Tama ba ang narinig ko? Negative ang result?
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero nang magsalita si Kuya, tila naitindihan ko kung bakit.
“See, Dad. Hindi si Artus ang ama ng dinadala ni Ashley. Hindi na natin siya pwedeng ipilit—”
“But it doesn’t mean na ligtas siya sa pagpapakilala sa lalaking iyon sa atin. We need to meet him. Umuwi na tayo.”
Naunang umalis si Daddy, sumunod naman si Tita Cynthia at si Kuya. Habang si Stefanie ay pinipilit si Artus na umalis na rin pero si Artus, nakatingin sa akin nang masama.
Alam kong galit siya. Pero wala na akong pakialam sa galit niya ngayon, ang mahalaga sa akin nagawan na ng paraan ni Kuya. May kapangyarihan pa rin ang pamilya ko para kontrolin ang ganoong sitwasyon.
“Why do you think that Artus is the father? Assumera ka talaga—”
“Stefanie, umalis ka muna. I need to talk to her,” biglang putol ni Artus sa kanya.
“Pero Artus, niloko ka ng babaeng ito. Sinira niya ang kasal natin!” sigaw ni Stefanie.
Hindi ko sinira ang kasal nila! Alam niyang si Artus mismo ang nagdesisyon no’n.
“Leave bago pa ako magalit sa’yo.”
Pagkasabi ni Artus no’n, wala na siyang magawa. Umalis na siya at naiwan kaming dalawa. Bigla akong kinabahan, ang kaninang malakas na kaba ay mas lalong lumakas ngayon.
“What did you do?” he asked.
Sa tanong niyang iyon, para bang siguradong-sigurado siya na may ginawa akong mali. Bakit ba pinipilit niya na siya ang ama ng batang ito?
“I know I am the father, Ashley. That night…you were a virgin…kaya paanong naging iba ang ama.”
Napalunok ako. Ganoon ba talaga nila nalalaman kapag first time ng isang babae. Pero kahit na kinakabahan, tinignan ko siya nang matapang.
“Stop doing this, Artus. Ikakasal ka na kay Stefanie, hindi ko alam kung bakit mo ito pinipilit. You are not that father, kita mo naman ang DNA Result, hindi ba?”
Ngumisi siya. “It can be fake. At sa oras na nalaman ko na niloko mo ako, pati ang gumawa nito ay hindi makakaligtas—”
“Ano ba? Tumigil ka na!” sigaw ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit. Gusto ko lang na itigil niya na ang kahibangon na ito dahil nakakapagod. “Ituloy mo ang kasal kay Stefanie—”
“Wala kang karapatan utusan ako. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko napapatunayan ang totoo na ako ang ama ng dinadala mo. Tandaan mo ito, Ms. Echavez, I can control everything…and this fucking fake DNA Result? I can make it right.”
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nagsasalita. Mas lalo akong hindi makahinga dahil sa kanya. Agad kong kinuha ang lakas ko para itulak siya palayo sa akin. “Again, hindi ikaw ang ama,” giit ko sa kanya at tuluyan na siyang iniwan.
Hindi ko kayang manatili sa iisang lugar kasama siya.
Ang tanga ko naman kasi! Bakit ko ba kasi ginawa iyon?
Sumakay ako sa kotse ni Kuya pauwi, pero imbis na sumama sa bahay namin, nagpa diretso ako sa condo namin ng bestfriend ko. Hindi niya pa alam ang tungkol dito, at kapag hindi ko pa rin inilabas ang lahat ng ito sa kanya, baka sasabog na ako nang tuloyan.
“Sigurado ka bang ayos ka lang dito?” tanong ni Kuya nang makarating kami sa baba ng builing.
Tumango ako sa kanya. “Yes, Kuya. Thank you for doing this….alam kong malaking desisyon ang ginawa mong pagtago sa sitwasyon ko.”
Oo, malaking desisyon iyon. Pero alam ko na iyon din ang naisip niyang paraan para maging maayos ang sitwasyon ng pamilya namin. Kahit na mas pinagkakatiwalaan pa rin ni Daddy si Kuya at si Stefanie na stepsister ko lang. At ngayon na buntis ako, tiyak ang tingin sa akin ni daddy ay isang pariwarang anak.
“Ashley, hindi ko mapapangako na magtatagal ang lihim na ito. Kilala ko si Artus, gagawa iyon ng sarili niyang paraan para ma-satisfy niya ang sarili niya. At sa reaction niya kanina, alam kong hindi siya naniwala na totoo ang DNA Result…ginawa ko ito alang-alang sa kapakanan mo at ni Stefanie. Ayaw kong magalit siya lalo sa’yo at isipin ng mga tao na inagawa mo ang para sa kanya,” paliwanag niya.
Tumango ako. Tama rin naman talaga ang ginawa niya. Kahihiyan lang ang aabutin ng pamilya kapag ang lumabas sa result ay positive. Pero tama rin si Kuya, hindi nga naniwala si Artus kaya hindi ko na rin alam ang gagawin ko pagkatapos ng araw na ito.
***
Nang makarating ako sa condo, bumungad sa akin ang kaibigan kong si Danica na may kahalikang lalaki!
“Ashley! Anong ginagawa mo rito?” sigaw niya, agad niyang tinulak ang lalaki.
Pumasok ako nang tuloyan. “Hindi ba, condo ko rin ito?” sarcastic kong tanong.
Tumingin muna siya sa lalaki, binigay ang mga damit nito. “I will call you later, okay? Alis ka muna, nandito ang kaibigan ko. Bye!” Minamadali niyang pinaalis ang lalaki.
Kahit nagdalawang isip ang lalaki, umalis na lang siya. Napailing ako sa kakulitan niya. “Sino na naman iyon?” tanong ko sa kanya sabay lagay sa dala kong bag.
“Another fling, pero wala iyon. Bukas, mawawala na rin iyon. Ikaw, bakit ka nga nandito? Akala ko ba mananatili ka muna sa bahay ninyo hanggang ikasal ang step-sister mong pinaglihi sa palaka?”
Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi, ayaw ko muna roon.”
Pagkasabi ko no’n, bigla niya akong hinila paupo. “Huh? Anong nangyari?”
Tinignan ko muna siya at ilang segundo, kinwento ko na sa kanya lahat.
“Oh my f*ck*ng…shit Ashley! Hindi ka na virgin? Finally!”
Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinampas ko ang kamay niya. “Talaga ba? Sa dami kong sinabing importanteng bagay, iyon talaga ang una mong napansin?”
“No, hindi naman sa ganoon pero masaya lang ako dahil hindi ka na nga tuyot. Pero ang worst lang ay buntis ka agad…at ang pinaka worst pa, bakit naman sa fiance ng bruha mong step-sister?”
“Hindi ko rin alam kung bakit ganito kagago ang tadhana sa akin, Danica. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kailangan ko pang maghanap ng lalaki para magpanggap na maging tatay…at si Artus, hindi siya naniwala na hindi siya ang ama. Hindi ko na talaga alam.”
Ginulo ko ang buhok ko. Mas pinoproblema ko pa ang paghahanap ng tatay ng anak ko kaysa buhayin siya!
“Artus Villegas.” Tumingin ako kay Danica nang banggitin niya ang buong pangalan ni Artus, nakatingin ito siya phone niya. “Hinanap ko siya sa internet, he is a multi-billionaire man. And yes, mukhang tama si Kuya Jacob, hindi yata hahayaan ng lalaking ito ang nangyari…I think, gagawa siya ng paraan para mapatunayan na anak niya ang dinadala mo.”
Damn it!
“Eh anong gagawin ko ngayon? Aalis na lang ba ako sa bansa at doon ko bubuhayin ang bata? Ano sa tingin mo? Please, help me…” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Hinawakan niya naman ang kamay ko uoang pakalmahin. “Huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano, baka ma-stress ka. Bawal iyon. Ngayon, maghanap muna tayo ng lalaki para magpanggap at iharap sa pamilya mo,” paliwanag niya.
She’s right. Pero saan naman kami makakahanap na papayag ng ganoon? Diyos ko!
“But on the contrary. Bakit ganoon si Artus? Hindi kaya na love at first sight siya noong nag-s*x kayong dalawa?”
