Diretsong ipinasok ni Natalia ang kanyang kotse sa residensya ng pamilya Alanis, nakuha niyon ang atensyon ng mga young masters na ngayon ay kanya-kanyang nakaupo sa mga chiavari na upuan sa magkabilang patyo. Kasalukuyang nasa may beranda sina Dominica habang ipinapakilala nina Caroline at Ferdinand isa-isa ang bawat bisita gamit ang mikropono.Napatayo mula sa pagkakaupo si Javier habang pilit na inaaninag kung sino ang nagmamaneho ng kotse. Ganoon din ang ginawa ng iba. Mayroon pa bang young master na nahuling dumating?Huminto ang kotse sa tabi mismo ng kotse ni Joey. Unang bumaba si Natalia bago sumunod si Luke. Agad na gumuhit ang pagkagalak sa mukha ni Javier nang makita si Luke. Kabaliktaran niyon ang naging reaksyon ni Dominica at Caroline.Nagsimulang umingay ang paligid dahil sa bulungan. Kasabay ng pagkamangha nila sa presensya ni Natalia ay ang pagtataka kung sino ang lalaking kasama nito."Anong ginagawa rito ni Ms. McCollin? Ibimbitahan ba siya ng pamilya Alanis?" tanon
Agad na nagbago ang timpla ng itsura ni Dominica matapos marinig ang sinabi ni Luke. Gayunpaman ay nagtimpi ito sa galit nito dahil sa nandoon din si Natalia na sa tingin niya ay sinusuportahan din si Luke.'Hindi porket sinusuportahan ka ni Ms. McCollin at Javier dahil sa husay mo sa martial arts ay may tsansa ka nang manalo sa kompetisyon.' inis na sambit nito sa isip. Iyon ang gusto nitong isinghal kay Luke.Napuna ni Caroline ang galit na ekspresyon ni Dominica kaya nilapitan niya ito. "Mom, hayaan n'yo nalang siya. Hindi rin naman siya mananalo. Wala na siyang maipagmamalaki pa bukod sa kanyang martial arts kaya 'wag n'yo masyadong stress-in ang sarili n'yo sa kanya."Napasinghap si Dominica nang mapagtantong may punto ang sinabi ni Caroline. "You're right. Bakit nga ba big deal pa sa'kin ang presensya ng lalaking ito kung wala namang martial arts sa paligsahan?"Napakunot ang noo ng ilan dahil sa sinabi ni Dominica. Ang ilan ay nadismaya pa sa narinig."Talaga ba? Tinanggal na n
Parehas na napatingin sa beranda ang dalawa, nagsimulang manginig ang mga tulod. Minsan na nilang narinig kung anong klaseng young master si Luke at kung anong mga pagsasanay ang mga ginawa nito. Maging ang sariling assets nito ay hindi saklaw ng kanilang kaalaman na alam nilang hindi mapapantayan ng yaman ng kahit buo pa nilang pamilya. Hindi pa man banggitin na ito ang presidente ngayon ng ENDX Corporation.Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na tingnan si Reynold. "S-seryoso ka ba? S-siya ba talaga si... si Luke Cruise?" pabulong na tanong ng isa sa nauutal at nanginginig na boses.Napairap si Reynold pagkatapos ay napabuntong hinininga. Muli niyang naalala ang una nilang pagtatagpo ni Luke at kung gaano rin siya naging kakaba noon. Hindi lang basta SVIP client ng Light Metrobank si Luke na may nakadepositong bilyon-bilyong dolyar na halaga ng pera, kung hindi ay pag-aari din ng pamilya nila ang mismong bangko. Kumpara kay Luke ay mga langgam lang ang lahat ng narito. Oras na kagat
"You know her, she's quite busy right now, Dad." saad ni Joey. Nakatayo ito sa may tabi ng kinauupuan ni Javier."I know," sambit lang ni Javier bago tingnan si Luke na tila nasa malalim na pag-iisip. "Mr. Cruise, is there anything wrong?"Tipid na ngumiti si Luke. "Wala naman po,""Pero mukhang may bumabagabag sa'yo. Sana ay hindi ang apo ko ang dahilan niyan."Mababaw na napabuntong hininga si Luke. "Ang totoo po ay napapansin kong parang iniiwasan ako ngayon ni Kina. Iyon din marahil ang rason kung bakit hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol sa pagbabago n'yo ng iskedyul ng kompetisyon."Napakunot ang noo ni Javier. "Bakit ka naman niya iiwasan? Hindi ba't inamin niya naman sa'yo kung gaano ka niya kagusto?""Iyon nga rin po ang ipinagtataka ko. Simula pa siyang naging gano'n noong huling linggo."Simula nang bumalik siya sa kanilang paaralan pagkatapos ng unang pagpunta nila ni Natalia sa sekretong pasilidad na kanilang pinagsasanayan ay naging parang malamig na si Kina sa kanya. A
