I've been into so many things. Sa dami ng pagsubok na ibinigay Niya, hindi ko alam kung paano pa ako nakakapag patuloy at lumalaban, ang daming tanong sa isip ko na tulad ng kung bakit ako pa? Hindi naman kami mayaman. Hindi kami kumpleto, ngunit bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, sa akin pa Niya ibinagsak lahat ng ito. Not until I realized that I have Eva, and I have Blake, sila ang dahilan ko kaya ako nagpapatuloy at lumalaban. Sila ang pinanghahawakan ko at nagiging lakas ko sa tuwing may pagsubok na dumarating. But when I entered the dark room and saw Blake lying in that bed, it felt like my world have fallen apart. Tahimik ang buong silid, tanging tunog lamang galing sa monitor na katabi ng hinihigaan ni Blake ang gumagawa ng ingay roon. Tinulak ni Dr. Almojera ang wheelchair na kinauupuan ko sa tabi mismo ng kung saan si Blake. Patuloy na umagos ang luha sa aking pisngi habang tinititigan ko siya. Looks like he's just sleeping peacefully, ang maamo niyang mukha, matango
"Ito lang po ba lahat, miss?" tanong sa akin ng isa sa mga driver ni Blake. His secretary ask them to accompany us. Sinalansan niya ng maayos ang mga bagahe na dala ko pagkatapos lumabas ng bahay namin ni Blake. Naroon pa rin ang sasakyan ni Hailey dahil hinayaan ko lamang siya roon na nakahandusay. Nais pang tumulong ng driver ni Blake kanina nang marinig ang pagbasag ng baso ngunit pinigilan ko siya dahil masamang ginagambala ang natutulog. "Oo, 'yan lang." sagot ko. Tumango naman siya at pumasok na sa driver seat pagkatapos. Hindi agad ako pumasok. Eva was inside the car already. Pinauna ko na kanina nang mailabas ang lahat ng bagahe na inimpake ko galing sa bahay. Wala akong iniwan, tanging gamit lamang ni Blake. Tiningala ko ang maganda at malaking bahay. I sighed deeply. Siguro naman ay tatantanan na kami ng magulang ni Blake dahil sa ginawa kong ito. All I want is just a happy and complete family. Matagal ko nang tinanggap na hindi talaga kami ni Blake. Ngunit sa sandali
"Dalawang takal nga sa dinuguan at saka dalawang kanin," sambit ko sa tindera ng karinderya na napuntahan ko. Mag gagabi na kasi at wala pa kaming pagkain ni Eva dahil hindi pa ako nakapag grocery, balak ko na bukas na lang asikasuhin dahil parehas kami ni Eva na pagod ngayon dahil sa mga nangyayari. Pinipilit ko na lang ang aking sarili na maging matatag kahit gusto ko na ring magpahinga dahil may umaasa sa akin na anak ko. "Isang takal nga sa bopis, aling Nelly. Damihan niyo ha, noong nakaraan kakarampot binigay niyo nagbayad naman ako hays, " sambit naman ng babaeng kararating at bumibili sa parehas na karinderyang kinaroroonan ko. "Anong kakarampot, Sanya, e ang mamahal na ng bilihin ngayon 'no!" reklamo naman ng tidera na si aling Nelly. Hindi naman na sumagot pa si Sanya matapos noon, umirap na lamang siya at namewang habang hinihintay ang binili. Tumabi ako at sandaling hinagod siya ng tingin. Morena siya at balingkinitan, nakasuot ng maikling tattered shorts at sleeveless
Ganoon nga ang ginawa namin. Sinamahan kami ni Dr. Almojera patungo sa kaniyang opisina at doon kami nanatili. Hindi naman kami nagtagal doon dahil mga ilang minuto lang ay tumunog ang intercom na nasa loob ng kaniyang opisina at boses niya ang aming narinig doon. "You may now go, miss Sebastian. They already left, but take the other way dahil baka makasalubong mo sila mahirap na, and please don't take too long." aniya bago nawala ang kaniyang boses doon. Hindi tuloy ako nakapag-pasalamat. Hinila ko agad si Eva palabas ng opisina at agad tinahak ang kwarto ni Blake na sinabi ni Dr. Almojera. Muntik ko pang makalimutan ang bilin niya na dumaan sa kabilang hallway kung hindi ko pa natanaw si Hailey ay dere-deretso lang ang aming lakad. Abot abot ang tahip ng aking puso. Malakas ang pagdagundong nito sa aking dibdib habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ni Blake. Wait for me, Baby.. Mabilis ang bawat paghakbang ko patungo sa silid, natatakot ako na baka bumalik kaag
