Mula sa kanilang kinatatayuan ay maririnig ang lagaslas ng tubig. Hindi iyon kalakasan pero malinaw para kay Kina na mayroong talon sa likuran ng bahay. Dali-dali itong nagtungo roon, sinundan lang ito ni Luke.Mas lalo pang namangha si Kina sa gandang meron doon. Sa dulo ng malaking batis ay ang hindi kataasang talon. Higit na mas marami ang puno roon, pero hindi masukal na parang alagang-alaga ang lugar upang panatilihin ang kagandahan niyon.Naupo si Kina sa bato sa likuran nila at ubod lang ang ngiting nakatingin sa talon. Kinuha nito ang cellphone nito at kinunan iyon ng litrato."Gagawin ko itong wallpaper ko," saad nito.Naupo si Luke sa tabi nito at tumingin rin sa talon. Naalala niya ang isa niyang pagsasanay kung saan ay kailangan niyang tumagal ng mahigit anim na oras sa ilalim ng talon na iyon habang walang suot na damit pang-itaas. Tumitig siya sa mga bato sa ilalim niyon. Parang nakikita niya pa ang imahe ng kanyang sarili habang nagsasanay ng martial arts habang nakatun
Bahagya pang inilayo ni Kina ang cellphone sa kanyang tainga dahil sa pagsigaw ni Caroline. Hindi man iyon naka-loud speaker ay mahinang narinig iyon ni Luke.Napatingin si Kina kay Luke. Anong kanyang gagawin? Mahigit tatlong oras ang ginugol nila upang makapunta rito at paniguradong baka higit pa ang gugugulin nila pabalik dahil higit na matrapik sa ganitong oras. Ayaw rin niyang ipaalam sa kanyang ina na nandito siya ngayon sa isang tagong hardin kasama ang kanya na ngayong nobyo. Hindi magandang ideya iyon at siguradong hindi magiging maganda ang resulta niyon.Hindi pa man nakakapagdesisyon si Kina ay muli nitong narinig ang sigaw ni Caroline. "I need you to be here in less than an hour. Nagkakaintindihan ba tayo?"Wala nang nagawa si Kina upang makatanggi. "S-sige po, Ma."Pagkatapos ibaba ang cellphone ay tumingin ito kay Luke nang may pag-aalala. "Anong gagawin ko? Gusto ni mama na pumunta ako mansyon ngayon."Napabuntong hininga si Luke. Kahit hindi na niya itanong ay batid n
Mahigit dalawamput minuto lang ang ginugol, nakabalik na agad sila sa ENDX Corporation. Hindi pa nga iyon ang pinakamatulin niyong andar. Lumapag ang kotse sa tuktok ng gusali. Parehas silang bumaba nang tumatawa dahil sa kakaibang hatid na galak ng naging byahe nila. "This is the craziest thing that has happened in my entire life," sambit ni Kina habang pilit inaayos ang nagugulo nitong buhok dahil sa hangin. Lumapit si Luke rito upang tulungan ito. Sinuklay niya ang malambot na buhok nito gamit ang kanyang kamay. "May oras pa tayo. Bakit hindi muna tayo dumaan sa restaurant ng tito mo?" Tumaas ang kilay ni Kina sabay marahang tumango-tango. Pagkababa nila sa ikaunang palapag ay nadatnan nilang saktong papaalis si Carlos. Kakatapos lang ng shift nito. Magalang silang binati nito pero sa likod niyon ay ang pagtataka. "Mr. Cruise? Kailan pa kayo bumalik?" usisa nito. Nagtataka ito dahil hindi naman nito napansin ang pagpasok nila maging ang kotse ni Luke. "Kakabalik lang namin.
