Share

Chapter 1

"Good afternoon po, Ma'am Daisy. Pinapatawag mo raw po ako," bati ni Isabel kay Mrs. Daisy Garcia na editor-in-chief nila pagkapasok niya sa loob ng opisina nito. Mariing tumango si Mrs. Daisy sa kanya at sinenyasan siya na umupo sa upuan na tabi ng mesa nito. Binati rin siya nito ng good afternoon.

"Yeah, you're right. Pinapatawag kita ngayon na hapon dito sa opisina ko dahil I have something to tell for you, Isabel," seryosong sabi niya kay Isabel na tumango-tango naman pagkasabi niya.

"Ganoon po ba? Ano po'ng sasabihin mo sa akin, Ma'am Daisy?" tanong niya dito. Nagpakawala muna nang malalim na na si Mrs. Daisy bago sinabi ang kailangan niyang sabihin sa kanya.

"I'll give you a new assignment that you need to do for this month. Kailangan mo na ma-interview si Callix Montero na isa sa mga successful na businessmen na ipi-feature natin sa susunod na magazine issue natin next month. Hindi lang naman siya isang successful na businessman. He's a billionaire too. Have you heard his name before?" sabi ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Opo. I heard his name pero never ko pa po siyang nakita in person, eh. Siya lang po ba ang kailangan ko na interview-hin, Ma'am Daisy?" sagot ni Isabel kay Mrs. Daisy.

Kaagad naman siyang tinanguan ni Mrs. Daisy at saka nagsalita, "Wala na. Siya lang ang ibibigay ko sa 'yo na assignment na kailangan mo na interview-hin para sa buwan na 'to. Wala nang iba pa. Nakausap ko na siya, Isabel. Bukas na bukas ay puwede na siyang interview-hin."

"Talaga po? Bukas na bukas ay i-interview-hin ko na siya, Ma'am Daisy?" hindi makapaniwalang tanong ni Isabel kay Mrs. Daisy.

"Oo. Bukas na bukas ay i-interview-hin mo na siya. Nakausap ko na siya, eh. Okay naman na sa kanya na bukas siya interview-hin. Siya pa nga ang nag-insist na bukas na bukas ay puwede na siyang interview-hin, eh," sabi ni Mrs. Daisy sa kanya.

Tumango naman na si Isabel sa kanya. Trabaho niya 'yon kaya kailangan niyang gawin 'yon kahit anong oras. Hindi naman na siya nagreklamo pa o nagkomento dahil trabaho niya 'yon. Gagawin na lang niya ang panibagong assignment na itinalaga sa kanya ni Mrs. Daisy na editor-in-chief nila.

"Sige po, Ma'am Daisy. Bukas na bukas ay i-interview-hin ko na siya. Maraming salamat po sa pagbigay sa akin ng panibagong assignment sa buwan na 'to," pasalamat ni Isabel kay Mrs. Daisy.

"You're always welcome, Isabel. Pupunta ka doon sa opisina niya kung saan niya sinabi sa akin kanina. Bago ka pumunta doon bukas sa opisina ng kompanya niya ay dumaan ka muna sa akin, okay?" sabi ni Mrs. Daisy sa kanya.

Tumango muli si Isabel sa kanya. "Opo, Ma'am Daisy. Dadaan po muna ako dito sa opisina n'yo bago pumunta sa opisina ng kompanya ng i-interview-hin ko po na si Mr. Callix Montero," sabi ni Isabel sa kanya.

"Very good, Isabel."

"Saan po pa lang company 'yon, Ma'am Daisy?" tanong pa ni Isabel kay Mrs. Daisy.

"Montero Group and Companies. Doon ka pupunta. Doon ka sa main office pupunta, okay? Doon ang opisina niya. Sabihin mo lang doon sa secretary niya pagdating mo. She'll entertain you well," tugon ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Okay po. Maraming salamat po muli," pasalamat muli niya kay Mrs. Daisy na tumango naman sa kanya ulit.

"Isabel, bago ka lumabas sa opisina ko ay may gusto muna akong tanungin sa 'yo," nangungumpirma na pagkakasabi ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Ano po 'yon, Ma'am Daisy?" tanong ni Isabel dito. "Ano po ang itatanong mo sa akin?"

"Virgin ka pa ba?" tanong ni Mrs. Daisy sa kanya na hindi niya inaasahan na itatanong sa kanya. Nagtataka siya kung bakit 'yon ang tanong sa kanya ng editor-in-chief nila. Kinabahan tuloy siya.

Maliwanag na narinig niya 'yon.

"Opo. Virgin pa po ako, Ma'am Daisy. Bakit mo po tinatanong kung virgin pa po ako?" nagtatakang tanong niya kay Mrs. Daisy. Matutuwa ba siya o maiinis sa tanong na 'yon. Hindi naman siguro kailangan 'yon na tanungin pero tinatanong siya ng editor-in-chief nila.

