Naglakad siya at nang marinig ni Artus ang mga yabag, agad siyang tumayo. Nakita niya si Ashley na puno nang pagtataka sa mukha nito. Doon lang din tuloyang napagtanto ni Artus na hindi pa ito natutulog kaya nagtataka siya kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tahimik na lumapit si Ashley, dahan-dahang huminto sa harap ni Artus.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ashley, malamig ang boses pero may halong kaba.Hindi agad nakasagot si Artus. Tinitigan niya lang si Ashley, pilit binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.“Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” sa wakas ay nasambit niya. “Nag-alala ako.”Nagtaas ng kilay si Ashley, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “Nag-alala ka? Wala namang masamang nangyari sa akin kasi hinatid mo naman ako kanina.”“Yeah,” napahinto si Artus. “I’m sorry if I didn’t call you right away nang makarating ako sa condo ko. Something came up,” paliwanag niya. Naitindihan ni Ashley kung ano ang nangyari, inantay niya na sabihin ni Artus na p
Napahinto si Sky. Hindi niya inasahan ang maririnig niyang sagot mula kay Artus.Kagaya ng ibang tao, narinig din nila ang balita—ikakasal si Artus para sa isang business partnership. Pinalabas ito sa TV, kaya inakala ng lahat na si Stefanie pa rin ang babaeng pakakasalan niya. Ang stepsister ni Ashley. Ang babaeng matagal na ring kasama sa mga bulungan at tsismis sa loob ng organisasyon.Pero ngayon, iba na. Iba ang pangalan na binanggit ni Artus. At kahit si Sky—kahit siya na palaging tahimik na nakamasid, hindi rin niya kilala ang babaeng iyon.“Kilala ba namin ito?” tanong ni Sky, bahagyang nanginginig ang boses, pilit ikinukubli ang pagkalito.Tumingin sa kanya si Artus, seryoso. “I don’t think so,” sagot niya, tapos ay tumayo. “Aalis na ako.”Humakbang siya palayo ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, hinawakan ni Sky ang braso niya. Napahinto si Artus. Kumunot ang kanyang noo at saka lumingon.“May problema ba, Sky?”Walang salitang lumabas mula kay Sky sa una. Gusto niyang it
Mariin kong tinitigan ang boyfriend ko habang patuloy sa pag-iyak. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ito sa akin."Kailan pa?! Sabihin mo kung kailan mo pa ako niloloko!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya habang patuloy na rumaragasa ang luha sa aking mata. "Hindi ako naniwala at nakinig sa mga sabi-sabi, dahil may tiwala ako sayo! Pero tama pala talaga ang mga naririnig ko!"Ang sakit, ang sakit sakit. Akala ko mahal niya ako. Hindi ko alam na matagal na niya pala ako niloloko. Kung hindi ko pa siya sinurpresa ngayon ay hindi ko pa malalaman ang kababuyan na ginagawa niya."You're so boring and childish as fuck, Ashley! Hindi mo maibigay ang pangangailangan ko. Masisisi mo ba ako kung maghanap ako ng init sa ibang babae?"Nanginig ang mga tuhod ko. Parang paulit-ulit ako sinaksak sa dibdib sa mga tinuran niya.Malakas ko siyang sinampal. Ang babae sa kama na nakatakip ng kumot ay nagulat din at napalunok sa ginawa ko. Kung hindi lang ako napigilan ni JM kanina ay talagang kinalbo
Hindi ko alam kung anong oras na. Nagising na lang ako dahil sa araw na tumatama sa aking mukha, pupungas-pungas akong umupo sa kama at sumandal sa headboard."Isinuko ko ba ang sarili ko?" bulong ko sa sarili at silip ang katawan na natatakpan ng kumot.Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang sakit sa aking hita. Ramdam ko rin ang lamig. Tumingin ako sa left side ko at nakita ko doon ang lalaki na pinaglabasan ko ng sama ng loob kagabi. Nakadapa siya at yakap-yakap ang unan na nasa ulo.Napalunok ako at sinapo ang aking kaliwang dibdib kung nasaan ang puso ko, malakas ang tibok nito. Bakit? Bakit ko nararamdaman ito?Weird. Na-love at first sight ba ako?Umupo ako at sumandig sa headboard ng kama at pinagmasdan ang lalaking katabi ko. It's really feels weird, why I can't feel a regret sa lahat ng nangyari?Tumitig ako sa ceiling at inalala ang nangyari kagabi. Kung paano ko nahuli si JM at ang babae niya na may ginagawang kalokohan sa condo niya . It's weird, hindi na ako nasasaktan.