"Hello, nice meeting you. I'm Lauren Dela Vega," nakangiting bati at pagpapakilala ni Lauren kay Kina. "I'm the owner of this restaurant."Matamis na nginitian ito pabalik ni Kina. "Hi, my name is Kina Alanis." Malugod nitong tinanggap ang alok na pakikipagkamay ni Lauren."Nabanggit ka na ni Manager Joey sa'kin. I'm so happy to finally meet you in person. You really are beautiful! You're like a goddess. No wonder why everyone in the upperclass is talking about you right now.""T-thanks," nahihiyang tugon ni Kina.Napapakunot nalang ang noo ni Luke sa kung paano kausapin ni Lauren si Kina. Batid niyang may kakaiba roon. Hindi naman ganito makipag-usap ang Lauren na nakilala niya."Since ito ang unang araw na nagkita tayo, I'm happy to say na libre ko na muna ang lahat ng ito. Lalo pa't tingin ko ay hindi n'yo kakayanin ang lahat ng ito mabayaran."Napakurap-kurap parehas ang mata ni Joey at Kina dahil sa sinabing iyon ni Lauren. Bahagya pang napaawang ang bibig ni Joey.'Anong ibig sa
Saglit na tumigil si Luke sa pagkain pagkatapos ay nakangiting tiningnan si Kina. Palihim niyang dinampot ang kamay nito sa ilalim ng mesa at malambing iyong hinawakan."Gano'n ba? So... he is like your bodyguard boyfriend?"Kumpletong nawala ang saya sa mukha ni Luke nang marinig ang sinabi ni Lauren. Seryoso niya itong tiningnan."Sinagot mo lang ba siya dahil sa proteksyon na ipinapakita niya? But there are lots of—""Tingin ko ay hindi magandang pag-usapan ang tungkol sa relasyong meron kami, Ms. Lauren. Hindi ba't kasal ka na?" putol ni Luke sa pagsasalita ni Lauren.Sinabayan ni Lauren ang seryosong tingin ni Luke kaya napahigpit ang hawak ni Kina sa kanyang kamay. Iniisip na hindi dapat iyon ginawa ni Luke. Samantalang si Joey ay may pag-aalalang nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa."Ms. Lauren, what Mr. Cruise said is right. Hindi po yata magandang ideya na usisain mo ang tungkol sa relasyong meron sila. You can ask my niece about anything else, but not about their relations
Nagkatinginan muna si Luke at Kina saglit sa isa't-isa. Makikita ang pag-aalala sa mata ni Kina."H-he's—""Nandito ako dahil pinapunta ako ni Lord Javier. Nagkataon lang na nakasabay ko papunta rito si Ms. Alanis." pagsisinungaling ni Luke, pinutol ang pagsagot ni Kina."At bakit naman papapuntahin ka pa ni dad nang ganitong oras? Sinong niloloko mo?" Nameywang si Caroline matapos sabihin iyon. Pilit naman itong pinapakalma ni Ferdinand."Who is he? Paanong kakilala siya ni Lord Javier?" takang tanong ng isang bisita."I thought for a moment na personal assistant siya ni Ms. Alanis that's why they arrived at the same time." saad naman ng isa."Don't be ridiculous. Sa gandang 'yan ni Ms. Alanis ay lalaki ang kanyang magiging personal assistant?" natatawang ani naman ng isa pa.Naputol ang bulungang iyon nang isang mahina pero maawtoridad na boses ang pumailanlang sa bulwagan. Boses iyon ni Javier. "Pinapunta ko nga siya ngayon at bisita ko siya. You have no right to shout at him." wik
"Are you... Mr. Ryle?" Tanong ni Caroline. Sinalubong nito ang kakarating lang na bisita.Umamo ang mukha ng lalaki. "Opo, ako nga."Napatingin ang lahat ng bisita rito at pare-parehas na gumuhit ang pag-aalala sa kanilang itsura. Maging si Daniel ay nakaramdam din ng panliliit nang makita ang lalaki.Ito si Ryle Lucero, young master na nagmula pa sa Laguna. Kilala na ito ng halos lahat ng pamilya sa upperclass sa buong bansa. Sikat ito sa larangang boxing kaya kilala rin ito maging sa ilang karatig na bansa."Pasensya na kung medyo na-late kami," paghingi nito ng paumanhin."It's fine, don't worry about it. Actually ay kakarating lang din ni Kina kaya halos... sabay lang kayo."Naramdaman ng ilan na parang mas pinapaboran ni Caroline ang presensya ni Ryle. Nabalitaan nilang nag-abot ng tulong ang pamilya Lucero sa pamilya Alanis ng tatlumpung libong dolyar na siyang pinakamataas na donasyong natanggap ng pamilya upang isalba ang pabagsak nilang kumpanya. Bukod pa roon ay nag-alok din
"Kahit na binibiro mo lang ako, syempre naman ay hindi ako magagalit kung malalaman kong meron na kayong relasyon ni Kina." natatawang wika ni Javier, iniisip na baka nagbibiro lang si Luke. "At kahit naman po mukha akong nagbibiro, seryoso po ako sa sinabi ko. Totoo pong meron na po kaming relasyon ni Kina." Unti-unti ay nawala ang pagtawa ni Javier at napalitan iyon ng pagkaseryoso habang hindi maalis-alis ang titig kay Luke. "T-talaga ba? Kayo na ni Kina? Kailan pa?" Lumikot ang mata nito. "Kanina lang po." Tumaas ang dalawang kilay ni Javier pagkatapos ay isinandal ang sarili sa sandalan ng sopa. Hindi ito makapaniwala sa nalaman. "W-well, I'm happy to hear that..." sambit nito pero iba ang sinasabi ng ekspresyon ng mukha nito. "Pero bakit mukha po atang hindi kayo masaya?" natatawang puna ni Luke. Saglit na natahimik si Javier na parang nag-iisip. "Hindi ko gustong sabihin ito, Mr. Cruise. Pero bakit parang biglaan naman ata? Hindi ba't nabanggit mo sa'king magiging malakin
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg