Malamyang tumayo si Blake mula sa pagkakaupo at matalim agad ang tingin na idinako sa akin.Hinawakan ko ang kamay ni Eva ng mahigpit at inilapit pa lalo sa akin. Sinubukan ko siyang itago sa aking likuran ngunit makulit ito at sinisilip ang lalaking nakatayo sa aming harapan. "Finally," bungad ni Luca, tumayo siya at nakapamewang na nakatingin sa amin. "This guy right here is waiting for you like hours, what took you so long? I'm fucking hungry!" he roll his eyes after looking at his wrist watch, agad naman siyang sinuway ni tita na tumahimik, aangal pa sa ito ngunit nilapitan na siya ni tita at kinurot sa tagiliran kaya sa huli ay nanahimik na lang. "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Blake, hindi pinapansin ang nagrereklamong si Luca dahil sa pagkurot sa kaniya ni tita. Nanliit ang mga mata niya bago nagsalita. "Is she my daughter?" malamig niyang tanong, hindi pinapansin ang tanong ko. Lumunok ako at sinulyapan sina tita na sa tabi namin. Tumango ito sa akin at hinila
"Mama? What you doing?" tanong ni Eva nang nadatnan ako sa kwarto na nag aayos ng gamit namin sa maleta.Magulo pa rin ang isip ko sa kung ano ang dapat gawin. Hindi naman labag ang loob ko sa gustong mangyari ni Blake, in fact, I should be happy because finally we can be a happy family.Pero ang katotohanan na hindi ko man lang nakikilala ang kaniyang mga magulang at hindi rin nila alam na may anak kami ay sobrang nakakapag pagabag sa akin."I'm packing, baby." sambit ko at inangat ang tingin sa anak. Sumampa siya sa ibabaw ng kama at kinumutan ang sarili."Why? Are we leaving? What time will papa go home?" napangisi ako sa sunod-sunod na tanong ni Eva. Halata ang pagka antok sa kaniyang boses.Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig at nilapitan siya. Hinayaan ko muna ang mga nagkalat na gamit sa sahig. Sumampa ako sa ibabaw ng kama at tinabihan siya roon."I don't know, baby. Maybe he'll come here later," mahina kong sambit habang hinahaplos ang kaniyang mahaba at malambot na buhok.
Hinang hina ako at tila nanlalambot ang mga tuhod pagkatapos ng nangyari sa amin ni Blake. Binuhat niya ako mula sa pagkakaupo sa sink at ibinaba sa malamig na sahig ng bath tub pagkatapos ay binuksan ito hanggang sa umagos ang tubig sa buo kong katawan. Inayos niya ako roon at umupo rin siya sa aking likuran, ngayon ay na sa gitna na ako ng kaniyang mga hita at ang ulo ko ay nakasandal sa kaniyang mainit at matigas na dibdib."I'm sorry, I just missed you so much." malambing niyang sabi malapit sa tainga ko.Ngumiti ako at hindi sumagot. Dinama ko ang mabango niyang amoy na nanunuot sa aking ilong habang hinahayaan ang sarili na malubog sa malamig na tubig sa bath tub.Hindi ko maalala kung kailan ang huling araw na naging masaya at magaan ang puso ko ng ganito. Hindi naman nawawala ang pangamba sa akin ngunit nais ko rin naman pagbigyan ang sarili na makaramdam ng saya tulad ng pinapadama ni Blake. I'm just hoping that someday everything will be okay and we can finally do things lik
Nanatili si Blake sa pagiging tahimik at masungit ang awra. Hindi na rin ako kumibo at itinuon na lamang ang atensyon kay Eva na halatang nawiwili sa mga tanawin na nakikita.May kalayuan na sa syudad ang tinatahak naming daan, ngunit nais ko mang mag tanong kay Blake ay iniisip ko na baka hindi niya lang rin ako kikibuin kaya hindi ko na ginawa.Wala na ang naglalakihang mga gusali sa lugar na aming tinatahak. Tanging mga puno at malalaking bahay o tindahan na lamang ang nakikita ko.Manila pa ba ito?Hindi ko alam kung ilang oras na kaming bumabyahe. Tanging manila lang kasi ang napuntahan ko maliban sa aming probinsya dito sa Pilipinas kaya hindi pa rin ako maalam sa mga lugar dito.Pumasok ang sasakyan ni Blake sa isang maganda at malawak na village. Puro naglalakihan at nag-gagandahang mga bahay ang narito. Hindi ko maiwasang mamangha, may mga moderno at old style ang mga disenyo ng mga bahay. Clearly, these houses costs a fortune! Kasalukuyan pa rin akong namamangha sa natatan
