Share

Chapter 337

Author: Zaligma
last update Huling Na-update: 2024-12-15 10:06:09

Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late.

"Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.

Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.

Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon.

"Anong oras daw umalis sina L
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Lorna Donayre Enate Llaneta
ang ganda story sana mayroon ng update
goodnovel comment avatar
Raquel Cortes
๐’•๐’š ๐’”๐’‚ ๐’–๐’… ๐’‚๐’๐’•๐’‰๐’๐’“
goodnovel comment avatar
Fatima Sato
More more update plsโ€ฆgod bless
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย VOLUME 2: Chapter 148 - A Gift For Alona

    [Author's Important Note: This is volume 2, a continuation of volume 1, of course. THIS IS NOT, not a standalone novel so please read the volume 1 first bago ninyo basahin 'to. Kayo ang bahala, kung malakas ang trip ninyo ay okay lang naman sa'kin na dito na kayo mag-umpisa XD. No, just kidding. You can click my profile and there, makikita ninyo ang volume 1. Happy reading!]Chapter 148 - A Gift For AlonaKasalukuyang nagkakaroon ng sports event sa La Fernandia University. Karamihan ng estudyante ay sa sports center nagtitipon-tipon. Nakaupo lang si Luke kasama ng karamihan habang nanonood ng basketball sa stadium. Nakasunod ang kanyang tingin sa mga naglalaro, partikular sa kung sinong may hawak ng bola. Pero ang kanyang isip ay wala roon kung hindi ay nasa ibang ibayo.Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magkausap sila ni Kina pero sa memorya ni Luke ay parang kagabi lang nangyari iyon. Detalyadong-detalyado pa sa kanyang isip kung anong pinag-usapan nila, kung anong suot

    Huling Na-update : 2024-08-24
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 149 - I Don't Know How To Play

    "Hindi ako interesado, humanap nalang kayo ng iba." tugon ni Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukha. Ni hindi man lang siya nag-abalang tingnan si Andrie habang sinasabi iyon.Hinawi ni Andrie ang estudyanteng nakaupo sa unahan nina Luke. Hindi naman ito nakaangal nang makitang si Andrie iyon kaya agad silang nagsialisan. Lumuhod pa si Andrie sa mismong upuan kaya nagtaka na lamang ang mga nakakakita rito.Alam nilang isang pilyo si Andrie at ang katotohanang anak ito ng pang-apat na pinakamayamang pamilya sa kanilang syudad ay nagbibigay sa kanila ng katanungan kung bakit lumuluhod ito sa isang katulad lang ni Luke. Kung sila ang nasa posisyon ni Andrie ay bakit hindi nalang nila pilitin si Luke? Bukod pa rito ay kasama pa nila si Isaac na alam nilang miyembro ng Undying Society."Please, Luke, kalaban namin sina Oliver at hindi lang basta grado ang nakasalalay rito, kung hindi ay malaking halaga ng pera. Nakipagpustahan ako sa kanya ng isang daang libong piso."Namilog a

    Huling Na-update : 2024-08-25
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 150 - Oliver's Team

    Nasurpresa sina Andrie sa biglang pagsulpot ni Luke sa kanilang gilid. Inakbayan pa ni Luke si Jonas."Isali n'yo ako."Pare-parehas silang natigilan. Talaga bang magpiprisinta si Luke na sumali sa kanilang pangkat? Ang Luke Cruise na hindi nila mapilit-pilit?"P-pero sabi mo hindi ka maruโ€”"Agad na siniko ni Andrie si Isaac kaya nahinto ito sa pagsasalita. "Sure! Iyon pa rin ang usapan natin, sa'yo na ang mapapanalunan ko kay Oliver." nagagalak na sambit ni Andrie. Sinabi niya na nga ba at tama ang pakiramdam niyang nagsisinungaling lang si Luke.Marahang tumango lang si Luke. Ang totoo ay plano niya lang gamitin ang pagkakataong iyon upang mas mapalapit siya kay Kina. Wala talaga siyang planong maglaro para kina Andrie.Papunta na sana sila sa kabilang stadium kung nasaan ang volleyball court nang marinig nila ang tawanan ng mga kalalakihan hindi kalayuan sa kanila. Matatangkad ito at nakasuot pa ng unipormeng panlaro. Patungo rin ang mga ito kung saan sila papunta. Parehas na namil