Sumunod na araw, opisyal na nagsimula ang kompetisyon sa upperclass. Lahat ng young masters na sumali sa kompetisyon ay nagtipon-tipon sa loob at labas ng mansyon ng pamilya Alanis. Kumpara sa dumalo kahapon ay hindi lang nadoble ang bilang ngayon, kung hindi ay naging triple pa."Ang dami palang sumali," saad ni Sean, pinsang buo ni Kina. "Iba talaga ang ganda ni insan.""Pinagsasabi mo? Baka kamo pokpok 'yon?" mataray na sambit ni Harly, kapatid ni Sean. "Marahil ay iyon ang pinagkakakitaan niya noong naghihirap pa sila.""Watch your tongue honey, baka marinig ka ni dad." paalala ni Mylene, ina ng mga ito. Tumingin pa ito sa kanilang likuran para makasiguradong walang nakikinig sa kanila."Anong nasa isip nina Ferdinand at ginawang papremyo ang kanilang anak? Parang ginawa nilang pa-raffle si Kina." natatawang sambit ni Nolan, asawa ni Mylene at kapatid ni Joey at Ferdinand.Kasalukuyang nasa balkonahe sa ikalawang palapag ang apat at tanaw nila kung gaano karami ang dumalong manlil
Sa pasilyo sa ikalawang palapag, kakalabas lang ni Luke ng opisina ni Javier nang saktong makasalubong niya si Kina. Agad na matamis niyang nginitian ito. Sinuklian lang siya nito ng tipid at pilit pa atang ngiti."Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya, sinusubukang pagaanin ang namuong atmospera sa pagitan nila."Mabuti naman. Pasensya na kung hindi ako nakaka-reply sa mga messages mo. Kailangan ko lang talagang... ituon ang atensyon ko sa pag-aaral ngayon." malumanay na sambit nito.Batid ni Luke na nagdadahilan lang si Kina. Gayunpaman ay pakunwaring pinaniwalaan niya nalang ito. "Hindi mo kailangang magpaliwanag. Nauunawaan ko."Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito pero mabilis na iniiwas nito iyon."B-baka makita tayo nina grandma. Nasa kalapit na kwarto lang sila."Marahang nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke habang tinititigan ang napakaamong mukha ni Kina. Naalala niya ang sinabi ni Natalia na isang Divine Maiden si Kina at natutuwa siyang parang isang sagradong
"Anong ginagawa mo rito? 'Wag mo sabihing..."Ang lalaking katabi niya ngayon ay ang kanyang pinsang si Danny Campbell. Anak ito ng kanyang tita Danielle at asawa nitong si Ronald na nagmula rin sa isang prestihiyosong pamilya ng Campbell.Hindi niya lang sigurado kung gaano sila kayaman pero sa pagkakaalam niya noon ay mas mayaman pa ang pamilya Campbell kaysa sa pamilya Cruise. Iyon ang laging ipinagyayabang sa kanya ni Danny noong labing dalawang taong gulang palang sila.Dalawang taon niya lang itong nakasama noon. Isinama ito ng kanyang tito Ronald upang bumisita sa pamilya Campbell at simula noon ay hindi niya na ito nakita."Tama ka ng iniisip. Kasali rin ako sa kompetisyon," Isinubo nito ang kakabukas lang na kendi na iniaalok sana nito sa kanya. "Pero 'wag kang mag-alala, I'm not into your girl. I just want to have some fun. Na-miss ko ang mga araw na nakikipagkompetensya ka sa'kin."Tumaas ang isang kilay ni Luke na sinundan ng pagiging blangko ng kanyang itsura. Si Danny it
Sa lahat ng inaasahan niyang maaaring kakilala niyang dadalo upang manood ay si Veronica pa talaga ang una niyang makikita. Pero anong ginagawa nila rito? Saka pwede ba silang manood kung wala naman silang kamag-anak na kalahok sa kompetisyon?Napataas nalang ang kanyang dalawang kilay nang maupo sa tabi ni Katarina ang lalaking kasama nito noon nang namili ito sa Traelus Apparel boutique store. Iyon ay walang iba kung hindi si Edmund Abad, nangungunang pinakamayamang negosyante sa Makati. Agad niyang naunawaang baka kasali sa kompetisyon ang anak nito.Anong nangyari kay Roger? Hiniwalayan ba talaga ito ni Katarina?"Masaya bang makita ulit ang ex mo?"Nilingon ni Luke si Alona na hindi niya namalayang nasa tabi niya na. "Anong ginagawa mo rito?""Manonood, malamang." pamimilosopo nito."Ang ibig kong sabihin ay hindi ba't kasama mo dapat ngayon si Kina? Hindi mo dapat siya iniiwan lalo na ngayong maraming young masters ang nakapaligid sa kanya."Hindi iyon ang inaalala ni Luke. Ang
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t