"Are you... Mr. Ryle?" Tanong ni Caroline. Sinalubong nito ang kakarating lang na bisita.Umamo ang mukha ng lalaki. "Opo, ako nga."Napatingin ang lahat ng bisita rito at pare-parehas na gumuhit ang pag-aalala sa kanilang itsura. Maging si Daniel ay nakaramdam din ng panliliit nang makita ang lalaki.Ito si Ryle Lucero, young master na nagmula pa sa Laguna. Kilala na ito ng halos lahat ng pamilya sa upperclass sa buong bansa. Sikat ito sa larangang boxing kaya kilala rin ito maging sa ilang karatig na bansa."Pasensya na kung medyo na-late kami," paghingi nito ng paumanhin."It's fine, don't worry about it. Actually ay kakarating lang din ni Kina kaya halos... sabay lang kayo."Naramdaman ng ilan na parang mas pinapaboran ni Caroline ang presensya ni Ryle. Nabalitaan nilang nag-abot ng tulong ang pamilya Lucero sa pamilya Alanis ng tatlumpung libong dolyar na siyang pinakamataas na donasyong natanggap ng pamilya upang isalba ang pabagsak nilang kumpanya. Bukod pa roon ay nag-alok din
"Kahit na binibiro mo lang ako, syempre naman ay hindi ako magagalit kung malalaman kong meron na kayong relasyon ni Kina." natatawang wika ni Javier, iniisip na baka nagbibiro lang si Luke. "At kahit naman po mukha akong nagbibiro, seryoso po ako sa sinabi ko. Totoo pong meron na po kaming relasyon ni Kina." Unti-unti ay nawala ang pagtawa ni Javier at napalitan iyon ng pagkaseryoso habang hindi maalis-alis ang titig kay Luke. "T-talaga ba? Kayo na ni Kina? Kailan pa?" Lumikot ang mata nito. "Kanina lang po." Tumaas ang dalawang kilay ni Javier pagkatapos ay isinandal ang sarili sa sandalan ng sopa. Hindi ito makapaniwala sa nalaman. "W-well, I'm happy to hear that..." sambit nito pero iba ang sinasabi ng ekspresyon ng mukha nito. "Pero bakit mukha po atang hindi kayo masaya?" natatawang puna ni Luke. Saglit na natahimik si Javier na parang nag-iisip. "Hindi ko gustong sabihin ito, Mr. Cruise. Pero bakit parang biglaan naman ata? Hindi ba't nabanggit mo sa'king magiging malakin
Pagkababa ni Luke ay nadatnan niyang nagkakaroon nga ng komosyon sa sala. May ilang security personel doon upang awatin ang dalawang bisita na kasalukuyan pang nagsasagutan.Nakilala ni Luke na ang isa mga ito ay walang iba kung hindi si Daniel. Samantalang ang isa naman ay pamilyar sa kanya ang itsura."You! How dare you ridicule me? Hindi porket tinitingala ka ng marami ay may karapatan ka nang maliitin ako!" galit na sigaw ni Daniel kay Ryle. Niyayakap ito ng dalawang security personnel upang pigilan ito sa tangka nitong pagsugod. "Kabilang pa rin ang pamilya ko sa upperclass!""I don't give a fuck about your family," nakaismid na saad ni Ryle. "No one in this room cares." dugtong nito na sinundan ng pagtawa."Please, calm down. Mr. Ruiz, Mr. Lucero." Pumagitan si Dominica sa kanila, may pag-aalala sa mukha nito. "Regalo lang 'yan, we appreciate kahit ano pa man ang dala n'yo para sa apo ko.""Mr. Ruiz, please don't take what Mr. Lucero said seriously. I... I think nagbibiro lang n
"Javier! Stop spouting nonsense!" Kumpletong nawala ang sigla sa mukha ni Dominica nang marinig nito ang sinabi ni Javier. "Kung wala kang balak na tumulong sa pagtanggap ng mga bisita, mas mabuti pang doon ka nalang sa opisina mo at atupagin ang martial arts mo! Anong sinasabi mong magsasayang lang ng pera si Mr. Lucero?"Hindi pinansin ni Javier ang pagdadadada ni Dominica. Lumapit ito sa kinaroroonan ng kotse at may seryosong ekspresyon lang sa mukhang pinagmasdan iyon."Hindi ko nakuha ang ibig n'yong sabihin, Lord Javier. Sinasabi n'yo bang may mas karapat-dapat pa kay Ms. Alanis kaysa sa'kin? Sa palagay n'yo ba ay may mas hihigit pa sa'kin sa lahat ng kanyang manliligaw?" usisa ni Ryle.Tumaas ang isang kilay ni Javier at pinagsalikop ang mga kamay sa kanyang likuran. "Hindi ito tungkol sa kung sino ang mas karapat-dapat at kung sino ang mas higit. Ang ibig kong sabihin ay hindi ka dapat basta-basta nalang nagtatapon ng pera para sa isang walang kasiguraduhang bagay. Ayoko lang