    Huling Na-update : 2024-08-25
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 151 - Their Real Bet

    Nagtungo sila sa court. Nadatnan nilang nagwa-warm-up na ang mga ka-team ni Oliver. Napapalunok nalang si Jonas habang pinagmamasdan ang nagtatangkarang mga kalaban samantalang si Totoy na hindi kasali ay humahanga sa kanila.Agad na lumapit sa kanila ang dalawa pa nilang kakamping ni-recruit lang din ni Andrie sa kanila mismong klase. Parehas na matangkad at mukhang athletic ang dalawa pero hindi kasingtangkad ng kanilang kalaban. Parehong may nag-aalalang ekspresyon sa mukha ang mga ito."Ano 'to Andrie? Bakit sila ang mga kakampi ni Oliver?" tanong ng isa."Ang akala ko ba ay mga taga business management lang ang maglalaban-laban? Hindi ba't iyon ang usapan ninyo ni Oliver?" agad na dugtong ng isa pa."Chill out, kakampi natin si Luke. Don't worry." sambit ni Andrie habang may hambog na ekspresyon sa mukha sabay baling ng tingin kay Luke.Sinundan ng dalawa ang tingin ni Andrie. "Siya? Marunong ba siyang maglaro ng volleyball?" tanong ng isa, makikita sa pagkunot ng noo nito ang pa

    Huling Na-update : 2024-08-27
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 152 - Oliver's Real Opponent

    Tila nagpapacute pa si Andrie habang tinitingnan si Luke sa pamamamagitan ng pagkurap-kurap ng mata nito. Iritableng mahinang siniko ito ni Luke upang lumayo ito sa kanya."Anong sinabi ni Andrie? Ipapanalo ng lalaking 'yan ang pangkat nila?" tanong ng isang varsity player."Iyon ba ang pagkakasabi niya?" Pinagmasdan ng isa pang varsity player si Luke. "But he doesn't look like a volleyball player to me. Ni mukhang hindi nga ata siya interesadong maglaro.""Siya na ba ang pambato ninyo?"Napatingin silang lahat sa isang varsity player na siyang pinakamatangkad sa lahat ng mga kasama nito. Ang pangalan nito ay Nicolo Robio, ang pinakamagaling na hitter o attacker ng kanilang team. Sumikat ito dahil sa napakataas nitong paglundag at malakas na pag-spike ng bola. Iilang propesyonal lang ang nakakagawang saluhin ang mga atake nito. Ito rin ang tumatayong kapitan ng kanilang pangkat at kakilala rin ito ni Oliver kaya madali lang para kay Oliver na i-recruit ang team nila.Lumapit si Nicolo

    Huling Na-update : 2024-08-28
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 153 - Failed Plan

    Nag-umpisa ang laro, best of five ang laban. Kung sinong unang makatatlong panalo ng set ay siyang tatanghaling panalo sa buong laro. Pero malinaw naman para sa karamihan na ang pangkat nina Oliver ang mananalo.Todo hiyawan ang mga estudyanteng nanonood. Ang ibang nanonood ng badminton at table tennis ay nagsilipat ng pwesto sa tapat ng volleyball court. Halos kasinglaki lang ng stadium ng basketball ang stadium na kinaroroonan nila ngayon. Pinagkasya roon ang badminton, table tennis at volleyball."Anong meron?" takang tanong ni Jackielyn nang mapunang nagsisilipat ng pwesto ang ilang estudyante. Tumanaw ito sa mga nagkukumpulan sa may volleyball court.Tumanaw din doon si Kina at agad na napako ang tingin nito sa isang lalaking nakasuot lang ng simpleng pares ng t-shirt at pantalon. "Luke?"Kasali rin si Luke sa sports event?"Hindi ba't mga varsity players sila?" Namimilog ang matang ani ni Jackielyn sa kinikilig na boses. Niyugyog pa nito ang balikat ni Kina. Nahinto rin agad ito

