Naging mas mapusok at determinado pa ang bawat pag-atake ngayon ni Ryle kumpara kanina. Kahit na mismo ang mga nanonood ay ramdam nila kung gaano kalakas ang bawat pagsuntok nito.Oras na tumama ang kahit isa mang suntok nito kay Luke ay tiyak na malaking pinsala iyon. Lalo pa't mukhang ang kanyang ulo ang pinupuntirya nito.Nagsindi naman ng sigarilyo si Natalia habang inip na nakatingin sa ibang direksyon. Nakasandal ito sa mismong Ferrari na panregalo ni Ryle. Tumingin ito sa dalawang naglalaban pagkatapos ay nailing-iling."I can smell the stench of bad news miles away," usal nito sa sarili habang nakasunod ang tingin kay Ryle. "Unfortunately ay hindi 'yan uubra kay Luke. You're just going to kill yourself." dagdag pa nito.Nagpatuloy sa pag-ilag si Luke. Kasabay ng pag-iinit ni Ryle ay parang mas nakikita niya pa ang kakaiba sa pangangatawan nito. Parang unti-unting nagiging maputla ang balat nito pero hindi iyon mahahalata kapag may distansyang tiningnan dahil sa maputi si Ryle.
Kung anong ekspresyon ng mukha ng mga nanonood kanina nang itapon ni Luke si Ryle ay nasa ganoon pa rin silang estado ngayon. Pinulsuhan ni Luke ang leeg ni Ryle upang makasigurado. Nang maramdamang pumipintig naman iyon ay nakahinga siya nang maluwag. Tumayo siya at nagtungo sa kinaroroonan ni Natalia. "Mukhang nag-enjoy ka pa sa laban n'yo ah. You could've done it earlier with that strike." saad ni Natalia na saktong kakaubos lang ng hinihithit nitong sigarilyo. Itinapon nito ang upos sa patyo pagkatapos ay nagsimulang maglakad paalis. Tumingin muna si Luke sa kinatatayuan ni Kina na parang hinihintay ring tingnan niya ito bago siya umalis. Iniwanan niya ito ng matamis na ngiti saka marahang nagbaba-taas ang ulo bilang paalam. Ilang saglit pa bago tuluyang makakilos ang mga naiwan doon na gulat na gulat sa nangyaring laban. Dali-daling nagsilapitan ang mga bisita sa walang malay na si Ryle upang tulungan ito nang makabawi ng diwa ang mga ito. Parehas namang may gulat lang na rea
"Ano 'to, basement?" tanong niya."Nope. Go ahead and open it."Nag-alanganin pa si Luke bago sundin si Natalia. Paano kung patibong lang iyon nito sa kanya at plano siya nitong ikulong roon at gawing bihag?Gayunpaman ay huli na ang lahat kung mangyari man nga ang pinag-iisip niya. Kahit anong husay niya sa martial arts ay hindi siya uubra kay Natalia. Tangkain man niyang tumakbo ngayon ay imposibleng makalayo pa siya."What? Iniisip mo bang may gagawin akong masama sa'yo? Hanggang ba ngayon ay wala ka pa ring tiwala sa'kin?"Lumapit ito sa kanya kaya mas lalo siyang nakaramdam ng kaba. Bukod sa babae, ay si Natalia lang ang unang nakapagbigay sa kanya ng ganoong klaseng kaba.Halos kasingtangkad niya lang ito. Ang maalindog nitong pangangatawan ay hinahapit ng suot nitong damit kaya hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito lalo na sa maputi nitong dibdib na malamlam lang na nahahagip ng ilaw ng flashlight. Hindi na nakakapagtaka pa kung bakit pinapantasya ito ng lahat ng nasa uppe
"T-Teka. Baka makalabit mo 'yan?" Ibinaba ni Natalia ang baril at tinanggalan ng magazine. Ikinasa nito iyon upang tanggalin ang balang nakasalang. "Kaya kailangan mong matutunan kung paano ilagan ang bala ng baril. Kailangan mong maging mas mabilis pa. Iyon nalang ang kailangan mong matutunan." Suminghap si Luke at hindi nag-abalang magsalita sa kabila ng pagtataka. Pinagmasdan ang iba't-ibang klase ng ripleng nakadisplay sa isang estante. Nilapitan niya iyon. Nagsimula siyang magsanay ng martial arts sa edad na pitong taong gulang. Sa edad na labing anim, pagkatapos ng kanyang highschool ay ipinadala siya ng kanyang lolo sa isang giyera para sa kanyang ikatlong training sa loob ng isang taon. Kasagsagan pa mismo na may nangyayaring giyera nang ipinadala siya. Kahit na marami na siyang kaalaman noon sa iba't-ibang uri ng baril na kasama sa itinuro sa kanya sa unang naging pagsasanay niya, hindi naman iyon makakatulong kung papaulanan siya ng bala ng mga kalaban dahil hindi niya n
