Share

Chapter 153 - Failed Plan

Nag-umpisa ang laro, best of five ang laban. Kung sinong unang makatatlong panalo ng set ay siyang tatanghaling panalo sa buong laro. Pero malinaw naman para sa karamihan na ang pangkat nina Oliver ang mananalo.

Todo hiyawan ang mga estudyanteng nanonood. Ang ibang nanonood ng badminton at table tennis ay nagsilipat ng pwesto sa tapat ng volleyball court. Halos kasinglaki lang ng stadium ng basketball ang stadium na kinaroroonan nila ngayon. Pinagkasya roon ang badminton, table tennis at volleyball.

"Anong meron?" takang tanong ni Jackielyn nang mapunang nagsisilipat ng pwesto ang ilang estudyante. Tumanaw ito sa mga nagkukumpulan sa may volleyball court.

Tumanaw din doon si Kina at agad na napako ang tingin nito sa isang lalaking nakasuot lang ng simpleng pares ng t-shirt at pantalon. "Luke?"

Kasali rin si Luke sa sports event?

"Hindi ba't mga varsity players sila?" Namimilog ang matang ani ni Jackielyn sa kinikilig na boses. Niyugyog pa nito ang balikat ni Kina. Nahinto rin agad ito nang makita rin si Luke. "Wait, hindi ba't si Luke 'yon?"

Hindi tumugon si Kina, nakatitig lang siya nang husto kay Luke. Naalala niya ang gabing nagtapat siya ng pag-ibig dito na lagi niyang naaalala sa tuwing makikita niya ito. Napatakip siya sa mukha nang maramdamang tila pamumulahanan siya ng pisngi. Bakit ba kasi sinabi niya pa iyon kay Luke?

Nagtatakang napakunot naman ang noo ni Jackielyn. "What's wrong?"

Umiling-iling si Kina habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa mukha. "Can we just leave? S-sumama ang pakiramdam ko bigla."

Ilang saglit bago nakatugon si Jackielyn na nag-aalanganin pa lalo pa't gusto sana nitong manood ng laro nina Luke. Nanghihinayang man pero mas importante pa rin ang kalusugan ni Kina kaya wala itong nagawa kung hindi ang samahan ang kaibigan.

"Okay."

Aalis na sana silang dalawa nang biglang nagsisigawan ang mga estudyanteng nanonood ng volleyball. Parang kung may anong naganap doon.

Dahil sa kuryosidad ni Jackielyn ay saglit na lumingon ito roon. "Anong nangyari? Is someone hurt?"

Lumingon din ulit doon si Kina. Hindi niya alam pero parang may kung anong nag-udyok sa kanyang lumingon doon na para bang interesado siya sa anumang nangyayari ngayon sa volleyball court.

Nakita nila na nagtitipon-tipon sa kabilang dako ng court ang lahat ng manlalaro kung saan nakapwesto ang pangkat nina Luke. Mukha nga atang may nasaktang manlalaro doon base na rin sa reaksyon ng mga nakapalibot doon. Mayroon ding medical staff na rumesponde.

'Si Luke kaya 'yon?' tanong ni Kina sa isip.

Iniiling-iling din agad nito ang kanyang ulo na parang gustong iwaksi ang kanyang iniisip. Imposibleng si Luke iyon. Marahil ay isa iyon sa mga kakampi nito. Imposibleng ang isang katulad ni Luke na mahusay na martial artist ay mapapatumba lang sa paglalaro ng volleyball.

"Let's go Jackie."

Tumango lang si Jackielyn at agad na sumunod kay Kina.

Samantala, lingid sa kaalaman ni Kina ay si Luke nga ang nakahandusay ngayon sa volleyball court. Kunwaring nakapikit ito habang bahagyang nakadilat ang isang mata. Nakatingin siya sa direksyon nina Kina.

Nadismaya nalang siya nang makitang umalis ang mga ito imbes na makiusisa sa nangyayari. Dahil sa dami ng nakapalibot sa kanya ay imposibleng makita siya nina Kina.

Palpak ang plano ni Luke. Nang puntong tumama sa mukha niya ang bola na ini-spike pa ni Nicolo ay sakto namang tumayo sina Kina at tumalikod kaya hindi rin nila nakita ang nangyari.

Plano niya sanang pekein ang aksidenteng iyon upang pag-alalahanin si Kina. May dalawang pagpipilian na maaaring gawin ni Kina: una ay ang lumapit din ito mismo sa kanya sa court o pangalawa ay bisitahin siya nito sa clinic.

Pero wala. Pinaglalaruan siya ng kalawakan. Kung pwede lang sanang mahiga lang siya roon sa court buong maghapon ay doon na muna siya. Kahit ngayong araw lang.

"What a nerd. Kakasimula palang ng laro ay na-injury na kaagad." Natatawang tumingin si Nicolo kay Oliver. "'Yan na ba ang sinasabi mong gusto mong talunin? Isang lalampa-lampa?"

Hindi nag-abalang tumugon si Oliver na hindi makapaniwalang mangyayari iyon kay Luke. Napuna niya nang pinuntirya ni Nicolo si Luke kanina ay hindi ito umilag. Bukod pa roon ay mukhang ikinatuwa pa nga iyon ni Luke.

'Did he do that on purpose?' tanong nito sa isip.

"Kamay ang pinansasalo ng bola, hindi mukha." nang-uuyam na sambit ng libero ng pangkat nina Oliver. Nagsitawanan ang mga nakarinig niyon.

Nakapalibot kay Luke ang pangkat nina Andrie, si Novelito at dalawang medical staff ng clinic. Hindi nila pinansin ang mga pang-iinis ng pangkat ni Oliver.

"Hindi ka na ba makakapaglaro?" tanong ni Andrie.

Kasabay ng pag-aalala nito sa nangyari kay Luke ay ang pag-aalalang baka matalo sila. Ikalawang round palang ay napuruhan na agad ang itinuturing niyang best player ng kanilang pangkat.

Mas lalo itong nag-alala nang hindi tumugon si Luke. "Did you checked his pulse? Is he still breathing?"

Napasimangot si Luke. Tingin ba ni Andrie ay mamamatay siya nang ganoon nalang?

"Ayos lang siya, don't worry."

Sinenyasan ng isang medical staff ang kasama nitong kunin ang stretcher upang madala nila si Luke sa clinic. Pero hindi pa man nakakaalis ang isa pang medical staff ay naupo si Luke na parang bagong gising lang. Nabigla pa sila sa ginawa niyang iyon dahil ang akala nila ay napuruhan siya nang husto at halos mawalan nang malay.

"Are you alright now, Mr. Cruise?" nag-aalalang tanong ni Novelito. Sinisiyasat nito ang ekspresyon ng mukha ni Luke pero wala itong makitang senyales na iniinda ni Luke ang natamo nitong pinsala.

Marahang tumango si Luke bago tuluyang tumayo. Sinubukan pa niyang tanawin sina Kina pero wala na talaga sila roon. Sinabi niya na nga ba at aalis na naman ito kapag nakita siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status