“Danica! Ano ba naman iyang bunganga mo! Imposible, okay?” Nakakainis naman ang babaeng ito, huwag daw akong mag-isip ng kung ano-ano pero binibiggyan niya naman ako ng iisipin.
At saka, sobrang imposible na mangyari iyon. Siguro may sapi lang ang lalaking iyon.
Mas pinoproblema ko pa rin kung paano ko itatago ang anak ko sa kanya.
Tatlong araw ko nang hindi sinasagot ang tawag ni Daddy at Kuya Jacob. Kahit alam naman nilang ansa condo lang ako, hindi iyon sila pupunta sa akin kaya pabor din sa akin. Hindi pa kasi kami nakakita ni Danica ng lalaking mababayaran ko para magpanggap. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.“Bes! Potangina, pumayag na siya!” Napatalon ako sa sigaw ni Danica sa kusina. Nasa sala ako, naka-upo sa couch habang naghahanap ng pangalan sa friends ko sa Facebook. Tumakbo siya papunta sa akin. “Here, what do you think?” Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. Litrato ng lalaking mukhang inosente. “Who is he?” tanong ko. “Nakilala ko lang siya sa club I think four months ago? Mukha naman siyang mayaman pero noong chinat ko siya, sabi niya makikipagkita siya sa atin,” paliwanag niya. Bigla akong kinabahan. Ito kasi ang unang beses na may pumayag sa amin. “Hindi mo pa naman sinabi sa kanya lahat?” tanong ko. Kasi nakakapagtaka na pumayag ang lalaking ito kung alam niya na ang tot
Ano na ang gagawin ko? Hindi naman pwedeng tumakbo ako palabas dito. “Mr. Villegas, nagkakamali po kayo ng iniisip. Hindi naman po iyon ang plano namin ng kaibigan ko—”Hindi natapos ang sasabihin ni Danica nang binalingan siya ni Artus. Ngumisi si Artus habang nakatingin sa aming dalawa na parang kuting kung makayuko. “Ganoon ba? Pero base sa nabasa ko, naghahanap ang kaibigan mo ng magpapanggap ng boyfriend at maging tatay ng anak niya…nasaan ba ang tatay ng dinadala niya?”Dahil sa narinig, lumingon ako kay Diana. Ang sabi niya hindi niya pa sinabi? Pero imbis na magpaliwanag, sorry lang ang sinabi niya. Kagat labi akong tumingin kay Artus. Wala na talaga. Tumingin naman ako kay Aaron nang lumapit siya kay Danica. “Lipat tayo ng ibang table, hayaan na natin silang mag-usap na silang dalawa lang,” sabi nito. Kita ko kung paano umiling si Danica, nagpupumilit na samahan ako. “Hindi ko siya pwedeng iwanan dito—”“Hindi ko lalapain ang kaibigan mo, don’t worry Miss Danica,” sabi n
Umuwi kami sa condo, hindi na namin pinagusapan ang nangyari pero alam ko marami siyang itatanong sa akin. I just can’t to talk right now, dahil pakiramdam ko mahihilo ako. “Ash, samahan na kita bukas sa OB, noong isang linggo ka pang hindi nagpapa-check up.” Dinig kong sabi niya. Tumingin ako sa kanya at saka tumango. “Okay, Dan. Salamat. Papasok lang ako sa kwarto ko,” sabi ko at dumiretso na sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, nakatulala sa ceiling. Ano na ang gagawin ko ngayon? Alam na ni Artus ang totoo, paano kung alam na rin pala nila Daddy ang tungkol dito?Nang maalala sila, bigla akong bumangon at kinuha ang isa kong phone sa bag, ito ang phone na gamit ko to contact them. One week na itong naka-off. Pagka-open ko, sunod-sunod ang messages mula sa kanila, pati ang calls. Tumawag din si Stefanie at si Tita Lena. Mabuti na lang hindi nila ako pinuntahan dito sa condo, and thanks to my brother baka pinigilan niya ang mga ito. Kaya naman siya ang una kong hinan
Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Danica papunta sa OB na kilala niya at pagkatapos ay pupunta kami sa puntod ni Mama. I missed her so much, kailangan niyang malaman na may apo na siya. Sayang nga lang ay hindi niya ito makikita. “It’s good news, Miss Diana. Maganda ang sitwasyon ng pagbubuntis mo, sana panatilihin mo ito. Dapat palaging healthy lang ang kinakain at iniinom mo, pati na rin ang environment mo,” paliwanag ng doctor at binigyan niya ako ng mga listahan na dapat gawin. “Thanks Doc.” Ngumit ako sa kanya at nakipagkamay. Hawak ko ang kamay ni Danica papalabas ng office ng doctora, naglalakad kami palabas ng entrance sa ospital nang biglang may huminto sa harap namin. Nagkatinginan kami ni Danica, nagtataka. “Kuya, ano pong problema?” si Danica ang nagtanong sa dalawang lalaking humarang sa amin. “Sumama po kayo sa amin,” sabi ng isang lalaki na naka-army cut. Well, pareho naman silang naka-army cut pero mas malaki ang katawan ng lalaking nagsalita. “Sumama saan? Pas
Third Person’s Point of View:Habang nasa biyahe silang dalawa, tahimik lang si Ashley. Hindi niya magawang magsalita dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Paulit-ulit pa rin sa isip niya kung paano siya palaging nalalaman ni Artus kung nasaan siya, at kung bakit pilit nitong pinapasok ang buhay niya ngayon.Gusto niya mang tanungin si Artus tungkol kay Stefanie—ang ex-fiancé ng lalaki at ang kanyang step-sister niya—hindi niya magawa. Wala na siyang balita rito simula nang nalaman ni Stefanie ang tungkol sa kanya at kay Artus. At dahil din umiwas siya pagkatapos ng DNA Result hindi niya na talaga sinasagot ang mga tawag mula sa kanila."Ang tahimik mo. Do you have something in your mind? Come on, you can tell me," si Artus ang bumasag sa katahimikan.Napatingin si Ashley sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung paano ito nananatiling kalmado at parang walang nangyari, gayong sa isang gabing pagkakamali, nagawa nitong sirain ang engagement nila ni Stefanie. At ngayon, nasa sinapupunan n
Ngayong araw, maagang nagising si Ashley para pumunta sa Pet Shop na pagmamay-ari niya. Naisipan niya na magpa-meeting sa mga staff niya roon at ipagpaalam ang pagbubuntis niya. Isang buwan na siyang buntis, at kahit maliit pa lang ito at kahit na sinabi ng doctor na malakas ang kapit ng bata sa kanya, kailangan niya pa rin ingatan ito dahil sa oras na may mali o kahit kaunting mali lang, maaaring magbago ang lahat. Sasakay pa lang sana siya ng kotse niya na nasa basement parkit nang biglang may bumusena sa kanya. Agad siyang napatingin sa likod niya, kumunot ang noo niya nang makita si Artus na kakalabas lang ng kotse at kumaway sa kanya na nakangiti.“Artus? Anong ginagawamo rito?” tanong niya. Hinarap niya si Artus. Nagulat naman siya nang lumapit si Artus sa kanya at kinuha ang dala niyang hand bag. “Ihahatid na kita kung saan ka man pupunta ngayon.”“Huh?” Litong-lito si Ashley. “Paano mo nalaman na may lakad ako ngayon?” “Nahulaan ko lang. Remember, I am also the owner of thi
Kahit gulat sa sinabi ni Artus, hindi na lamang siya nakapagsalita dahil alam niya wala na rin naman siyang magagawa para baguhin ang gustong gawin ni Artus sa sitwasyon nilang dalawa. Habang si Artus naman, gusto niya pa lalong mapalapit kay Ashley.Kahit kailan hindi siya naging ganito noon sa kahit na sinong babae na hindi niya pa masyadong kilala pero nang dumating si Ashley tila ba gusto niyang alam niya lahat ang tungkol dito. Hindi niya man maitindihan ang sarili, ngunit isa lang ang gusto niya—ang matanggap siya ni Ashley hindi lang bilang magiging ama ng anak nila, kundi na rin magiging bagong tao sa buhay ni Ashley.“What’s this place?” tanong ni Artus nang huminto na sila. Tumingin naman si Ashley sa labas ng kotse bago sumagot kay Artus. “This is my own business…food business. Kailangan ko rin sila i-meeting ngayon para ipaalam ang sitwasyon ko,” paliwanag ni Ashley.Napaawang naman nang bahagya ang bibig ni Artus tila humanga sa nalaman. Hindi niya inasahan na busy na ta
