Mas lalo akong nanghina sa narinig mula kay daddy. Ano na ang gagawin ko? Hindi ako pwedeng magpakasal. Hindi ko rin pwedeng ipalaglag ang bata.
“Dad, hindi na kailangan. Hindi naman si Artus ang ama ng bata, hind kami magkakilala ng personal. So, please. Maniwala naman kayo sa akin…please, Kuya…” pagmamakaawa ko sa kanilang dalawa.
Seryoso ang tingin sa akin ni Dad, habang si Kuya naman ay bakas ang awa sa kanyang mukha. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
“Shh, don’t cry. Kailangan din natin iyon gawin para matapos ang probelamang ito. Kapag hindi ka pumayag sa DNA, baka isipin namin na totoo ang sinabi ni Artus at gusto mo lang itong itago para kay Stefanie. We need to do this, okay?”
Umiling ako sa sinabi ni Kuya. Hindi nga pwede! Hindi pwede!
Umalis ako mula sa pagkayakap, umiling nang paulit-ulit. “No. Hindi na nga kailangan. Bakit ba ayaw ninyong maniwala na naman sa akin na hindi nga siya ang ama ng bata!” sigaw ko.
Pero ilang segundo lang ang lumipas, bigla akong hinarap ni Dad sa kanya at sinampal nang malakas. Napahawak ako sa pisngi ko, humahagulhol. This is the first time he slapped me!
“Kung hindi siya, pwes bukas na bukas ipakilala mo sa akin ang ama nyan!” sigaw niya, galit na galit.
Hindi ako makapagsalita. Wala akong maisip kung sino ang gagawin kong ama ng batang ito. Hindi naman pwede na magbabayad na lang ako ng ibang tao para ipakilala bilang ama—shit! Tama! I will do that!
Humarap ako sa kanilang dalawa. “Give me one week para ipakilala ko sainyo kung sino ang tatay nito—”
“No, bukas na bukas pagkatapos ng DNA. Kung negative ang result doon mo lang ipakilala sa amin kung sino siya! No buts, Ashley. That’s an order. You don’t have the right to say no dahil kasalanan mo ito!”
Pagkatapos sabihin ni daddy ang mga katagang iyon, tinalikuran niya na ako. Umiyak ako lalo, kasama ko pa rin si Kuya. Tumingin ako sa kanya, nagmamakaawa na sana huwag nang ituloy ang DNA.
“Why are you so scared of that DNA, Ash? Tell me, si Artus ba ang ama? I know you, you are my little sister kaya alam ko kung may sinasabi kang kasinungalingan…kasi kung hindi naman si Artus ang ama, hindi ka magre-react ng ganito kalala.”
Umiling lang ako nang umiling, hindi ko pwedeng sabihin din sa kanya kahit na kilala niya ako. Pero kay Kuya alam kong wala na rin akong takas.
Narinig ko ang buntong hininga niya, hinawakan niya ang kamay ko. “Let’s go to your room, pag-usapan natin ito…” Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
Ramdam ko na ang panghihina sa katawan ko kanina pa. Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong umayos sa paglalakad.
Pagkarating namin sa kwarto ko, umupo ako sa kama ko at si Kuya nakatayo lang sa pintuan. Alam kong galit siya pero pinilit niya lang maging kalmado para kausapin ako.
“Now, tell me Ashley. He is the father, right?” he asked.
Matagal bago ako sumagot, lumapit siya sa akin, umupo sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko para iharap sa kanya. Gamit ang dalawa niyang hinlalaki sa kamay, pinunasan niya ang luha ko.
“Don’t be scared, I’m here. Sabihin mo sa akin ang totoo. Siya ba ang ama ng batang dinadala mo?”
Pumikit ako nang mariin, wala na akong kawala at dahil sa mahinahon na boses ni Kuya, hindi ko na rin magawang magsinungaling. Dahan-dahan akong tumango at umiyak na lalo.
“Kuya, anong gagawin ko?” hikbi ko. “Hindi pwedeng malaman na siya ang ama ng dinadala ko. Mas lalong magagalit sa akin si Tita Cynthia at si Ate Stefanie. Ano na lang ang sasabihin ng mga kilala natin na nilandi ko ang magiging asawa ng kapatid ko?”
