Share

Chapter 154 - Defeat Him

Author: Zaligma
last update Huling Na-update: 2024-09-01 20:04:58

Napagdesisyunan ni Luke na umalis. Dahil sa wala na rin naman doon si Kina ay wala nang punto pang maglaro. Wala rin namang klase ngayon kaya bibisitahin niya nalang muna siguro ang kanyang kumpanya. Marami pa siyang hahabuling pagsasanay. Si Alona nalang muna ang bahalang magbantay kay Kina.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Andrie. May pag-aalala sa mukha nito.

"Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukha atang hindi na ako makakapaglaro. Humanap nalang kayo ng papalit sa'kin."

Nagsilaglagan ang balikat nina Andrie samantalang nagsitawanan naman ang pangkat ni Oliver.

"What a loser. Tumaas pa man din ng tingin ko sa'yo kanina nang binalaan kami ni Oliver sa'yo." nakaismid na sambit ng isang kakampi ni Oliver.

"Martial Artist my ass," Dumura pa si Nicolo matapos sabihin iyon. Nakasabit ang mga kamay nito sa net. "Anong klase naman ng martial arts ang inaaral mo? Nagsasanay kung paano hindi ilagan ang atake ng kalaban?" pang-aasar nito. Nagsitawanan ang mga kasamahan nito maliban kay Oliver.

Nagsitawanan na rin ang mga nanonood. Ang iba ay nagsimulang insultuhin at maliitin din si Luke.

Hindi sila pinansin ni Luke na nagtuloy lang sa paglakad. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niyang tinawag siya ni Oliver.

"Kung hindi mo itutuloy ang laro, ibig sabihin lang ay tinatanggap mo na ang pagkatalo mo,"

Nahinto si Luke sa paglakad. Maging sina Nicolo ay natigilan din sa sinabing iyon ni Oliver.

"Inaamin mo nang natalo kita ngayon at parehas na ang puntos natin." dagdag pa nito.

Napasinghap si Luke bago humarap. "Katulad nga ng sinabi ko sa'yo ay hindi ako interesadong makipagkompetensya sa'yo. Hindi mo na kailangan pang gawin 'to. Sasayangin mo lang ang oras mo." seryoso niyang sambit.

Noong naglaban sila ni Oliver ay sinabihan niya itong lubayan na si Kina sakaling matalo man niya ito. Pero heto pa rin si Oliver, pursigidong talunin siya at ipakitang mas higit itong mas magaling sa kanya.

Unang araw palang nang pumasok ito sa La Fernandia ay muli na naman siya nitong hinamon at sinabihan niya lang itong hindi siya interesado sa anumang pakikipagkompetensyang imumungkahi nito.

Napakuyom ang kamao ni Oliver. "Are you looking down on me? Bakit hindi mo muna patunayang mas mahusay ka sa'kin sa larong 'to? Kapag natalo mo ako ngayon ay pinapangako kong ngayon din mismong araw na ito ay aalis ako sa paaralang ito."

Napaawang ang bibig ng lahat sa sinabing iyon ni Oliver. Hindi nila maintidihan kung bakit napakataas ng tingin nito kay Luke sa puntong gusto nitong makipagkompetensya sa kanya. Sino ba si Luke? Isa lang naman itong ordinaryong estudyante sa kanilang paningin na hindi kailangan pagtuunan ng atensyon. Hindi pa man banggitin na ikalawang round palang ay napuruhan na kaagad ito ng atake ni Nicolo na ibig sabihin lang ay hindi talaga ito marunong maglaro ng volleyball.

"Are you out of your mind? Bakit sineseryoso mo ang lalaking 'yan? Hindi mo ba nakita kung gaano siya kalampa?" pabulong na sambit ni Nicolo kay Oliver. Natikom din naman agad ang bibig nito nang tingnan ito nang masama ni Oliver.

