Share

Chapter 3

Pinapasok naman kaagad si Isabel sa loob ng company building ng mga guards na nagbabantay doon sa may entrance. Pinakita pa rin niya ang kanyang ID dito kahit alam na nito na magi-interview siya kay Callix. Sumunod pa rin naman siya sa patakaran sa loob ng kompanya nito. May isang empleyado ang nag-guide sa kanya hanggang sa makarating siya sa 30th floor kung nasaan ang opisina ni Callix. Nilapitan nila ang secretary ni Callix para sabihin doon na magi-interview siya. Nagpasalamat naman si Isabel sa babaeng empleyado na sinamahan siya hanggang sa taas. Inutusan kasi ni Callix ang babaeng empleyado na 'yon para madaling makapunta si Isabel sa opisina niya. Alam kasi niya na mahihirapan si Isabel na hanapin ang opisina niya sa dami pa naman na pasikot-sikot sa loob ng company building na pinapatakbo niya. Maliligaw ka lang kung hindi mo kabisado ang pasikot-sikot sa loob.

Nagpakilala naman siya sa secretary ni Callix na siya ang magi-interview sa boss nila. Nagpakilala rin sa kanya ang secretary nito na ang pangalan ay Irish.

"Kanina pa po sa 'yo naghihintay si Sir Callix sa loob ng opisina niya," magalang na sabi ni Irish sa kanya na kaagad naman niya na tinanggap.

"Ganoon ba? Nandito naman na ako, eh. Hindi naman niya kailangan na maghintay pa sa akin," nakangising sagot niya rin kay Irish na secretary nga nito.

"Yeah, I know po. Wait, I have to inform him that you're here now," sabi ni Irish sa kanya at mabilis nito na tinawagan ang boss niya sa loob ng opisina nito para sabihin na dumating na siya.

Matapos na tawagan ni Irish si Callix ay humarap muli siya kay Isabel na sunod-sunod ang pagbuntong-hininga habang hinihintay ang sasabihin niya. Ngumiti muna ito sa kanya at saka nagsalita, "Ma'am, puwede ka na raw po pumasok sa loob sabi ni Sir Callix."

Isabel shook her head quickly.

"Ah, okay. Maraming salamat. Papasok na ako sa loob ng opisina niya," sabi niya kay Irish na kinakabahan. Muli itong tumango sa kanya.

Sinamahan siyang pumasok sa loob ng opisina ni Callix. Si Irish ang nagbukas ng pinto habang nakasunod lang siya dito. Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago tuluyang pumasok. Kinakabahan talaga siya.

Nang makapasok siya sa loob ng opisina ni Callix ay iginala kaagad niya ang kanyang buong paningin. Tumayo ang matangkad na lalaki at humarap sa kanilang dalawa. Hindi si Isabel nakapagsalita matapos niyang makita ang guwapong binata na nasa harap nila. Naalala kaagad niya ang sinabi ng kaibigan niya na si Angela na guwapo at hot nga si Callix. Hindi talaga ito nagkakamali sa sinasabi sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa guwapong mukha nito. Pinakilala siya ni Irish na magi-interview sa harap ni Callix kahit alam naman na nito. Matapos 'yon ay lumabas na ito at silang dalawa na lang ni Callix ang nasa loob ng opisina nito. Mas lalo pa tuloy bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi siya mapakali at hindi niya malaman kung bakit.

Ngumiti si Callix sa kanya ng ngiting napakatamis-tamis. Pakiramdam ni Isabel ay matutunaw siya sa ngiting 'yon. Napamura tuloy siya sa isip niya.

"Maupo ka, please," magalang na sabi ni Callix sa kanya na kaagad naman niyang ginawa. Umupo siya sa upuan na nasa harap ng mesa nito.

"You're the one who—" pinutol ni Isabel ang sasabihin ni Callix sa kanya.

"Yes. Ako ang naatasan ng aming editor-in-chief na si Mrs. Daisy Garcia na interview-hin ka ngayong araw na 'to. Sabi niya sa akin ay nakausap ka na raw niya tungkol dito," malumanay na pagkakasabi ni Isabel kay Callix.

"Yes, that's right. She talked to me first before I agreed with her na ma-interview ako. Hindi ko naman siya matanggihan kaya pumayag na ako na ma-interview for today," kuwento ni Callix sa kanya. Tumango naman siya pagkasabi nito sa harap niya. "Ikaw pala ang naatasan na mag-interview sa akin sa araw na 'to. By the way, my name is Callix Montero. I'm the CEO of this company. It's a pleasure to meet you!" sabi ni Callix sa kanya. Nagpakilala ito sa kanya.

She quickly nods her head and said, "My name is Isabel Rodriguez. It's a pleasure to meet you too, sir." Tumayo si Isabel mula sa pagkakaupo para makipagkamayan kay Callix.

Nang magkamayan silang dalawa ay para bang may dumaloy na kuryente sa buong katawan ni Isabel. Mabilis naman na inilayo niya ang kanyang kamay kay Callix. Pakiramdam pa niya ay kakawala na ang puso niya sa sobrang bilis nang pagtibok nito. Bumalik na siya sa pagkakaupo sa inuupuan niya na nasa harap ng mesa ni Callix. Hindi maalis ang mga mata niya sa guwapong mukha nito. Matangkad. Matangos ang ilong. Guwapo. Hot. Matalino. Iyan ang mga katangian na naglalaro sa isipan ni Isabel ngayon na nakita na niya si Callix.