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, inalo ako ni Kuya sa kanyang mga bisig. “Shhh, hindi ko pa alam sa ngayon. Pero knowing dad, hindi siya papayag na hindi niya malalaman ang totoo. Sa ngayon, kailangan mong sundin ang sinabi niya na magpa-DNA ka—”
“Pero kuya…malalaman nila—”
“Do you trust me?” Agad na tanong niya. Naguguluhan man ngunit tumango ako bilang sagot. “Okay, just trust me. Magpahinga ka na muna, bawal ang stress sa buntis.” Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko bago siya umalis ng kwarto.
Nakatulog ako dahil sa pag-iyak ko kagabi, kaya nagising ako ngayong umaga na maga ang mga mata.
Hindi pa ako tuloyang nakabangon nang kumatok na si Manang sa kwarto ko. “Palabas na po! Maliligo lang,” sabi ko.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, huminga muna ako nang malalim, kumuha ng lakas bago humarap sa kanila. At pagkababa ko sa living room, nag-aantay na silang lahat. Si Dad na hindi manlang ako tiningnan, umalis na siya ng bahay. Si Kuya na seryoso ang tingin sa akin na para bang hindi kami nag-usap nang masinsinan kagabi, si Cynthia na masama ang tingin sa akin at si Stefanie na galit din at bakas din sa mata niya ang pamamaga.
Hindi ko na sila kinausap, sumakay na lang ako sa kotse ni Kuya, at silang dalawa ay sa kotse ni Dad.
Pagkarating namin sa ospital, naroon na si Artust—siya lang.“Artus…” tawag ni Stefanie sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin, agad akong umiwas sa ibang direction nang ako ang dinapuan niya nang tingin.
“Ashley, let’s go?” aya niya sa akin.
Hindi ko pinansin ang kamay niyang nakalahad sa akin, tinignan ko ang pamilya ko na para bang nag-aantay din ng gagawin ko. Humawak ako sa braso ni Kuya.
“Kuya, samahan mo ako,” bulong ko sa kanya. Pero ang sagot niya ay ang nagpahina sa akin.
“Kayo lang ni Artust ang pwede sa loob. Sige na, aantayin namin kayo rito sa loob.”
Wala akong magawa kundi ang pumasok sa loob ng testing room kasama si Artus. Kahit nauna akong maglakad sa kanya, ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob, bumilis na ang tibok ng puso ko. Gusto ko na umalis, tumakbo at magpakalayo-layo bago mangyari ang testing na ito. Hindi nila pwedeng malaman. Pinagdadasal ko na lang na sana negative kahit malabong mangyari iyon—dahil si Artus lang naman ang unang lalaking nakasubok sa akin.
Sinimulan na kami ng isang doctor at nurse na kuhaan ng dugo, at habang ginagawa nila iyon nakatingin lang si Artus sa akin—hindi ko pa rin siya tinignan kahit nakakapaso ang paraan nang pagtitig niya.
Nang matapos ang testing, tumayo si Artus at lumapit sa akin para alalayan ako, agad kong hinawi ang kamay niya. “Kaya ko…” walang emosyon na sabi ko at umalis na sa loob ng testing room.
Agad akong inilayan ni Kuya pagkalabas ko. Tumingin ako sa kanya, puno nang pagmamakaawa na sana ilayo niya ako rito.
“Umupo ka muna…” iyon lang sinabi niya.
Dalawang oras namin inantay ang result, si Artus na nakatayo lang habang kinakausap siya ni Stefanie na hindi niya pa rin pinapansin.
Pagkalabas ng staff na nagbibigay ng result, sabay kaming lumapit sa kanya.
“Sir, Ma’am. Ito na po ang resulta,” sabi niya at inabot sa amin ang puting folder.
Tumingin ako kay Artus na puno ng kaba habang siya ang humawak sa folder. Pagka-alis ng staff, siya na rin ang nagbukas. Pinagmasdan ko ang reaction niya, siya lang ang tinitignan ko habang binubuksan niya ang folder at binabasa ang nakasulot.
