[Author's Important Note: This is volume 2, a continuation of volume 1, of course. THIS IS NOT, not a standalone novel so please read the volume 1 first bago ninyo basahin 'to. Kayo ang bahala, kung malakas ang trip ninyo ay okay lang naman sa'kin na dito na kayo mag-umpisa XD. No, just kidding. You can click my profile and there, makikita ninyo ang volume 1. Happy reading!]Chapter 148 - A Gift For AlonaKasalukuyang nagkakaroon ng sports event sa La Fernandia University. Karamihan ng estudyante ay sa sports center nagtitipon-tipon. Nakaupo lang si Luke kasama ng karamihan habang nanonood ng basketball sa stadium. Nakasunod ang kanyang tingin sa mga naglalaro, partikular sa kung sinong may hawak ng bola. Pero ang kanyang isip ay wala roon kung hindi ay nasa ibang ibayo.Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magkausap sila ni Kina pero sa memorya ni Luke ay parang kagabi lang nangyari iyon. Detalyadong-detalyado pa sa kanyang isip kung anong pinag-usapan nila, kung anong suot
"Hindi ako interesado, humanap nalang kayo ng iba." tugon ni Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukha. Ni hindi man lang siya nag-abalang tingnan si Andrie habang sinasabi iyon.Hinawi ni Andrie ang estudyanteng nakaupo sa unahan nina Luke. Hindi naman ito nakaangal nang makitang si Andrie iyon kaya agad silang nagsialisan. Lumuhod pa si Andrie sa mismong upuan kaya nagtaka na lamang ang mga nakakakita rito.Alam nilang isang pilyo si Andrie at ang katotohanang anak ito ng pang-apat na pinakamayamang pamilya sa kanilang syudad ay nagbibigay sa kanila ng katanungan kung bakit lumuluhod ito sa isang katulad lang ni Luke. Kung sila ang nasa posisyon ni Andrie ay bakit hindi nalang nila pilitin si Luke? Bukod pa rito ay kasama pa nila si Isaac na alam nilang miyembro ng Undying Society."Please, Luke, kalaban namin sina Oliver at hindi lang basta grado ang nakasalalay rito, kung hindi ay malaking halaga ng pera. Nakipagpustahan ako sa kanya ng isang daang libong piso."Namilog a
Nasurpresa sina Andrie sa biglang pagsulpot ni Luke sa kanilang gilid. Inakbayan pa ni Luke si Jonas."Isali n'yo ako."Pare-parehas silang natigilan. Talaga bang magpiprisinta si Luke na sumali sa kanilang pangkat? Ang Luke Cruise na hindi nila mapilit-pilit?"P-pero sabi mo hindi ka maru—"Agad na siniko ni Andrie si Isaac kaya nahinto ito sa pagsasalita. "Sure! Iyon pa rin ang usapan natin, sa'yo na ang mapapanalunan ko kay Oliver." nagagalak na sambit ni Andrie. Sinabi niya na nga ba at tama ang pakiramdam niyang nagsisinungaling lang si Luke.Marahang tumango lang si Luke. Ang totoo ay plano niya lang gamitin ang pagkakataong iyon upang mas mapalapit siya kay Kina. Wala talaga siyang planong maglaro para kina Andrie.Papunta na sana sila sa kabilang stadium kung nasaan ang volleyball court nang marinig nila ang tawanan ng mga kalalakihan hindi kalayuan sa kanila. Matatangkad ito at nakasuot pa ng unipormeng panlaro. Patungo rin ang mga ito kung saan sila papunta. Parehas na namil
Nagtungo sila sa court. Nadatnan nilang nagwa-warm-up na ang mga ka-team ni Oliver. Napapalunok nalang si Jonas habang pinagmamasdan ang nagtatangkarang mga kalaban samantalang si Totoy na hindi kasali ay humahanga sa kanila.Agad na lumapit sa kanila ang dalawa pa nilang kakamping ni-recruit lang din ni Andrie sa kanila mismong klase. Parehas na matangkad at mukhang athletic ang dalawa pero hindi kasingtangkad ng kanilang kalaban. Parehong may nag-aalalang ekspresyon sa mukha ang mga ito."Ano 'to Andrie? Bakit sila ang mga kakampi ni Oliver?" tanong ng isa."Ang akala ko ba ay mga taga business management lang ang maglalaban-laban? Hindi ba't iyon ang usapan ninyo ni Oliver?" agad na dugtong ng isa pa."Chill out, kakampi natin si Luke. Don't worry." sambit ni Andrie habang may hambog na ekspresyon sa mukha sabay baling ng tingin kay Luke.Sinundan ng dalawa ang tingin ni Andrie. "Siya? Marunong ba siyang maglaro ng volleyball?" tanong ng isa, makikita sa pagkunot ng noo nito ang pa
