"T-Teka. Baka makalabit mo 'yan?"Ibinaba ni Natalia ang baril at tinanggalan ng magazine. Ikinasa nito iyon upang tanggalin ang balang nakasalang."Kaya kailangan mong matutunan kung paano ilagan ang bala ng baril. Kailangan mong maging mas mabilis pa. Iyon nalang ang kailangan mong matutunan."Suminghap si Luke at hindi nag-abalang magsalita sa kabila ng pagtataka. Pinagmasdan ang iba't-ibang klase ng ripleng nakadisplay sa isang estante. Nilapitan niya iyon.Nagsimula siyang magsanay ng martial arts sa edad na pitong taong gulang. Sa edad na labing anim, pagkatapos ng kanyang highschool ay ipinadala siya ng kanyang lolo sa isang giyera para sa kanyang ikatlong training sa loob ng isang taon.Kasagsagan pa mismo na may nangyayaring giyera nang ipinadala siya. Kahit na marami na siyang kaalaman noon sa iba't-ibang uri ng baril na kasama sa itinuro sa kanya sa unang naging pagsasanay niya, hindi naman iyon makakatulong kung papaulanan siya ng bala ng mga kalaban dahil hindi niya naman
Hirap na tunawin ng isip ni Luke ang mga sinabi ni Natalia, lalo na ang gusto nitong mangyari. Bakit kailangan pa siyang pagsanayin nito kung ang kailangan lang naman nitong gawin ay protektahan si Kina? Pwede naman silang magtulungan nalang kumbaga iyon lang ang layunin nito.Narinig niya ang marahang pagbuntong hininga nito. "Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa'yo. Pero sa ngayon ay iyon lang muna ang sasabihin ko. Sa tamang oras ay malalaman mo rin ang buong detalye."Isa pa iyon sa ipinagtataka niya at mas nagpapasakit ng kanyang ulo. Kung bakit ayaw nito iyon sabihin sa kanya ngayon at kung kailan ang tamang oras na iyon."Naiintindihan ko. Pero maaari ko bang malaman kung anong mga nalalaman mo sa organisasyon ni Jason? Magiging malaking tulong ang impormasyong iyon hindi lang sa'kin kun'di ay maging na rin sa organisasyon ni lolo."Pinagsalikop ni Natalia ang mga kamay nito sa ilalim ng sariling baba habang nakatukod ang mga siko sa counter. "Plano ko na rin namang sabih
Break time at kasalukuyang nasa classroom si Luke, bagot na nakatitig lang sa kanyang de-keypad na cellphone sa kanyang harapan. Lumapit ang pangkat nina Andrie sa kanya at pinalibutan siya ng mga ito. Nagtatakang napatingin din sila sa cellphone ni Luke."Bakit, hindi ka pa ba nire-reply-an ng dyowa mo?" tanong ni Totoy. Pare-parehas na sinamaan nila ito ng tingin."Bakit?" takang tanong nalang ni Totoy na kasalukuyang kumakain ng tinapay.Tumabi si Andrie kay Luke. "Alam mo, mahirap talagang umakyat ng ligaw lalo pa kapag marami kang kakompetensya. Pero 'wag kang mag-alala, tiwala akong ikaw ang mananalo sa kompetisyon."Napataas ang kilay ni Luke pagkatapos ay binalingan ng tingin si Andrie. Alam na pala nito ang tungkol sa kanyang pagsali sa kompetisyon?Marahang tumango-tango si Andrie na sinundan ng pagtaas-baba ng kilay nito nang maunawaan ang kanyang iniisip pagkatapos ay tinapik-tapik ang kanyang balikat. "Pwede kaming makatulong kung gusto mo," alok nito.Napakamot nalang si
Pagkalipas ng saglit na pagtitinginan ay nagsitawanan ang grupo nina Oliver."Ooh, scary." mapang-inis na sambit ni Paolo."Don't worry, alam ko kung anong dapat gawin sa hindi dapat gawin. It's not you that I'm worried about kung hindi ay ang ibang manliligaw niya. Pupunta lang kami roon upang makipagkilala sa kaibigan mo." nakaismid na sambit ni Oliver pagkatapos ay tumalikod at nagpatiunang umalis.Mayabang na kinalampag pa ni Paolo ang desk ni Luke bilang pahabol bago sumunod kina Oliver."Sigurado ka bang okay lang 'yong kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan niya? Alodia?""Alona." pagtatama ni Luke kay Andrie. "Kaya niya ang sarili niya."Kahit na pagtulungan pa nila si Alona ay hindi sila uubra dito. Minsan niya nang naikumpara ang kakayahan ni Oliver sa kakayahan ni Alona sa pakikipaglaban at kampante siyang mas mahusay si Alona."Really? Marunong din ba siya sa martial arts?" nakakunot noong tanong ni Jonas, tila interesado ang tono ng boses nito.Tinatamad na tumango si Luke."