Kumunot ang noo niya nang makita niya ang pinaka-resulta. Bakit ganoon ang reaction niya?
Akmang kukunin ko na sana ang papel nang naunahan ako ni Stefanie. “Akin na!” Pagkakita niya sa resulta, nanlaki ang mga mata niya at umawang ang bibig. Tumingin siya sa akin, ngumisi siya na para bang nanunuya sa akin. At kay Artus na biglang lambing ang tingin niya.
“You are not the father, pwede na natin ituloy ang kasal natin.”
Tama ba ang narinig ko? Negative ang result?Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero nang magsalita si Kuya, tila naitindihan ko kung bakit. “See, Dad. Hindi si Artus ang ama ng dinadala ni Ashley. Hindi na natin siya pwedeng ipilit—”“But it doesn’t mean na ligtas siya sa pagpapakilala sa lalaking iyon sa atin. We need to meet him. Umuwi na tayo.”Naunang umalis si Daddy, sumunod naman si Tita Cynthia at si Kuya. Habang si Stefanie ay pinipilit si Artus na umalis na rin pero si Artus, nakatingin sa akin nang masama. Alam kong galit siya. Pero wala na akong pakialam sa galit niya ngayon, ang mahalaga sa akin nagawan na ng paraan ni Kuya. May kapangyarihan pa rin ang pamilya ko para kontrolin ang ganoong sitwasyon. “Why do you think that Artus is the father? Assumera ka talaga—”“Stefanie, umalis ka muna. I need to talk to her,” biglang putol ni Artus sa kanya. “Pero Artus, niloko ka ng babaeng ito. Sinira niya ang kasal natin!” sigaw ni Stefanie. Hindi ko sinira ang kasal nila
Tatlong araw ko nang hindi sinasagot ang tawag ni Daddy at Kuya Jacob. Kahit alam naman nilang ansa condo lang ako, hindi iyon sila pupunta sa akin kaya pabor din sa akin. Hindi pa kasi kami nakakita ni Danica ng lalaking mababayaran ko para magpanggap. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.“Bes! Potangina, pumayag na siya!” Napatalon ako sa sigaw ni Danica sa kusina. Nasa sala ako, naka-upo sa couch habang naghahanap ng pangalan sa friends ko sa Facebook. Tumakbo siya papunta sa akin. “Here, what do you think?” Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Litrato ng lalaking mukhang inosente. “Who is he?” tanong ko. “Nakilala ko lang siya sa club I think four months ago? Mukha naman siyang mayaman pero noong chinat ko siya, sabi niya makikipagkita siya sa atin,” paliwanag niya. Bigla akong kinabahan. Ito kasi ang unang beses na may pumayag sa amin. “Hindi mo pa naman sinabi sa kanya lahat?” tanong ko. Kasi nakakapagtaka na pumayag ang lalaking ito kung alam niya na ang tot
Ano na ang gagawin ko? Hindi naman pwedeng tumakbo ako palabas dito. “Mr. Villegas, nagkakamali po kayo ng iniisip. Hindi naman po iyon ang plano namin ng kaibigan ko—”Hindi natapos ang sasabihin ni Danica nang binalingan siya ni Artus. Ngumisi si Artus habang nakatingin sa aming dalawa na parang kuting kung makayuko. “Ganoon ba? Pero base sa nabasa ko, naghahanap ang kaibigan mo ng magpapanggap ng boyfriend at maging tatay ng anak niya…nasaan ba ang tatay ng dinadala niya?”Dahil sa narinig, lumingon ako kay Diana. Ang sabi niya hindi niya pa sinabi? Pero imbis na magpaliwanag, sorry lang ang sinabi niya. Kagat labi akong tumingin kay Artus. Wala na talaga. Tumingin naman ako kay Aaron nang lumapit siya kay Danica. “Lipat tayo ng ibang table, hayaan na natin silang mag-usap na silang dalawa lang,” sabi nito. Kita ko kung paano umiling si Danica, nagpupumilit na samahan ako. “Hindi ko siya pwedeng iwanan dito—”“Hindi ko lalapain ang kaibigan mo, don’t worry Miss Danica,” sabi n