"It's none of your business. Wala ka sa lugar upang pagsabihan ako. Just do your job at talunin natin siya."

Nagkatinginan nalang sa isa't-isa ang mga kakampi ni Oliver bago nagtatakang pagmasdan si Luke. Saan mang bahagi ng katawan nito ay hindi nila makita ang hinahanap nilang kahusayan katulad ng ipinaparating sa kanila ni Oliver. Baka pinagtitripan lang sila ni Oliver?

Saglit na nag-isip si Luke habang mariing pinagmamasdan si Oliver. Napakamot siya sa kanyang ilong bago muling bumalik sa court. Kung si Oliver na rin mismo ang nangakong aalis ito kapag natalo niya ito ay bakit pa siya tatanggi?

Tahimik na sinundan nila ng tingin si Luke. Ang iba sa kanila ay iniisip kung gaano katanga si Luke upang bumalik sa court. Hindi pa ba ito nadala sa ginawa sa kanya ni Nicolo?

Kabaliktaran naman niyon ang naging reaksyon ni Andrie. Sa mata niya ay si Luke ang tagapagligtas na hiniling niya mula sa langit. Kahit napuruhan ito ni Nicolo ay hindi iyon alintana sa kanya. Sa kanyang mata ay si Luke pa rin ang pinakamahusay sa lahat.

"Luke! Luke! Our savior! Salamat sa muling pagbabalik!" Sinalubong ni Andrie ng yakap si Luke pero mabilis iyong iniwasan ni Luke.

Napapatanong nalang ang ilan sa mga nanonood kung bakit pati si Andrie ay napakataas din ng tingin kay Luke. Dalawang young masters na nagmula sa mga makapangyarihang pamilya, parehas na tinuturing si Luke sa hindi abot ng kanilang kaalaman.

Sino o ano ba si Luke sa kanilang paningin?

Napangisi si Oliver. Nagawa niyang kumbinsihin si Luke. Ngayon ay ipapatikim niya rito ang galing niya sa paglalaro ng volleyball. Walang kaide-ideya si Luke kung gaano siya kagaling. Higit pa man sa mga varsity players na kakampi niya ang kanyang galing kaya imposible para sa pangkat nina Luke ang manalo. Idagdag pang nakita niyang mukhang hindi gaano kagaling si Luke base sa nakita niyang laro nito kanina kahit na palabas lang nito ang ginawa nitong pagtanggap sa atake ni Nicolo.

Siguro ay kaya lang iyon ginawa ni Luke ay upang magkaroon ng dahilan na tumakas sa kanyang pagkatalo. Alam ni Luke na wala siyang tsansang manalo laban sa kanya kaya gumawa nalang ito ng paraan upang umalis.

'Tingin mo ba ay hahayaan nalang kitang tumakas? Ngayon ay ako naman ang gugulpi sa'yo.' nakaismid sa wika ni Oliver sa kanyang isip.

"Sigurado ka bang kaya mong maglaro?" paniniguro ni Novelito. Ang tingin nito ay parang pinag-aaralan ang mukha ni Luke.

Bahagyang ngumiti si Luke at tumango. "Yes Sir."

Muling bumalik sa normal ang lahat. Sa signal ni Novelito ay muling nagbalik sa pwesto ang referee. Nagsibalik na rin sa kani-kanilang pwesto ang mga manlalaro. Ang ilan sa kanila ay diretsahang nakatingin pa kay Luke. Hindi naman naintimida si Luke sa tingin nilang iyon. Ang nasa isip niya lang ngayon ay talunin si Oliver nang matapos na ang pangungulit nito.

