Hinang hina ako at tila nanlalambot ang mga tuhod pagkatapos ng nangyari sa amin ni Blake. Binuhat niya ako mula sa pagkakaupo sa sink at ibinaba sa malamig na sahig ng bath tub pagkatapos ay binuksan ito hanggang sa umagos ang tubig sa buo kong katawan. Inayos niya ako roon at umupo rin siya sa aking likuran, ngayon ay na sa gitna na ako ng kaniyang mga hita at ang ulo ko ay nakasandal sa kaniyang mainit at matigas na dibdib."I'm sorry, I just missed you so much." malambing niyang sabi malapit sa tainga ko.Ngumiti ako at hindi sumagot. Dinama ko ang mabango niyang amoy na nanunuot sa aking ilong habang hinahayaan ang sarili na malubog sa malamig na tubig sa bath tub.Hindi ko maalala kung kailan ang huling araw na naging masaya at magaan ang puso ko ng ganito. Hindi naman nawawala ang pangamba sa akin ngunit nais ko rin naman pagbigyan ang sarili na makaramdam ng saya tulad ng pinapadama ni Blake. I'm just hoping that someday everything will be okay and we can finally do things lik
Nanatili si Blake sa pagiging tahimik at masungit ang awra. Hindi na rin ako kumibo at itinuon na lamang ang atensyon kay Eva na halatang nawiwili sa mga tanawin na nakikita.May kalayuan na sa syudad ang tinatahak naming daan, ngunit nais ko mang mag tanong kay Blake ay iniisip ko na baka hindi niya lang rin ako kikibuin kaya hindi ko na ginawa.Wala na ang naglalakihang mga gusali sa lugar na aming tinatahak. Tanging mga puno at malalaking bahay o tindahan na lamang ang nakikita ko.Manila pa ba ito?Hindi ko alam kung ilang oras na kaming bumabyahe. Tanging manila lang kasi ang napuntahan ko maliban sa aming probinsya dito sa Pilipinas kaya hindi pa rin ako maalam sa mga lugar dito.Pumasok ang sasakyan ni Blake sa isang maganda at malawak na village. Puro naglalakihan at nag-gagandahang mga bahay ang narito. Hindi ko maiwasang mamangha, may mga moderno at old style ang mga disenyo ng mga bahay. Clearly, these houses costs a fortune! Kasalukuyan pa rin akong namamangha sa natatan
"What happened?" kunot noong tanong ni Blake nang ibaba ko ang tawag at agad na nag bihis."Naaksidente daw si papa, kailangan ko siyang puntahan. Ikaw na muna ang bahala kay Eva." sambit ko habang abala sa pag aayos ng mga gamit na kailangan kong dalhin."No, we'll come with you.""Pero malayo iyon-""Exactly. Mas mabilis kung sasakyan ko ang gagamitin natin. Pack your things, ako na ang bahala sa anak natin." putol sa akin ni Blake. Agad niya akong tinalikuran para gisingin si Eva, hindi na ako nakipag talo pa dahil mas inaalala ko ang tawag ni tita Vicky tungkol kay papa.Nagbihis ako at nag ayos ng gamit samantalang si Blake na ang nag asikaso kay Eva. Sa baba ako nag hintay matapos ko aayos lahat ng gamit naming tatlo. Hindi na rin kami nagtagal nang bumaba sila, lumabas na kami ng bahay at agad na bumyahe patungo sa Nueva Ecija.Patuloy ang tanong ni Eva sa akin kung saan kami patungo at kung ano ang gagawin namin doon ngunit wala talaga ako sa sarili para sagutin ang mga tanong
