"Javier! Stop spouting nonsense!" Kumpletong nawala ang sigla sa mukha ni Dominica nang marinig nito ang sinabi ni Javier. "Kung wala kang balak na tumulong sa pagtanggap ng mga bisita, mas mabuti pang doon ka nalang sa opisina mo at atupagin ang martial arts mo! Anong sinasabi mong magsasayang lang ng pera si Mr. Lucero?"Hindi pinansin ni Javier ang pagdadadada ni Dominica. Lumapit ito sa kinaroroonan ng kotse at may seryosong ekspresyon lang sa mukhang pinagmasdan iyon."Hindi ko nakuha ang ibig n'yong sabihin, Lord Javier. Sinasabi n'yo bang may mas karapat-dapat pa kay Ms. Alanis kaysa sa'kin? Sa palagay n'yo ba ay may mas hihigit pa sa'kin sa lahat ng kanyang manliligaw?" usisa ni Ryle.Tumaas ang isang kilay ni Javier at pinagsalikop ang mga kamay sa kanyang likuran. "Hindi ito tungkol sa kung sino ang mas karapat-dapat at kung sino ang mas higit. Ang ibig kong sabihin ay hindi ka dapat basta-basta nalang nagtatapon ng pera para sa isang walang kasiguraduhang bagay. Ayoko lang
"Alright, kung itutuloy pa rin ni Ryle ang panliligaw niya ay bakit ako aatras? sampung libong dolyar na ang nai-donate ng pamilya ko sa pamilya Alanis. I don't care kung hindi man ako manalo, ang importante ay susubok ako." pasigaw na sambit ng isang bisita. Makalipas ng ilang saglit ay ganoon din ang naging desisyon ng iba pa. Hindi nila hahayaan na magtagumpay nalang basta si Ryle. Lahat sila ay nakapagbigay na sa pamilya Alanis at hindi nila gugustuhing mapunta nalang iyon sa wala nang wala man lang silang napapala. Napabuntong hininga si Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukhang pinagmamasdan ang mga ito. Sila ang halimbawa ng mga isdang kumagat sa pain nina Dominica kaya ngayon ay nagkakagulo sila sa iisang buslo. Kahit gusto pa nilang kumawala ay mas pipiliin nalang nilang makipagsapalaran at hayaan ang kapalaran ang maghatid sa kanila pabalik ulit sa karagatan. Tiningnan niya sina Dominica. Gumaan-gaan na ang loob nito nang marinig ang desisyon ng mga bisita. Maki
Nanigas na lang sila sa kanilang mga kinatatayuan habang pinapanood ang pagsuntok na atake ni Ryle kay Daniel. Wala silang magawa kung hindi ang sigawan at kumbinsihin silang huminto.Umpisa palang ay mababatid na kaagad na nasasaktan si Daniel sa bawat suntok na natatamo nito kay Ryle kahit pa sinasalag nito iyon. Sadyang napakalakas ng binibitawang suntok ni Ryle."S-security! Bakit nagsisitayuan lang kayo? Do something!" bulyaw ni Dominica sa mga guwardyang hindi magawang makalapit kina Ryle. Tumawag ang isa sa mga ito ng back-up upang tulungan sila sa pag-awat sa dalawa.Sinubukan ni Ryle magkontra-atake ng sipa pero nanlaki nalang ang mata nito nang hindi man lang niyon nagawang maapektuhan si Ryle kahit pa hindi nito iyon sinalag. Nginisian lamang siya nito."I told you na hindi uubra sa'kin ang karate mo,"Muling sumugod si Ryle. Puro pag-atake lang ang ginawa nito kaya panay atras lang ang ginawa ni Daniel. Sinusubukan nitong ilagan ang mga atakeng iyon ni Ryle pero sadyang na
Nagulat ang lahat nang magawa ni Luke pahintuin ang suntok ni Ryle. Nagtataka pa ang ilan sa kanila kung paano niya nagawa iyon.Kahit na naiinis sina Dominica kay Luke ay hindi maiwasan ng mga ito na makaramdam ng pagkaginhawa dahil sa kanyang ginawa."T-thank God. I thought mamamatay sa bugbog si Mr. Ruiz ngayong gabi." saad ni Caroline.May gulat ding reaksyon si Daniel nang muli nitong idilat ang mga mata nito. Una nitong tiningnan si Ryle at nakita ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa itsura nito. Napatingin siya kay Luke.'Siya ba ang nagpahinto ng suntok ni Ryle?' tanong nito sa isip."Kung ano man ang problema n'yo sa isa't-isa ay hindi magandang ideya na dito kayo magpatayan sa harap mismo ng mansyon ng pamilya Alanis. Hindi ko sinasabing gawin n'yo ito sa ibang lugar. Ang ibig kong sabihin ay ayokong ipinapakita n'yo ang karahasan n'yo sa harapan mismo ni Kina." seryosong wika lang ni Luke.Mariing tinitigan ni Ryle si Luke. Sa lahat ng naroon ngayon ay siya ang may pinaka
