Share

Chapter 162 - Two Monsters

Sa panandaliang segundong iyon, lahat ay nagulat sa biglaang pagbabago ng direksyon ng bola. Parang nagawa ni Luke kontrolin ang bola sa pamamagitan ng pagpektus niyon!

Sa paningin ni Toby, sa kalahating segundo na dapat ikikilos nito upang tanggapin ang bola, ay ang kawalang pag-asang magagawa pa nito iyon. Nanatili itong nakatayo, handang saluhin ng mukha ang pagtama ng bola.

Napapikit nalang ito at tinanggap na sa sarili ang masamang kapalaran. Ang kaninang minamaliit nilang pangkat, lalo na ang pinagtawanan nilang manlalaro, ay isa palang halimaw sa larong iyon.

"Mine,"

Kasabay ng boses na iyon ay ang malakas na paglagapak na likha ng pagtama ng bola sa kamay ni Zeo. Nagawa nitong maharangan iyon upang hindi tumama sa mukha ni Toby. Hindi lang iyon, nagawa rin nitong maipatalbog iyon paitaas at kontrahin ang pektus niyon.

Sa paglobo bola sa ere ay natigil ang tilian ng mga manonood. Hindi nila inaasahan na magagawa ng bagong libero ng pangkat ni Oliver na masasagip hindi lang si T
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status