Kinabukasan, nagulat si Danica nang may biglang mag doorbell habang nagluluto siya ng breakfast nila ni Ashley. “Sino naman iyan at ganito pa talaga kaaga?” reklamo niya. Pinunasan niya ang kamay niya at naglakad patungo sa pintuan para pagbuksan ang tao.Pagkabukas niya, mas lalo siyang nagulat. Isang lalaking may dalang coffee. “Artus?”“Hi, good morning. I bought a coffee for you guys,” sabi nito na nakangiti. Sa kabilang banda naman, sa loob ng kwarto ni Ashley narinig niya ang pamilyar na boses. Agad siyang nagmamadaling mag-ayos at lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya, nakita niya na si Artus na naka-upo sa sofa. Pinapasok na ito ni Danica. “Good morning,” bati ni Artus sa kanya nang makita siya nitong kakalabas lang ng kwarto, gulat. “Good morning. Bakit ang aga mo naman yata?” taka nitong tanong. Narinig niya naman ang tawa ni Danica mula sa kusina kaya bumaling siya rito. “Sinusundo ka raw niya. Hindi mo naman sinabi na may date ka pala na ganito kaaga.”“Date?” Gulat na t
Napahinto si Sky. Hindi niya inasahan ang maririnig niyang sagot mula kay Artus.Kagaya ng ibang tao, narinig din nila ang balita—ikakasal si Artus para sa isang business partnership. Pinalabas ito sa TV, kaya inakala ng lahat na si Stefanie pa rin ang babaeng pakakasalan niya. Ang stepsister ni Ashley. Ang babaeng matagal na ring kasama sa mga bulungan at tsismis sa loob ng organisasyon.Pero ngayon, iba na. Iba ang pangalan na binanggit ni Artus. At kahit si Sky—kahit siya na palaging tahimik na nakamasid, hindi rin niya kilala ang babaeng iyon.“Kilala ba namin ito?” tanong ni Sky, bahagyang nanginginig ang boses, pilit ikinukubli ang pagkalito.Tumingin sa kanya si Artus, seryoso. “I don’t think so,” sagot niya, tapos ay tumayo. “Aalis na ako.”Humakbang siya palayo ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, hinawakan ni Sky ang braso niya. Napahinto si Artus. Kumunot ang kanyang noo at saka lumingon.“May problema ba, Sky?”Walang salitang lumabas mula kay Sky sa una. Gusto niyang it
Naglakad siya at nang marinig ni Artus ang mga yabag, agad siyang tumayo. Nakita niya si Ashley na puno nang pagtataka sa mukha nito. Doon lang din tuloyang napagtanto ni Artus na hindi pa ito natutulog kaya nagtataka siya kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Tahimik na lumapit si Ashley, dahan-dahang huminto sa harap ni Artus.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Ashley, malamig ang boses pero may halong kaba.Hindi agad nakasagot si Artus. Tinitigan niya lang si Ashley, pilit binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.“Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko,” sa wakas ay nasambit niya. “Nag-alala ako.”Nagtaas ng kilay si Ashley, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. “Nag-alala ka? Wala namang masamang nangyari sa akin kasi hinatid mo naman ako kanina.”“Yeah,” napahinto si Artus. “I’m sorry if I didn’t call you right away nang makarating ako sa condo ko. Something came up,” paliwanag niya. Naitindihan ni Ashley kung ano ang nangyari, inantay niya na sabihin ni Artus na p