Umuwi kami sa condo, hindi na namin pinagusapan ang nangyari pero alam ko marami siyang itatanong sa akin. I just can’t to talk right now, dahil pakiramdam ko mahihilo ako. “Ash, samahan na kita bukas sa OB, noong isang linggo ka pang hindi nagpapa-check up.” Dinig kong sabi niya. Tumingin ako sa kanya at saka tumango. “Okay, Dan. Salamat. Papasok lang ako sa kwarto ko,” sabi ko at dumiretso na sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, nakatulala sa ceiling. Ano na ang gagawin ko ngayon? Alam na ni Artus ang totoo, paano kung alam na rin pala nila Daddy ang tungkol dito?Nang maalala sila, bigla akong bumangon at kinuha ang isa kong phone sa bag, ito ang phone na gamit ko to contact them. One week na itong naka-off. Pagka-open ko, sunod-sunod ang messages mula sa kanila, pati ang calls. Tumawag din si Stefanie at si Tita Lena. Mabuti na lang hindi nila ako pinuntahan dito sa condo, and thanks to my brother baka pinigilan niya ang mga ito. Kaya naman siya ang una kong hinan
Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Danica papunta sa OB na kilala niya at pagkatapos ay pupunta kami sa puntod ni Mama. I missed her so much, kailangan niyang malaman na may apo na siya. Sayang nga lang ay hindi niya ito makikita. “It’s good news, Miss Diana. Maganda ang sitwasyon ng pagbubuntis mo, sana panatilihin mo ito. Dapat palaging healthy lang ang kinakain at iniinom mo, pati na rin ang environment mo,” paliwanag ng doctor at binigyan niya ako ng mga listahan na dapat gawin. “Thanks Doc.” Ngumit ako sa kanya at nakipagkamay. Hawak ko ang kamay ni Danica papalabas ng office ng doctora, naglalakad kami palabas ng entrance sa ospital nang biglang may huminto sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Danica, nagtataka. “Kuya, ano pong problema?” si Danica ang nagtanong sa dalawang lalaking humarang sa amin. “Sumama po kayo sa amin,” sabi ng isang lalaki na naka-army cut. Well, pareho naman silang naka-army cut pero mas malaki ang katawan ng lalaking nagsalita. “Sumama saan? Pas
Third Person’s Point of View:Habang nasa biyahe silang dalawa, tahimik lang si Ashley. Hindi niya magawang magsalita dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Paulit-ulit pa rin sa isip niya kung paano siya palaging nalalaman ni Artus kung nasaan siya, at kung bakit pilit nitong pinapasok ang buhay niya ngayon.Gusto niya mang tanungin si Artus tungkol kay Stefanie—ang ex-fiancé ng lalaki at ang kanyang step-sister niya—hindi niya magawa. Wala na siyang balita rito simula nang nalaman ni Stefanie ang tungkol sa kanya at kay Artus. At dahil din umiwas siya pagkatapos ng DNA Result hindi niya na talaga sinasagot ang mga tawag mula sa kanila."Ang tahimik mo. Do you have something in your mind? Come on, you can tell me," si Artus ang bumasag sa katahimikan.Napatingin si Ashley sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung paano ito nananatiling kalmado at parang walang nangyari, gayong sa isang gabing pagkakamali, nagawa nitong sirain ang engagement nila ni Stefanie. At ngayon, nasa sinapupunan n
Ngayong araw, maagang nagising si Ashley para pumunta sa Pet Shop na pagmamay-ari niya. Naisipan niya na magpa-meeting sa mga staff niya roon at ipagpaalam ang pagbubuntis niya. Isang buwan na siyang buntis, at kahit maliit pa lang ito at kahit na sinabi ng doctor na malakas ang kapit ng bata sa kanya, kailangan niya pa rin ingatan ito dahil sa oras na may mali o kahit kaunting mali lang, maaaring magbago ang lahat. Sasakay pa lang sana siya ng kotse niya na nasa basement parkit nang biglang may bumusena sa kanya. Agad siyang napatingin sa likod niya, kumunot ang noo niya nang makita si Artus na kakalabas lang ng kotse at kumaway sa kanya na nakangiti.“Artus? Anong ginagawamo rito?” tanong niya. Hinarap niya si Artus. Nagulat naman siya nang lumapit si Artus sa kanya at kinuha ang dala niyang hand bag. “Ihahatid na kita kung saan ka man pupunta ngayon.”“Huh?” Litong-lito si Ashley. “Paano mo nalaman na may lakad ako ngayon?” “Nahulaan ko lang. Remember, I am also the owner of thi