Kaugnay na kabanata

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 155 - To Counter Oliver's Serve

    Two-zero ang puntos, pabor sa pangkat ni Oliver. Sa kanila ang bola at sila ang magsi-serve. Si Oliver ang setter ng kanilang pangkat kaya nakapwesto ito sa kanang tabi ng libero. Ito rin ang kasalukuyang nagsi-serve. Outside hitter naman si Nicolo samantalang opposite si Allen.Sa pangkat naman ni Luke, siya ang nagsisilbing outside hitter na nakapwesto sa kaliwa ng kanilang libero na walang iba kung hindi ay si Andrie. Si Andrie lang din mismo ang nagtalaga sa kanyang sarili na maging libero ng kanilang pangkat. Hindi dahil sa siya ang pinakamahusay na tactic maker sa kanila, kung hindi sa siya ang lider ng kanilang pangkat. Ang ganda ng basehan hindi ba?Setter ang isa sa ni-recruit ni Andrie at ang isa naman ay opposite. Si Jonas ang nagsisilbing middle blocker at si Isaac naman ang katabi nito sa kanan. Hindi katangkaran si Jonas upang maging blocker, pero iyon ang napag-usapan nilang posisyon: posisyong kamote.Sinong may pake? Hindi naman sila mga propesyonal na manlalaro. Ni w

    Huling Na-update : 2024-09-01
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 156 - Luke's Unexpected Jumping Skill

    Malakas na hinampas ni Luke ang bola habang nakasuspende siya sa ere. Lahat ay may pigil lang na hininga habang nakatingin sa pagtama ng kanyang kamay sa bola. Tila nag-slo-mo pa ang pangyayaring iyon sa kanilang paningin dahil sa kanilang sobrang pagkabigla. Ang kaninang lalampa-lampa ay hindi nila akalaing napakataas palang lumundag!Dahil sa sobrang pagkabigla nina Nicolo at buong pangkat nito ay hindi agad nakakilos ang mga ito. Ni hindi man lang nag-abalang gumalaw ang mga ito nang puntong lumipat na sa kabila ng net ang bola. Lahat sila ay nakasunod lang ang tingin sa paglapag ni Luke."I-imposible!" gulat na reaksyon ni Nicolo. Siya na ang pinakamataas na tumalon sa kanilang pangkat at aminado siyang nahigitan iyon ni Luke.Pumito ang referee. Itinaas nito ang dalawa nitong kamay habang ang mga palad ay nakaharap sa sarili nito. Ibig sabihin lang niyon ay bumagsak sa labas ng linya ang bola. Puntos pa rin iyon ng pangkat ni Oliver."Mukha atang wala akong kontrol sa pag-spike.

    Huling Na-update : 2024-09-02
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 157 - Incredible Speed

    Nakita niya nalang na umangat sa ere ang bola at papunta pa rin ang direksyon niyon sa kanilang setter. Tinangka nitong baliktarin ang pagpapadulas ng kamay sa pagtanggap ng bola pero muli na namang binaliktad ni Oliver ang direksyon ng ikot niyon kaya mabilis na tumalbog iyon nang pahalang pakaliwa. Tsansa na sana iyon ni Luke upang buhayin ang bola pero inabot iyon ni Andrie kaya tumalbog iyon paitaas diretso palabas ng court.Napakamot nalang si Luke sa kanyang ulo. Seven-zero na ang score. Hindi siya nababahala dahil matalo man sila ay unang set palang iyon at may apat na set pa. Pero wala siyang balak na ipatalo iyon. Ayaw na niyang paabutin pa ang laro sa ikaapat na set. Ilang ikot pa bago siya mag-serve. Siguradong hindi gugustuhin nina Oliver kapag siya na ang mag-serve.Pumito ang referee at ang kanilang setter na naman ang tumanggap ng serve ni Oliver. Nagawa ng setter na matanggap ang bola at maipalobo iyon pero palabas pa rin ang direksyon niyon. Sa tingin ng ilan ay punto

    Huling Na-update : 2024-09-02
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 158 - Kina Knows Luke's Feeling

