Share

Chapter 168 - A Relationship That Sprung

Mula sa kanilang kinatatayuan ay maririnig ang lagaslas ng tubig. Hindi iyon kalakasan pero malinaw para kay Kina na mayroong talon sa likuran ng bahay. Dali-dali itong nagtungo roon, sinundan lang ito ni Luke.

Mas lalo pang namangha si Kina sa gandang meron doon. Sa dulo ng malaking batis ay ang hindi kataasang talon. Higit na mas marami ang puno roon, pero hindi masukal na parang alagang-alaga ang lugar upang panatilihin ang kagandahan niyon.

Naupo si Kina sa bato sa likuran nila at ubod lang ang ngiting nakatingin sa talon. Kinuha nito ang cellphone nito at kinunan iyon ng litrato.

"Gagawin ko itong wallpaper ko," saad nito.

Naupo si Luke sa tabi nito at tumingin rin sa talon. Naalala niya ang isa niyang pagsasanay kung saan ay kailangan niyang tumagal ng mahigit anim na oras sa ilalim ng talon na iyon habang walang suot na damit pang-itaas. Tumitig siya sa mga bato sa ilalim niyon. Parang nakikita niya pa ang imahe ng kanyang sarili habang nagsasanay ng martial arts habang nakatun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Arnel Jimenez Padilla
sana ireveal n ni luke ang totoong pagkatao nya para hindi n xia nabibully ng mga parents ni kina
goodnovel comment avatar
Marmar Buenmoto
madam good morning... update plsssss
goodnovel comment avatar
Zaligma
ambilis mo po ah XD
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status