Share

Chapter 2

Maagang gumising si Isabel kinabukasan. Mag-isa lang siyang nakatira sa condo unit niya mahigit isang taon na. Nagdesisyon siya na doon na lang tumira kaysa makisama siya sa stepmother niya at dalawang anak nito kasama ang papa niya. Patay na kasi ang kanyang ina mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. Wala pa ngang isang taon nang mamatay ang pinakamamahal niyang ina ay nag-asawa muli ang papa niya. Hindi niya gusto ang pag-uugali ng stepmother niya at mga anak nito kaya umalis na lang siya sa bahay nila. Kahit mag-isa siyang naninirahan sa condo unit niya ay tahimik ang buhay niya. Wala siyang kailangan na pakisamahan o problemahin pa. Tanging sarili lang ang kailangan niyang isipin at wala nang iba pa. Bihira lang siyang umuuwi sa bahay nila.

Nang makakain at makabihis na si Isabel ay umalis na siya sa condo unit niya para pumasok sa trabaho. Handa na ang lahat para sa interview niya kay Callix Montero pati ang recorder niya na gagamitin mamaya. Kahapon pa niya natapos ang mga katanungan na ibabato niya kay Callix mamaya. Wala pang alas otso ng umaga ay nasa opisina na siya. Wala pa si Mrs. Daisy nang dumating siya. Malapit na mag-alas nuwebe ng umaga nang dumating si Mrs. Daisy. Nagpalipas muna siya ng ilang minuto bago pumasok sa loob ng opisina nito baka may ginagawa pa ito.

Pumasok lang siya sa loob nang papasukin na siya ni Mrs. Daisy. Binati kaagad niya ito pagkapasok niya at ganoon rin ang ginawa nito sa kanya. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ng mesa nito.

"Handa ka na ba sa pag-iinterview mo kay Mr. Callix Montero?" nakangising tanong ni Mrs. Daisy sa kanya. Tumango naman kaagad siya dito.

"Opo. Handa na po ako para sa interview ko na 'yon sa kanya. Medyo kinakabahan po ako pero go lang. First time ko po na i-interview-hin siya, eh," sabi ni Isabel kay Mrs. Daisy na tinanguan muna siya bago nagsalita muli sa harap niya. Ngumiti naman sa kanya pagkasabi niya si Mrs. Daisy.

"Normal naman na makaramdam ka ng ganyan, Isabel. Wala ka namang kailangan na ikatakot o ikakaba. Mabait naman ang i-interview-hin mo, eh. Naghihintay na siya sa 'yo ngayon sa opisina niya. Maaga rin siyang pumasok para sa interview mo sa kanya. Kakatawag lang niya sa akin bago kita papasukin dito sa loob ng opisina ko, Isabel," anunsiyo ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Talaga po ba? Naghihintay na po siya sa akin doon sa opisina niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Isabel kay Mrs. Daisy. Mrs. Daisy nodded immediately.

"Oo. He's waiting for you. 'Wag kang mag-aala dahil tatawagan ko siya mamaya kapag nakaalis ka na para sabihin sa kanya," sabi pa ni Mrs. Daisy sa kanya. Siya naman ang sumunod na tumango dito.

"Sige po, Ma'am Daisy. Iyon lang po ba ang sasabihin mo sa akin?" tanong ni Isabel kay Mrs. Daisy. Mukhang wala naman itong sasabihin sa kanyang iba pa.

Mrs. Daisy sighed deeply.

"Wala naman na, eh. Iyon lang naman, Isabel. Kaya kita pinapunta muna dito sa opisina ko para kausapin ka at i-good luck sa pag-iinterview mo sa kanya. Good luck, Isabel! Sana maging maayos ang pag-iinterview mo sa kanya," sabi pa ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Ah, ganoon po ba? Salamat po, Ma'am Daisy. Sana po maging maayos naman ang pag-iinterview ko kay Mr. Callix Montero. 'Pag nagkaroon po ng kung anong aberya o ano pa na kailangan po ang tulong n'yo ay tatawagan ko po ikaw," sagot naman ni Isabel kay Mrs. Daisy.

"Okay. Walang problema, Isabel. Tumawag ka lang kung may kailangan ka. Good luck!" sabi ni Mrs. Daisy sa kanya. Tumango muli si Isabel kay Mrs. Daisy.

"Opo, Ma'am Daisy."

Makaraan ang ilang minuto ay lumabas na si Isabel sa opisina ni Mrs. Daisy. Paalis na siya para tumungo sa opisina ng kompanya ni Mr. Callix Montero. Nang makaalis siya ay tinawagan muli ni Mrs. Daisy ang pamangkin niya na si Callix na naghihintay na sa loob ng opisina niya.

"Papunta na ang ipinadala ko d'yan na magi-interview sa 'yo ngayon. She'll be there in a few minutes, Callix," imporma ni Mrs. Daisy kay Callix sa kabilang linya.