    "Look how happy he is." nakangising sambit ni Alona habang nakatingin kay Luke. Kasama ito ngayon nina Kina.Hindi nagbago ang masayang ekspresyon sa mukha ni Kina. Nakasunod lang ang kanyang tingin kay Luke. Masaya siya dahil sa ibinalita ni Alona sa kanya.Nang palabas na sila ng gate ng stadium ay saktong nakasalubong nila si Alona. Tinanong sila nito kung saan sila pupunta at gaya nga ng naging rason niya kay Jackielyn ay iyon ang sinabi niya kay Alona. Nabigla nalang siya nang hilahin siya nito papunta sa likurang bahagi ng stadium kung saan walang makakarinig sa kanila.Inamin sa kanya ni Alona ang tungkol sa nararamdaman ni Luke para sa kanya. Pati ang pagkakabasa nito sa kanyang diary ay nabanggit din nito kaya hindi na siya nakapagsinungaling pa tungkol doon. Nalalagay lang na parehas sila ni Luke ng nararamdaman sa isa't-isa kung ganoon.Nalaman niya ring kaya tinanggap ni Luke ang trabahong inalok ng kanyang lolo ay dahil sa gusto talaga siya nitong protektahan, dahil sa ma

    Huling Na-update : 2024-09-02
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 159 - The Libero Quits

    Sa hudyat ng referee, nag-serve ang kakampi ni Oliver. Hindi nalalayo ang kalakasan niyon sa mga kakampi nito. Maswerteng maayos iyong natanggap ni Jonas kaya nag-set si Andrie para kay Luke."Ikaw nang bahala Luke!" mahinang bulalas nito.Paglundag ni Luke ay tiningnan niya saglit ang posisyon ng pangkat nina Oliver. Napangisi siya nang makitang mukhang nasa likod lahat ang atensyon ng kanilang depensa. Dahil doon ay mahinang spike lang ang ginawa niya at pinasabit iyon sa itaas ng net kaya paglipat ng bola sa kabila ay diretso lang iyong bumagsak sa unahan nila.Napasampal sa noo si Nicolo. Simpleng trick at mga propesyonal sila, nagawa ni Luke na magulangan sila gamit iyon. Nagmukha silang tanga nang puntong iyon. Malaking kahihiyan iyon para sa kanilang pangkat.Pumito ang referee, puntos iyon nina Luke. Napangiti siya nang ipasa sa kanya ang bola. Siya na ang magsi-serve. Saglit niya iyong pinagmasdan at pinakiramdaman."Get ready guys, kahit malaki ang lamang natin ay may tsansa

    Huling Na-update : 2024-09-03
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 160 - New Competitor

    Kasama ang lalaki ay bumalik sa court si Novelito. "Mr. Sullivan wants to play on your side. Okay lang ba sa inyong siya ang isali ninyo?"Pare-parehas silang napatingin sa lalaki at parehas na may gulat na reaksyon si Luke at Oliver."Zeo?" usal ni Luke. Anong ginagawa niya rito?"No thanks, papunta na ang mga ka-teammate namin. Hindi namin kailangan ng random na kakampi.""No, wait. We actually need someone like him." Lumapit si Oliver kay Zeo, tila nangangaral ang mata nito. "Bagong lipat ka lang din ba, Mr. Sullivan?"Ang tanong na iyon ni Oliver ay may ibang ipinapahiwatig. Iniisip nitong lumipat din si Zeo sa paaralang iyon dahil sa pareho nilang dahilan.Tumango lang si Zeo. Hindi ang mismong tanong ni Oliver ang tinugon nito kung hindi ang isa pang tanong sa likod niyon. Nandito nga ito dahil sa gusto rin nitong makipagkompetensya para sa pag-ibig ni Kina.Lumikot ang mata ni Luke. Naintindihan niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Ibig bang sabihin ay tama nga ang kanyang hinalan

    Huling Na-update : 2024-09-03
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 161 - Very Strong Serve

