Share

Chapter 160 - New Competitor

Kasama ang lalaki ay bumalik sa court si Novelito. "Mr. Sullivan wants to play on your side. Okay lang ba sa inyong siya ang isali ninyo?"

Pare-parehas silang napatingin sa lalaki at parehas na may gulat na reaksyon si Luke at Oliver.

"Zeo?" usal ni Luke. Anong ginagawa niya rito?

"No thanks, papunta na ang mga ka-teammate namin. Hindi namin kailangan ng random na kakampi."

"No, wait. We actually need someone like him." Lumapit si Oliver kay Zeo, tila nangangaral ang mata nito. "Bagong lipat ka lang din ba, Mr. Sullivan?"

Ang tanong na iyon ni Oliver ay may ibang ipinapahiwatig. Iniisip nitong lumipat din si Zeo sa paaralang iyon dahil sa pareho nilang dahilan.

Tumango lang si Zeo. Hindi ang mismong tanong ni Oliver ang tinugon nito kung hindi ang isa pang tanong sa likod niyon. Nandito nga ito dahil sa gusto rin nitong makipagkompetensya para sa pag-ibig ni Kina.

Lumikot ang mata ni Luke. Naintindihan niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Ibig bang sabihin ay tama nga ang kanyang hinalan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status