Share

A Perfect Man For Me (Filipino)
A Perfect Man For Me (Filipino)
Author: Jay Sea

Prologue

"Why are you calling me this afternoon, Tita Daisy?" tanong ni Callix sa Tita Daisy niya pagkasagot niya sa tawag nito. Nakaupo siya sa swivel chair na nasa loob ng opisina niya.

"I want to talk to you this afternoon. Hindi naman matagal 'to, eh. Aren't you busy?" malumanay na sagot ng Tita Daisy niya sa kanya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya habang kausap siya.

"Hindi naman po ako busy ngayong hapon na 'to, Tita Daisy. Kakatapos lang po ng appointment ko. Bakit ka po pala napatawag sa akin?" tanong ni Callix sa Tita Daisy niya.

"May sasabihin lang naman ako sa 'yo, eh. Puwede ba tayong mag-usap kahit ilang minuto lang?" tanong ng Tita Daisy niya sa kanya.

Tumango naman siya habang kausap ito sa kabilang linya. "Oo naman po, Tita Daisy. Puwedeng-puwede po. Walang problema. Ano po ba ang kailangan natin na pag-usapan? Mukhang importante ang sasabihin mo sa akin," sabi ni Callix kay Daisy na tita niya.

"Puwede ka bang ma-interview soon?" mahinang tanong ng Tita Daisy niya sa kanya.

"Puwedeng-puwede naman po, Tita Daisy. Para saan po ba ang interview na 'yon? Anytime naman po ay puwede akong ma-interview basta sa inyo po," sabi ni Callix sa Tita Daisy niya na napatango-tango naman sa kabilang linya pagkasabi niya na anytime naman ay puwede siyang interview-hin.

"Good to hear that from you, Callix. Gusto ka sana namin na interview-hin para sa magazine issue namin susunod na buwan. Isa ka sa limang mga successful na businessmen na napili namin na i-feature. Kaka-start pa lang ng buwan ngayon kaya gusto ko nang sabihan ka para makapaghanda ka. Kahit nga bukas na bukas ay puwedeng ma-interview ka na ay walang problema sa amin. Mas maganda nga, eh," sabi sa kanya ng Tita Daisy niya kaya nalaman na niya kung bakit siya i-interview-hin.

Wala namang problema sa kanya kung interview-hin siya para i-feature sa susunod na buwan na magazine issue kung saan editor-in-chief ang Tita Daisy niya. He let out a deep sigh and slowly opened his mouth to speak to his Auntie Daisy.

"Talaga po ba? You'll interview me for next month's magazine issue? Magandang marinig po 'yan, Tita Daisy. Alam n'yo naman po na never pa akong nagpa-interview kahit kanino kaya hindi po ako tatanggi sa inyo lalo na ikaw po ang editor-in-chief. Pumapayag po ako, Tita Daisy. Kahit bukas na bukas po ay puwede n'yo na akong interview-hin ay walang problema po sa akin. Wala po akong appointment bukas. Welcome po kayong lahat na pumunta dito sa opisina ng kompanya na pinapatakbo ko," sagot ni Callix sa Tita Daisy niya. Pumapayag siya na ma-interview nito.

Iyon ang unang beses na magpapa-interview siya para i-feature sa isang magazine. Palagi kasi siyang tumatanggi kapag may gustong mag-interview sa kanya. Hindi kasi siya mahilig magpa-interview kahit sa mga media. Pahirapan madalas ang gustong mag-interview sa kanya. Bihira lang siya magpa-interview. Ang Tita Daisy niya ang gusto na mag-interview sa kanya kaya hindi niya 'yon tatanggihan.

"Sigurado ka? Bukas na bukas ka i-interview-hin?" masayang-masaya na sagot ng Tita Daisy niya sa kanya.

"Opo. Bukas na bukas ay puwede po. Hindi na po kailangan ng kung anong letter para ma-interview ako," sabi niya dito.

"Ah, okay. Maraming salamat sa pagpayag mo na ma-interview ka namin, Callix. Maraming salamat talaga sa 'yo!" pasalamat na tugon ng Tita Daisy niya sa kanya.

"You're always welcome po, Tita Daisy. Basta ikaw po ay walang problema. Malakas ka po sa akin, eh," sabi pa ni Callix na nakangiti sa kausap niya na tita niya. "Ikaw po ba ang magi-interview sa akin, Tita Daisy?"