"What the fuck are you doing here Hailey?" malamig at may diing sambit ni Blake kay Hailey pagkapasok niya sa kusina. Naglakad ito patungo sa akin at agad ipinalupot ang braso sa aking baywang at tsaka ako mas hinapit palapit sa kaniyang malaki at makisig na katawan. "What are you doing here?" ulit niya nang hindi nakasagot si Hailey, nanatili lang ito sa kaniyang kinatatayuan, may bakas ng takot at galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa amin at nagmamasid sa bawat kilos ni Blake. "T-tita asked me to come here to check on you," nauutal na sambit niya. Binalingan niya ang dalang maliit na bag at tsaka may hinalughog rito, pagkatapos ay nilabas niya ang kapirasong papel at iniharap sa kay Blake, address sa kung saang lugar ang nakasulat roon. "She gave me the address." sambit niya. Ramdam ko ang pagpipigil ni Blake nang dumiin ang kaniyang pagkakahawak sa akin at ang ilang beses na pagtiim ng kaniyang bagang.Inagaw niya anng papel mula kay Hailey at agad na nilamukos ito a
"I'm sorry..." garalgal ang boses ni Blake sa kabilang linya.Hindi ako nakasagot. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at nanginginig ang aking mga kamay.Nang natauhan ay agad akong nagpaalam kina papa at kumaripas ng takbo palabas ng hospital.Malakas ang kabog ng puso ko habang nakasakay sa tricycle patungong terminal, bawat segundo na lumilipas ay hinihiling ko na sana ay bumilis ang takbo ng sasakyan upang makarating agad ng manila.Ngunit talaga ngang mapaglaro ang tadhana, dahil nang makasakay ako ng bus at nasa kalagitnaan na ng byahe ay biglang nahinto ang bus dahil sa sobrang haba ng traffic.Nangingilid na ang luha sa aking mga mata habang nanginginig ang buo kong katawan. Wala akong ibang maisip kundi si Eva, kung nasaan na siya.Sinubukan kong tawagan muli si Blake ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sumasagot hanggang sa namatay na lamang ang aking cellphone. Nasapo ko na lamang ang noo dahil sa nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Nagsisisi ako na sana ay
Kinabukasan ay wala ako sa sarili, hindi ako nakatulog ng maayos magdamag dahil sa kakaisip. Gusto kong makausap si Blake ngunit malalim na ang kaniyang tulog kagabi. May mga sandali pa na siya ay nagigising at iiyak ngunit ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakapikit. Hindi ako mapakali at mapanatag sa kakaisip kung nasaan si Eva, kung kumakain ba siya, ayos lang ba siya at kung nasa maayos ba siyang lugar, wala akong alam. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito, kung sana ay isinama ko na lang siya, kung sana ay hindi ako napanatag sa sinabi ni Blake, siguro ay masaya kami ngayon at kasama namin siya rito sa bahay. "Kamusta anak? Nakauwi na ba ang apo ko?" mahinang sambit ni papa umaga nang napag desisyunan kong bumangon na lang dahil hindi talaga ako dinalaw ng antok, nagtungo ako sa kusina at nag timpla na lamang ng kape. "Hindi pa po, pa." buntong hininga ko. Now that papa asked, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nangilid ang luha sa mga mata ko at unti unti
"Don't tell me you really going to do that, Aleyah." malamig na sambit ni Blake matapos agawin sa akin ang cellphone ko at putulin ang tawag. Nanatili akong nakatayo roon. Bumibigat ang aking pakiramdam. Bumabagal ang bawat paghinga ko. Buong akala ko ay may tsansa na akong makita ang anak ko, ngayon ay tila gumuho ang pag-asa na iyon sa akin. Tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I know Blake would be mad, but if it will be the only way, I'll do everything, even it will break Blake's heart. "You're not going to leave." may pinalidad na dagdag ni Blake. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko rin naman gusto na umalis pa. Kahit wala akong plano noon na magtagal dito ay nagbago iyon nanag makasama ko siya. Tila mas lumalim pa ang nararamdaman ko na noon ay iniingatan ko pa. Tila nahulog na ako ng tuluyan sa ama ng anak ko. "Pero... Paano si Eva?" mahinang sambit ko sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. I saw a glitch of hurt in h