"May ideya ka ba kung sino sila?" tanong ni Luke, nananatiling nasa rearview mirror ang kanya tingin. Nakita niyang dalawang itim na kotse ang nakabuntot sa kanila."Wala. Since nagtanong ka, ipagpapalagay kong wala ka ring ideya kung sino sila."Napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ni Natalia. Paano siya magkakaroon ng ideya kung si Natalia ang sinusundan ng mga ito?Tutugon na sana siya nang muli itong magsalita. "It seems like they are after you. Pagkarating ko rito ay nakatambay na sila sa labas ng campus. Narinig ko pa silang binanggit ang pangalan mo but they haven't mentioned your surname. So I thought they might be talking about someone else. But they're tailing us now, that explains na ikaw ang pakay nila."Hindi umimik si Luke na nasa estado lang ng pagtataka. Hindi pamilyar sa kanya ang mga kotseng iyon. Hindi kaya mga tauhan iyon ng kanyang lolo na inatasan nitong magbantay sa kanya? Imposibleng tauhan ang mga ito ni Jason. Masyado silang halata.Napahigpit ang hawak
Narinig niya ang ilang palakpak mula sa kanyang likuran. Nilingon niya si Natalia na ngayon ay nakasuot ng itim na sports bodysuit na gawa sa katad. Hapit na hapit iyon sa katawan nito kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Tinanggalan niya muna ng bala ang baril bago muling ilapag sa mesa."Mahusay,"Lumapit si Natalia sa kinatatayuan niya pagkatapos ay binuksan ang drawer ng mesa at kinuha roon ang isang magazine na puno ng bala at ipinalit iyon sa magazine na nakasalpak sa baril. Kinasa nito iyon at iniabot sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo."Anong gagawin ko rito? Uulitin ko ba ang ginawa ko?" takang tanong niya."Nope." Naglakad si Natalia papunta sa gitna ng mga target. "Kapag natamaan mo ako kahit na daplis lang ay sasagutin ko na ang lahat ng katanungan mo sa'kin.""Gusto mong barilin kita?" gulat na tanong niya.Isang beses na tumango si Natalia bilang tugon. "'Yon ay kung magagawa mo akong mapatamaan." sambit nito sa nanghahamong tono.Saglit na nag-isip si Luke. Paano
[Author's Important Note: This is volume 2, a continuation of volume 1, of course. THIS IS NOT, not a standalone novel so please read the volume 1 first bago ninyo basahin 'to. Kayo ang bahala, kung malakas ang trip ninyo ay okay lang naman sa'kin na dito na kayo mag-umpisa XD. No, just kidding. You can click my profile and there, makikita ninyo ang volume 1. Happy reading!]Chapter 148 - A Gift For AlonaKasalukuyang nagkakaroon ng sports event sa La Fernandia University. Karamihan ng estudyante ay sa sports center nagtitipon-tipon. Nakaupo lang si Luke kasama ng karamihan habang nanonood ng basketball sa stadium. Nakasunod ang kanyang tingin sa mga naglalaro, partikular sa kung sinong may hawak ng bola. Pero ang kanyang isip ay wala roon kung hindi ay nasa ibang ibayo.Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang magkausap sila ni Kina pero sa memorya ni Luke ay parang kagabi lang nangyari iyon. Detalyadong-detalyado pa sa kanyang isip kung anong pinag-usapan nila, kung anong suot
"Hindi ako interesado, humanap nalang kayo ng iba." tugon ni Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukha. Ni hindi man lang siya nag-abalang tingnan si Andrie habang sinasabi iyon.Hinawi ni Andrie ang estudyanteng nakaupo sa unahan nina Luke. Hindi naman ito nakaangal nang makitang si Andrie iyon kaya agad silang nagsialisan. Lumuhod pa si Andrie sa mismong upuan kaya nagtaka na lamang ang mga nakakakita rito.Alam nilang isang pilyo si Andrie at ang katotohanang anak ito ng pang-apat na pinakamayamang pamilya sa kanilang syudad ay nagbibigay sa kanila ng katanungan kung bakit lumuluhod ito sa isang katulad lang ni Luke. Kung sila ang nasa posisyon ni Andrie ay bakit hindi nalang nila pilitin si Luke? Bukod pa rito ay kasama pa nila si Isaac na alam nilang miyembro ng Undying Society."Please, Luke, kalaban namin sina Oliver at hindi lang basta grado ang nakasalalay rito, kung hindi ay malaking halaga ng pera. Nakipagpustahan ako sa kanya ng isang daang libong piso."Namilog a