"Hindi, eh. Hindi ako ang magi-interview sa 'yo, Callix. Hindi ako puwedeng mag-interview kasi editor-in-chief ako at may kailangan na gumawa ng bagay na 'yon kasi hindi ko naman na trabaho 'yon. Puwede rin naman ako mag-interview pero hindi madalas kasi may dapat na gumawa n'yan, eh. May ipapadala ako sa 'yo na mag-interview tomorrow. Okay lang ba sa 'yo na hindi ako ang magi-interview sa 'yo bukas? Hindi ko na kasi 'yon trabaho, Callix. Hindi ka ba papayag kung hindi ako ang magi-interview sa 'yo, huh?" paliwanag ng Tita Daisy niya sa kanya. Napanguso tuloy si Callix nang sabihin nito sa kanya na hindi ang Tita Daisy niya ang magi-interview sa kanya bukas. May ipapadala ito. Naiintindihan naman niya ang sinabi nito sa kanya. She's the editor-in-chief and it's no longer her job to interview someone.

Napabuga si Callix nang malalim na buntong-hininga bago nagsalita sa kabilang linya.

"Hindi naman po. Papayag po ako kahit hindi ka po ang magi-interview sa akin, Tita Daisy. Akala ko po kasi ay ikaw po mismo ang magi-interview sa akin ngunit 'yon pala ay hindi naman pero wala namang problema sa akin. Naiintindihan ko naman ang sinasabi mo sa akin, eh. 'Wag ka pong mag-alala. Sino po ba ang ipapadala n'yo sa akin na magi-interview bukas?" sabi ni Callix sa Tita Daisy niya. Tinatanong niya kung sino ang magi-interview sa kanya bukas na ipapadala ng Tita Daisy niya. He heard her auntie sighed deeply before she speaks to him.

"Hindi ko pa masasabi sa 'yo kung sino ang ipapadala ko d'yan sa 'yo na magi-interview pero huwag kang mag-alala dahil mabait ang ipapadala ko sa 'yo para interview-hin ka. Hindi ko pa kasi nakakausap 'yung isa namin na journalist na gusto ko na mag-interview sa 'yo, eh. I'll call you this evening again, okay?" sabi ng Tita Daisy niya sa kanya.

He licked his lips and said, "Sige po, Tita Daisy. Babae po ba ang ipapadala n'yo sa akin na magi-interview bukas?"

"Oo. Babae ang ipapadala ko sa 'yo bukas para mag-interview. Bakit mo ba tinatanong, huh? Ayaw mo ba na babae ang magi-interview sa 'yo?" tanong ng Tita Daisy niya sa kanya. Napabungisngis tuloy si Callix pagkasabi ng Tita Daisy niya.

"Hindi naman po. Mas prefer ko nga po ang babae, eh. Virgin pa po ba ang ipapadala mo na babae sa akin na magi-interview, Tita Daisy?" tanong ni Callix sa Tita Daisy niya na napakunot-noo tuloy sa kanyang naitanong kung virgin pa ba ang babaeng ipapadala para interview-hin siya.

"W-what?! Seryoso ka sa tinatanong mo sa akin, Callix?!" singhal ng Tita Daisy niya sa kabilang linya habang siya ay tawa lang nang tawa.

"Opo, Tita Daisy. Seryoso ako sa tanong ko pong 'yon sa 'yo kung virgin pa po ba ang babaeng 'yon na ipapadala n'yo sa akin para interview-hin ako," saad pa ni Callix.

"Bakit mo naman tinatanong, huh? Required ba na virgin ang babaeng magi-interview sa 'yo bukas?" tanong ng Tita Daisy niya sa kanya na nakakunot noo pa rin sa kanya.

"Gusto ko lang naman po malaman kung virgin pa po," sabi pa ni Callix na tumatawa. Bumuntong-hininga ang tita niya sa kanya.

"Ikaw talagang bata ka, tumigil ka nga d'yan sa tanong mo na 'yan. Hindi naman kailangan na virgin o hindi ang babaeng magi-interview sa 'yo, eh. Kailangan ba niyang ipakita sa 'yo ang kanyang pagkababae para sa interview na 'yon? Pinangti-tripan mo na naman ako, Callix. Tumigil ka na d'yan. Kukurutin kita sa singit kapag nagkita tayo. Ikaw ha," sabi ng Tita Daisy niya sa kanya. Mas lalo pang tumawa nang malakas si Callix sa kabilang linya. "Tatawagan kita mamayang gabi. I'll update you about it."

"Okay po, Tita Daisy. Update mo rin po ako kung virgin pa po siya. Mas prefer ko po ang virgin," sabi pa ni Callix na nagbibiro sa Tita Daisy niya na singhalan muli siya sa kabilang linya.

"Ewan ko sa 'yong bata ka! Basta maraming salamat sa pagpayag na ma-interview ka. I'll update you, okay? May gagawin pa ako," sabi ng Tita Daisy niya sa kanya.

Tumawa pa si Callix bago nagsalita, "Sige po. I'll wait for your call later, Tita Daisy."

Sabay nilang dalawa binaba ang hawak nilang cell phone. Malinaw na ang lahat sa kanila. I-interview-hin si Callix bukas ngunit hindi pa niya alam kung sino ang magi-interview sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status