"W-why are you staring at us like that?"Hindi maintindihan ni Caroline nang bigla itong makaramdam ng panlalamig sa batok dahil lang sa pagtitig sa kanila ni Luke. Parang dumaloy pa iyon sa kanyang dibdib papuntang balakang hanggang tuhod. Ngayon ay gusto na niyong manginig."Thank you for stoping them. Ngayon makakaalis ka na." sambit ni Dominica. Hindi ito nagpatinag sa titig ni Luke. Parang wala lang ditong nakapang-insulto ito.Napabuntong hininga nalang si Luke. Hindi niya lubos maisip na ganito ang pag-uugali ng dalawa. Mabuti nalang at kahit kaunti ay hindi iyon namana ni Kina."No, he can't leave yet. Hangga't hindi ko pa nababali ang alinman sa mga daliri ng lalaking ito." Lumapit si Ryle sa kinatatayuan mismo ni Luke at nakipagsabayan ng titig. "Hindi ba't gusto mong sumali sa kompetisyon? Ngayon mo na umpisahan sa'kin."Namayani ang saglit na katahimikan bago nagsimula ang bulungan ng mga bisita."Nahihibang na ba siya? Talagang papatulan niya 'yang lalaking 'yan?""Pero n
"Hindi ako kontento sa sinabi mo," wika ni Luke kay Ryle bago balingan ng malamig na tingin si Dominica. "Gusto kong magmula mismo sa bibig ni Lady Dominica na papayagan niya akong sumali sa kompetisyon kapag natalo kita.""Hah! Sa tingin mo ba ay magagawa mo 'yon?"Gustong matawa ni Ryle sa sinabi ni Luke. Ang kanyang kundisyon ay kahit na magawa man lang nitong saktan siya ay papayag na siyang sumali ito sa kompetisyon. Sinong niyayabangan nito?"Fine. I will allow you to join the competition kapag nagawa mong talunin si Mr. Lucero." walang pagdadalawang-isip na wika ni Dominica. Sigurado naman ito sa magiging resulta ng laban.'You're just digging your own grave, stupid trash!' sambit pa nito sa isip pagkatapos ay napangisi."So that's it! Narinig mo namang payag si Lady Dominica," sambit ni Ryle. "Siguro naman ay kontento ka na ro'n. Gusto mo bang magsuot pa ako ng gloves para hindi ka masyadong masaktan?" pang-uuyam nito.Binalingan ito ni Luke ng tingin, nanatiling magkasalikop
Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ryle. Hindi niya nagustuhan ang pananalita nito. Gayunpaman ay wala itong magawa. Langgam lang ang pamilya niya kumpara kay Natalia."Ms. McCollin,"Mabilis na lumapit si Dominica sa kanila habang may pag-aalala sa mukha. Sinundan naman agad ito ni Caroline, Kina at Ferdinand."Anong ginagawa n'yo rito? Si Kina ba ang nagpapunta sa inyo?" dagdag na usisa ni Dominica, nagtatakang napatingin pa kay Kina.Tumaas ang dalawang kilay ni Kina sabay bahagyang nailing. Wala rin itong ideya kung bakit naroon si Natalia."Good evening, Lady Dominica. Pasensya na kung biglaan ang pagpunta ko rito,"Sa likod ng magalang na pagbating iyon ni Natalia ay napansin ni Luke ang pagkamuhing nakakubli sa tipid nitong ngiti. Mukhang para kay Dominica iyon."Oh it's actually fine. Kahit araw-araw ka pang pumunta rito sa'min ay welcome na welcome ka sa aming munting mansyon." malugod na saad ni Dominica."Actually kaya ako pumunta rito ay dahil gusto kong sunduin ang kaibiga
Naging mas mapusok at determinado pa ang bawat pag-atake ngayon ni Ryle kumpara kanina. Kahit na mismo ang mga nanonood ay ramdam nila kung gaano kalakas ang bawat pagsuntok nito.Oras na tumama ang kahit isa mang suntok nito kay Luke ay tiyak na malaking pinsala iyon. Lalo pa't mukhang ang kanyang ulo ang pinupuntirya nito.Nagsindi naman ng sigarilyo si Natalia habang inip na nakatingin sa ibang direksyon. Nakasandal ito sa mismong Ferrari na panregalo ni Ryle. Tumingin ito sa dalawang naglalaban pagkatapos ay nailing-iling."I can smell the stench of bad news miles away," usal nito sa sarili habang nakasunod ang tingin kay Ryle. "Unfortunately ay hindi 'yan uubra kay Luke. You're just going to kill yourself." dagdag pa nito.Nagpatuloy sa pag-ilag si Luke. Kasabay ng pag-iinit ni Ryle ay parang mas nakikita niya pa ang kakaiba sa pangangatawan nito. Parang unti-unting nagiging maputla ang balat nito pero hindi iyon mahahalata kapag may distansyang tiningnan dahil sa maputi si Ryle.