na ang lahat ng katanungan mo sa'kin."

"Gusto mong barilin kita?" gulat na tanong niya.

Isang beses na tumango si Natalia bilang tugon. "'Yon ay kung magagawa mo akong mapatamaan." sambit nito sa nanghahamong tono.

Saglit na nag-isip si Luke. Paano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Zaligma
Maya, update ulit ako. Sumakit ulo ko sa math XD
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status