Hindi na umupo si Callix sa swivel chair na inuupuan niya kanina. Nanatili siyang nakatayo at naglalakad-lakad sa loob ng opisina niya habang kausap niya si Isabel. Panay ang sulyap niya kay Isabel lalo na sa maputing legs nito. Nakakaramdam siya ng kakaiba sa babae dahilan upang hindi na naman siya mapakali lalo na nang maalala niya ang sinabi ng Tita Daisy niya kanina na virgin pa si Isabel. Hindi siya makapaniwala na virgin pa si Isabel na kung iisipin ay masasabi mo na hindi na. Maganda ito. Sexy. Mukhang lapitin ng mga lalaki at higit sa lahat ay may karanasan na pagdating sa sex.

"I already knew your name, Isabel. Mrs. Daisy told me about your name pero wala namang problema kung nagpakilala ka pa ngayon sa harap ko. Anyway, may kasama ka ba sa labas?" sabi ni Callix sa kanya habang naglalakad-lakad ito sa may harap niya. Nasa loob ng kanyang bulsa ang dalawang mga kamay niya.

Bago magsalita si Isabel ay dumako muna ang tingin niya sa ibaba nito. Napalunok siya nang makita niya ang namumukol nitong harapan. She knows what it is. Napamura tuloy siya sa isip niya. Mukhang malaki ang ipinagmamalaki nito. Hindi naman siya nakitang nakatingin doon sa parteng 'yon ni Callix.

She licked her lips and said, "Wala naman. Wala naman akong kasama na magi-interview sa 'yo ngayon. Ako lang naman mag-isa, eh. Hindi naman kailangan na kunan ka ng larawan habang ini-interview kita, eh. Voice recorder at mga katanungan lang naman ang kailangan ko, eh. Ako ang magsusulat ng article na 'yon tungkol sa 'yo kaya kailangan talaga kitang ma-interview."

Callix sighed and faced her again.

"Okay. Mabuti naman na ikaw lang ang mag-isa kasi 'yon ang sabi ni Mrs. Daisy na mag-isa ka lang na pupunta dito. Naninigurado lang ako na mag-isa ka lang baka kasi may kasama kang iba na nasa labas ng opisina ko," sabi pa ni Callix sa kanya. Bumuga siya ng malamig na hangin at saka muling tumango sa harap nito.

Sinipat ni Isabel ang kanyang wristwatch para tingnan kung anong oras na. Alas diyes na ng umaga. Kailangan na niyang masimulan na ma-interview si Callix para matapos kaagad sila. Tumayo na siya para ihanda ang gagawin niyang interview sa loob ng opisina ni Callix. Wala namang ibang gagawa ng bagay na 'yon kundi siya lang naman.

"Bakit ka tumayo?" tanong ni Callix sa kanya nang tumayo siya at kunin niya ang voice recorder na gagamitin niya kasama ang mga katanungan. Bumuntong-hininga siya at humarap muli kay Callix na nakakunot ang noo.

Sumagot naman kaagad si Isabel kay Callix. Sinabi niya kung bakit siya tumayo para i-prepare ang gagawin niyang pag-iinterview. Tumatakbo ang oras at baka hindi siya makapag-interview kung makipag-usap lang siya kay Callix. Hindi naman makipag-usap ang sadya niya dito kundi ang ma-interview ito.

"Alas diyes na po kasi, eh. At para maaga po tayong matapos ay kailangan na makapagsimula na tayo ngayon kaya ihahanda ko na po ang kailangan sa pag-iinterview sa 'yo, sir," paliwanag ni Isabel kay Callix na tumango lang sa kanya. He gasped loudly. Hindi muna siya sumagot. Ilang minuto muna ang lumipas bago siya sumagot kay Isabel na mukhang nagtataka sa kinikilos niya.

"Isabel, alam ko naman kung bakit mo na ginagawa 'yan pero huwag mo na munang gawin 'yan," mahinang usal ni Callix sa kanya na ikinakunot ng noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito sa kanya.

"Bakit naman po, sir? Kailan ko po ba kayo mai-interview? Akala ko po ay ngayon ko kayo i-interview-hin? Bakit po mukhang ayaw mo pa po akong simulan ang kailangan kong gawin bago simulan ang pag-iinterview ko po sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Isabel kay Callix na seryosong tinitigan siya sa kanyang mga mata.

"Well, I'll tell you later on pero sa ngayon ay gusto ko na muna na kunin mo ang dala mong bag at sumama sa akin," sabi ni Callix sa kanya. Malinaw na narinig 'yon ni Isabel kaya kinabahan tuloy siya. "'Wag mo na munang problemahin 'yan na pag-iinterview sa akin. Marami pa tayong oras para sa bagay na 'yan. Sumama ka na muna sa akin, please."

Hindi lang si Isabel nagtataka sa narinig niya mula kay Callix. Naguguluhan na rin siya kung ano ba talaga ang nais nito. May kailangan siyang gawin at hindi puwedeng hindi 'yon matuloy.

"Sir, kailangan po kitang ma-interview ngayon, hindi puwedeng hindi na gawin natin 'yon. Mapapagalitan ako ng editor-in-chief namin kapag hindi ko nagawa 'yon," nag-aalalang komento ni Isabel kay Callix.

"Hindi mo kailangan na problemahin 'yan, Isabel. Ako ang bahala sa 'yo, okay? Kilala ko ang editor-in-chief n'yo. Hindi ko lang siya kilala, eh. We're close to each other. Wala kang kailangan na alalahanin. 'Pag sinabi ko ay sinabi ko. Ako ang bahala sa 'yo. Sumama ka na muna sa akin, please," paliwanag sa kanya ni Callix.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status