Share

Kabanata 2

Dumilat ako sa medyo dim na room. Light gray ang kulay ng dingding nito at may nakasabit na drum typed chandelier, iginala ko ang mga mata at nakita ang isang lampshade na tanging nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

Pilit kong itinayo ang sarili, napahawak ako sa ulo at napapikit dahil sa naramdamang sakit ng ulo, agad ding napabalik ng higa sa kama nang biglang nahilo.

Init ng katawan ang naramdaman ko sa aking tabi pagkahiga. Wait, may katabi ako? Oh my God! Memories from what happened last night came rushing down. Napalingon ako sa lalaking mahimbing ang tulog sa tabi, walang suot na pang itaas at kakarampot na kumot lang ang nakatapis sa kanyang pang ibaba. I give in to a stranger last night! I give my all to this handsome stranger last night!

Nataranta ako, wala akong ibang maisip kundi ang umalis sa kwartong ito ng mabilis kahit pumipintig sa sakit ang ulo. Dinampot ko ang mga damit na nagkalat sa sahig at dali daling nagbihis, pagkatapos ay kumaripas ng takbo palabas para pumara ng taxi at nagpahatid pauwi.

Pumipintig ang ulo ko kinabukasan nang patungo sa trabaho, kasabay pa ang mga iniisip na hindi ko malaman kung alin ang uunahin. Una, ang nangyari sa amin ng hindi ko kilalang lalaki na iyon. Pangalawa, ang boyfriend ko na hanggang ngayon ay walang paramdaman. Pangatlo, ang dalawang kaibigan na sunod sunod ang pag message at pag tawag sakin hanggang ngayon.

Nasa loob pa ako ng sasakyan ng muli ay tumunog ang cellphone dahil sa tawag ng dalawa, a videocall. Pinatay ko ito at lumabas ng sasakyan.

Magaling ako sa pagtago ng hangover, simple blush pink button down long sleeve at black fitted pencil skirt ang suot ko, kaunting mascara para hindi mag mukhang mapungay ang mga mata, smokey eyes at mauve lipstick ay hindi na mahahalata sa akin.

Binati ako ng guard pagkapasok ko ng building at binati rin naman ito. Kapapasok ko pa palang ng elevator ay muling tumunog ang cellphone dahil sa tawag ngunit pinatay ko din ito agad dahil marami at tahimik ang mga kasama ko sa loob.

“Good morning, Aleyah! Blooming mo ah!” salubong sa akin ni Harry, ang finance head ng kumpanya, pagkalabas ko ng elevator at nasa tamang palapag na.

Ngumiti ako sa kanya. “Salamat!” sagot ko at dumiretso sa aking cubicle. Alas sais pa lang ng umaga at may mga empleyado na sa palapag. Pagka uwi ko sa bahay kaninang madaling araw hindi na ako ulit nakatulog kaya naghintay na lang ng oras at pumasok ng maaga.

Inilapag ko sa aking lamesa ang mga dalang gamit pagkapasok at nagsimula sa pag tatrabaho. Wala pa ang boss ko dahil maaga pa at 8 AM usually pumapasok iyon, pero dahil lumiban ako kahapon para sa art exhibit ay natambakan ng trabaho.

Sa kalagitnaan ng aking pagtatrabaho ay muling tumunog ang cellphone ko sa tawag, at dahil maaga pa at wala pa gaanong empleyado ay sinagot ko na ito.

“Finally!” tili ni Ericka ang sumalubong sa akin. Nataranta pa ako dahil naka full volume pala ang cellphone ko! Humagikhik siya nang sumenyas akong huwag maingay dahil nasa trabaho ako, natatakot na baka may makarinig na iba. “So.. Care to tell me what happened? I saw you two walking out at the bar,”

“You saw us? At hindi mo man lang ako pinigilan?”

Umaktong nag iisip ang kaibigan ko bago sumagot. “Hmm… Kung iba siguro ang kasama mo ay pipigilan kita, kaya lang nung nakita ko ang kasama mo ay naisip ko na ‘wag na lang.” humalakhak siya habang ako walang emosyong naalala ang nangyari kagabi. Kaunti lang ang naaalala ko sa lahat ng nangyari, at ang mainit na pinagsaluhan naming dalawa ng hindi kilalang lalaki sa iisang kama pa ang malinaw na malinaw sa akin! Ano ba ito? Why am I not even thinking! Anong ginawa ko?

