Kasama ang lalaki ay bumalik sa court si Novelito. "Mr. Sullivan wants to play on your side. Okay lang ba sa inyong siya ang isali ninyo?"Pare-parehas silang napatingin sa lalaki at parehas na may gulat na reaksyon si Luke at Oliver."Zeo?" usal ni Luke. Anong ginagawa niya rito?"No thanks, papunta na ang mga ka-teammate namin. Hindi namin kailangan ng random na kakampi.""No, wait. We actually need someone like him." Lumapit si Oliver kay Zeo, tila nangangaral ang mata nito. "Bagong lipat ka lang din ba, Mr. Sullivan?"Ang tanong na iyon ni Oliver ay may ibang ipinapahiwatig. Iniisip nitong lumipat din si Zeo sa paaralang iyon dahil sa pareho nilang dahilan.Tumango lang si Zeo. Hindi ang mismong tanong ni Oliver ang tinugon nito kung hindi ang isa pang tanong sa likod niyon. Nandito nga ito dahil sa gusto rin nitong makipagkompetensya para sa pag-ibig ni Kina.Lumikot ang mata ni Luke. Naintindihan niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Ibig bang sabihin ay tama nga ang kanyang hinalan
Mas dumami pa ang manonood kumpara kanina. Hindi pa tapos ang basketball ay nagsilipat na ang ibang manonood mula roon nang malaman nila ang kaganapan sa volleyball."Talaga? Nagawa niya 'yon?" gulat na reaksyon ng isang estudyante nang kwentuhan ito ng kasama nito tungkol sa husay ni Luke.Kaliwa't kanan ang mga kwentuhan ng mga manonood kaya naman ay rinding-rindi na sa kanila si Alona. Nakabusangot ito habang nakahalukipkip."And now he's showing off. Porket nanonood sa kanya ang crush niya?""Sinong crush?" Dinungaw ni Jackielyn si Alona, nakakunot ang noo nito. "May crush ba si Luke sa mga estudyanteng nanonood?"Nakangising-asong binalingan ito ng tingin ni Alona. "This lady right here, siya ang crush ni Luke." Ngumuso pa si Alona upang ituro si Kina.Ilang saglit bago nakapag-react si Jackielyn sa sinabing iyon ni Alona. Napatayo ito sa kinauupuan nito habang may hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha. "S-si Kina? C-crush ni—"Mabilis na tumayo rin si Kina upang takpan ang bi
Sa panandaliang segundong iyon, lahat ay nagulat sa biglaang pagbabago ng direksyon ng bola. Parang nagawa ni Luke kontrolin ang bola sa pamamagitan ng pagpektus niyon!Sa paningin ni Toby, sa kalahating segundo na dapat ikikilos nito upang tanggapin ang bola, ay ang kawalang pag-asang magagawa pa nito iyon. Nanatili itong nakatayo, handang saluhin ng mukha ang pagtama ng bola.Napapikit nalang ito at tinanggap na sa sarili ang masamang kapalaran. Ang kaninang minamaliit nilang pangkat, lalo na ang pinagtawanan nilang manlalaro, ay isa palang halimaw sa larong iyon."Mine,"Kasabay ng boses na iyon ay ang malakas na paglagapak na likha ng pagtama ng bola sa kamay ni Zeo. Nagawa nitong maharangan iyon upang hindi tumama sa mukha ni Toby. Hindi lang iyon, nagawa rin nitong maipatalbog iyon paitaas at kontrahin ang pektus niyon.Sa paglobo bola sa ere ay natigil ang tilian ng mga manonood. Hindi nila inaasahan na magagawa ng bagong libero ng pangkat ni Oliver na masasagip hindi lang si T