    Huling Na-update : 2024-08-30
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 154 - Defeat Him

    Napagdesisyunan ni Luke na umalis. Dahil sa wala na rin naman doon si Kina ay wala nang punto pang maglaro. Wala rin namang klase ngayon kaya bibisitahin niya nalang muna siguro ang kanyang kumpanya. Marami pa siyang hahabuling pagsasanay. Si Alona nalang muna ang bahalang magbantay kay Kina."Saan ka pupunta?" takang tanong ni Andrie. May pag-aalala sa mukha nito."Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukha atang hindi na ako makakapaglaro. Humanap nalang kayo ng papalit sa'kin."Nagsilaglagan ang balikat nina Andrie samantalang nagsitawanan naman ang pangkat ni Oliver."What a loser. Tumaas pa man din ng tingin ko sa'yo kanina nang binalaan kami ni Oliver sa'yo." nakaismid na sambit ng isang kakampi ni Oliver."Martial Artist my ass," Dumura pa si Nicolo matapos sabihin iyon. Nakasabit ang mga kamay nito sa net. "Anong klase naman ng martial arts ang inaaral mo? Nagsasanay kung paano hindi ilagan ang atake ng kalaban?" pang-aasar nito. Nagsitawanan ang mga kasamahan nito maliban k

    Huling Na-update : 2024-09-01
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 155 - To Counter Oliver's Serve

    Two-zero ang puntos, pabor sa pangkat ni Oliver. Sa kanila ang bola at sila ang magsi-serve. Si Oliver ang setter ng kanilang pangkat kaya nakapwesto ito sa kanang tabi ng libero. Ito rin ang kasalukuyang nagsi-serve. Outside hitter naman si Nicolo samantalang opposite si Allen.Sa pangkat naman ni Luke, siya ang nagsisilbing outside hitter na nakapwesto sa kaliwa ng kanilang libero na walang iba kung hindi ay si Andrie. Si Andrie lang din mismo ang nagtalaga sa kanyang sarili na maging libero ng kanilang pangkat. Hindi dahil sa siya ang pinakamahusay na tactic maker sa kanila, kung hindi sa siya ang lider ng kanilang pangkat. Ang ganda ng basehan hindi ba?Setter ang isa sa ni-recruit ni Andrie at ang isa naman ay opposite. Si Jonas ang nagsisilbing middle blocker at si Isaac naman ang katabi nito sa kanan. Hindi katangkaran si Jonas upang maging blocker, pero iyon ang napag-usapan nilang posisyon: posisyong kamote.Sinong may pake? Hindi naman sila mga propesyonal na manlalaro. Ni w

    Huling Na-update : 2024-09-01

Pinakabagong kabanata

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 337

    Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 336

    "Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 335

    Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 334

    "Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 333

    Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 332

    Bumagsak sa semento ang gang member at diretsong nawalan ito ng malay. Ilang saglit na hindi nakakibo ang ilan dahil sa ginawa ng lalaki. Aminado sila sa kanilang mga sarili na napalakas nga ng ginawa nitong pagsipa."A-anong karapatan mong gawin 'yon sa kanya? B-bagong sal'ta ka lang rito!" singhal ng isa pang gang member.Imbes na humingi ng dispensa ang lalaki ay ngumisi pa nga ito na animo'y wala itong pakialam. "Gaya ng sinabi ko ay nandito ako upang sanayin kayo, at hindi ako bagong sal'ta. Ako ang magiging batas ng training ground n'yo. Kung sinuman sa inyo ang gustong sumubok sa'kin," Inilahad nito ang mga kamay nito na tila tumatanggap ito ng hamon. "Go on, patunayan n'yo muna sa'kin na may ibubuga kayo."Napakuyom ang kamao ng ilang gang members dahil sa inis sa pagiging arogante ng lalaki. Gayunpaman ay wala ni isa man sa mga ito ang nangahas na pumalag.Napasimangot nalang si Luke dahil sa inaasta ng lalaki. Si Malcov ba talaga ang kumuha sa lalaking ito upang sanayin ang