“Wait.. Don’t tell me hindi mo kilala kung sino ang kasama mo kagabi?” my friend act like she’s shocked. Hindi ako kumibo at inalala, wala nga siyang nabanggit sa akin kagabi, maging nung may nangyayari na ay hindi siya nagpakilala, pero… he knew me! “OMG! He is Blake Dawson, for pete’s sake, hindi mo kilala?”

Umiling ako. Blake Dawson?

Wait..

My boss is James Dawson Crowell! Magkakilala kaya sila? I invited my boss at my exhibit yesterday. Hindi kaya ay inimbitahan niya ito dahil relative sila? Sumasakit lalo ang ulo ko sa pag iisip. What have I done! Parang natatakot na ako uminom at pumunta ng bar ulit. Hinilot ko ang sentido habang patuloy si Ericka sa mga litanya niya.

Nasabi ko na sa kaniya ang nangyari kagabi, every little detail about last night, maging ang pag iwan ko sa lalaki habang siya ay mahimbing ang tulog. Matagal ko nang kilala si Ericka and I know that I can trust her, she’s like a sister to me. “How I wish na sana ako ang ang hinila niya kagabi at hindi ikaw, siguro…” hindi niya itinuloy ang dapat na sasabihin. She sighed in dismay. Siguro ay matagal na niyang kilala ang lalaki para gustuhin na sana siya ang nasa katayuan ko kagabi. “Anyway, alam na ba ito ni Nate?” she’s referring to my boyfriend. Umiling ako at umirap siya, hindi na nagulat sa nagiging akto ng boyfriend ko lately.

Matagal nang kilala nina Ericka at Dexter si Nate, masasabi kong wala talaga akong naitatago sa dalawa. She ended the call by saying, “Hiwalayan mo iyon, tutal Blake Dawson got your first. Panigurado ay may kalantari na iyong iba. Bye for now, Lav, my boss is here.”

Tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya. Hanggang ngayon ay wala pang mensahe si Nate sa akin. Kung hindi siguro sinabi ni Ericka iyon ay iisipin ko pang natutulog siya o baka busy. Sinubukan kong tawagan si Nate ngunit patuloy lang ito sa pag ring at walang sumasagot. Naka ilang beses ako sumubok na tawagan ito hanggang sa nakapatay na ang telepono.

I sighed. Ano kaya ang nangyayari. Nate usually calls me in the morning, walang mintis iyon mula nang lumuwas ako dito sa manila upang mag trabaho. Ngunit nang lumipas ang apat na buwan ay dumalang na ang pag paparamdam. May mga araw pa na wala talaga siyang mensahe o tawag.

Natigil ako sa pag iisip nang nakita kong papasok na ang boss ko sa kaniyang opisina. 8:30 na pala. Tumayo ako at sinalubong siya.

“Good morning, Architect,” bati ko habang sumusunod sa kanya patungong opisina.

“Good morning, Aleyah, what’s my schedule today?” he asked.

Umupo ang boss ko sa kaniyang swivel chair pagka pasok sa opisina at binuksan ang laptop. Wala sa sarili ay napatitig ako sa kanya. He’s wearing a creamy white button down long sleeve, ang kilay na makapal ay salubong, ang labing mapupula ay mamasa masa, ang katawan ay sing laki at sing tikas ng katawan ng lalaking kasama ko kagabi na hindi ko kilala. At sa pagkaka alala ko ay magka mukhang magka mukha ang dalawa, mula sa mukha hanggang sa tindig ay halos walang pagkakaiba. Sa haba lang ng buhok sila nagkaiba, sa boss ko ay maikli at malinis habang may kahabaan naman ang buhok ng lalaking kasama ko kagabi.

Oh my God! Hindi kaya kapatid niya iyon?

“Aleyah Lavelle?” napakurap ako at naibalik sa huwisyo nang magsalita muli ang boss ko. They also have the same husky voice! Damn!

“U-uhm..” natataranta akong kinalikot ang iPad at hinanap ang notes. “You have a meeting with the stockholders at 10 AM, sa conference room po iyon, then lunch meeting naman po with Ms. De Guzman and you also scheduled your project visit today, Sir.”

Nanliit ang mga mata ng boss ko habang nakatitig sa akin na tila nag iisip. My heart thunders like there’s a storm. Kilala niya kaya ako? Alam niya kaya ang nangyari kagabi? Oh my!

“Okay, Aleyah. You may go back to your cubicle, tatawagin na lang kita ulit.” Tumango ako at akmang aalis nang pinigilan niya ako at may sinabing mas lalong nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. “Also, my cousin, Blake Dawson, will be here soon. Isasama ko siya sa meeting with the stockholders, please accompany him when he arrives.”

Oh. Shit!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status