Nanatili kaming tahimik sa loob ng sild. Wala ni isang umimik hanggang sa napag desisyunan kong umalis na dahil baka madatnan oa kami ng kaniyang asawa rito."Mauuna na po kami Sir, baka bumalik na ho ang asawa niyo maya maya." paalam ko.Ibinaba niya saglit si Eva at tumayo na, ganoon din ang ginawa ko, iminuwestra ko ang kamay konsa harap ni Eva upang lumapit sa akin."Oo nga, tama ka,pasensya na hija, ayaw ko na ring mag-abot pa kayong dalawa," nahihiyang sambit niya.Nagpaalam na rin si Eva at humalik sa pisngi ng kaniyang lolo pagkatapos. Muli akong lumapit sa kay Blake at humalik sa kaniyang pisngi pagkatapos magpaalam. Pinagmasdan ko pa siya ng ilang segundo, nagbabaka sakaling sumagot siya o di kaya'y biglang gumising dahil alam niyang aalis na ako. Ngunit napabuntong hininga na lamang ako nang wala ni isa sa mga inaasahan ko ang nangyari, mahimbing pa rin ang kaniyang tulog.Lumabas kami ng silid na kinariroonan ni Blake at lumakad paalis ng hospital, nais pa sana kaming iha
Tulala ako matapos kong ihatid palabas si Architect, paalis ng tenament. Gulong gulo muli ang utak ko sa kung paano ang gagawin. I'm willing to take the risks and accept the offer basta para kay Blake, ngunit kakayanin ko ba ang mga paratang at pang iinsulto ng mga magulang ni Blake kung sakali?Kakayanin ko ba habang kasama ko si Eva? An idea came to my mind. I've always want to do it para sa kapakanan niya. Kung saan malayo sa gulong ito, sa mga paghihirap at pang iinsultong nararanasan ko, and maybe it would be the best thing that I'll do habang ibinabangon ang kumpanya ni Blake, at sa oras na alam kong ayos na nag lahat, I'll take her back to me."Ang lalim naman ng iniisip mo diyan," Sanya came beside me out of nowhere. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatayo sa hamba ng pintuan at nakatulala."Hmm.." sambit ko at saka siya nilagpasan upang simulan nang linisin ang kalat na naiwan sa lababo."Sino 'yon? Tatay ni Eva?" tanong niya habang sumusunod sa akin. Sinulya
"You'll not going with me, mama?" sambit ni Eva habang iniimpake ko ang kaniyang mga gamit sa isang maleta. Nakaupo siya sa ibabaw ng higaan at ginagalaw galaw ang kaniyang mga mata habang nakadyngaw sa akin. "Yes, baby. But don't worry, this is just for a while," sambit ko at tinapos ang pag aayos ng gamit. Isinara ko ang zipper ng maleta at igilid iyon, pagkatapos ay muli kong hinarap si Eva. "But how long? I wanna be with you." malungkot na sabi niya. May kumurot sa aking puso habang pinagmamasdan siyang nakasimangot at tila gustong umiyak. I sighed and held her hand. Hinaplos ko iyon at inilapit sa aking bibig upang halikan. "Eva, our world is tough, there's a lot of things I still need to do here, and I want you to be safe while I'm doing it because for sure I can't always look for you, baka madamay ka at saktan ka ulit, anak, at ayaw kong mangyari iyon." palipat lipat ang tingin ko sa mga mata niya. I want her to understand me and everything I'm saying. "Don't worry, baby
"This is your office, Aleyah." sambit ni Architect nang iginiya niya ako patungo sa opisina ni Blake. Pumasok ako at hindi ko mapigilang ilibot ang paningin sa buong lugar. Wala naman gaanong nagbago roon, mas naging plain lang itsura at halos wala nang muwebles na nakalagay. " You can start tomorrow so you can still prepare yourself, I'm really sorry for this, Aleyah." Ngumiti ako sa kaniya at naupo sa upuan na noo'y si Blake ang nakaupo. "It's fine, Architect. It's my choice to accept your offer, and I'm willing to do the job." Natuon ang aking pansin sa pangalan na nakalatag sa harapan ng lamesa, pangalan ko na ang naroon at hindi pangalan ni Blake. Buong akala ko ay dahil pansamantala lang ako ay wala kahit ano na mapapalitan dito. Nawala lang ang pansin ko roon nang narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hininga. Inangat ko ang tingin uoang tignan siya, nanatili siyang nakatayo sa harap ng aking lamesa habang tamad na ipinagkrus ang mga kamay. "I know how hard it is fo