Sa kabilang banda, habang hawak ni Ashley ang phone niya, bigla na lang itong nag-ring. Tumatawag si Danica kaya agad niya itong sinagot. “Ash! Ayos ka lang ba? Narinig ko ang nangyari, kumusta ka?” puno nang pag-alala ang boses ni Danica. Napangiti naman si Ashley. “I’m fine, Dan. Don’t worry. Pero paano mo pala nalaman?” tanong niya. “Kay Aaron. He’s with me kanina,” sagot ni Danica na para bang wala lang iyon. At dahil sanay na rin si Ashley sa ugali ni Danica, hindi niya na lang din pinahaba pa ang usapan tungkol kay Aaron. “I’m sorry kung hindi na ako nakapunta sa condo,” saad ni Ashley.“What? Mas okay nga na maraming nakatingin sa’yo habang buntis ka…oh shit.” Natahimik si Danica bigla. Nagtaka naman si Ashley. “Dan? Bakit?” lito nitong tanong. Sa kabilang banda, habang katawan ni Danica si Ashley, hawak niya rin ang iPad niya, gamit ito habang nag-scroll sa social media at may nakita siyang post na kinabigla niya. “Ash…hindi mo ba kasama si Artus ngayon?” biglang tanong
Habang bumabalik si Caleb sa bahay nila para simulan ang plano, sumama sa kanya ang isa sa mga bodyguard nila ni Artus. Hindi pa rin mawala sa isip nila ang naging ambush—dalawang lalaking naka-motor, armado, at malinaw na may intensyong tapusin ang isa sa kanila, o baka pareho.Tahimik na bumalik si Artus sa kwarto ng safehouse. Pagpasok niya, bumungad sa kanya ang tanawing lalong bumigat sa dibdib niya—si Ashley, nakahiga sa kama, nakatitig sa kawalan. Wala siyang emosyon sa mukha, tila malayo ang isip, tila hinahabol pa rin ng takot at kaba ang puso niya.Dahan-dahang lumapit si Artus. Walang ingay ang mga hakbang niya, ayaw niyang gulatin si Ashley. Umupo siya sa gilid ng kama, katabi nito, at marahang hinawakan ang kamay ng dalaga. Doon lang siya nilingon ni Ashley, mabagal at parang galing sa malalim na pag-iisip.Bumangon ito at umupo. Tahimik silang nagtitigan, ilang sandali bago nagsalita si Ashley. “Kumusta?” tanong niya, mahina ang boses, pero buo. Huminga ng malalim si A
Pagkatapos nilang manood ng cine, nag-dinner muna sila sa restuarant na hindi masyadong mabigat na pagkain ang naroon at pagkatapos no’n, nag-aya na si Ashley na umuwi. “Ihahatid na muna kita bago ako bumalik sa condo ko,” alok ni Artus.“Sigurado ka ba? Pagod ka rin,” may pag-alala sa boses ni Ashley. Ngumiti lang si Artus sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “I’m fine. Mas gusto ko itong nakikita kong ligtas kayong nakauwi ni baby.”Natawa naman nang mahina si Ashley. “Masyado mo naman kaming ini-spoiled, lalo na itong anak mo. Hindi pa nga lumalabas pero spoiled na sa’yo.”“Naman. I will give everything to the both of you…kahit buhay ko pa ang nakataya.”Sa hindi malamang dahilan, natahimik si Ashley. Umiwas siya ng tingin kay Artus at nagsimula nang maglakad papunta sa parking lot, sinundan naman siya ni Artus. Para kay Ashley, kahit na naging malawak na kahit papaano ang samahan nila ni Artus, may mga bagay pa rin na tila hindi pa rin siya sigurado kung handa na siya. ***Ta