Tila nagpapacute pa si Andrie habang tinitingnan si Luke sa pamamamagitan ng pagkurap-kurap ng mata nito. Iritableng mahinang siniko ito ni Luke upang lumayo ito sa kanya."Anong sinabi ni Andrie? Ipapanalo ng lalaking 'yan ang pangkat nila?" tanong ng isang varsity player."Iyon ba ang pagkakasabi niya?" Pinagmasdan ng isa pang varsity player si Luke. "But he doesn't look like a volleyball player to me. Ni mukhang hindi nga ata siya interesadong maglaro.""Siya na ba ang pambato ninyo?"Napatingin silang lahat sa isang varsity player na siyang pinakamatangkad sa lahat ng mga kasama nito. Ang pangalan nito ay Nicolo Robio, ang pinakamagaling na hitter o attacker ng kanilang team. Sumikat ito dahil sa napakataas nitong paglundag at malakas na pag-spike ng bola. Iilang propesyonal lang ang nakakagawang saluhin ang mga atake nito. Ito rin ang tumatayong kapitan ng kanilang pangkat at kakilala rin ito ni Oliver kaya madali lang para kay Oliver na i-recruit ang team nila.Lumapit si Nicolo
Nag-umpisa ang laro, best of five ang laban. Kung sinong unang makatatlong panalo ng set ay siyang tatanghaling panalo sa buong laro. Pero malinaw naman para sa karamihan na ang pangkat nina Oliver ang mananalo.Todo hiyawan ang mga estudyanteng nanonood. Ang ibang nanonood ng badminton at table tennis ay nagsilipat ng pwesto sa tapat ng volleyball court. Halos kasinglaki lang ng stadium ng basketball ang stadium na kinaroroonan nila ngayon. Pinagkasya roon ang badminton, table tennis at volleyball."Anong meron?" takang tanong ni Jackielyn nang mapunang nagsisilipat ng pwesto ang ilang estudyante. Tumanaw ito sa mga nagkukumpulan sa may volleyball court.Tumanaw din doon si Kina at agad na napako ang tingin nito sa isang lalaking nakasuot lang ng simpleng pares ng t-shirt at pantalon. "Luke?"Kasali rin si Luke sa sports event?"Hindi ba't mga varsity players sila?" Namimilog ang matang ani ni Jackielyn sa kinikilig na boses. Niyugyog pa nito ang balikat ni Kina. Nahinto rin agad ito
Napagdesisyunan ni Luke na umalis. Dahil sa wala na rin naman doon si Kina ay wala nang punto pang maglaro. Wala rin namang klase ngayon kaya bibisitahin niya nalang muna siguro ang kanyang kumpanya. Marami pa siyang hahabuling pagsasanay. Si Alona nalang muna ang bahalang magbantay kay Kina."Saan ka pupunta?" takang tanong ni Andrie. May pag-aalala sa mukha nito."Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukha atang hindi na ako makakapaglaro. Humanap nalang kayo ng papalit sa'kin."Nagsilaglagan ang balikat nina Andrie samantalang nagsitawanan naman ang pangkat ni Oliver."What a loser. Tumaas pa man din ng tingin ko sa'yo kanina nang binalaan kami ni Oliver sa'yo." nakaismid na sambit ng isang kakampi ni Oliver."Martial Artist my ass," Dumura pa si Nicolo matapos sabihin iyon. Nakasabit ang mga kamay nito sa net. "Anong klase naman ng martial arts ang inaaral mo? Nagsasanay kung paano hindi ilagan ang atake ng kalaban?" pang-aasar nito. Nagsitawanan ang mga kasamahan nito maliban k
Two-zero ang puntos, pabor sa pangkat ni Oliver. Sa kanila ang bola at sila ang magsi-serve. Si Oliver ang setter ng kanilang pangkat kaya nakapwesto ito sa kanang tabi ng libero. Ito rin ang kasalukuyang nagsi-serve. Outside hitter naman si Nicolo samantalang opposite si Allen.Sa pangkat naman ni Luke, siya ang nagsisilbing outside hitter na nakapwesto sa kaliwa ng kanilang libero na walang iba kung hindi ay si Andrie. Si Andrie lang din mismo ang nagtalaga sa kanyang sarili na maging libero ng kanilang pangkat. Hindi dahil sa siya ang pinakamahusay na tactic maker sa kanila, kung hindi sa siya ang lider ng kanilang pangkat. Ang ganda ng basehan hindi ba?Setter ang isa sa ni-recruit ni Andrie at ang isa naman ay opposite. Si Jonas ang nagsisilbing middle blocker at si Isaac naman ang katabi nito sa kanan. Hindi katangkaran si Jonas upang maging blocker, pero iyon ang napag-usapan nilang posisyon: posisyong kamote.Sinong may pake? Hindi naman sila mga propesyonal na manlalaro. Ni w