"Don't tell me you really going to do that, Aleyah." malamig na sambit ni Blake matapos agawin sa akin ang cellphone ko at putulin ang tawag. Nanatili akong nakatayo roon. Bumibigat ang aking pakiramdam. Bumabagal ang bawat paghinga ko. Buong akala ko ay may tsansa na akong makita ang anak ko, ngayon ay tila gumuho ang pag-asa na iyon sa akin. Tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I know Blake would be mad, but if it will be the only way, I'll do everything, even it will break Blake's heart. "You're not going to leave." may pinalidad na dagdag ni Blake. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko rin naman gusto na umalis pa. Kahit wala akong plano noon na magtagal dito ay nagbago iyon nanag makasama ko siya. Tila mas lumalim pa ang nararamdaman ko na noon ay iniingatan ko pa. Tila nahulog na ako ng tuluyan sa ama ng anak ko. "Pero... Paano si Eva?" mahinang sambit ko sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. I saw a glitch of hurt in h
Bitbit ang dalawang malaking bagahe ay marahan akong naglakad papasok sa airport na sinabi noong babaeng kausap ko kanina. Mataman din akong tumitingin sa paligid sa likod ng malaking aviators na aking suot. Malakas ang tahip ng aking dibdib. Sobra sobra ang pagkabog nito dahil sa kabang nararamdaman. Pumayag ako na umalis at magpaka layo layo kay Blake upang makita at makuha si Eva. Ngunit kung sasang-ayon ang panahon ay naglaan ako ng panibagong plano para sa aming dalawa. Blake didn't even call me since he left yesterday. I left a note above the table beside our bed, at umaasa ako na pag uwi niya ay agad niya iyong makita at mabasa nang sa ganon ay hindi mag tagumpay ang mga tao sa likod ng mga pangyayaring ito. I sighed and stop when I'm at the middle of the airport. Inikot ko ang aking paningin nang hindi ginagalaw ang aking ulo. Maraming tao sa loob ng airport, at sa dami ng taong iyon ay sana makita ko kahit anino man lang ni Blake. Sa kalagitnaan ng pagmamasid ay na
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Basta isang araw ay nagising na lamang ako sa loob ng isang silid na halos puti lahat ng kulay ng dingding. Naningkit pa ang mga mata ko nang nasilaw ako sa liwanag na nagmulula sa ilaw na nakatapat mismo sa aking mukha. Lumingon ako sa tahimik na paligid. Wala akong kasama. Nasaan si Eva? Unti unti ay nanumbalik sa akin ang mga nangyari sa airport. Niyakap ko nang mahigpit si Eva nang nakitang may nakatutok na baril sa kanya at siniguradong ako ang matatamaan ng bala kung sakaling pumutok iyon, at base sa naaalala ko ay may narinig akong sunod sunod na putok ng baril bago ako mawalan ng malay! Sinubukan kong gumalaw at pilitin ang sariling bumangon mula sa pagkakahiga nang agad akong mapakislot nang maramdaman ang sakit mula sa aking likuran. Nanindig pa ang aking mga balahibo at tila mapigil ang aking hininga sa sobrang sakit niyon. Nasaan ba ako? Agad akong napabagsak sa kama nang hindi na nakaya ang sakit na naramd
I've been into so many things. Sa dami ng pagsubok na ibinigay Niya, hindi ko alam kung paano pa ako nakakapag patuloy at lumalaban, ang daming tanong sa isip ko na tulad ng kung bakit ako pa? Hindi naman kami mayaman. Hindi kami kumpleto, ngunit bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, sa akin pa Niya ibinagsak lahat ng ito. Not until I realized that I have Eva, and I have Blake, sila ang dahilan ko kaya ako nagpapatuloy at lumalaban. Sila ang pinanghahawakan ko at nagiging lakas ko sa tuwing may pagsubok na dumarating. But when I entered the dark room and saw Blake lying in that bed, it felt like my world have fallen apart. Tahimik ang buong silid, tanging tunog lamang galing sa monitor na katabi ng hinihigaan ni Blake ang gumagawa ng ingay roon. Tinulak ni Dr. Almojera ang wheelchair na kinauupuan ko sa tabi mismo ng kung saan si Blake. Patuloy na umagos ang luha sa aking pisngi habang tinititigan ko siya. Looks like he's just sleeping peacefully, ang maamo niyang mukha, matango
