"Hoy tanda," Magkasalubong ang kilay na lumapit si Dominica kay Javier, may pagdududa sa itsura nito. "Anong nakain mo at naisipan mong imbitahan ang mga manliligaw ni Kina? Akala ko ba ay hindi ka sang-ayon sa plano namin? Masama ba ang pakiramdam mo ngayon?"Ilang segundong seryosong pinagmasdan ni Javier si Dominica bago ito tugunin. "I realized... na tama nga kayo at malaking tulong nga ang plano n'yo para mas palaguin natin ang ating kumpanya. I thought that maybe... mas mainam na tulungan ko kayo." Ngumiti si Javier sa pamamagitan ng mata.Naningkit ang mga mata ni Dominica, pinag-aaralan ang mukha ni Javier. Makalipas ng ilang saglit ay ngumiti ito. "That's good to hear. Mabuti naman at sa wakas ay napagtanto mo rin ang tamang gawin para sa ating pamilya. Now tell me, what's your plan? Papuntahin na ba namin si Kina?""No, no. Don't bother her. She's busy studying right now. Ako nang bahala rito, you can just sit and relax. Para man lang makabawi ako sa inyo."Nakangiting nagka
Hinihingal na huminto si Luke pagkatapos ay pinagmasdan si Natalia. Kalahating araw na rin silang nag-i-ensayo at tagaktak na ang pawis niya sa buong katawan. Hindi niya pa rin nagagawang mahigitan ang bilis ng reaksyon ng langaw na tinutukoy ni Natalia.Gayunpaman ay ramdam niya kahit papaano na mas lumiksi ang reaksyon niya ngayon kumpara sa normal na kakayahang meron siya. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Natalia. Nagawa niya na raw ang twenty millisecods reaction time pero tsamba lang daw iyon."Gaano nga ba kabilis ang reaksyong mayroon si Lucas? Talaga bang mas higit pa ang kakayahan niya sa kakayahang meron ka?" tanong niya.Naupo muna saglit si Natalia upang magpahinga. May blangkong ekspresyon lang ito sa mukha nang tingnan nito si Luke. "Why would I lie to you about your spiritual ability?"Nilaro nito ang AK 47 na nakalapag sa harapan nito. Iyon na ang ginagamit nila ngayon sa kanilang pag-i-ensayo."Meron akong reaction time na masusukat gamit ang microseconds. Pero ang rea
Diretsong ipinasok ni Natalia ang kanyang kotse sa residensya ng pamilya Alanis, nakuha niyon ang atensyon ng mga young masters na ngayon ay kanya-kanyang nakaupo sa mga chiavari na upuan sa magkabilang patyo. Kasalukuyang nasa may beranda sina Dominica habang ipinapakilala nina Caroline at Ferdinand isa-isa ang bawat bisita gamit ang mikropono.Napatayo mula sa pagkakaupo si Javier habang pilit na inaaninag kung sino ang nagmamaneho ng kotse. Ganoon din ang ginawa ng iba. Mayroon pa bang young master na nahuling dumating?Huminto ang kotse sa tabi mismo ng kotse ni Joey. Unang bumaba si Natalia bago sumunod si Luke. Agad na gumuhit ang pagkagalak sa mukha ni Javier nang makita si Luke. Kabaliktaran niyon ang naging reaksyon ni Dominica at Caroline.Nagsimulang umingay ang paligid dahil sa bulungan. Kasabay ng pagkamangha nila sa presensya ni Natalia ay ang pagtataka kung sino ang lalaking kasama nito."Anong ginagawa rito ni Ms. McCollin? Ibimbitahan ba siya ng pamilya Alanis?" tanon
Agad na nagbago ang timpla ng itsura ni Dominica matapos marinig ang sinabi ni Luke. Gayunpaman ay nagtimpi ito sa galit nito dahil sa nandoon din si Natalia na sa tingin niya ay sinusuportahan din si Luke.'Hindi porket sinusuportahan ka ni Ms. McCollin at Javier dahil sa husay mo sa martial arts ay may tsansa ka nang manalo sa kompetisyon.' inis na sambit nito sa isip. Iyon ang gusto nitong isinghal kay Luke.Napuna ni Caroline ang galit na ekspresyon ni Dominica kaya nilapitan niya ito. "Mom, hayaan n'yo nalang siya. Hindi rin naman siya mananalo. Wala na siyang maipagmamalaki pa bukod sa kanyang martial arts kaya 'wag n'yo masyadong stress-in ang sarili n'yo sa kanya."Napasinghap si Dominica nang mapagtantong may punto ang sinabi ni Caroline. "You're right. Bakit nga ba big deal pa sa'kin ang presensya ng lalaking ito kung wala namang martial arts sa paligsahan?"Napakunot ang noo ng ilan dahil sa sinabi ni Dominica. Ang ilan ay nadismaya pa sa narinig."Talaga ba? Tinanggal na n