Sa pagbagsak ng bola sa semento at pagtalbog-talbog niyon, kasabay niyon ang pagkatumba ni Zeo. Napuruhan ito ni Luke!Ilang saglit natahimik ang kabuuan ng stadium. Lahat ay titig na titig lang sa nakahandusay na katawan ni Zeo. Unang rumesponde rito ay si Luke."Zeo! Zeo! Ayos ka lang?"Tinapik-tapik niya pa ang mukha nito. Marahan namang dumilat si Zeo kaya nakahinga nang maluwag si Luke. Napaupo siya sa semento, ganoon din si Zeo.Saka lang muling umingay ang stadium. Lahat ay tuwang-tuwang nakapuntos sina Luke matapos ang matinding palitang iyon. Sa parehong pagkakataon ay nagagalak silang makitang muling bumangon si Zeo. Muling matutuloy ang nakakasabik na larong iyon.Samantala si Oliver ay titig na titig lang sa kanilang dalawa habang may gulat na reaksyon sa mukha nito. Magkakilala pala si Luke at Zeo?"Nice game," nakangiting bati ni Zeo kay Luke. Hindi nila pinansin ang mga dumalong tao sa kanilang paligid.Napakunot lang ang noo ni Luke. Hindi pa tapos ang laro nila ah, na
Napabuntong hininga nalang si Luke habang pinagmamasdan ang papalayong si Oliver. Wala siyang pakialam kung tumupad man ito o hindi sa kanilang usapan. Hindi rin naman banta si Oliver sa kanya sa umpisa palang.Dinumog sila ng mga estudyante, halos pare-parehas lang ang bukambibig ng mga ito. Gusto nilang makipagkilala kay Luke at makipag-selfie.Hindi niya pinansin ang mga ito sa halip ay hinanap niya sina Kina. Nakita niya ang mga ito sa may ibabang hilera ng upuan at nakatungtong ang mga ito roon. Isiniksik niya ang kanyang sarili sa mga estudyante habang tinatanggihan ang mga ito."Look who's here, the star of the show," pumapalakpak na salubong ni Alona nang makalapit siya sa mga ito. Nginitian lang ito ni Luke bago tumingin kay Kina.Nang puntong magtagpo ang kanilang tingin ay parehas nilang hindi iyon inalis kaagad na para bang nag-uusap sila sa pamamagitan niyon. Mahahalata ang ilang katanungan sa mata ni Kina samantalang mga kasagutan naman ang hatid ng titig ni Luke.Si Luk
"I-ikaw ang presidente ng ENDX Corporation?"Hindi nawala ang ngiti sa labi ni Luke habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ni Kina. Kahit saang anggulo niya pagmasdan ang mukha nito ay napakaperpekto lang niyon tingnan. Kahit pa nasa gulat itong reaksyon ngayon.Marahan siyang tumango. "May gusto akong ipakita sa'yo kaya kita isinama.""Hmm... okay." tugon lang ni Kina.Tumikhim si Carlos upang agawin ang atensyon ni Luke. "Uhm... Mr. Cruise, gusto n'yo ba ng maiinom?"Tumingin muna si Luke kay Kina upang tanungin ito kung anong gusto nito."T-tubig lang.""Tubig lang din sa'kin." dugtong ni Luke at umalis si Carlos, naiwan silang dalawa roon.Makalipas ng ilang saglit, dalawang guwardya ang pumasok doon. Napakunot parehas ang noo ng mga ito nang makita sila."SG Cruise. Himala, nabuhay ka ata?" bungad na saad ng isa."'Wag mo sabihing naparito ka upang magresign? Hindi mo ba kaagad nagustuhan ang trabaho mo?" ani naman ng isa pa habang nakataas ang isang kilay, nagtataka kung baki