Hirap na tunawin ng isip ni Luke ang mga sinabi ni Natalia, lalo na ang gusto nitong mangyari. Bakit kailangan pa siyang pagsanayin nito kung ang kailangan lang naman nitong gawin ay protektahan si Kina? Pwede naman silang magtulungan nalang kumbaga iyon lang ang layunin nito.Narinig niya ang marahang pagbuntong hininga nito. "Alam kong marami akong dapat ipaliwanag sa'yo. Pero sa ngayon ay iyon lang muna ang sasabihin ko. Sa tamang oras ay malalaman mo rin ang buong detalye."Isa pa iyon sa ipinagtataka niya at mas nagpapasakit ng kanyang ulo. Kung bakit ayaw nito iyon sabihin sa kanya ngayon at kung kailan ang tamang oras na iyon."Naiintindihan ko. Pero maaari ko bang malaman kung anong mga nalalaman mo sa organisasyon ni Jason? Magiging malaking tulong ang impormasyong iyon hindi lang sa'kin kun'di ay maging na rin sa organisasyon ni lolo."Pinagsalikop ni Natalia ang mga kamay nito sa ilalim ng sariling baba habang nakatukod ang mga siko sa counter. "Plano ko na rin namang sabih
Break time at kasalukuyang nasa classroom si Luke, bagot na nakatitig lang sa kanyang de-keypad na cellphone sa kanyang harapan. Lumapit ang pangkat nina Andrie sa kanya at pinalibutan siya ng mga ito. Nagtatakang napatingin din sila sa cellphone ni Luke."Bakit, hindi ka pa ba nire-reply-an ng dyowa mo?" tanong ni Totoy. Pare-parehas na sinamaan nila ito ng tingin."Bakit?" takang tanong nalang ni Totoy na kasalukuyang kumakain ng tinapay.Tumabi si Andrie kay Luke. "Alam mo, mahirap talagang umakyat ng ligaw lalo pa kapag marami kang kakompetensya. Pero 'wag kang mag-alala, tiwala akong ikaw ang mananalo sa kompetisyon."Napataas ang kilay ni Luke pagkatapos ay binalingan ng tingin si Andrie. Alam na pala nito ang tungkol sa kanyang pagsali sa kompetisyon?Marahang tumango-tango si Andrie na sinundan ng pagtaas-baba ng kilay nito nang maunawaan ang kanyang iniisip pagkatapos ay tinapik-tapik ang kanyang balikat. "Pwede kaming makatulong kung gusto mo," alok nito.Napakamot nalang si
Pagkalipas ng saglit na pagtitinginan ay nagsitawanan ang grupo nina Oliver."Ooh, scary." mapang-inis na sambit ni Paolo."Don't worry, alam ko kung anong dapat gawin sa hindi dapat gawin. It's not you that I'm worried about kung hindi ay ang ibang manliligaw niya. Pupunta lang kami roon upang makipagkilala sa kaibigan mo." nakaismid na sambit ni Oliver pagkatapos ay tumalikod at nagpatiunang umalis.Mayabang na kinalampag pa ni Paolo ang desk ni Luke bilang pahabol bago sumunod kina Oliver."Sigurado ka bang okay lang 'yong kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan niya? Alodia?""Alona." pagtatama ni Luke kay Andrie. "Kaya niya ang sarili niya."Kahit na pagtulungan pa nila si Alona ay hindi sila uubra dito. Minsan niya nang naikumpara ang kakayahan ni Oliver sa kakayahan ni Alona sa pakikipaglaban at kampante siyang mas mahusay si Alona."Really? Marunong din ba siya sa martial arts?" nakakunot noong tanong ni Jonas, tila interesado ang tono ng boses nito.Tinatamad na tumango si Luke."
"May ideya ka ba kung sino sila?" tanong ni Luke, nananatiling nasa rearview mirror ang kanya tingin. Nakita niyang dalawang itim na kotse ang nakabuntot sa kanila."Wala. Since nagtanong ka, ipagpapalagay kong wala ka ring ideya kung sino sila."Napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi ni Natalia. Paano siya magkakaroon ng ideya kung si Natalia ang sinusundan ng mga ito?Tutugon na sana siya nang muli itong magsalita. "It seems like they are after you. Pagkarating ko rito ay nakatambay na sila sa labas ng campus. Narinig ko pa silang binanggit ang pangalan mo but they haven't mentioned your surname. So I thought they might be talking about someone else. But they're tailing us now, that explains na ikaw ang pakay nila."Hindi umimik si Luke na nasa estado lang ng pagtataka. Hindi pamilyar sa kanya ang mga kotseng iyon. Hindi kaya mga tauhan iyon ng kanyang lolo na inatasan nitong magbantay sa kanya? Imposibleng tauhan ang mga ito ni Jason. Masyado silang halata.Napahigpit ang hawak
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg