Share

Chapter 170 - New Candidate

Mahigit dalawamput minuto lang ang ginugol, nakabalik na agad sila sa ENDX Corporation. Hindi pa nga iyon ang pinakamatulin niyong andar.

Lumapag ang kotse sa tuktok ng gusali. Parehas silang bumaba nang tumatawa dahil sa kakaibang hatid na galak ng naging byahe nila.

"This is the craziest thing that has happened in my entire life," sambit ni Kina habang pilit inaayos ang nagugulo nitong buhok dahil sa hangin.

Lumapit si Luke rito upang tulungan ito. Sinuklay niya ang malambot na buhok nito gamit ang kanyang kamay.

"May oras pa tayo. Bakit hindi muna tayo dumaan sa restaurant ng tito mo?"

Tumaas ang kilay ni Kina sabay marahang tumango-tango.

Pagkababa nila sa ikaunang palapag ay nadatnan nilang saktong papaalis si Carlos. Kakatapos lang ng shift nito.

Magalang silang binati nito pero sa likod niyon ay ang pagtataka.

"Mr. Cruise? Kailan pa kayo bumalik?" usisa nito. Nagtataka ito dahil hindi naman nito napansin ang pagpasok nila maging ang kotse ni Luke.

"Kakabalik lang namin.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status