    Mas dumami pa ang manonood kumpara kanina. Hindi pa tapos ang basketball ay nagsilipat na ang ibang manonood mula roon nang malaman nila ang kaganapan sa volleyball."Talaga? Nagawa niya 'yon?" gulat na reaksyon ng isang estudyante nang kwentuhan ito ng kasama nito tungkol sa husay ni Luke.Kaliwa't kanan ang mga kwentuhan ng mga manonood kaya naman ay rinding-rindi na sa kanila si Alona. Nakabusangot ito habang nakahalukipkip."And now he's showing off. Porket nanonood sa kanya ang crush niya?""Sinong crush?" Dinungaw ni Jackielyn si Alona, nakakunot ang noo nito. "May crush ba si Luke sa mga estudyanteng nanonood?"Nakangising-asong binalingan ito ng tingin ni Alona. "This lady right here, siya ang crush ni Luke." Ngumuso pa si Alona upang ituro si Kina.Ilang saglit bago nakapag-react si Jackielyn sa sinabing iyon ni Alona. Napatayo ito sa kinauupuan nito habang may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "S-si Kina? C-crush ni—"Mabilis na tumayo rin si Kina upang takpan ang bi

    Huling Na-update : 2024-09-04
  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 162 - Two Monsters

    Sa panandaliang segundong iyon, lahat ay nagulat sa biglaang pagbabago ng direksyon ng bola. Parang nagawa ni Luke kontrolin ang bola sa pamamagitan ng pagpektus niyon!Sa paningin ni Toby, sa kalahating segundo na dapat ikikilos nito upang tanggapin ang bola, ay ang kawalang pag-asang magagawa pa nito iyon. Nanatili itong nakatayo, handang saluhin ng mukha ang pagtama ng bola.Napapikit nalang ito at tinanggap na sa sarili ang masamang kapalaran. Ang kaninang minamaliit nilang pangkat, lalo na ang pinagtawanan nilang manlalaro, ay isa palang halimaw sa larong iyon."Mine,"Kasabay ng boses na iyon ay ang malakas na paglagapak na likha ng pagtama ng bola sa kamay ni Zeo. Nagawa nitong maharangan iyon upang hindi tumama sa mukha ni Toby. Hindi lang iyon, nagawa rin nitong maipatalbog iyon paitaas at kontrahin ang pektus niyon.Sa paglobo bola sa ere ay natigil ang tilian ng mga manonood. Hindi nila inaasahan na magagawa ng bagong libero ng pangkat ni Oliver na masasagip hindi lang si T

    Huling Na-update : 2024-09-04

Pinakabagong kabanata

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 337

    Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 336

    "Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 335

    Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 334

    "Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 333

    Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 332

    Bumagsak sa semento ang gang member at diretsong nawalan ito ng malay. Ilang saglit na hindi nakakibo ang ilan dahil sa ginawa ng lalaki. Aminado sila sa kanilang mga sarili na napalakas nga ng ginawa nitong pagsipa."A-anong karapatan mong gawin 'yon sa kanya? B-bagong sal'ta ka lang rito!" singhal ng isa pang gang member.Imbes na humingi ng dispensa ang lalaki ay ngumisi pa nga ito na animo'y wala itong pakialam. "Gaya ng sinabi ko ay nandito ako upang sanayin kayo, at hindi ako bagong sal'ta. Ako ang magiging batas ng training ground n'yo. Kung sinuman sa inyo ang gustong sumubok sa'kin," Inilahad nito ang mga kamay nito na tila tumatanggap ito ng hamon. "Go on, patunayan n'yo muna sa'kin na may ibubuga kayo."Napakuyom ang kamao ng ilang gang members dahil sa inis sa pagiging arogante ng lalaki. Gayunpaman ay wala ni isa man sa mga ito ang nangahas na pumalag.Napasimangot nalang si Luke dahil sa inaasta ng lalaki. Si Malcov ba talaga ang kumuha sa lalaking ito upang sanayin ang