"Dahan-dahan lang po..." daing ko habang ginagamot ni Manang ang braso ko na puro pasa mula kay Stefanie."Ano ba kasi ang ginawa mong bata ka para magalit na naman ang ate mo? Hindi ba't parati ko naman sayo sinasabi na huwag ka na lamang sasagot kapag nagagalit siya. Huwag mo na lang gatunangan para hindi ka parati nasasaktan."Nagbuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung paano magsisimula na sabihin sa kanya ang dahilan. Natatakot ako para sa sarili at para sa anak ko."B-Buntis po ako," mahinang sabi ko at napayuko.Hindi agad nakapagsalita si Manang. Alam ko kung ano ang iniisip niya."Mapapatay ka ng daddy mo, Ashley," nakahawak sa puso na sabi ni Manang. "Ano ba namang pumasok diyan sa kukute mo at nagpabuntis ka pagkatapos niyong maghiwalay ng nobyo mo."Alam ko naman na mali ako. Kasalanan naman talaga niya dahil hindi siya nag-iingat. Nagpadala siya sa bugso ng damdamin niya at wala na siyang magagawa pa para burahin ang nagawa niya. Pero hindi ba't may mali rin dito ang mapapa
Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Stefanie. It's her dream, ang maikasal sa mayamang lalaki. Bonus na lang sa kanya ang istura dahil mas importante sa kanya kung magkano ang yaman ng mapapangasawa niya.Tumayo ako para kumuha ng pagkain. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan doon. Tungkol iyon sa business, property, at iba pang asset."Hindi naman nasabi sa akin ni Stefanie na ganito pala kaganda ang kapatid niya."Benny.Awkward akong ngumiti kay Benny nang tumabi siya sa akin. If I am not mistaken, pinsan siya ni Artus, ang mapapangasawa ni Stefanie. Kanina ko pa napapansin ang kakaibang tingin niya sa akin. Akala ko ay guni-guni ko lamang iyon."Bakit ka umalis don?" tanong niya sa akin at kumuha rin ng plato."Business is not my thing," wika ko at nagkibitbalikat lang."Same. Damn business." Tawa niya at napailing. "But seriously, ngayon lang kita nakita sa mga gathering ng pamilya niyo.""Hindi rin ako mahilig sa party," sagot ko at naglakad papunta sa dulo para human
Para akong nabingi sa narinig, hindi ko alam kung may natapakan pa ba ako sa pagkakataon na ito. Lumambot ang buong katawan kong nakatingin sa lalaking seryosong nakatingin sa akin. Ano bang ginagawa niya? Paano niya nasasabi ang katagang iyon sa harap ng pamilya ko? And yes, sila. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Lalo na ang kapatid ko na puno ng galit sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano ko dapat tugunan ang sitwasyong ito. Mabilis ang tibok ng puso ko at parang hindi ko na kayang huminga. "What?! H-how did this happen?" sigaw ni Kuya Jacob. Alam kong sa lahat ng taong nandito, isa siya sa ayaw kong ma-disappoint sa akin sa oras na malaman niya ang tungkol sa akin.Si Stefanie, na may basag na vase sa kanyang mga kamay, ay natigilan sa kanyang pag-iyak. "Ashley, is this true?!" tanong niya, halatang naguguluhan. Sa kabila ng galit at takot, mayroon ding pahiwatig ng pang-unawa sa kanyang tinig.Nakita kong kumunot ang noo ni daddy habang tinitingnan si Artus. "Are you se
