Share

Chapter 4

Walang nagawa si Isabel kundi ang sumunod sa sinasabi ni Callix sa kanya. Kinuha na niya ang kanyang bag at sumunod na lumabas sa opisina ni Callix. Tumayo muna si Isabel sa labas ng opisina ni Callix habang may sinasabi ito sa secretary na si Irish. May binibilin si Callix dito. Panay lang ang tango ni Irish habang nagsasalita si Callix sa harap niya. After a few minutes ay muling humarap si Callix sa kanya na may ngiti sa mga labi. Tapos na itong sabihin ang kailangan niyang sabihin kay Irish na secretary niya. Muling naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Akala niya ay kakausapin siya muli ni Callix ngunit hindi 'yon ang nangyari. Kinuha nito ang kanyang cell phone at may tinawagan sa kabilang linya. Tahimik lang siyang nakikinig sa kausap nito. Narinig niya na sinabi nito sa kausap sa kabilang linya na ihanda ang sasakyan niya. She had no idea where they're going. Hindi tuloy maiwasan na kabahan siya. Ipinikit niya ang kanyang dalawang mga mata at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Tamang-tama nang muling imulat niya ang kanyang mga mata makaraan ang ilang segundo ay tapos na si Callix sa pakikipag-usap sa kung sino man ang kausap niya sa kabilang linya. He put back his cell phone in his pocket and gave her a quick smile. Isabel smiled at him too. Hindi niya pinahalata na medyo kinakabahan siya.

"We have to go now," Callix said, smiling at her. Isabel nodded slowly. "Okay."

Sumunod muli si Isabel kay Callix habang naglalakad sila patungo sa elevator. Ang pinagtataka lang niya ay hindi sila dumaan sa dinaanan niya kanina pataas. Doon sila sa may fire exit dumaan ni Callix. Napakunot-noo tuloy siya.

Magtatanong na sana siya nang unahan siyang magsalita ni Callix kaya tumahimik na lang siya at hinayaan na lang ito na magsalita.

"I think nagtataka ka kung bakit dito tayo dumaan sa fire exit at hindi doon sa dinaanan mo papunta sa opisina ko, right?" malumanay na pagkakasabi ni Callix sa kanya. Tumango naman si Isabel. "Well, dito ko gusto na dumaan tayo para walang makakitang iba. Baka ma-tsismis pa tayong dalawa na lalabas sa oras na 'to na alam nila na you'll have an interview with me. Magtaka pa sila sa ating dalawa, eh. Diretso na ang labas natin nito sa parking area kung saan nandoon ang sasakyan ko."

Malinaw naman ang naging paliwanag ni Callix kay Isabel kung bakit doon sila dumaan sa fire exit. Naiintindihan naman na ni Isabel kung bakit doon sila dumaan para walang makakitang iba. May punto naman si Callix sa sinabi nito sa kanya na baka ma-tsismis silang dalawa. They expected them having an interview.

Tumango naman si Isabel pagkasabi ni Callix. Hindi na siya nagtanong pa hanggang sa makarating sila sa parking area. May mga lalaking naghihintay doon sa kanila na kahit hindi niya tanungin si Callix kung sino ang mga ito ay alam niya na mga bodyguards ito.

Tumigil sila sa paglalakad sa harap ng isang mamahalin na kotse na sigurado si Isabel na pagmamay-ari ito ni Callix. May lumapit na isang lalaki dito at sinabing handa na ang sasakyan niya. May iba pa itong sinabi kay Callix ngunit hindi naman na pinakinggan 'yon ni Isabel. Hindi naman importante pa na malaman kung ano 'yon.

Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Callix at sinabihan na pumasok sa loob. Nahihiyang tumango si Isabel dito.

"Salamat," mahinang pasalamat ni Isabel kay Callix. Dahan-dahan naman siya na pumasok sa loob ng kotse ni Callix. Her heart is pounding so fast inside her chest. Simula pa kanina ay talaga namang nawawala na ang kanyang puso sa bilis ng pagtibok nito. Doon siya sa unahan umupo.

Nang makapasok siya ay sinarhan na ni Callix ang pinto ng kotse niya. Sumunod na pumasok ito sa loob. Si Callix ang magmaneho ng kanyang kotse na ang akala ni Isabel ay ang isa sa mga lalaking nakapalibot sa kanila.

