Share

Chapter 189 - Looking For Trouble

Break time at kasalukuyang nasa classroom si Luke, bagot na nakatitig lang sa kanyang de-keypad na cellphone sa kanyang harapan. Lumapit ang pangkat nina Andrie sa kanya at pinalibutan siya ng mga ito. Nagtatakang napatingin din sila sa cellphone ni Luke.

"Bakit, hindi ka pa ba nire-reply-an ng dyowa mo?" tanong ni Totoy. Pare-parehas na sinamaan nila ito ng tingin.

"Bakit?" takang tanong nalang ni Totoy na kasalukuyang kumakain ng tinapay.

Tumabi si Andrie kay Luke. "Alam mo, mahirap talagang umakyat ng ligaw lalo pa kapag marami kang kakompetensya. Pero 'wag kang mag-alala, tiwala akong ikaw ang mananalo sa kompetisyon."

Napataas ang kilay ni Luke pagkatapos ay binalingan ng tingin si Andrie. Alam na pala nito ang tungkol sa kanyang pagsali sa kompetisyon?

Marahang tumango-tango si Andrie na sinundan ng pagtaas-baba ng kilay nito nang maunawaan ang kanyang iniisip pagkatapos ay tinapik-tapik ang kanyang balikat. "Pwede kaming makatulong kung gusto mo," alok nito.

Napakamot nalang si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status