Habang nag-uusap pa rin sina Artus at Ashley sa garden, napadaan si Stefanie. Kita niya kung gaano kasaya mag-usap ang dalawa, mas lalo siyang nagalit kay Ashley. Nakakuyom ang mga kamay niya sa inis na para bang anumang oras ay susugurin niya silang dalawa, hilahin si Artus palayo kay Ashley. Pumikit siya nang mariin at pinakalma ang sarili. Kung nakaligtas si Ashley sa kanya kagabi dahil sa pagtatanggol ni Rafael, tiyak makakaligtas din siya ngayon dahil naroon si Artus kaya naisipan niya na maging kalmado. Huminga siya nang malalim at naglakad patungo sa dalawa.“Artus, hi. Nandito ka pala.”Sabay na lumingon sina Artus at Ashley sa kanya. Malapad ang ngiti ni Stefanie ngunit alam ni Ashley na hindi iyon totoo. Tumayo si Ashley kaya sumunod si Artus. “Stefanie,” bati ni Artus. Tinignan ni Stefanie saglit si Ashley bago lumapit kay Artus. Hinawakan niya ang braso ni Artus, agad naman inalis ni Artus ang kamay niya. Napansin iyon ni Ashley, napansin din niya na saglit na nawala an
Kinabukasan, hindi pumasok si Artus sa trabaho, laha ng meetings at iba niyang kailangan gawin ay pinalibana niya muna. Napag-isipan niya na siya naman ang sasama kay Ashley sa schedule ngayong araw para sa kasal nila. “Sigurado ka ba talagang hindi ka papasok? Napag-usapan na rin naman namin ni Angeline na siya ang sasama sa akin ngayong araw,” sabi ni Ashley. Maaga pa lang ay dumating na si Artus sa bahay nila kaya gulat na gulat si Ashley. Hindi niya iyon inasahan, ang akala niya ay si Angeline ang pupunta pero hindi naman maaga ang usapan nilang dalawa.“Sinabi ko na sa kanya na ako na muna ang sasama sa’yo, pumayag din naman siya dahil may biglaan din silang alis ng mga kaibigan niya,” paliwanag ni Artus. “Kung gano’n, bakit ang aga mong pumunta rito? Hindi niya ba sinabi na after lunch ang alis namin?” tanong ni Ashley. Ngumiti si Artus sa kanya na para bang isang bata si Ashley na panay tanong. “Ayaw mo ba akong makasama nang matagal ngayong araw?”Nagulat si Ashley nang ba
Narinig sa buong bahay ang sigawan nina Ashley at Stefanie. Malinaw ang sampal, kasunod ang matalim na palitan ng salita. Sa tapat ng kusina, si Ashley ay nakatayo, hawak ang pisngi, nanginginig sa galit habang si Stefanie naman ay hindi pa rin natitinag, matalim ang titig at tila handang sumugod muli.Biglang bumukas ang main door ng bahay at bumungad si Rafael, at Stefanie. Kasama niya si Cynthia. Parehong gulat at bakas sa mukha ang pagkabahala sa narinig na sigawan.“Ano bang nangyayari rito?!” malakas na tanong ni Rafael, nanlilisik ang mata.Sabay-sabay na napalingon ang dalawa sa kanya. Sa sandaling iyon, bumaba rin mula sa itaas sina Jacob at Kyler, dala ng ingay na kanina pa nila naririnig. Agad na lumapit si Jacob kay Ashley at tinignan ang pisngi ng kapatid.“Ash, anong nangyari? May masakit ba sa’yo?” tanong niya, puno ng galit ang boses habang tinitigan si Stefanie. Ganoon din si Kyler. Noong dati pa ay hindi niya na gusto ang ugali ni Stefanie, ang buong akala niya ay na
Walang nakaimik ni isa sa kanila pagkatapos magsalita ni Artus. Napaawang ang bibig ni Ashley, gulat. Dahan-dahan siyang bumaling sa likod at naroon ang Kuya Jacob niya at si Kyler na nakatayo, seryoso ang mga mukha—na para bang wala lang sa kanila na nandoon si Artus.Si Artus naman ay nakatingin din nang seryoso kay Kyler. “Who is he?” mahinang tanong ni Artus kay Ashley.Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa tanong na iyon, pero mas hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Artus—para bang may nakita itong mali.“He’s Kuya’s friend… and my friend too,” sagot ni Ashley, halatang naguguluhan.Napatingin si Artus sa kanya, matalim. “Bakit siya nakayakap sa’yo?”Napakunot ang noo ni Ashley. “Paano mo nalaman?”Sa pagkakaalam niya, wala namang ibang tao sa living area kanina habang magkausap sila ni Kyler. At ang yakap na iyon? Panandalian lang. Walang malisya. Isang yakap ng kaibigan.“Just answer my question, please… bakit siya nakayakap sa’yo?” bakas sa tono