Share

Chapter 156 - Luke's Unexpected Jumping Skill

Malakas na hinampas ni Luke ang bola habang nakasuspende siya sa ere. Lahat ay may pigil lang na hininga habang nakatingin sa pagtama ng kanyang kamay sa bola. Tila nag-slo-mo pa ang pangyayaring iyon sa kanilang paningin dahil sa kanilang sobrang pagkabigla. Ang kaninang lalampa-lampa ay hindi nila akalaing napakataas palang lumundag!

Dahil sa sobrang pagkabigla nina Nicolo at buong pangkat nito ay hindi agad nakakilos ang mga ito. Ni hindi man lang nag-abalang gumalaw ang mga ito nang puntong lumipat na sa kabila ng net ang bola. Lahat sila ay nakasunod lang ang tingin sa paglapag ni Luke.

"I-imposible!" gulat na reaksyon ni Nicolo. Siya na ang pinakamataas na tumalon sa kanilang pangkat at aminado siyang nahigitan iyon ni Luke.

Pumito ang referee. Itinaas nito ang dalawa nitong kamay habang ang mga palad ay nakaharap sa sarili nito. Ibig sabihin lang niyon ay bumagsak sa labas ng linya ang bola. Puntos pa rin iyon ng pangkat ni Oliver.

"Mukha atang wala akong kontrol sa pag-spike.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status