Nagtungo sina Luke sa ikaapat na palapag. Sa pangunguna ni Pauline ay diretso silang nagtungo sa kinaroonan ng pulang sports car."Are you sure, Mr. Cruise? Siguradong pagkakaguluhan ng mga tao kapag iginala mo ang sasakyang ito."Binigyan ni Luke ng tipid na ngiti si Pauline saka bumaling kay Kina. "Ayos lang. Gusto ko ring masubukan ang kotseng ito habang kasama ko ang babaeng espesyal sa'kin."Hindi malaman ni Kina kung anong dapat niyang maging reaksyon nang puntong iyon. Dapat ba siyang matuwa? Kiligin? Nakatitig lang siya nang husto kay Luke.Kabaliktaran naman ang naging reaksyon ni Pauline. Kanina nang marinig niyang sinabi mismo ni Kina na girlfriend ito ni Luke ay nakaramdam siya ng selos. Ngayong si Luke na mismo ang nagsabi na espesyal si Kina para dito ay mas tumindi pa iyon.Pero sino nga ba siya upang magselos? Isa lang naman siyang Executive Manager ng kanilang kumpanya kaya wala siyang karapatang mag-isip ng kung anu-ano patungkol sa kanilang presidente. Kung may noby
Laman ng balita ngayon ang tungkol sa sikat na limited edition na modelo ng ENDX Cars hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging na sa buong mundo. Mapa radyo man o telebisyon, kahit social media ay iyon ang mainit na usapin. Mas mainit pa iyon kumpara sa kumalat na litrato noon.May iba't-ibang kuha ng anggulo ng litrato at video sa kulay pulang sports car sa iba't-ibang highway. Lahat iyon ay naka-post sa social media ng mga taong maswerteng nadaanan nina Luke.Panay scroll lang si Kina sa kanyang cellphone, iyon lang ang halos ang nakikita niya. Meron pang isang nakasakay ng bus at ni-record pa nito ang kanilang kotse habang umaandar iyon. Meron din namang nakatayo lang habang mismong nakatutok iyon sa kanila noong minsang huminto ang kotse dahil sa trapik.Izinoom ni Kina ang isang litrato at sinubukan kung makikilala ba sila sa pamamagitan niyon pero tanging kadiliman lang ang makikita sa salamin ng kotse. Iyon ang kanina pa nitong ipinagtataka dahil mula sa loob ay napakalinaw ng
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m
"This is so f*cking annoying..." inis na bulong ni Warren sa sarili. Pawis na pawis ito habang sinusubukang i-lock-pick ang kandado sa labas ng rehas na pinto ng kwarto kung nasaan sila nakakulong ngayon. "Bakit hindi gumagana?""Enough already. Sinasayang mo lang ang oras mo d'yan," wika ng babaeng kasama nito sabay irap."Oh shut the..." sasamaan sana ito ni Warren ng salita pero naalala niyang nagmula pala ito sa isang makapangyarihang pamilya kaya inis na bumulong nalang siya sa sarili."She's right," sabat ng isa pang babae sa kabilang dako ng kwarto. "Kahit na mabuksan mo man 'yan ay balewara pa rin 'yan. Hindi natin malulusutan ang daan-daang mga armadong nagbabantay sa gusaling ito." wika nito.Si Sylvia iyon. Katabi nito sa kinapipwestuhan nito sina Leon at Malcov. Tulad nga ng inisip ni Luke sa maaaring nangyari sa mga ito ay nadakip din ang mga ito habang sinusundan ang mga dumukot kina Malcov.Matapos marinig ang sinabi ni Sylvia ay inis na paupong ibinagsak ni Warren ang
"Yosi," alok ng isang lalaki sa kasamahan nitong nagbabantay sa labas ng gate ng isang malaki at pribadong pasilidad.Parehas na may nakasabit na riple ang mga ito sa kani-kanilang katawan kaya nangangahulugan lang na isang importanteng lugar ang binabantayan ng mga ito na nasa isang liblib na dako ng isang probinsya.Walang tugon na tinanggap naman iyon ng isa pang lalaki. Bago pa man nito sindihan iyon ay isang babaeng may abot hanggang balikat na buhok ang bigla nalang sumulpot sa kanilang harapan. Ang mukha nito ay pinapalamutian ng make-up. Pulang-pula rin ang labi nito.Nakasuot ito ng kulay itim na backless mini dress na may maiksing palda at bagay na bagay iyon sa makulimlim na hapon, kaya mas nangingibabaw ang alindog ng pagkababae nito.Nakangiting kinawayan nito parehas ang dalawang lalaki. "Hi, nandito ba si Jovert?" tanong nito.Ang laylayan ng palda nito ay bahagya pang iniangat ng hangin kaya naman ay saglit na nakita ng mga lalaki ang pares ng mapuputi nitong hita."Op