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 331

    Kumunot ang noo ni Luke sa narinig habang pinagmamasdan ang matabang pisngi ng lalaki. Isinabit niya ang hawak niyang helmet sa manibela ng scooter.'Nominasyon, huh?'Tumungo siya sa gym at nadatnan doon ang pagtitipon-tipon ng ilang miyembro ng gang. Parang nasa sabungan ang mga ito sa ingay at lahat ay parang may pusta.Napakunot ang kanyang noo nang makita at makilala niya ang isa sa mga nasa ring."Isaac?"Anong ginagawa nito rito? Huwag nito sabihing..."Tapusin! Tapusin! Tapusin!..."Nagsimulang humiyaw ang mga tao roon para sa katunggali ni Isaac. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan. Napakaswabe rin ng kilos nito na animo'y isang bihasang martial artist. Hindi ito magawang matapatan ni Isaac.Sa unang tingin palang ay masasabi na ni Luke na isa itong sundalo. Anong ginagawa nito rito sa kampo ng Blazing Phoenix? May sadya ba ito kay Malcov?Gumuhit ang aroganteng ekspresyon sa mukha ng lalaki habang si Isaac naman ay kasalukuyang nakangiwi ang mukha dahil sa iniindan

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 330

    "Get lost! 'Wag na 'wag ka nang babalik sa pamamahay na ito!" sigaw ni Caroline.Bago pa man tuluyang magsarado ang pinto ay pinahabulan pa si Luke ni Kina ng bumalik-ka-nalang-mamaya na tingin.Nagpapakawala siya ng malalim na buntong hininga pagkatapos ay hinubad ang suot niyang apron at isinabit niya iyon sa kanyang balikat. Naupo siya sa hagdan sa tapat ng pintuan, nangalumbaba habang nakasimangot.Ibang klase talaga si Caroline. Pasalamat na nga ito at pinaglinis lang ito ng banyo ni Rodeo. Kung ibang tao ang nasa sitwasyon nito ay malamang na ipinagiling na ito nang buhay ni Rodeo sa mga tauhan nito.Dapat nga ay pasalamatan pa siya nito.Habang pinakikinggan ang pagsusumbong nito kay Kina ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Leon.[Mr. Cruise, may lead na kami sa maaaring pinagtataguan ng organisasyon ni Jason Zheng. Nasa isa silang isla malapit sa Sulu. Pwede namin silang atakihin nang pasurpresa.]Napakunot ang kanyang

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)ย ย ย Chapter 329

    Isinubsob ni Rodeo ang ulo nito sa sahig habang nakadapa ang mga kamay. "M-Mr. Cruise, p-pakiusap, patawarin n'yo po ako. H-hindi ko naman alam na kayo pala ang... angโ€”""'Wag mo nang banggitin, hindi na mahalaga pa 'yon," putol niya rito pagkatapos ay tumayo at naglakad pabalik kay Ferdinand. "Tatlong milyon ba ang utang nila sa'yo?" tanong niya.Hindi agad nakatugon si Rodeo dahil sa pagkabigla. Nagtataka ito kung paano iyon nalaman ni Luke. Narinig ba nito ang pag-uusap nila?Gayunpaman ay isinawalambahala nalang nito iyon sa isiping baka nalaman lang iyon ni Luke sa kung kaninuman nito nalaman na nandito ngayon ang mag-asawa."N-nagbibiro lang ako, Mr. Cruise. W-wala talaga silang utang sa'kin," wika ni Rodeo sa mapang-along boses habang may awkward at pilit na ngiti. Sinusubukang hingin ang kapatawaran ni Luke sa pamamagitan niyon.Napakurap-kurap nalang ang mga mata ni Caroline habang nasa blangko lang ang mukhang nakatitig kay Rodeo bago ilipat iyon kay Luke. Kahit na nagtatak

DMCA.com Protection Status