"This is your office, Aleyah." sambit ni Architect nang iginiya niya ako patungo sa opisina ni Blake. Pumasok ako at hindi ko mapigilang ilibot ang paningin sa buong lugar. Wala naman gaanong nagbago roon, mas naging plain lang itsura at halos wala nang muwebles na nakalagay. " You can start tomorrow so you can still prepare yourself, I'm really sorry for this, Aleyah." Ngumiti ako sa kaniya at naupo sa upuan na noo'y si Blake ang nakaupo. "It's fine, Architect. It's my choice to accept your offer, and I'm willing to do the job." Natuon ang aking pansin sa pangalan na nakalatag sa harapan ng lamesa, pangalan ko na ang naroon at hindi pangalan ni Blake. Buong akala ko ay dahil pansamantala lang ako ay wala kahit ano na mapapalitan dito. Nawala lang ang pansin ko roon nang narinig ko ang malakas niyang pagbuga ng hininga. Inangat ko ang tingin uoang tignan siya, nanatili siyang nakatayo sa harap ng aking lamesa habang tamad na ipinagkrus ang mga kamay. "I know how hard it is fo
Miyerkukes nang napagpasyahan kong magtungo sa Eclipse Enterprises upang personal na kausapin si Elias Moreau, ang CEO ng Eclipse Enterprises na alam kong makakatulong sa Sky Corporation. Alas diyes ng umaga ako nag desisyon na magtungo roon dahil kinailangan ko pang tapusin ang ibang trabaho naiwan ko at hindi natapos. Tiningala ko ang malaki at makinang na gusali na nasa aking harapan. Sumabay din ang pagkinang ng nakalagay na malaking pangalan ng kumpanya sa itaan niyon nang natamaan ng sikat ng araw. "Hi, I'm Aleyah Lavelle Sebastian, may I talk to Mr. Moreau?" tanong ko sa babae na nakatayo sa front desk. "May appointment po ba kayo ngayon, Ma'am?" tanong niya. "Wala, e. I'm the CEO of Sky Corporation, and I decided to talk to him personally. Busy ba siya ngayon?" tanong ko. "He has no appointment today, Ma'am. Wait lang po, I'll call his secretary po." ngumiti ako at tumango sa kaniyang sinabi, dinampot niya ang telepono na nasa kaniyang harapan at naghintay ng ilang sanda
"Mama, look! Dada Cody bought this for me when we went to the mall!" masayang kuwento ni Eva nang tumawag si tita. Magkaiba kasi ang oras nila dito sa Pilipinas, sa tuwing gising na ako ay tulog pa sila kaya hindi ko matyempuha ang tumawag. Buti na lang ay si Tita na ang nagkusang tumawag isang gabi habang naghuhugas ako ng pinggan. "Wow, baby. That look so good! Are having fun there? I miss you so much, anak!" sambit ko. Nangilid muli ang luha sa aking mga mata, miss na miss ko na ang anak ko kahit dalawang linggo palang mula ng pinapunta ko siya roon. "Yes, mama. Mamita and Dada are bringing me to other places here that we didn't visit before, and I'm so happy!" napahagikhik ako nang marinig siyang tumili pagkatapos sabihin iyon. Napanatag naman ang loob dahil alam kong ayos siya roon at masaya. "That's good to hear, baby. Be good to them, okay? Don't be stubborn." sambit ko. "Of course, Mama. But... Where's daddy?" sambit na dahilan uoang ako ay matigilan. Tila napipilan sa
“Cheers!”Itinaas namin ang mga hawak na baso na may lamang cocktail at sabay sabay ding nilagok ito. Napagka sunduan naming tatlo na mag celebrate sa isang bar dahil sa pagiging successful ng ginanap na exhibit ngayong araw.Nito ko lang napag desisyunan na magsagawa ng art exhibit para sa mga paintings ko, nag dadalawang isip pa ako nung una dahil hindi ko pa alam ang mga mangyayari, kung magiging successful ba ito o baka walang magka interes, but thankfully, my paintings was bid at a higher price than I expected!“Aleyah Lavelle, brace yourself will you? Baka masobrahan ka naman.” Sabat ni Dexter nang muli ay lumagok ako ng panibagong salin ng alak.“Ano ka ba, Dex, she’s an adult bakit mo pinipigilan? Isa pa, minsan lang natin maaya ‘to sa ganito ‘no kaya hayaan mo na, malay natin, it’s the start of her career.” Sinuway ni Ericka si Dexter. I chuckle and hope at her statement.Ericka and Dexter are both my best of friends since college. Nawawalan man ng komunikasyon minsan dahil p