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 331

    Kumunot ang noo ni Luke sa narinig habang pinagmamasdan ang matabang pisngi ng lalaki. Isinabit niya ang hawak niyang helmet sa manibela ng scooter.'Nominasyon, huh?'Tumungo siya sa gym at nadatnan doon ang pagtitipon-tipon ng ilang miyembro ng gang. Parang nasa sabungan ang mga ito sa ingay at lahat ay parang may pusta.Napakunot ang kanyang noo nang makita at makilala niya ang isa sa mga nasa ring."Isaac?"Anong ginagawa nito rito? Huwag nito sabihing..."Tapusin! Tapusin! Tapusin!..."Nagsimulang humiyaw ang mga tao roon para sa katunggali ni Isaac. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan. Napakaswabe rin ng kilos nito na animo'y isang bihasang martial artist. Hindi ito magawang matapatan ni Isaac.Sa unang tingin palang ay masasabi na ni Luke na isa itong sundalo. Anong ginagawa nito rito sa kampo ng Blazing Phoenix? May sadya ba ito kay Malcov?Gumuhit ang aroganteng ekspresyon sa mukha ng lalaki habang si Isaac naman ay kasalukuyang nakangiwi ang mukha dahil sa iniindan

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 330

    "Get lost! 'Wag na 'wag ka nang babalik sa pamamahay na ito!" sigaw ni Caroline.Bago pa man tuluyang magsarado ang pinto ay pinahabulan pa si Luke ni Kina ng bumalik-ka-nalang-mamaya na tingin.Nagpapakawala siya ng malalim na buntong hininga pagkatapos ay hinubad ang suot niyang apron at isinabit niya iyon sa kanyang balikat. Naupo siya sa hagdan sa tapat ng pintuan, nangalumbaba habang nakasimangot.Ibang klase talaga si Caroline. Pasalamat na nga ito at pinaglinis lang ito ng banyo ni Rodeo. Kung ibang tao ang nasa sitwasyon nito ay malamang na ipinagiling na ito nang buhay ni Rodeo sa mga tauhan nito.Dapat nga ay pasalamatan pa siya nito.Habang pinakikinggan ang pagsusumbong nito kay Kina ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng mensahe mula kay Leon.[Mr. Cruise, may lead na kami sa maaaring pinagtataguan ng organisasyon ni Jason Zheng. Nasa isa silang isla malapit sa Sulu. Pwede namin silang atakihin nang pasurpresa.]Napakunot ang kanyang

  • A Trillionaire In Disguise (Vol. 2-4)   Chapter 329

    Isinubsob ni Rodeo ang ulo nito sa sahig habang nakadapa ang mga kamay. "M-Mr. Cruise, p-pakiusap, patawarin n'yo po ako. H-hindi ko naman alam na kayo pala ang... ang—""'Wag mo nang banggitin, hindi na mahalaga pa 'yon," putol niya rito pagkatapos ay tumayo at naglakad pabalik kay Ferdinand. "Tatlong milyon ba ang utang nila sa'yo?" tanong niya.Hindi agad nakatugon si Rodeo dahil sa pagkabigla. Nagtataka ito kung paano iyon nalaman ni Luke. Narinig ba nito ang pag-uusap nila?Gayunpaman ay isinawalambahala nalang nito iyon sa isiping baka nalaman lang iyon ni Luke sa kung kaninuman nito nalaman na nandito ngayon ang mag-asawa."N-nagbibiro lang ako, Mr. Cruise. W-wala talaga silang utang sa'kin," wika ni Rodeo sa mapang-along boses habang may awkward at pilit na ngiti. Sinusubukang hingin ang kapatawaran ni Luke sa pamamagitan niyon.Napakurap-kurap nalang ang mga mata ni Caroline habang nasa blangko lang ang mukhang nakatitig kay Rodeo bago ilipat iyon kay Luke. Kahit na nagtatak

DMCA.com Protection Status