Bitbit ang dalawang malaking bagahe ay marahan akong naglakad papasok sa airport na sinabi noong babaeng kausap ko kanina. Mataman din akong tumitingin sa paligid sa likod ng malaking aviators na aking suot. Malakas ang tahip ng aking dibdib. Sobra sobra ang pagkabog nito dahil sa kabang nararamdaman. Pumayag ako na umalis at magpaka layo layo kay Blake upang makita at makuha si Eva. Ngunit kung sasang-ayon ang panahon ay naglaan ako ng panibagong plano para sa aming dalawa. Blake didn't even call me since he left yesterday. I left a note above the table beside our bed, at umaasa ako na pag uwi niya ay agad niya iyong makita at mabasa nang sa ganon ay hindi mag tagumpay ang mga tao sa likod ng mga pangyayaring ito. I sighed and stop when I'm at the middle of the airport. Inikot ko ang aking paningin nang hindi ginagalaw ang aking ulo. Maraming tao sa loob ng airport, at sa dami ng taong iyon ay sana makita ko kahit anino man lang ni Blake. Sa kalagitnaan ng pagmamasid ay na
"Go and pack your things quickly." dagdag ni Blake sa malamig na tono. Yumuko ako sa oras na tumulo ang luha sa aking pisngi. Ayaw kong makita ng lahat na isa akong talunan. Indeed, I didn't even know why I'm here. Ano nga ba ang katayuan ko rito? Ano nga ba ako rito? Agad ay hindi ko mahanao ang mga sagot sa aking isipan. Tila binagsakan ako ng langit at lupa. Maraming mata ang nakatingin sa akin sa paligid. Pumihit ako uoang tumalikod sa kanila at naglakad patungo sa elevator ng wasak. Ang sakit. Sobrang sakit. Akala ko ay matatapos na ang lahat ng ito, may mas lalala pa pala. Siguro ay ang tanging makakatapos lang ng laha ng ito ay ang pag-alis at paglayo ko sa lugar na ito. Walang kasiguraduhan kung babalik ang alaala ni Blake sa amin ni Eva. Ngunit aasa pa ba ako? Kung tuluyan nang nilalason ng kaniyang ina at ni Hailey ang kanyang buong isipan? "Miss Sebastian?" nagbalik ako sa aking huwisyo nang paglabas ko sa elevator ay biglang hinarangan ako ng isang lalaki ang aki
"Blake.." gulat na sambit ko sa mahinang boses.Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ng kaniyang ina, rason para marahas niyang hiklatin ito mula sa pagkakahawak ko.Ang mga tao sa paligid ay agad na yumuko at nagsialisan para bumalik sa dati nilang ginagawa. Hawak ang braso ang agad siyang nagtungo palapit kay Blake. Nagmumukhang kaawa awa at naapi."Blake, son, she harassed me. Nakita mo naman, I just want to know if she's still fine here and then she suddenly grab my arm." sumbong nito sa kaawa awang boses.Napangisi na lamang ako.Sobrang galing talaga gumawa ng kwento ng isang ito.Hinding hindi ko pa rin nakakalimutan ang kasamaan na ginawa niya sa akin, sa aking anak at maging sa sarili niyang anak na si Blake!Matalim ang mga matang bumaling sa akin si Blake, tila nahuhulig sa bitag ng pagpapanggap ng kaniyang ina."Alam ng lahat dito kung ano ang totoong nabgyari, I don't have to explain myself." mariing sambit ko."Blake, what you're mother said was true. Kinakam