Kahit gulat sa sinabi ni Artus, hindi na lamang siya nakapagsalita dahil alam niya wala na rin naman siyang magagawa para baguhin ang gustong gawin ni Artus sa sitwasyon nilang dalawa. Habang si Artus naman, gusto niya pa lalong mapalapit kay Ashley.Kahit kailan hindi siya naging ganito noon sa kahit na sinong babae na hindi niya pa masyadong kilala pero nang dumating si Ashley tila ba gusto niyang alam niya lahat ang tungkol dito. Hindi niya man maitindihan ang sarili, ngunit isa lang ang gusto niya—ang matanggap siya ni Ashley hindi lang bilang magiging ama ng anak nila, kundi na rin magiging bagong tao sa buhay ni Ashley.“What’s this place?” tanong ni Artus nang huminto na sila. Tumingin naman si Ashley sa labas ng kotse bago sumagot kay Artus. “This is my own business…food business. Kailangan ko rin sila i-meeting ngayon para ipaalam ang sitwasyon ko,” paliwanag ni Ashley.Napaawang naman nang bahagya ang bibig ni Artus tila humanga sa nalaman. Hindi niya inasahan na busy na ta
Napahinto si Sky. Hindi niya inasahan ang maririnig niyang sagot mula kay Artus.Kagaya ng ibang tao, narinig din nila ang balita—ikakasal si Artus para sa isang business partnership. Pinalabas ito sa TV, kaya inakala ng lahat na si Stefanie pa rin ang babaeng pakakasalan niya. Ang stepsister ni Ashley. Ang babaeng matagal na ring kasama sa mga bulungan at tsismis sa loob ng organisasyon.Pero ngayon, iba na. Iba ang pangalan na binanggit ni Artus. At kahit si Sky—kahit siya na palaging tahimik na nakamasid, hindi rin niya kilala ang babaeng iyon.“Kilala ba namin ito?” tanong ni Sky, bahagyang nanginginig ang boses, pilit ikinukubli ang pagkalito.Tumingin sa kanya si Artus, seryoso. “I don’t think so,” sagot niya, tapos ay tumayo. “Aalis na ako.”Humakbang siya palayo ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, hinawakan ni Sky ang braso niya. Napahinto si Artus. Kumunot ang kanyang noo at saka lumingon.“May problema ba, Sky?”Walang salitang lumabas mula kay Sky sa una. Gusto niyang it
Naglakad siya at nang marinig ni Artus ang mga yabag, agad siyang tumayo. Nakita niya si Ashley na puno nang pagtataka sa mukha nito. Doon lang din tuloyang napagtanto ni Artus na hindi pa ito natutulog kaya nagtataka siya kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tahimik na lumapit si Ashley, dahan-dahang huminto sa harap ni Artus.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ashley, malamig ang boses pero may halong kaba.Hindi agad nakasagot si Artus. Tinitigan niya lang si Ashley, pilit binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.“Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” sa wakas ay nasambit niya. “Nag-alala ako.”Nagtaas ng kilay si Ashley, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “Nag-alala ka? Wala namang masamang nangyari sa akin kasi hinatid mo naman ako kanina.”“Yeah,” napahinto si Artus. “I’m sorry if I didn’t call you right away nang makarating ako sa condo ko. Something came up,” paliwanag niya. Naitindihan ni Ashley kung ano ang nangyari, inantay niya na sabihin ni Artus na p