"Alright, kung itutuloy pa rin ni Ryle ang panliligaw niya ay bakit ako aatras? sampung libong dolyar na ang nai-donate ng pamilya ko sa pamilya Alanis. I don't care kung hindi man ako manalo, ang importante ay susubok ako." pasigaw na sambit ng isang bisita. Makalipas ng ilang saglit ay ganoon din ang naging desisyon ng iba pa. Hindi nila hahayaan na magtagumpay nalang basta si Ryle. Lahat sila ay nakapagbigay na sa pamilya Alanis at hindi nila gugustuhing mapunta nalang iyon sa wala nang wala man lang silang napapala. Napabuntong hininga si Luke habang may blangkong ekspresyon lang sa mukhang pinagmamasdan ang mga ito. Sila ang halimbawa ng mga isdang kumagat sa pain nina Dominica kaya ngayon ay nagkakagulo sila sa iisang buslo. Kahit gusto pa nilang kumawala ay mas pipiliin nalang nilang makipagsapalaran at hayaan ang kapalaran ang maghatid sa kanila pabalik ulit sa karagatan. Tiningnan niya sina Dominica. Gumaan-gaan na ang loob nito nang marinig ang desisyon ng mga bisita. Maki
Nanigas na lang sila sa kanilang mga kinatatayuan habang pinapanood ang pagsuntok na atake ni Ryle kay Daniel. Wala silang magawa kung hindi ang sigawan at kumbinsihin silang huminto.Umpisa palang ay mababatid na kaagad na nasasaktan si Daniel sa bawat suntok na natatamo nito kay Ryle kahit pa sinasalag nito iyon. Sadyang napakalakas ng binibitawang suntok ni Ryle."S-security! Bakit nagsisitayuan lang kayo? Do something!" bulyaw ni Dominica sa mga guwardyang hindi magawang makalapit kina Ryle. Tumawag ang isa sa mga ito ng back-up upang tulungan sila sa pag-awat sa dalawa.Sinubukan ni Ryle magkontra-atake ng sipa pero nanlaki nalang ang mata nito nang hindi man lang niyon nagawang maapektuhan si Ryle kahit pa hindi nito iyon sinalag. Nginisian lamang siya nito."I told you na hindi uubra sa'kin ang karate mo,"Muling sumugod si Ryle. Puro pag-atake lang ang ginawa nito kaya panay atras lang ang ginawa ni Daniel. Sinusubukan nitong ilagan ang mga atakeng iyon ni Ryle pero sadyang na
Nagulat ang lahat nang magawa ni Luke pahintuin ang suntok ni Ryle. Nagtataka pa ang ilan sa kanila kung paano niya nagawa iyon.Kahit na naiinis sina Dominica kay Luke ay hindi maiwasan ng mga ito na makaramdam ng pagkaginhawa dahil sa kanyang ginawa."T-thank God. I thought mamamatay sa bugbog si Mr. Ruiz ngayong gabi." saad ni Caroline.May gulat ding reaksyon si Daniel nang muli nitong idilat ang mga mata nito. Una nitong tiningnan si Ryle at nakita ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa itsura nito. Napatingin siya kay Luke.'Siya ba ang nagpahinto ng suntok ni Ryle?' tanong nito sa isip."Kung ano man ang problema n'yo sa isa't-isa ay hindi magandang ideya na dito kayo magpatayan sa harap mismo ng mansyon ng pamilya Alanis. Hindi ko sinasabing gawin n'yo ito sa ibang lugar. Ang ibig kong sabihin ay ayokong ipinapakita n'yo ang karahasan n'yo sa harapan mismo ni Kina." seryosong wika lang ni Luke.Mariing tinitigan ni Ryle si Luke. Sa lahat ng naroon ngayon ay siya ang may pinaka
"W-why are you staring at us like that?"Hindi maintindihan ni Caroline nang bigla itong makaramdam ng panlalamig sa batok dahil lang sa pagtitig sa kanila ni Luke. Parang dumaloy pa iyon sa kanyang dibdib papuntang balakang hanggang tuhod. Ngayon ay gusto na niyong manginig."Thank you for stoping them. Ngayon makakaalis ka na." sambit ni Dominica. Hindi ito nagpatinag sa titig ni Luke. Parang wala lang ditong nakapang-insulto ito.Napabuntong hininga nalang si Luke. Hindi niya lubos maisip na ganito ang pag-uugali ng dalawa. Mabuti nalang at kahit kaunti ay hindi iyon namana ni Kina."No, he can't leave yet. Hangga't hindi ko pa nababali ang alinman sa mga daliri ng lalaking ito." Lumapit si Ryle sa kinatatayuan mismo ni Luke at nakipagsabayan ng titig. "Hindi ba't gusto mong sumali sa kompetisyon? Ngayon mo na umpisahan sa'kin."Namayani ang saglit na katahimikan bago nagsimula ang bulungan ng mga bisita."Nahihibang na ba siya? Talagang papatulan niya 'yang lalaking 'yan?""Pero n