Share

Chapter 184 - Easily Thrown

Naging mas mapusok at determinado pa ang bawat pag-atake ngayon ni Ryle kumpara kanina. Kahit na mismo ang mga nanonood ay ramdam nila kung gaano kalakas ang bawat pagsuntok nito.

Oras na tumama ang kahit isa mang suntok nito kay Luke ay tiyak na malaking pinsala iyon. Lalo pa't mukhang ang kanyang ulo ang pinupuntirya nito.

Nagsindi naman ng sigarilyo si Natalia habang inip na nakatingin sa ibang direksyon. Nakasandal ito sa mismong Ferrari na panregalo ni Ryle. Tumingin ito sa dalawang naglalaban pagkatapos ay nailing-iling.

"I can smell the stench of bad news miles away," usal nito sa sarili habang nakasunod ang tingin kay Ryle. "Unfortunately ay hindi 'yan uubra kay Luke. You're just going to kill yourself." dagdag pa nito.

Nagpatuloy sa pag-ilag si Luke. Kasabay ng pag-iinit ni Ryle ay parang mas nakikita niya pa ang kakaiba sa pangangatawan nito. Parang unti-unting nagiging maputla ang balat nito pero hindi iyon mahahalata kapag may distansyang tiningnan dahil sa maputi si Ryle.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status