Sa kabilang banda, habang hawak ni Ashley ang phone niya, bigla na lang itong nag-ring. Tumatawag si Danica kaya agad niya itong sinagot. “Ash! Ayos ka lang ba? Narinig ko ang nangyari, kumusta ka?” puno nang pag-alala ang boses ni Danica. Napangiti naman si Ashley. “I’m fine, Dan. Don’t worry. Pero paano mo pala nalaman?” tanong niya. “Kay Aaron. He’s with me kanina,” sagot ni Danica na para bang wala lang iyon. At dahil sanay na rin si Ashley sa ugali ni Danica, hindi niya na lang din pinahaba pa ang usapan tungkol kay Aaron. “I’m sorry kung hindi na ako nakapunta sa condo,” saad ni Ashley.“What? Mas okay nga na maraming nakatingin sa’yo habang buntis ka…oh shit.” Natahimik si Danica bigla. Nagtaka naman si Ashley. “Dan? Bakit?” lito nitong tanong. Sa kabilang banda, habang katawan ni Danica si Ashley, hawak niya rin ang iPad niya, gamit ito habang nag-scroll sa social media at may nakita siyang post na kinabigla niya. “Ash…hindi mo ba kasama si Artus ngayon?” biglang tanong
Habang bumabalik si Caleb sa bahay nila para simulan ang plano, sumama sa kanya ang isa sa mga bodyguard nila ni Artus. Hindi pa rin mawala sa isip nila ang naging ambush—dalawang lalaking naka-motor, armado, at malinaw na may intensyong tapusin ang isa sa kanila, o baka pareho.Tahimik na bumalik si Artus sa kwarto ng safehouse. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang tanawing lalong bumigat sa dibdib niya—si Ashley, nakahiga sa kama, nakatitig sa kawalan. Wala siyang emosyon sa mukha, tila malayo ang isip, tila hinahabol pa rin ng takot at kaba ang puso niya.Dahan-dahang lumapit si Artus. Walang ingay ang mga hakbang niya, ayaw niyang gulatin si Ashley. Umupo siya sa gilid ng kama, katabi nito, at marahang hinawakan ang kamay ng dalaga. Doon lang siya nilingon ni Ashley, mabagal at parang galing sa malalim na pag-iisip.Bumangon ito at umupo. Tahimik silang nagtitigan, ilang sandali bago nagsalita si Ashley. “Kumusta?” tanong niya, mahina ang boses, pero buo. Huminga ng malalim si A
Pagkatapos nilang manood ng cine, nag-dinner muna sila sa restuarant na hindi masyadong mabigat na pagkain ang naroon at pagkatapos no’n, nag-aya na si Ashley na umuwi. “Ihahatid na muna kita bago ako bumalik sa condo ko,” alok ni Artus.“Sigurado ka ba? Pagod ka rin,” may pag-alala sa boses ni Ashley. Ngumiti lang si Artus sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “I’m fine. Mas gusto ko itong nakikita kong ligtas kayong nakauwi ni baby.”Natawa naman nang mahina si Ashley. “Masyado mo naman kaming ini-spoiled, lalo na itong anak mo. Hindi pa nga lumalabas pero spoiled na sa’yo.”“Naman. I will give everything to the both of you…kahit buhay ko pa ang nakataya.”Sa hindi malamang dahilan, natahimik si Ashley. Umiwas siya ng tingin kay Artus at nagsimula nang maglakad papunta sa parking lot, sinundan naman siya ni Artus. Para kay Ashley, kahit na naging malawak na kahit papaano ang samahan nila ni Artus, may mga bagay pa rin na tila hindi pa rin siya sigurado kung handa na siya. ***Ta
