"I'm sorry..." garalgal ang boses ni Blake sa kabilang linya.Hindi ako nakasagot. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig at nanginginig ang aking mga kamay.Nang natauhan ay agad akong nagpaalam kina papa at kumaripas ng takbo palabas ng hospital.Malakas ang kabog ng puso ko habang nakasakay sa tricycle patungong terminal, bawat segundo na lumilipas ay hinihiling ko na sana ay bumilis ang takbo ng sasakyan upang makarating agad ng manila.Ngunit talaga ngang mapaglaro ang tadhana, dahil nang makasakay ako ng bus at nasa kalagitnaan na ng byahe ay biglang nahinto ang bus dahil sa sobrang haba ng traffic.Nangingilid na ang luha sa aking mga mata habang nanginginig ang buo kong katawan. Wala akong ibang maisip kundi si Eva, kung nasaan na siya.Sinubukan kong tawagan muli si Blake ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito sumasagot hanggang sa namatay na lamang ang aking cellphone. Nasapo ko na lamang ang noo dahil sa nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko.Nagsisisi ako na sana ay
Kinabukasan ay wala ako sa sarili, hindi ako nakatulog ng maayos magdamag dahil sa kakaisip. Gusto kong makausap si Blake ngunit malalim na ang kaniyang tulog kagabi. May mga sandali pa na siya ay nagigising at iiyak ngunit ang kaniyang mga mata ay nananatiling nakapikit. Hindi ako mapakali at mapanatag sa kakaisip kung nasaan si Eva, kung kumakain ba siya, ayos lang ba siya at kung nasa maayos ba siyang lugar, wala akong alam. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito, kung sana ay isinama ko na lang siya, kung sana ay hindi ako napanatag sa sinabi ni Blake, siguro ay masaya kami ngayon at kasama namin siya rito sa bahay. "Kamusta anak? Nakauwi na ba ang apo ko?" mahinang sambit ni papa umaga nang napag desisyunan kong bumangon na lang dahil hindi talaga ako dinalaw ng antok, nagtungo ako sa kusina at nag timpla na lamang ng kape. "Hindi pa po, pa." buntong hininga ko. Now that papa asked, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Nangilid ang luha sa mga mata ko at unti unti
"Don't tell me you really going to do that, Aleyah." malamig na sambit ni Blake matapos agawin sa akin ang cellphone ko at putulin ang tawag. Nanatili akong nakatayo roon. Bumibigat ang aking pakiramdam. Bumabagal ang bawat paghinga ko. Buong akala ko ay may tsansa na akong makita ang anak ko, ngayon ay tila gumuho ang pag-asa na iyon sa akin. Tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin ko. I know Blake would be mad, but if it will be the only way, I'll do everything, even it will break Blake's heart. "You're not going to leave." may pinalidad na dagdag ni Blake. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko rin naman gusto na umalis pa. Kahit wala akong plano noon na magtagal dito ay nagbago iyon nanag makasama ko siya. Tila mas lumalim pa ang nararamdaman ko na noon ay iniingatan ko pa. Tila nahulog na ako ng tuluyan sa ama ng anak ko. "Pero... Paano si Eva?" mahinang sambit ko sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. I saw a glitch of hurt in h
Bitbit ang dalawang malaking bagahe ay marahan akong naglakad papasok sa airport na sinabi noong babaeng kausap ko kanina. Mataman din akong tumitingin sa paligid sa likod ng malaking aviators na aking suot. Malakas ang tahip ng aking dibdib. Sobra sobra ang pagkabog nito dahil sa kabang nararamdaman. Pumayag ako na umalis at magpaka layo layo kay Blake upang makita at makuha si Eva. Ngunit kung sasang-ayon ang panahon ay naglaan ako ng panibagong plano para sa aming dalawa. Blake didn't even call me since he left yesterday. I left a note above the table beside our bed, at umaasa ako na pag uwi niya ay agad niya iyong makita at mabasa nang sa ganon ay hindi mag tagumpay ang mga tao sa likod ng mga pangyayaring ito. I sighed and stop when I'm at the middle of the airport. Inikot ko ang aking paningin nang hindi ginagalaw ang aking ulo. Maraming tao sa loob ng airport, at sa dami ng taong iyon ay sana makita ko kahit anino man lang ni Blake. Sa kalagitnaan ng pagmamasid ay na