"I heard Blake Dawson was finally awake," bungad ni Mr. Moreau isang araw nang mapagpasyahan kong bumalik sa opisina. Maraming nakatambak na mga dokumento para pirmahan, marami ring mga naka-schedule na meeting na ilang araw ko nang kinaliligtaan. Laking pasasalamat ko at buhat na buhat ako ni Architect James. "Yeah, unfortunately." bigo kong sabi pagkatapos bumuntong hininga. "Does this mean... You're job here is finally over?" tila may kagalakan sa kaniyang tono pagkasabi niyon. I shrugged my shoulders and opened the folder above my table. "Maybe..." natulala ako ng sandali. Ngayong may taong bumanggit niyon, hindi ko na alam kung ano ang susunod na mga mangyayari. Aalis na ba talaga ako rito? Tapos na ba ang pagiging CEO ko pansamantala? Pero paano ang iba pang plano? Hindi ko pa nasasabi kay Blake ang tungkol sa mga plano ko para sa kumpanya, lalo na ngayon na bumabangon na itong muli at bumabalik na ang dating sigla ng mga empleyado. "You know what, Miss Sebastian, my
Sunud-sunod na gabi akong nagkukulong sa kwarto, nag-iisip kung ano pa ang pwede kong gawin para maibalik ang mga alaala ni Blake. Pakiramdam ko, ang bawat araw ay lumalayo kami sa isa’t isa. Parang may iba nang humahawak sa kanyang kamay, at hindi ko alam kung paano siya babawiin. Isang araw, naisip kong puntahan ang lumang lugar kung saan kami unang nagkita. Baka sakaling bumalik ang mga alaala sa kanya kung dadalhin ko siya roon. Nagmadali akong pumunta sa ospital, puno ng pag-asa. Pagdating ko, nakita ko siyang nakaupo sa may bintana, nakatingin sa labas. Inisip ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya—may alaala kaya kaming naglalaro sa kanyang isipan? Lumapit ako nang dahan-dahan, at paglingon niya, napatitig siya sa akin. “Aleyah,” sabi niya, na may halong pagkalito at lungkot. “Yes, Blake. Nandito ako,” sagot ko, pilit na ngumingiti. “Naalala mo na ba ako?” “Parang… may mga alaala akong dumadaloy pabalik, pero malabo pa rin,” sagot niya, halatang may pag-aalinlangan. “Ba
Makalipas ang ilang linggo, nananatili akong nagmamasid sa mga pagbabago sa paligid ni Blake. Sa bawat pagbisita ko sa ospital, nagiging mas madalas ang mga pag-uusap nila ng kanyang mga magulang kasama si Hailey, at unti-unti, ramdam ko ang pagkakalayo namin. Tila nagiging hadlang ang kanyang pamilya sa lahat ng pagsisikap kong ipaalala sa kanya ang aming nakaraan. Isang hapon, habang naglalakad ako sa pasilyo ng ospital, narinig ko ang mga boses mula sa kwarto ni Blake. Lumapit ako sa pinto, nag-aalangan kung papasok ba o hindi. Sa loob, narinig ko ang kanyang ina na nakikipag usap sa kanya. “Anak, kailangan mong kalimutan ang mga bagay na hindi mo na maaalala,” sabi ng kanyang ina. “Mas mabuti kung itutok mo ang isip mo sa mga bagay na mayroon ka ngayon.” “Pero bakit hindi ko matandaan si Aleyah?” tanong ni Blake, ang tono ay puno ng pagkalito. “Isn't she is so important to me and she's saying we had a daughter?” Dahil dito, nagpasya akong pumasok. “Blake, nandito ako,” sabi k
Tatlong linggong walang tulog at walang pagbabago. Patuloy ang laban, ngunit sa kabila ng lahat, tila umuusbong na ang pag-asa. Sa bawat pagbisita ko kay Blake, dala ko ang mga bagong balita mula sa kumpanya at mga mensahe mula kay Eva. “Gising ka na, Blake. Kailangan mo na talagang bumangon,” bulong ko sa kanya, umuukit ng ngiti sa mga labi sa kabila ng lungkot. Isang umaga, nang dumating ako sa ospital, nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam. “May kakaiba pong nangyayari,” sabi ng nurse na nakatayo sa labas ng kwarto. “There are some trace of activity.” Nang pumasok ako, nakita kong unti-unting bumubukas ang mga mata ni Blake. “Blake, oh my god, nandito na ako!” sigaw ko, puno ng pag-asa. Tumakbo ako sa tabi niya, hawak ang kanyang kamay. Tiningnan niya ako ng walang anumabg ekspresyon sa mukha. “Blake, ako si Aleyah, ang asawa mo,” sabi ko, nanginginig ang boses ko sa takot at pag-asa. “M-may masakit ba? Bakit... Bakit ayaw mong salita.” I tried my best to smile while drops of