Mas lalo akong nanghina sa narinig mula kay daddy. Ano na ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng magpakasal. Hindi ko rin pwedeng ipalaglag ang bata. “Dad, hindi na kailangan. Hindi naman si Artus ang ama ng bata, hind kami magkakilala ng personal. So, please. Maniwala naman kayo sa akin…please, Kuya…” pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa. Seryoso ang tingin sa akin ni Dad, habang si Kuya naman ay bakas ang awa sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. “Shh, don’t cry. Kailangan din natin iyon gawin para matapos ang probelamang ito. Kapag hindi ka pumayag sa DNA, baka isipin namin na totoo ang sinabi ni Artus at gusto mo lang itong itago para kay Stefanie. We need to do this, okay?”Umiling ako sa sinabi ni Kuya. Hindi nga pwede! Hindi pwede!Umalis ako mula sa pagkayakap, umiling nang paulit-ulit. “No. Hindi na nga kailangan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala na naman sa akin na hindi nga siya ang ama ng bata!” sigaw ko. Pero ilang segundo lang ang lumipas, bigla
Napahinto si Sky. Hindi niya inasahan ang maririnig niyang sagot mula kay Artus.Kagaya ng ibang tao, narinig din nila ang balita—ikakasal si Artus para sa isang business partnership. Pinalabas ito sa TV, kaya inakala ng lahat na si Stefanie pa rin ang babaeng pakakasalan niya. Ang stepsister ni Ashley. Ang babaeng matagal na ring kasama sa mga bulungan at tsismis sa loob ng organisasyon.Pero ngayon, iba na. Iba ang pangalan na binanggit ni Artus. At kahit si Sky—kahit siya na palaging tahimik na nakamasid, hindi rin niya kilala ang babaeng iyon.“Kilala ba namin ito?” tanong ni Sky, bahagyang nanginginig ang boses, pilit ikinukubli ang pagkalito.Tumingin sa kanya si Artus, seryoso. “I don’t think so,” sagot niya, tapos ay tumayo. “Aalis na ako.”Humakbang siya palayo ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, hinawakan ni Sky ang braso niya. Napahinto si Artus. Kumunot ang kanyang noo at saka lumingon.“May problema ba, Sky?”Walang salitang lumabas mula kay Sky sa una. Gusto niyang it
Naglakad siya at nang marinig ni Artus ang mga yabag, agad siyang tumayo. Nakita niya si Ashley na puno nang pagtataka sa mukha nito. Doon lang din tuloyang napagtanto ni Artus na hindi pa ito natutulog kaya nagtataka siya kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tahimik na lumapit si Ashley, dahan-dahang huminto sa harap ni Artus.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ashley, malamig ang boses pero may halong kaba.Hindi agad nakasagot si Artus. Tinitigan niya lang si Ashley, pilit binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.“Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” sa wakas ay nasambit niya. “Nag-alala ako.”Nagtaas ng kilay si Ashley, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “Nag-alala ka? Wala namang masamang nangyari sa akin kasi hinatid mo naman ako kanina.”“Yeah,” napahinto si Artus. “I’m sorry if I didn’t call you right away nang makarating ako sa condo ko. Something came up,” paliwanag niya. Naitindihan ni Ashley kung ano ang nangyari, inantay niya na sabihin ni Artus na p