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Basta isang araw ay nagising na lamang ako sa loob ng isang silid na halos puti lahat ng kulay ng dingding. Naningkit pa ang mga mata ko nang nasilaw ako sa liwanag na nagmulula sa ilaw na nakatapat mismo sa aking mukha. Lumingon ako sa tahimik na paligid. Wala akong kasama. Nasaan si Eva? Unti unti ay nanumbalik sa akin ang mga nangyari sa airport. Niyakap ko nang mahigpit si Eva nang nakitang may nakatutok na baril sa kanya at siniguradong ako ang matatamaan ng bala kung sakaling pumutok iyon, at base sa naaalala ko ay may narinig akong sunod sunod na putok ng baril bago ako mawalan ng malay! Sinubukan kong gumalaw at pilitin ang sariling bumangon mula sa pagkakahiga nang agad akong mapakislot nang maramdaman ang sakit mula sa aking likuran. Nanindig pa ang aking mga balahibo at tila mapigil ang aking hininga sa sobrang sakit niyon. Nasaan ba ako? Agad akong napabagsak sa kama nang hindi na nakaya ang sakit na naramd
I've been into so many things. Sa dami ng pagsubok na ibinigay Niya, hindi ko alam kung paano pa ako nakakapag patuloy at lumalaban, ang daming tanong sa isip ko na tulad ng kung bakit ako pa? Hindi naman kami mayaman. Hindi kami kumpleto, ngunit bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, sa akin pa Niya ibinagsak lahat ng ito. Not until I realized that I have Eva, and I have Blake, sila ang dahilan ko kaya ako nagpapatuloy at lumalaban. Sila ang pinanghahawakan ko at nagiging lakas ko sa tuwing may pagsubok na dumarating. But when I entered the dark room and saw Blake lying in that bed, it felt like my world have fallen apart. Tahimik ang buong silid, tanging tunog lamang galing sa monitor na katabi ng hinihigaan ni Blake ang gumagawa ng ingay roon. Tinulak ni Dr. Almojera ang wheelchair na kinauupuan ko sa tabi mismo ng kung saan si Blake. Patuloy na umagos ang luha sa aking pisngi habang tinititigan ko siya. Looks like he's just sleeping peacefully, ang maamo niyang mukha, matango
"Ito lang po ba lahat, miss?" tanong sa akin ng isa sa mga driver ni Blake. His secretary ask them to accompany us. Sinalansan niya ng maayos ang mga bagahe na dala ko pagkatapos lumabas ng bahay namin ni Blake. Naroon pa rin ang sasakyan ni Hailey dahil hinayaan ko lamang siya roon na nakahandusay. Nais pang tumulong ng driver ni Blake kanina nang marinig ang pagbasag ng baso ngunit pinigilan ko siya dahil masamang ginagambala ang natutulog. "Oo, 'yan lang." sagot ko. Tumango naman siya at pumasok na sa driver seat pagkatapos. Hindi agad ako pumasok. Eva was inside the car already. Pinauna ko na kanina nang mailabas ang lahat ng bagahe na inimpake ko galing sa bahay. Wala akong iniwan, tanging gamit lamang ni Blake. Tiningala ko ang maganda at malaking bahay. I sighed deeply. Siguro naman ay tatantanan na kami ng magulang ni Blake dahil sa ginawa kong ito. All I want is just a happy and complete family. Matagal ko nang tinanggap na hindi talaga kami ni Blake. Ngunit sa sandali
"Dalawang takal nga sa dinuguan at saka dalawang kanin," sambit ko sa tindera ng karinderya na napuntahan ko. Mag gagabi na kasi at wala pa kaming pagkain ni Eva dahil hindi pa ako nakapag grocery, balak ko na bukas na lang asikasuhin dahil parehas kami ni Eva na pagod ngayon dahil sa mga nangyayari. Pinipilit ko na lang ang aking sarili na maging matatag kahit gusto ko na ring magpahinga dahil may umaasa sa akin na anak ko. "Isang takal nga sa bopis, aling Nelly. Damihan niyo ha, noong nakaraan kakarampot binigay niyo nagbayad naman ako hays, " sambit naman ng babaeng kararating at bumibili sa parehas na karinderyang kinaroroonan ko. "Anong kakarampot, Sanya, e ang mamahal na ng bilihin ngayon 'no!" reklamo naman ng tidera na si aling Nelly. Hindi naman na sumagot pa si Sanya matapos noon, umirap na lamang siya at namewang habang hinihintay ang binili. Tumabi ako at sandaling hinagod siya ng tingin. Morena siya at balingkinitan, nakasuot ng maikling tattered shorts at sleeveless