Sa kabila ng lahat ng pagsubok, tuloy pa rin ang laban. Bawat araw na lumilipas ay puno ng takot at pag-asa. Sa mga gabing tahimik sa ospital, ang mga luha ay patuloy na bumubuhos, ngunit sa kabila nito, pinilit kong maging matatag. Kailangan kong ipaglaban ang lahat para kay Blake, at para kay Eva na umaasa na makikita ang kanyang ama. “Bumalik na si Tita Linda sa Pilipinas,” isang araw, nag-text sa akin si Eva. “Gusto ko na sanang makasama si Daddy.” Nang bumalik si Tita Linda upang magbakasyon ng ilang araw at nais akong bisitahin, nagdesisyon ako na makipagkita sa kanya. “Kailangan nating pag-usapan ang sitwasyon,” sabi ko sa kanya nang magkita kami sa isang café. “Si Blake ay walang pagbabago. Kailangan nating gumawa ng paraan.” “Ano ang gusto mong gawin?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “Alam ko na mahirap ang lahat ng ito.” “Naghahanap ako ng mga alternatives. Baka kailangan na nating isaalang-alang ang ibang mga paggamot,” sagot ko, naguguluhan. “Ngunit may takot ako—paa
Kakatwa na mag-isa ako sa ospital, hawak ang kamay ni Blake habang siya ay natutulog. “Kailan ka magigising?” bulong ko, punung-puno ng pag-aalala. Isang linggo na ang lumipas mula nang ilipat siya dito, at tila walang pagbabago. Si Eva ay nasa Switzerland kasama si Tita Linda. Miss na miss ko na ang anak ko, pero alam kong mas mabuti ang nandiyan siya, malayo sa sakit at problema. Ngunit sa bawat tawag ni Eva, ang boses niya ay nagdadala ng saya, ngunit sa likod ng bawat ngiti ko, naroon ang takot. “Anong balita kay Daddy, Mama?” tanong niya sa telepono. “Okay lang siya, baby. Kailangan lang niyang magpahinga,” sagot ko, pilit na ngumingiti kahit ang puso ko’y nahihirapan. Muling bumalik ako sa kumpanya. “Aleyah, anong plano natin sa mga proyekto?” tanong ng isang empleyado, puno ng pag-aalala. “Mag-uusap tayo sa Eclipse Enterprises. Kailangan nating ipakita na kaya pa natin,” sabi ko, kahit ang isip ko’y punung-puno ng takot at pangungulila. Bumalik ako sa ospital at muling na
"Mama, look! Dada Cody bought this for me when we went to the mall!" masayang kuwento ni Eva nang tumawag si tita. Magkaiba kasi ang oras nila dito sa Pilipinas, sa tuwing gising na ako ay tulog pa sila kaya hindi ko matyempuha ang tumawag. Buti na lang ay si Tita na ang nagkusang tumawag isang gabi habang naghuhugas ako ng pinggan. "Wow, baby. That look so good! Are having fun there? I miss you so much, anak!" sambit ko. Nangilid muli ang luha sa aking mga mata, miss na miss ko na ang anak ko kahit dalawang linggo palang mula ng pinapunta ko siya roon. "Yes, mama. Mamita and Dada are bringing me to other places here that we didn't visit before, and I'm so happy!" napahagikhik ako nang marinig siyang tumili pagkatapos sabihin iyon. Napanatag naman ang loob dahil alam kong ayos siya roon at masaya. "That's good to hear, baby. Be good to them, okay? Don't be stubborn." sambit ko. "Of course, Mama. But... Where's daddy?" sambit na dahilan uoang ako ay matigilan. Tila napipilan sa