Narinig niya ang ilang palakpak mula sa kanyang likuran. Nilingon niya si Natalia na ngayon ay nakasuot ng itim na sports bodysuit na gawa sa katad. Hapit na hapit iyon sa katawan nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Tinanggalan niya muna ng bala ang baril bago muling ilapag sa mesa."Mahusay,"Lumapit si Natalia sa kinatatayuan niya pagkatapos ay binuksan ang drawer ng mesa at kinuha roon ang isang magazine na puno ng bala at ipinalit iyon sa magazine na nakasalpak sa baril. Kinasa nito iyon at iniabot sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo."Anong gagawin ko rito? Uulitin ko ba ang ginawa ko?" takang tanong niya."Nope." Naglakad si Natalia papunta sa gitna ng mga target. "Kapag natamaan mo ako kahit na daplis lang ay sasagutin ko na ang lahat ng katanungan mo sa'kin.""Gusto mong barilin kita?" gulat na tanong niya.Isang beses na tumango si Natalia bilang tugon. "'Yon ay kung magagawa mo akong mapatamaan." sambit nito sa nanghahamong tono.Saglit na nag-isip si Luke. Paano
"Babala lang 'yan. You have to focus kung hindi ay baka aksidente kitang mabaril."Napalunok si Luke. Tumama ang bala niyon sa katabi niyang target. Base sa naging trajectory ng bala ay isang sentimetro ang layo niyon upang tumama iyon sa kanyang braso. Talaga bang ganito kabaliw magturo si Natalia? Paano pala kung sinubukan niyang gumalaw upang umilag nang pumutok ang baril pero nasalo niya lang ang bala?Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Nang puntong iyon ay pumasok sa isip niya ang sekretong organisasyon. Kung malaking banta man nga sila sa kanya at kaligtasan ni Kina ay kailangan niyang gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang matutunan ang anumang ituturo ni Natalia sa kanya. Umayos siya ng postura at tinitigan ang hawak na baril nito habang nakatutok iyon sa kanya.Minsan niya na noong nagawang mailagan ang putok ng baril habang nasa giyera siya. Hindi lang isa ang kalaban niya noon kung hindi ay tatlo at puro riple ang kanilang gamit samantalang kutsilyo lang ang
Pigil ang hiningang nakatitig lang nang husto si Luke sa mga mata ni Natalia. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ba ito sa kabila ng seryosong ekspresyon ng mukha nito."H-hindi kita maunawa—""Of course you don't." agad na putol nito sa pagsasalita niya. "Right now ay hindi mo pa ako mauunawaan. Maaaring mamaya, bukas o sa mga susunod na araw. Pero kailangan mong tanggapin ang katotohanang ito, gaano man kahirap paniwalaan." Saglit na huminto si Natalia at tiningnan nito ang kanyang parte ng dibdib kung nasaan ang kanyang balat. "Patunay lang ang balat mong 'yan na ikaw ang ika-isang daang henerasyon ng inyong angkan. Sa parehong kapanahunan mo ay isinilang ang Divine Maiden na siyang iyong kailangang protektahan. At siya ay walang iba kun'di si Kina."Tumalikod si Natalia at naupo sa itaas ng mesa. Tinanggalan nito ng bala at magazine ang baril bago inilagay sa loob ng drawer.Nagpatuloy ito. "Nagmula ka sa angkan ng mga dragon. Libo-libong taon na ang nakakalipas nang ang pinakaun
Kinabukasan, maagang nagising si Luke. Sinubukan niyang kumonekta sa sinasabi ni Natalia na ispiritwal niyang katauhan pero walang nangyari. Sinubukan niya ring alalahanin ang kanyang nakaraan pero nakatulog na lamang siya ay wala siyang kahit na anumang maalala.Nadatnan niyang nag-eensayo si Natalia. Nakasuot lang ito ng pares ng leggings at tank top. Mahahalatang kanina pa ito nag-umpisa base sa pawis nito sa likod."You're late," walang lingong likod na saad nito.Napataas ang kanyang kilay. Napakatahimik ng paglapit niya sa gym pero nalaman pa rin nito ang presensya niya. Talaga nga kayang may mata ito sa likod?Tumikhim siya upang klaruhin ang kanyang lalamunan. "Wala ka namang nabanggit kagabi na kailangang mas maaga pa tayo kaysa sa tilaok ng manok mag-uumpisa. Pero teka, natulog ka ba?"Huminto si Natalia sa pagsuntok sa punching bag. "Ako dapat ang magtatanong niyan sa'yo," Binigyan siya nito ng makahulugang tingin."Alam kong pipigain mo ako ngayon sa pagsasanay kaya syempr