Kasama si Razid pati na ang apat na BPG officials, sina Cleo, Larry, Joanna at Dylan, ay nagtungo sina Luke sa kampo ng White Dragon Knights na nakabase sa Manila. Isa lang ito sa tatlong kampo ng gang sa Luzon. Gusto sanang sumama ni Alona pero hindi niya ito pinayagan kaya wala itong nagawa kung hindi ang pumasok nalang sa trabaho kahit late."Grabe... parang kastilyo pala ang kampo ng gang mo Mr. Cruise," Puri ni Cleo habang pinagmamasdan ang napakalaking pader sa kanilang unahan.Sakay ng kotse ay naghihintay sila sa tapat ng isa ring malaking gate habang nasa likuran nila ang sasakyan nina Larry. Sa kanang bahagi ng gate ay may nakadisenyong malaking ulo ng dragon na siyang tila unang sumasalubong sa kanilang pagdating. Sa kaliwang bahagi naman ay patayong nakasulat ang pangalan ng gang.Parehas na nakabilog ang nguso ni Razid at Cleo habang pinagmamasdan iyon samantalang abala naman si Luke sa kanyang cellphone, sinusubukan pa ring kontakin si Leon."Anong oras daw umalis sina L
"Morning," bati ni Kina sa katrabaho nito habang may tipid na ngiti bago naupo sa kanyang pwesto.Pagkalapag niya ng kanyang mga gamit ay binuksan niya kaagad ang CPU ng kanyang computer para makapagsimula na kaagad ng hindi niya natapos na disenyo kahapon.Gamit ang monitor bilang salamin ay itinali niya ang kanyang buhok. Sa pamamagitan din niyon ay nakita niya ang paglapit sa kanya ng isa niyang katrabahong may kulot na buhok. Agad niya itong nilingon."Oy bhie!" bungad nito. "Bakit ang aga mo namang umuwi kahapon? Akala ko ba sasama ka sa'min?" tanong nito. Ang isa nitong kamay ay nakahawak sa suot nitong ID na may nakasulat na Judy sa ibabaw ng FD Department."May importante kasi akong ginawa kahapon. Sa susunod nalang siguro," tugon niya, hindi interesadong pahabain pa ang usapan.Dahil sa sahod nila kahapon ay nagkayayaan ang buong departamentong gumimik kinagabihan. Lahat pumunta maliban sa kanilang dalawa ni Alona.Ang totoo ay plano niya sanang yayaing kumain sa labas ang pa
Itinuro-turo ni Razid si Luke ng hawak nitong tinidor habang ang mata nito ay nangangahulugan ng pagsang-ayon. "Hmm... ang tungkol sa bagay na 'yan, gusto ko ring malaman." tumatango-tango nitong saad.Tumaas ang isang kilay ni Luke. Ibig bang sabihin ay hindi pa nito nakikita ang reyna ng organisasyon ni Jason?Nang puntong iyon ay bumukas ang pinto ng silid at pumasok roon ang hinihingal na si Dylan. Ang ekspresyon ng mukha nito ay puno ng pagkabahala.Sabay-sabay silang nagtatakang napatingin dito, maliban nalang syempre kay Alona na tila walang pakialam. Abala lang ito sa paglamon."G-guys, kailangan nina Malcov ng tulong natin. They were--" Nahinto ito sa pagsasalita nang dumako at huminto ang tingin nito kay Luke. Agad na nagliwanag ang ekspresyon ng mukha nito. "Mr. Cruise!" bulalas nito.Mabilis na lumapit ito sa kinauupuan ni Luke at desperado ang itsurang lumuhod. "Oh thank goodness! Mabuti naman at nandito kayo!""Anong nangyari kay Malcov?" Magkasalubong ang kilay niyang t