"Oh, talaga ba, Tita Daisy? She's coming here na po ba?" sagot ni Callix sa Tita Daisy niya.

"Oo. Papunta na siya d'yan ngayon. You have to be kind to her, okay?" pagre-remind ni Mrs. Daisy kay Callix. He chuckled.

"Of course naman po, Tita Daisy. I would be kind to her. Kailan ba ako hindi naging kind, huh? I'm always kind po," sabi ni Callix sa Tita Daisy niya. Narinig niyang suminghap ang Tita Daisy niya sa kabilang linya.

"Kilala kita, Callix. Ikaw ha, umayos ka d'yan," sabi pa ni Mrs. Daisy sa kanya na pinapaalalahanan siya. He chuckled again.

"Tita Daisy, wala ka pong kailangan na ipaalala sa akin, okay? Wala naman po akong gagawin na masama sa pinadala mo na magi-interview sa akin ngayon. Relax ka lang po, Tita Daisy. Thanks for letting me know that she's on the way here," sabi ni Callix sa Tita Daisy niya na tumatawa.

"You behave, okay? Sinasabihan kita, Callix. Kilala mo ako bilang tita mo," sabi pa ng Tita Daisy niya sa kanya.

"Oo naman po, Tita Daisy. Alam ko naman po 'yon, eh. Huwag ka nang mag-alala pa o kung ano pa. Ako na po ang bahala sa pinadala n'yo na magi-interview sa akin. By the way, what's her name po?" sabi pa niya sa Tita Daisy niya. Tinatanong niya kung ano'ng pangalan ng magi-interview sa kanya.

Huminga muna nang malalim si Mrs. Daisy bago sinagot ang katanungan niyang 'yon. "Her name is Isabel," sagot ni Mrs. Daisy sa kanya. Sinabi nito ang pangalan ni Isabel na magi-interview sa kanya.

Pagkarinig pa lang ng pangalan ni Isabel ay para bang may nararamdaman na si Callix na kakaiba dito. "What a lovely name is that, Tita Daisy!" sabi niya sa Tita Daisy niya. "I like her name. Hindi ko pa nga siya nakikita ay para bang nagiging interesado na ako sa kanya. I really want to see her. Hindi na po ako makapaghintay sa kanya. Is she pretty?" Nagtatanong pa si Callix kay Mrs. Daisy kung pretty ba si Isabel. Napabuga na lang ng malamig na hangin si Mrs. Daisy sa katanungan na 'yon ng pamangkin sa kanya. She felt something sa mga sinasabi ng pamangkin niya na mukhang may nais na naman itong mangyari lalo na kapag nakita si Isabel. Hindi niya maitatanggi na maganda si Isabel.

"You should stop asking about that, Callix. Makikita mo na lang siya mamaya kapag dumating na siya sa opisina mo. Ang dami mo namang tanong sa akin. Mabuti pa siguro na ako na lang ang nag-interview sa 'yo para natanong rin kita nang natanong," tugon ni Mrs. Daisy sa kanya. Napapakamot na tuloy ito sa kanyang ulo sa mga binabatong tanong ni Callix sa kanya. Humagalpak ng tawa si Callix pagkasabi niya.

"Hindi na po ako magtatanong pa, Tita Daisy. Baka masampal mo ako n'yan kapag nakita mo ako dahil sa mga itinatanong ko sa 'yo. Curious lang po talaga ako kaya tanong ako nang tanong sa 'yo," tugon ni Callix sa Tita Daisy niya na naiinis na nang kaunti sa kanya.

"Mabuti naman alam mo. You behave, okay? Sinasabi ko sa 'yo 'yan dahil ayaw ko na may gawin kang hindi maganda," sabi pa ni Mrs. Daisy sa kanya.

"I told you about it, Tita Daisy. Wala po akong gagawin na masama kay Isabel. Mabait naman po ako sa kanya. Bago po matapos ang pag-uusap natin ngayon ay gusto ko pong tanungin ka kung—"

"Ano? Ano'ng itatanong mo sa akin?" tanong pa ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Tinanong mo po ba siya kung virgin pa siya?" tanong nga ni Callix sa Tita Daisy niya na napakunot-noo na naman.

"Hayan ka na naman, Callix. Nagsisimula ka na naman. Oo. Tinanong ko siya para sa 'yo dahil alam ko na magtatanong ka na naman tungkol sa kanya," sabi ng Tita Daisy niya.

"Ano po'ng sinabi niya? Virgin pa po ba siya?" Huminga nang malalim si Mrs. Daisy sa kabilang linya.

"Oo. She's still a virgin, Callix. Masaya ka nang marinig 'yon mula sa akin, huh?" anunsiyo ni Mrs. Daisy sa kanya. Napangiti siya pagkasabi nito.

"Yeah, of course. Magandang marinig po 'yan mula sa 'yo, Tita Daisy. She's still a virgin and I like that," nakangising sagot pa niya sa Tita Daisy niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status