"Ikaw pala ang magmamaneho," mahinang usal ni Isabel kay Callix na nakaharap sa unahan. Humugot nang malalim na buntong-hininga si Callix at dahan-dahan na hinarap ang mukha sa kanya.

He gave her a quick nod and said, "Yes. I'm the one who would drive this car. It's mine, okay? Gusto ko na ako ang magmaneho ng kotse ko na 'to. I have my own driver, but I prefer to drive this day. Nakikita mo ba ang mga lalaking 'yan na nasa labas?" Itinuro ni Callix ang mga lalaking nakauniporme sa labas. Kaagad naman na tumango si Isabel pagkasabi ni Callix sa kanya.

"Oo. Actually kanina ko pa sila nakikita simula nang makarating tayo sa parking area na 'to, eh," sagot ni Isabel kay Callix.

"They're my bodyguards. Pinahintay ko na sila dito. 'Yung isang lalaki na kausap ko ay personal assistant ko na hindi ko muna pinapasama sa 'tin ngayon. I want him to stay here in my company para magbantay. I have my secretary, but she has her own responsibility to do unlike him. Tayo lang dalawa ang aalis. Hindi natin sila kasama, okay?" paliwanag na sagot ni Callix sa kanya. Muling tumango si Isabel pagkasabi nito sa kanya.

"Alam ko naman 'yon, eh, kahit hindi mo sabihin sa akin na mga bodyguards mo sila. Halata naman kasi. Pero nagtataka lang ako kung bakit ang dami mong bodyguards, eh. Daig mo pa ang presidente. Bakit ang dami mong bodyguards? May death threat ka ba?" usisa ni Isabel kay Callix. Hindi maiwasan na hindi siya mag-usisa. She's curious. Journalist siya kaya hindi maiiwasan na hindi niya tanungin ang bagay na 'yon na napapansin niya na mukhang there's something she can't explain na madalas lang niya na makita sa mga taong may mga death threat o kaya ay may mataas na katungkulan sa gobyerno. Kahit naman siguro hindi journalist ay mag-uusisa kapag ganoon ang makikita.

"Marami rang ang mga bodyguards may death threat na kaagad? Ganoon ba ang inaakala n'yo, huh?" sagot ni Callix sa kanya. She gasped loudly.

Tumango siya at nagsalita, "Oo. Madalas kasi na nae-encounter ko ay ganoon, eh. Mga artista, may mataas na tungkulin sa gobyerno kagaya ng presidente, at iba pang mga sikat na personalidad ang nakikitaan ko na may mga bodyguards. Tapos 'yung mga taong may death threat na kailangan bantayan talaga."

Callix heaved a deep sigh before he speaks to her. Hindi pa naman niya binubuksan ang engine ng kotse niya.

"I understand why you said that. Wala akong death threat, okay? Walang gustong manakit o saktan ako. Kaya marami akong bodyguards dahil gusto ko na palaging may nakabantay sa akin dahil mahirap na magtiwala sa panahon ngayon. Iyon ang dahilan kaya marami akong bodyguards," paliwanag ni Callix sa kanya. Isabel nodded again.

"Ah, ganoon ba? Akala ko pa naman ay may death threat ka o kaya ay may gustong manakit sa 'yo kaya marami kang bodyguards. Wala naman pala. I'm so sorry for saying that. Bakit wala kang bodyguards na sasama sa pupuntahan natin ngayon kung gusto mo palaging may nakabantay sa 'yo, huh?" sagot ni Isabel kay Callix na medyo naguguluhan.

Bumuntong-hininga muli si Callix bago sumagot sa kanya.

"It's okay. I told you that I understand you. 'Wag kang mag-alala, wala ka naman kailangan na katakutan ngayon na wala tayong kasamang bodyguards. Gusto ko lang na umalis na hindi muna sila kasama, okay? Puwede ko naman silang bawasan kung gusto ko," sagot ni Callix sa kanya.

"Hindi ka ba nasasakal kapag marami kang kasamang bodyguards, huh?" tanong ni Isabel sa kanya.

"Hindi naman masyado, eh," sabi ni Callix sabay kindat sa kanya. Umiwas siya ng tingin dito. Itinikom na niya ang kanyang mga labi. Hindi na siya nagsalita pa. Binuksan na ni Callix ang engine ng kanyang kotse para tumungo sa kung saan sila pupunta.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status