Sa kabilang banda, habang hawak ni Ashley ang phone niya, bigla na lang itong nag-ring. Tumatawag si Danica kaya agad niya itong sinagot. “Ash! Ayos ka lang ba? Narinig ko ang nangyari, kumusta ka?” puno nang pag-alala ang boses ni Danica. Napangiti naman si Ashley. “I’m fine, Dan. Don’t worry. Pero paano mo pala nalaman?” tanong niya. “Kay Aaron. He’s with me kanina,” sagot ni Danica na para bang wala lang iyon. At dahil sanay na rin si Ashley sa ugali ni Danica, hindi niya na lang din pinahaba pa ang usapan tungkol kay Aaron. “I’m sorry kung hindi na ako nakapunta sa condo,” saad ni Ashley.“What? Mas okay nga na maraming nakatingin sa’yo habang buntis ka…oh shit.” Natahimik si Danica bigla. Nagtaka naman si Ashley. “Dan? Bakit?” lito nitong tanong. Sa kabilang banda, habang katawan ni Danica si Ashley, hawak niya rin ang iPad niya, gamit ito habang nag-scroll sa social media at may nakita siyang post na kinabigla niya. “Ash…hindi mo ba kasama si Artus ngayon?” biglang tanong
Habang bumabalik si Caleb sa bahay nila para simulan ang plano, sumama sa kanya ang isa sa mga bodyguard nila ni Artus. Hindi pa rin mawala sa isip nila ang naging ambush—dalawang lalaking naka-motor, armado, at malinaw na may intensyong tapusin ang isa sa kanila, o baka pareho.Tahimik na bumalik si Artus sa kwarto ng safehouse. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang tanawing lalong bumigat sa dibdib niya—si Ashley, nakahiga sa kama, nakatitig sa kawalan. Wala siyang emosyon sa mukha, tila malayo ang isip, tila hinahabol pa rin ng takot at kaba ang puso niya.Dahan-dahang lumapit si Artus. Walang ingay ang mga hakbang niya, ayaw niyang gulatin si Ashley. Umupo siya sa gilid ng kama, katabi nito, at marahang hinawakan ang kamay ng dalaga. Doon lang siya nilingon ni Ashley, mabagal at parang galing sa malalim na pag-iisip.Bumangon ito at umupo. Tahimik silang nagtitigan, ilang sandali bago nagsalita si Ashley. “Kumusta?” tanong niya, mahina ang boses, pero buo. Huminga ng malalim si A
Pagkatapos nilang manood ng cine, nag-dinner muna sila sa restuarant na hindi masyadong mabigat na pagkain ang naroon at pagkatapos no’n, nag-aya na si Ashley na umuwi. “Ihahatid na muna kita bago ako bumalik sa condo ko,” alok ni Artus.“Sigurado ka ba? Pagod ka rin,” may pag-alala sa boses ni Ashley. Ngumiti lang si Artus sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “I’m fine. Mas gusto ko itong nakikita kong ligtas kayong nakauwi ni baby.”Natawa naman nang mahina si Ashley. “Masyado mo naman kaming ini-spoiled, lalo na itong anak mo. Hindi pa nga lumalabas pero spoiled na sa’yo.”“Naman. I will give everything to the both of you…kahit buhay ko pa ang nakataya.”Sa hindi malamang dahilan, natahimik si Ashley. Umiwas siya ng tingin kay Artus at nagsimula nang maglakad papunta sa parking lot, sinundan naman siya ni Artus. Para kay Ashley, kahit na naging malawak na kahit papaano ang samahan nila ni Artus, may mga bagay pa rin na tila hindi pa rin siya sigurado kung handa na siya. ***Ta
Habang nag-uusap pa rin sina Artus at Ashley sa garden, napadaan si Stefanie. Kita niya kung gaano kasaya mag-usap ang dalawa, mas lalo siyang nagalit kay Ashley. Nakakuyom ang mga kamay niya sa inis na para bang anumang oras ay susugurin niya silang dalawa, hilahin si Artus palayo kay Ashley. Pumikit siya nang mariin at pinakalma ang sarili. Kung nakaligtas si Ashley sa kanya kagabi dahil sa pagtatanggol ni Rafael, tiyak makakaligtas din siya ngayon dahil naroon si Artus kaya naisipan niya na maging kalmado. Huminga siya nang malalim at naglakad patungo sa dalawa.“Artus, hi. Nandito ka pala.”Sabay na lumingon sina Artus at Ashley sa kanya. Malapad ang ngiti ni Stefanie ngunit alam ni Ashley na hindi iyon totoo. Tumayo si Ashley kaya sumunod si Artus. “Stefanie,” bati ni Artus. Tinignan ni Stefanie saglit si Ashley bago lumapit kay Artus. Hinawakan niya ang braso ni Artus, agad naman inalis ni Artus ang kamay niya. Napansin iyon ni Ashley, napansin din niya na saglit na nawala an