"Kay Zeo? Umalis na ba siya sa gang?" takang tanong niya.Nagkibit balikat si Razid. "Malay. Si Malcov ang nagsabing kailangan na ng gang ng bagong ikalabing-lima."Nagsalubong ang kilay ni Luke at nabalot siya ng pag-iisip. Ang isa sa may potensyal sa gang ay masyado na ring naging abala sa sarili nitong buhay. Ni hindi nga ito sumabay sa kanila noong umuwi sila galing ng gubat.Gusto niyang matawa sa isiping baka tulad ni Joaquin ay nagselos din ito nang nalaman nitong may relasyon na sila ni Kina pero nakita niya naman sa ekspresyon ng mukha nitong wala itong pakiaalam.Kaya ipinagtataka niya pa rin hanggang ngayon kung ano ang pakay nito kay Kina kung wala naman sa plano nitong paibigin si Kina. Kahibangan nalang nito kung isa ito sa mga magtatangka sa kaligtasan ni Kina.Kung iyon man ang pinagkakaabalahan nito ngayon ay magpasensyahan nalang silang dalawa. Wala siyang pakialam kahit katulad niya man itong itinakwil ng kani-kanilang pamilya.Ang sinumang magtatangka sa kaligtasan
Kasamahan ni Kina na pumapasok si Alona sa kumpanyang pinapasukan nito. Hindi akalain ni Luke na kukunin ding designer ni Randolph si Alona sa kabila ng pagiging tila hindi pagseryoso nito sa pag-aaral. Bukod pa roon ay ni hindi nga ito dumalo noong araw ng kanilang pagtatapos sa halip ay natulog lang ito maghapon sa kanilang apartment.Ang angas di ba?Pero maging siya ay nagandahan din sa mga disenyo nito. Mahilig din pala talaga ang babaeng ito sa pasyon at mga kasuotan. Kaya naman pala kinupit nito sa kanya ang black card na ibinigay sa kanya ni Randolph."Mas importante pa rin sa'kin ang gang kaysa sa trabaho. Malcov called me last night at sinabing may meeting ngayon." paliwanag nito."Mas importante pa ba ang meeting n'yo kaysa sa bantayan mo si Kina?"Bumusangot ito dahil sa kanyang tanong. "It's been months already at hindi naman na sila nagpaparamdam na. Probably they knew how strong you really are and they gave up chasing her. At what cost? Uubusin mo lang naman ulit ang mg
Bumagsak sa semento ang gang member at diretsong nawalan ito ng malay. Ilang saglit na hindi nakakibo ang ilan dahil sa ginawa ng lalaki. Aminado sila sa kanilang mga sarili na napalakas nga ng ginawa nitong pagsipa."A-anong karapatan mong gawin 'yon sa kanya? B-bagong sal'ta ka lang rito!" singhal ng isa pang gang member.Imbes na humingi ng dispensa ang lalaki ay ngumisi pa nga ito na animo'y wala itong pakialam. "Gaya ng sinabi ko ay nandito ako upang sanayin kayo, at hindi ako bagong sal'ta. Ako ang magiging batas ng training ground n'yo. Kung sinuman sa inyo ang gustong sumubok sa'kin," Inilahad nito ang mga kamay nito na tila tumatanggap ito ng hamon. "Go on, patunayan n'yo muna sa'kin na may ibubuga kayo."Napakuyom ang kamao ng ilang gang members dahil sa inis sa pagiging arogante ng lalaki. Gayunpaman ay wala ni isa man sa mga ito ang nangahas na pumalag.Napasimangot nalang si Luke dahil sa inaasta ng lalaki. Si Malcov ba talaga ang kumuha sa lalaking ito upang sanayin ang