Parehas na napatingin sa beranda ang dalawa, nagsimulang manginig ang mga tulod. Minsan na nilang narinig kung anong klaseng young master si Luke at kung anong mga pagsasanay ang mga ginawa nito. Maging ang sariling assets nito ay hindi saklaw ng kanilang kaalaman na alam nilang hindi mapapantayan ng yaman ng kahit buo pa nilang pamilya. Hindi pa man banggitin na ito ang presidente ngayon ng ENDX Corporation.Nagkatinginan ang dalawa bago sabay na tingnan si Reynold. "S-seryoso ka ba? S-siya ba talaga si... si Luke Cruise?" pabulong na tanong ng isa sa nauutal at nanginginig na boses.Napairap si Reynold pagkatapos ay napabuntong hinininga. Muli niyang naalala ang una nilang pagtatagpo ni Luke at kung gaano rin siya naging kakaba noon. Hindi lang basta SVIP client ng Light Metrobank si Luke na may nakadepositong bilyon-bilyong dolyar na halaga ng pera, kung hindi ay pag-aari din ng pamilya nila ang mismong bangko. Kumpara kay Luke ay mga langgam lang ang lahat ng narito. Oras na kagat
"You know her, she's quite busy right now, Dad." saad ni Joey. Nakatayo ito sa may tabi ng kinauupuan ni Javier."I know," sambit lang ni Javier bago tingnan si Luke na tila nasa malalim na pag-iisip. "Mr. Cruise, is there anything wrong?"Tipid na ngumiti si Luke. "Wala naman po,""Pero mukhang may bumabagabag sa'yo. Sana ay hindi ang apo ko ang dahilan niyan."Mababaw na napabuntong hininga si Luke. "Ang totoo po ay napapansin kong parang iniiwasan ako ngayon ni Kina. Iyon din marahil ang rason kung bakit hindi niya sinabi sa'kin ang tungkol sa pagbabago n'yo ng iskedyul ng kompetisyon."Napakunot ang noo ni Javier. "Bakit ka naman niya iiwasan? Hindi ba't inamin niya naman sa'yo kung gaano ka niya kagusto?""Iyon nga rin po ang ipinagtataka ko. Simula pa siyang naging gano'n noong huling linggo."Simula nang bumalik siya sa kanilang paaralan pagkatapos ng unang pagpunta nila ni Natalia sa sekretong pasilidad na kanilang pinagsasanayan ay naging parang malamig na si Kina sa kanya. A
Sumunod na araw, opisyal na nagsimula ang kompetisyon sa upperclass. Lahat ng young masters na sumali sa kompetisyon ay nagtipon-tipon sa loob at labas ng mansyon ng pamilya Alanis. Kumpara sa dumalo kahapon ay hindi lang nadoble ang bilang ngayon, kung hindi ay naging triple pa."Ang dami palang sumali," saad ni Sean, pinsang buo ni Kina. "Iba talaga ang ganda ni insan.""Pinagsasabi mo? Baka kamo pokpok 'yon?" mataray na sambit ni Harly, kapatid ni Sean. "Marahil ay iyon ang pinagkakakitaan niya noong naghihirap pa sila.""Watch your tongue honey, baka marinig ka ni dad." paalala ni Mylene, ina ng mga ito. Tumingin pa ito sa kanilang likuran para makasiguradong walang nakikinig sa kanila."Anong nasa isip nina Ferdinand at ginawang papremyo ang kanilang anak? Parang ginawa nilang pa-raffle si Kina." natatawang sambit ni Nolan, asawa ni Mylene at kapatid ni Joey at Ferdinand.Kasalukuyang nasa balkonahe sa ikalawang palapag ang apat at tanaw nila kung gaano karami ang dumalong manlil
Sa pasilyo sa ikalawang palapag, kakalabas lang ni Luke ng opisina ni Javier nang saktong makasalubong niya si Kina. Agad na matamis niyang nginitian ito. Sinuklian lang siya nito ng tipid at pilit pa atang ngiti."Kamusta ang pag-aaral?" tanong niya, sinusubukang pagaanin ang namuong atmospera sa pagitan nila."Mabuti naman. Pasensya na kung hindi ako nakaka-reply sa mga messages mo. Kailangan ko lang talagang... ituon ang atensyon ko sa pag-aaral ngayon." malumanay na sambit nito.Batid ni Luke na nagdadahilan lang si Kina. Gayunpaman ay pakunwaring pinaniwalaan niya nalang ito. "Hindi mo kailangang magpaliwanag. Nauunawaan ko."Sinubukan niyang hawakan ang kamay nito pero mabilis na iniiwas nito iyon."B-baka makita tayo nina grandma. Nasa kalapit na kwarto lang sila."Marahang nagpakawala ng mababaw na buntong hininga si Luke habang tinititigan ang napakaamong mukha ni Kina. Naalala niya ang sinabi ni Natalia na isang Divine Maiden si Kina at natutuwa siyang parang isang sagradong
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg