Share

Chapter 161 - Very Strong Serve

Mas dumami pa ang manonood kumpara kanina. Hindi pa tapos ang basketball ay nagsilipat na ang ibang manonood mula roon nang malaman nila ang kaganapan sa volleyball.

"Talaga? Nagawa niya 'yon?" gulat na reaksyon ng isang estudyante nang kwentuhan ito ng kasama nito tungkol sa husay ni Luke.

Kaliwa't kanan ang mga kwentuhan ng mga manonood kaya naman ay rinding-rindi na sa kanila si Alona. Nakabusangot ito habang nakahalukipkip.

"And now he's showing off. Porket nanonood sa kanya ang crush niya?"

"Sinong crush?" Dinungaw ni Jackielyn si Alona, nakakunot ang noo nito. "May crush ba si Luke sa mga estudyanteng nanonood?"

Nakangising-asong binalingan ito ng tingin ni Alona. "This lady right here, siya ang crush ni Luke." Ngumuso pa si Alona upang ituro si Kina.

Ilang saglit bago nakapag-react si Jackielyn sa sinabing iyon ni Alona. Napatayo ito sa kinauupuan nito habang may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "S-si Kina? C-crush ni—"

Mabilis na tumayo rin si Kina upang takpan ang bi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status