Habang nag-uusap pa rin sina Artus at Ashley sa garden, napadaan si Stefanie. Kita niya kung gaano kasaya mag-usap ang dalawa, mas lalo siyang nagalit kay Ashley. Nakakuyom ang mga kamay niya sa inis na para bang anumang oras ay susugurin niya silang dalawa, hilahin si Artus palayo kay Ashley. Pumikit siya nang mariin at pinakalma ang sarili. Kung nakaligtas si Ashley sa kanya kagabi dahil sa pagtatanggol ni Rafael, tiyak makakaligtas din siya ngayon dahil naroon si Artus kaya naisipan niya na maging kalmado. Huminga siya nang malalim at naglakad patungo sa dalawa.“Artus, hi. Nandito ka pala.”Sabay na lumingon sina Artus at Ashley sa kanya. Malapad ang ngiti ni Stefanie ngunit alam ni Ashley na hindi iyon totoo. Tumayo si Ashley kaya sumunod si Artus. “Stefanie,” bati ni Artus. Tinignan ni Stefanie saglit si Ashley bago lumapit kay Artus. Hinawakan niya ang braso ni Artus, agad naman inalis ni Artus ang kamay niya. Napansin iyon ni Ashley, napansin din niya na saglit na nawala an
Kinabukasan, hindi pumasok si Artus sa trabaho, laha ng meetings at iba niyang kailangan gawin ay pinalibana niya muna. Napag-isipan niya na siya naman ang sasama kay Ashley sa schedule ngayong araw para sa kasal nila. “Sigurado ka ba talagang hindi ka papasok? Napag-usapan na rin naman namin ni Angeline na siya ang sasama sa akin ngayong araw,” sabi ni Ashley. Maaga pa lang ay dumating na si Artus sa bahay nila kaya gulat na gulat si Ashley. Hindi niya iyon inasahan, ang akala niya ay si Angeline ang pupunta pero hindi naman maaga ang usapan nilang dalawa.“Sinabi ko na sa kanya na ako na muna ang sasama sa’yo, pumayag din naman siya dahil may biglaan din silang alis ng mga kaibigan niya,” paliwanag ni Artus. “Kung gano’n, bakit ang aga mong pumunta rito? Hindi niya ba sinabi na after lunch ang alis namin?” tanong ni Ashley. Ngumiti si Artus sa kanya na para bang isang bata si Ashley na panay tanong. “Ayaw mo ba akong makasama nang matagal ngayong araw?”Nagulat si Ashley nang ba
Narinig sa buong bahay ang sigawan nina Ashley at Stefanie. Malinaw ang sampal, kasunod ang matalim na palitan ng salita. Sa tapat ng kusina, si Ashley ay nakatayo, hawak ang pisngi, nanginginig sa galit habang si Stefanie naman ay hindi pa rin natitinag, matalim ang titig at tila handang sumugod muli.Biglang bumukas ang main door ng bahay at bumungad si Rafael, at Stefanie. Kasama niya si Cynthia. Parehong gulat at bakas sa mukha ang pagkabahala sa narinig na sigawan.“Ano bang nangyayari rito?!” malakas na tanong ni Rafael, nanlilisik ang mata.Sabay-sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Sa sandaling iyon, bumaba rin mula sa itaas sina Jacob at Kyler, dala ng ingay na kanina pa nila naririnig. Agad na lumapit si Jacob kay Ashley at tinignan ang pisngi ng kapatid.“Ash, anong nangyari? May masakit ba sa’yo?” tanong niya, puno ng galit ang boses habang tinitigan si Stefanie. Ganoon din si Kyler. Noong dati pa ay hindi niya na gusto ang ugali ni Stefanie, ang buong akala niya ay na
Walang nakaimik ni isa sa kanila pagkatapos magsalita ni Artus. Napaawang ang bibig ni Ashley, gulat. Dahan-dahan siyang bumaling sa likod at naroon ang Kuya Jacob niya at si Kyler na nakatayo, seryoso ang mga mukha—na para bang wala lang sa kanila na nandoon si Artus.Si Artus naman ay nakatingin din nang seryoso kay Kyler. “Who is he?” mahinang tanong ni Artus kay Ashley.Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa tanong na iyon, pero mas hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Artus—para bang may nakita itong mali.“He’s Kuya’s friend… and my friend too,” sagot ni Ashley, halatang naguguluhan.Napatingin si Artus sa kanya, matalim. “Bakit siya nakayakap sa’yo?”Napakunot ang noo ni Ashley. “Paano mo nalaman?”Sa pagkakaalam niya, wala namang ibang tao sa living area kanina habang magkausap sila ni Kyler. At ang yakap na iyon? Panandalian lang. Walang malisya. Isang yakap ng kaibigan.“Just answer my question, please… bakit siya nakayakap sa’yo?” bakas sa tono