"What happened?" kunot noong tanong ni Blake nang ibaba ko ang tawag at agad na nag bihis."Naaksidente daw si papa, kailangan ko siyang puntahan. Ikaw na muna ang bahala kay Eva." sambit ko habang abala sa pag aayos ng mga gamit na kailangan kong dalhin."No, we'll come with you.""Pero malayo iyon-""Exactly. Mas mabilis kung sasakyan ko ang gagamitin natin. Pack your things, ako na ang bahala sa anak natin." putol sa akin ni Blake. Agad niya akong tinalikuran para gisingin si Eva, hindi na ako nakipag talo pa dahil mas inaalala ko ang tawag ni tita Vicky tungkol kay papa.Nagbihis ako at nag ayos ng gamit samantalang si Blake na ang nag asikaso kay Eva. Sa baba ako nag hintay matapos ko aayos lahat ng gamit naming tatlo. Hindi na rin kami nagtagal nang bumaba sila, lumabas na kami ng bahay at agad na bumyahe patungo sa Nueva Ecija.Patuloy ang tanong ni Eva sa akin kung saan kami patungo at kung ano ang gagawin namin doon ngunit wala talaga ako sa sarili para sagutin ang mga tanong
"What the fuck are you doing here Hailey?" malamig at may diing sambit ni Blake kay Hailey pagkapasok niya sa kusina. Naglakad ito patungo sa akin at agad ipinalupot ang braso sa aking baywang at tsaka ako mas hinapit palapit sa kaniyang malaki at makisig na katawan. "What are you doing here?" ulit niya nang hindi nakasagot si Hailey, nanatili lang ito sa kaniyang kinatatayuan, may bakas ng takot at galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa amin at nagmamasid sa bawat kilos ni Blake. "T-tita asked me to come here to check on you," nauutal na sambit niya. Binalingan niya ang dalang maliit na bag at tsaka may hinalughog rito, pagkatapos ay nilabas niya ang kapirasong papel at iniharap sa kay Blake, address sa kung saang lugar ang nakasulat roon. "She gave me the address." sambit niya. Ramdam ko ang pagpipigil ni Blake nang dumiin ang kaniyang pagkakahawak sa akin at ang ilang beses na pagtiim ng kaniyang bagang.Inagaw niya anng papel mula kay Hailey at agad na nilamukos ito a
"I'm sorry..." garalgal ang boses ni Blake sa kabilang linya.Hindi ako nakasagot. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at nanginginig ang aking mga kamay.Nang natauhan ay agad akong nagpaalam kina papa at kumaripas ng takbo palabas ng hospital.Malakas ang kabog ng puso ko habang nakasakay sa tricycle patungong terminal, bawat segundo na lumilipas ay hinihiling ko na sana ay bumilis ang takbo ng sasakyan upang makarating agad ng manila.Ngunit talaga ngang mapaglaro ang tadhana, dahil nang makasakay ako ng bus at nasa kalagitnaan na ng byahe ay biglang nahinto ang bus dahil sa sobrang haba ng traffic.Nangingilid na ang luha sa aking mga mata habang nanginginig ang buo kong katawan. Wala akong ibang maisip kundi si Eva, kung nasaan na siya.Sinubukan kong tawagan muli si Blake ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sumasagot hanggang sa namatay na lamang ang aking cellphone. Nasapo ko na lamang ang noo dahil sa nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Nagsisisi ako na sana ay
Kinabukasan ay wala ako sa sarili, hindi ako nakatulog ng maayos magdamag dahil sa kakaisip. Gusto kong makausap si Blake ngunit malalim na ang kaniyang tulog kagabi. May mga sandali pa na siya ay nagigising at iiyak ngunit ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakapikit. Hindi ako mapakali at mapanatag sa kakaisip kung nasaan si Eva, kung kumakain ba siya, ayos lang ba siya at kung nasa maayos ba siyang lugar, wala akong alam. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito, kung sana ay isinama ko na lang siya, kung sana ay hindi ako napanatag sa sinabi ni Blake, siguro ay masaya kami ngayon at kasama namin siya rito sa bahay. "Kamusta anak? Nakauwi na ba ang apo ko?" mahinang sambit ni papa umaga nang napag desisyunan kong bumangon na lang dahil hindi talaga ako dinalaw ng antok, nagtungo ako sa kusina at nag timpla na lamang ng kape. "Hindi pa po, pa." buntong hininga ko. Now that papa asked, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nangilid ang luha sa mga mata ko at unti unti