Dumilat ako sa medyo dim na room. Light gray ang kulay ng dingding nito at may nakasabit na drum typed chandelier, iginala ko ang mga mata at nakita ang isang lampshade na tanging nagbibigay liwanag sa buong kwarto.Pilit kong itinayo ang sarili, napahawak ako sa ulo at napapikit dahil sa naramdamang sakit ng ulo, agad ding napabalik ng higa sa kama nang biglang nahilo.Init ng katawan ang naramdaman ko sa aking tabi pagkahiga. Wait, may katabi ako? Oh my God! Memories from what happened last night came rushing down. Napalingon ako sa lalaking mahimbing ang tulog sa tabi, walang suot na pang itaas at kakarampot na kumot lang ang nakatapis sa kanyang pang ibaba. I give in to a stranger last night! I give my all to this handsome stranger last night!Nataranta ako, wala akong ibang maisip kundi ang umalis sa kwartong ito ng mabilis kahit pumipintig sa sakit ang ulo. Dinampot ko ang mga damit na nagkalat sa sahig at dali daling nagbihis, pagkatapos ay kumaripas ng takbo palabas para pumar
Hindi ako makapirmi habang nakaupo sa aking upuan habang pasulyap sulyap sa bukana ng palapag. Bawat oras ay kumakabog ang puso ko. Mas lalo pang lumalakas kapag may nakikitang papasok dito!Gosh, Aleyah Lavelle, will you please calm down? Hindi naman siguro niya naaalala ang nangyari kagabi dahil tulad ko ay lasing rin siya. Isa pa, he seems like he’s doing it most of the time with every other girls kaya hindi naman siguro ako maaalala noon.Patuloy kong kinalma ang sarili at nilibang sa ibang bagay habang hinihintay si Blake Dawson. I opened my phone and scroll in social media para kahit paano ay mawala ang isip sa paparating na lalaki.My phone rang for a call, kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita kung sino ang tumatawag, hindi siya madalas tumawag sa akin, at mukhang alam ko na kung ano ang kailangan nito. “Hello, Tita Vicky?”“Aleyah! Anong petsa na? Bakit wala kang padala ngayon?” Galit at sunod sunod na salubong sa akin ni Tita nang sagutin ko ang tawag. Tita Vicky is m
“Ayoko nga!” napapadyak ako habang kausap si Ericka sa telepono. Tinawagan ko siya nang makauwi sa bahay at sa kaniya ibinunton ang kanina ko pang pinipigilan na galit.Nang makaalis ako sa lugar kung saan nangyari iyong sa amin ni Blake Dawson ay pinagdasal ko na sana ay hindi na mag krus ang landas namin, kaya laking gulat ko nang malaman na pinsan pala siya ng boss ko. At ang malaman na siya ang tatayong CEO sa kumpanyang pinag tatrabahuan ko ay talaga namang nakakabaliw para sa akin.“E bakit nga? Wala naman ibang gagawin iyon doon kundi mag trabaho, unless gusto mo maulit iyong-““Hindi na mauulit iyon!” napataas ang boses kong pinutol ang anumang sasabihin niya.“Iyon naman pala, e. Anong pinuputok ng butsi mo riyan?”Huminga ako ng malalim. Ano nga ba ang problema ko? Isang buwan ko lang namang pagsisilbihan ang lalaking pinagbigyan ko ng sarili, at kung lalagyan ng matayog na bakod sa pagitan namin ay paniguradong hindi na mauulit ang nangyari.Hindi ko alam kung anong magigin
Natapos ang araw na iyon sa pag kukumbinsi sa sarili na tigilan na ang kakaisip sa kay Blake, at ‘wag na siyang pakialaman pa. Laking pasasalamat ko na sa buong linggo ding iyon ay wala akong ginawa kundi mag trabaho, bago umalis si Architect ay binilinan pa niya ako na tawagan lang siya kapag may mga emergency, I also told him my day offs at pumayag naman siya kahit hindi na aprubahan ni Blake.“Ano? Sumahod ka na ba? Hinihintay ko iyong pera!” sambit ni Tita nang tumawag siya araw ng sabado. Alam niya ang araw ng sahod ko kaya heto at nangungulit na naman.“Hindi pa po, Tita. Kapag nakuha ko po ako na po mismo ang pupunta jan para makamusta ko na rin po kayo,” sambit ko. Dahil pinagbigyan ako sa dalawang araw na day off ay napag pasyahan kong umuwi sa aming probinsya. Tutal ay naka ilang buwan na rin naman ako dito at nangungulila na rin ako sa kanila.“Bakit ka pa uuwi dito? ‘Wag na! Ipadala mo na lang hihintayin ko.” Pagalit niyang sabi bago pinatay ang tawag. Hindi na ako nagtaka