"Ito lang po ba lahat, miss?" tanong sa akin ng isa sa mga driver ni Blake. His secretary ask them to accompany us. Sinalansan niya ng maayos ang mga bagahe na dala ko pagkatapos lumabas ng bahay namin ni Blake. Naroon pa rin ang sasakyan ni Hailey dahil hinayaan ko lamang siya roon na nakahandusay. Nais pang tumulong ng driver ni Blake kanina nang marinig ang pagbasag ng baso ngunit pinigilan ko siya dahil masamang ginagambala ang natutulog. "Oo, 'yan lang." sagot ko. Tumango naman siya at pumasok na sa driver seat pagkatapos. Hindi agad ako pumasok. Eva was inside the car already. Pinauna ko na kanina nang mailabas ang lahat ng bagahe na inimpake ko galing sa bahay. Wala akong iniwan, tanging gamit lamang ni Blake. Tiningala ko ang maganda at malaking bahay. I sighed deeply. Siguro naman ay tatantanan na kami ng magulang ni Blake dahil sa ginawa kong ito. All I want is just a happy and complete family. Matagal ko nang tinanggap na hindi talaga kami ni Blake. Ngunit sa sandali
"Dalawang takal nga sa dinuguan at saka dalawang kanin," sambit ko sa tindera ng karinderya na napuntahan ko. Mag gagabi na kasi at wala pa kaming pagkain ni Eva dahil hindi pa ako nakapag grocery, balak ko na bukas na lang asikasuhin dahil parehas kami ni Eva na pagod ngayon dahil sa mga nangyayari. Pinipilit ko na lang ang aking sarili na maging matatag kahit gusto ko na ring magpahinga dahil may umaasa sa akin na anak ko. "Isang takal nga sa bopis, aling Nelly. Damihan niyo ha, noong nakaraan kakarampot binigay niyo nagbayad naman ako hays, " sambit naman ng babaeng kararating at bumibili sa parehas na karinderyang kinaroroonan ko. "Anong kakarampot, Sanya, e ang mamahal na ng bilihin ngayon 'no!" reklamo naman ng tidera na si aling Nelly. Hindi naman na sumagot pa si Sanya matapos noon, umirap na lamang siya at namewang habang hinihintay ang binili. Tumabi ako at sandaling hinagod siya ng tingin. Morena siya at balingkinitan, nakasuot ng maikling tattered shorts at sleeveless
Ganoon nga ang ginawa namin. Sinamahan kami ni Dr. Almojera patungo sa kaniyang opisina at doon kami nanatili. Hindi naman kami nagtagal doon dahil mga ilang minuto lang ay tumunog ang intercom na nasa loob ng kaniyang opisina at boses niya ang aming narinig doon. "You may now go, miss Sebastian. They already left, but take the other way dahil baka makasalubong mo sila mahirap na, and please don't take too long." aniya bago nawala ang kaniyang boses doon. Hindi tuloy ako nakapag-pasalamat. Hinila ko agad si Eva palabas ng opisina at agad tinahak ang kwarto ni Blake na sinabi ni Dr. Almojera. Muntik ko pang makalimutan ang bilin niya na dumaan sa kabilang hallway kung hindi ko pa natanaw si Hailey ay dere-deretso lang ang aming lakad. Abot abot ang tahip ng aking puso. Malakas ang pagdagundong nito sa aking dibdib habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ni Blake. Wait for me, Baby.. Mabilis ang bawat paghakbang ko patungo sa silid, natatakot ako na baka bumalik kaag
Nanatili kaming tahimik sa loob ng sild. Wala ni isang umimik hanggang sa napag desisyunan kong umalis na dahil baka madatnan oa kami ng kaniyang asawa rito."Mauuna na po kami Sir, baka bumalik na ho ang asawa niyo maya maya." paalam ko.Ibinaba niya saglit si Eva at tumayo na, ganoon din ang ginawa ko, iminuwestra ko ang kamay konsa harap ni Eva upang lumapit sa akin."Oo nga, tama ka,pasensya na hija, ayaw ko na ring mag-abot pa kayong dalawa," nahihiyang sambit niya.Nagpaalam na rin si Eva at humalik sa pisngi ng kaniyang lolo pagkatapos. Muli akong lumapit sa kay Blake at humalik sa kaniyang pisngi pagkatapos magpaalam. Pinagmasdan ko pa siya ng ilang segundo, nagbabaka sakaling sumagot siya o di kaya'y biglang gumising dahil alam niyang aalis na ako. Ngunit napabuntong hininga na lamang ako nang wala ni isa sa mga inaasahan ko ang nangyari, mahimbing pa rin ang kaniyang tulog.Lumabas kami ng silid na kinariroonan ni Blake at lumakad paalis ng hospital, nais pa sana kaming iha