Mrs. Daisy sighed deeply and said, "Wala naman. Tinatanong lang naman kita, eh. Don't be offended because of that question I asked for you, okay? Parehas naman tayong babae, 'di ba? Ang kaibahan lang sa ating dalawa ay hindi na ako virgin kasi may asawa at anak na ako. Pero ikaw ay virgin pa." Napangiwi na lang si Isabel pagkasabi ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Alam ko naman po 'yon, eh," mahinang usal niya. "Virgin pa po ako hanggang ngayon."

"How old are you, anyway?" tanong pa nito sa kanya.

"Twenty-eight years old na po ako, Ma'am Daisy," sagot nga niya dito. Tumango-tango ito pagkasabi niya. "Oh, really? Hindi halata sa 'yo. You're so pretty kasi, eh. Akala ko ay twenty five ka pa lang. Hindi kasi halata, Isabel. Do you have a boyfriend?" Ngumiti lang siya pagkasabi ni Mrs. Daisy na she's pretty at akala nito ay twenty five years old pa lang siya.

"Wala po akong boyfriend sa ngayon. Five years ago pa po ang huli kong pagkakaroon ng boyfriend, Ma'am Daisy," sagot ni Isabel dito.

"Matagal na pala. Was he your first boyfriend?" tanong ni Mrs. Daisy sa kanya.

"Opo. Mahigit isang taon lang po kaming dalawa, eh," sagot pa ni Isabel kay Mrs. Daisy.

"Ganoon ba? Ayaw mo nang magkaroon ng boyfriend ngayon?" She sighed deeply.

"Wala pa po akong oras sa mga ganyan-ganyan sa ngayon. Focus lang po ako sa trabaho ko. Nakapaghintay naman po ang mga 'yan, eh," sabi ni Isabel sa kanya.

"Well, may punto ka naman sa sinabi mo. It can wait naman, eh," sabi ni Mrs. Daisy sa kanya.

Hindi naman na humaba pa ang usapan nilang 'yon ni Mrs. Daisy. Matapos 'yon ay lumabas na siya sa opisina nito ngunit hindi pa rin niya malaman kung bakit tinanong siya nito kung virgin pa siya. Sa dami ng puwedeng itanong sa kanya ay 'yon pa. Sinabi naman niya sa kaibigan niya na journalist rin na si Angela tungkol sa bagong assignment niya.

"Talaga ba? Iyon ang bago mong assignment ang interview-hin si Mr. Callix Montero?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Angela sa kanya.

Mabilis naman na tumango siya dito at nagsalita, "Oo. Iyon nga ang bago kong assignment. Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako? Of course not. Bukas na bukas nga ay i-interview-hin ko na siya. Nakausap na raw ito ni Ma'am Daisy."

"Alam mo ang suwerte mo sa totoo lang," sagot ni Angela sa kanya. Napakunot-noo tuloy siya. Hindi niya alam kung bakit ganito ang pagkakasabi nito sa kanya. Ano'ng suwerte sa pagi-interview niya dito?

"Huh? Ano naman ang suwerte sa sinasabi mo, huh?" nakakunot ang noo na tanong niya dito. Angela rolled her eyes and said, "Hindi mo ba alam na bilyonaryo 'yan si Callix Montero. Hindi lang 'yan bilyonaryo, eh. Guwapo. Hot. Matalino. Pantasya ng mga kababaehan. Hindi mo pa ba nakikita ang lalaking i-interview-hin mo bukas, huh? Kahit sa larawan lang."

Napasinghap si Isabel at saka nagsalita, "Hindi pa, eh. Naririnig ko na ang pangalan niya pero hindi pa siya nakikita. Wala akong ideya kung ano ang hitsura niya. Hindi naman ako naging interesado sa kanya, eh," sagot ni Isabel sa kaibigan niya na si Angela.

"Alam mo kapag nakita mo siya ay talagang mapapanganga ka. Sinasabi ko 'yan sa 'yo, Isabel. Hindi lang 'yang bibig mo ang mapapanganga n'yan pati 'yung ano mo ay ganoon rin," sabi ni Angela sa kanya at pagkatapos ay humagalpak ito ng tawa sa harap niya. Kinunutan muli niya ito ng kanyang noo.

"Mabuti pa siguro na i-search mo ang pangalan niya sa internet para makita mo ang kaguwapuhan niya. Talagang hindi ako magkakamali sa sinasabi ko sa 'yo, Isabel."

Isabel sighed. "'Wag na. Makikita ko naman siya bukas, 'di ba? Ba't ko pa siya ise-search online para makita ang mukha niya, eh, makikita ko naman siya bukas? It's just a waste of time. Maghahanda pa ako ng mga itatanong ko sa kanya. Bahala ka nga d'yan," sabi ni Isabel kay Angela na kaibigan niya.

"Bahala ka kung ayaw mo," sabi nito sa kanya. Hindi naman siya napilit ng kaibigan niya na si Angela na i-search ang pangalan nito sa internet para makita ang mukha nito. May punto naman siya na makikita niya naman ito bukas kaya hindi na kailangan pa na i-search pa para makita kung totoo nga na guwapo ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status