Kinabukasan, hindi pumasok si Artus sa trabaho, laha ng meetings at iba niyang kailangan gawin ay pinalibana niya muna. Napag-isipan niya na siya naman ang sasama kay Ashley sa schedule ngayong araw para sa kasal nila. “Sigurado ka ba talagang hindi ka papasok? Napag-usapan na rin naman namin ni Angeline na siya ang sasama sa akin ngayong araw,” sabi ni Ashley. Maaga pa lang ay dumating na si Artus sa bahay nila kaya gulat na gulat si Ashley. Hindi niya iyon inasahan, ang akala niya ay si Angeline ang pupunta pero hindi naman maaga ang usapan nilang dalawa.“Sinabi ko na sa kanya na ako na muna ang sasama sa’yo, pumayag din naman siya dahil may biglaan din silang alis ng mga kaibigan niya,” paliwanag ni Artus. “Kung gano’n, bakit ang aga mong pumunta rito? Hindi niya ba sinabi na after lunch ang alis namin?” tanong ni Ashley. Ngumiti si Artus sa kanya na para bang isang bata si Ashley na panay tanong. “Ayaw mo ba akong makasama nang matagal ngayong araw?”Nagulat si Ashley nang ba
Narinig sa buong bahay ang sigawan nina Ashley at Stefanie. Malinaw ang sampal, kasunod ang matalim na palitan ng salita. Sa tapat ng kusina, si Ashley ay nakatayo, hawak ang pisngi, nanginginig sa galit habang si Stefanie naman ay hindi pa rin natitinag, matalim ang titig at tila handang sumugod muli.Biglang bumukas ang main door ng bahay at bumungad si Rafael, at Stefanie. Kasama niya si Cynthia. Parehong gulat at bakas sa mukha ang pagkabahala sa narinig na sigawan.“Ano bang nangyayari rito?!” malakas na tanong ni Rafael, nanlilisik ang mata.Sabay-sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Sa sandaling iyon, bumaba rin mula sa itaas sina Jacob at Kyler, dala ng ingay na kanina pa nila naririnig. Agad na lumapit si Jacob kay Ashley at tinignan ang pisngi ng kapatid.“Ash, anong nangyari? May masakit ba sa’yo?” tanong niya, puno ng galit ang boses habang tinitigan si Stefanie. Ganoon din si Kyler. Noong dati pa ay hindi niya na gusto ang ugali ni Stefanie, ang buong akala niya ay na
Walang nakaimik ni isa sa kanila pagkatapos magsalita ni Artus. Napaawang ang bibig ni Ashley, gulat. Dahan-dahan siyang bumaling sa likod at naroon ang Kuya Jacob niya at si Kyler na nakatayo, seryoso ang mga mukha—na para bang wala lang sa kanila na nandoon si Artus.Si Artus naman ay nakatingin din nang seryoso kay Kyler. “Who is he?” mahinang tanong ni Artus kay Ashley.Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa tanong na iyon, pero mas hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Artus—para bang may nakita itong mali.“He’s Kuya’s friend… and my friend too,” sagot ni Ashley, halatang naguguluhan.Napatingin si Artus sa kanya, matalim. “Bakit siya nakayakap sa’yo?”Napakunot ang noo ni Ashley. “Paano mo nalaman?”Sa pagkakaalam niya, wala namang ibang tao sa living area kanina habang magkausap sila ni Kyler. At ang yakap na iyon? Panandalian lang. Walang malisya. Isang yakap ng kaibigan.“Just answer my question, please… bakit siya nakayakap sa’yo?” bakas sa tono