Malikot ang mga matang nakatitig lang nang husto si Natalia sa mukha ni Luke. Parang pinag-aaralan nito ang kanyang mukha."Idiot," tumayo ito pagkalipas ng ilang saglit at mahina siyang sinipa sa likod. "Ikaw at si Lucas ay iisa. 'Yon ang sinasabi ng propesiya. Kalimutan mo nalang kung anong sinabi ko sa'yo."Napataas nalang ang kilay ni Luke sa biglang pag-iiba mood ni Natalia. Tumalikod ito sa kanya upang punasan ang mata. Sinundan niya ito nang magtungo ito ng shooting range area."Maghanda ka, magsisimula na tayo."Nagkibit balikat nalang si Luke saka ipinagpatuloy ang pagwa-warm-up pagkarating sa shooting range.Makalipas ang ilang minuto ay hinagisan siya nito ng bullet proof vest. Agad naman niyang naunawaan kung para saan niya gagamitin iyon."Just to be safe," sambit nito.Isinuot niya iyon habang piagmamasdan ang seryosong si Natalia. ipinatong nito ang iba't-ibang klase ng baril sa ibabaw ng mesa na nakapaloob sa isang kahoy na kahon. Huwag nitong sabihing gagamitin nito p
Napataas ang dalawang kilay ni Luke sa sinabi ni Natalia. Hindi niya maunawaan kung bakit hindi nito kayang tanggapin na siya at si Lucas ay iisa.Gayunpaman ay aminado rin naman siyang parang ang weird ng ganoon. Na may ibang katauhan pa siya sa kanyang kalooban. At mas magiging weird lang iyon kung totoo ngang siya at si Lucas ay magkaiba."Kung 'yon nga ang binanggit ng propesiya..." Tumayo siya habang may determinsyon sa mukha pagkatapos ay muling sinuot ang vest. "Dapat lang na mas pagbutihin ko pa ang pagsasanay ko."Gusto niyang matapos kaagad ang pagsasanay na ito nang higit pa sa tatlong araw na kanilang ilalaan. Bukod sa nasasabik siya sa tunay na abilidad na meron siya ay hindi niya alam kung kailan muling kikilos ang organisasyon upang manggulo sa kanyang pamilya lalo na sa kanya.Ang higit na inaalala niya ay si Kina kahit na nasa tabi man ito ni Alona ngayon. Parehas silang nandito ni Natalia sa isang tagong pasilidad ilang kilometro ang layo sa syudad ng Quezon kaya hin
"Teka muna, saan kayo pupunta? Hindi pa tapos ang sesyon natin." saad ng isa sa mga young masters sa napakaaroganteng mukha."We're just getting started, aalis na agad kayo?" gatong naman ng isa pa.Matapang na hinarap sila ni Jackielyn at binigyan ng mataray na tingin. Dahil sa nandoon na si Alona ay kampante na itong hindi na sila guguluhin pa ng mga manliligaw ni Kina."Get lost! Busy kami sa aming pagre-review. Hindi n'yo naman siguro gugustuhing bumagsak si Kina, hindi ba?"Saglit na nagkatinginan sa isa't-isa ang mga young masters bago sinundan ng mahinang tawanan."It's just a grade. We can buy that for you. Kahit 'wag na kayong mag-exam." nakatawang saad ng isa. Agad na sumang-ayon ang iba rito. "Saka 'wag kang suplada sa'min. Hindi naman ikaw ang nililigawan namin kun'di ay si Ms. Alanis. Wala ka sa posisyon upang makipag-usap sa'min. Better to keep your mouth shut. Nagkakaintindihan ba tayo?"Natahimik nalang si Jackielyn at muling tumabi kay kina.Ito si Adonis Lucero, pins
"Ohoho," Malawak ang ngising hinarap ni Adonis si Zeo pagkatapos ay nameywang. "Matapang ang isang 'to ah. Hindi ko alam kung mahina lang ba ang pandinig nito at hindi nito narinig ang sinabi ko." Inilapit ni Adonis nang husto ang mukha nito sa mukha ni Zeo. "Hindi pa ba malinaw sa'yo na mga makapangyarihang tao ang kaharap mo? Gusto mo bang—""T-that's an SVIP Light Metrobank card!" bulalas ng isa na nagpahinto sa pagsasalita ni Adonis. Namimilog ang mata nitong nakaturo sa hawak na card ni Alona.Agad na tiningnan iyon ni Adonis at nanlaki din ang mata nito nang makita ang card. 'Isang SVIP client ang babaeng 'to?' gulat na tanong nito sa isip."Yes. Isa akong SVIP client ng Light Metrobank," Iginala ni Alona ang kanyang tingin sa palibot at itinaas ang kamay upang makita ng lahat ang kanyang hawak. "Sa inyong mga kumag na hindi nakakaalam kung anong klase ang card na 'to, tanging kaming pili at may minimum na sampung bilyong dolyar na nakadeposito sa Light Metrobank ang bukod tangi
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg