Home / Fantasy / 6969 Corp / CHAPTER 1

Share

6969 Corp
6969 Corp
Author: Extra_Rice1999

CHAPTER 1

Napatigil ako sa pagmo-mop nang mahinang tapikin ni Sally ang balikat ko. "Over time again?"

Her dark eyes meet mine. Sally Taylor, she's one of my friends after I moved to this city alone. She was the one who helps me to get different part-time jobs and to survive in this town. Siya rin ang nagpapasok sa akin dito sa maliit na bar.

I purse my lips. Isinabit ko ang takas na hibla sa likod ng tainga ko bago ngumiti. "Patapos na ko rito."

"Napaka-workaholic mo talaga. Nga pala--" She paused, pulling out something in her coat. May pinakita siya sa akin. A small silver card.

"Here. Someone told me na naghahanap sila ng mga agent for their corporation. Malay mo," she said.

Agad ko iyong tinanggap. "Salamat, pupuntuhan ko 'to bukas." I smiled.

Nagpaalam na si Sally kaya nagpatuloy na ako sa paglilinis.

Kanina pa natapos ang duty ko pero dahil kulang sa tao ang bar na ito ay hindi ko na pinalagpas pa. Sayang din kasi, pera na rin iyon.

Napatingin ako sa kabuohan ng bar. Makintab na ang sahig at maayos na ring nakatumba sa ibabaw ng mesa ang mga upuan.

Hindi naman masyadong malaki ang bar na 'to, kung totoosin ay matumal lang ang mga nagpupunta sa lugar na 'to, kaya hindi rin gaano gano'n kalaki ang sahod. Pero ayos na rin iyon kay sa naman wala.

Inalis ko na ang suot ko na apron nang matapos na ko, pero agad din akong nagulanta ng biglang tumunog ang cell phone ko. I pressed my lips as I saw my mother's name registered. Inayos ko na muna ang magulo kong buhok at pinusod sa magulo na bun, bago sinagot ang tawag niya.

"Ma? Napatawag kayo?" Pilit kong pinasigla ang boses ko kahit sobrang pagod na ang buo kong katawan. I have been working for 10 hours at wala pa akong pahinga.

Every time my mom calls this late, I have the feeling that it is BAD news. But I am still hoping it's not, nonetheless I don't need to associate the bad vibes.

I crease my forehead as I hear her sobbing over the phone.

"Jas, nak." She started with a sob.

Halos sumabog ang puso ko sa inakto ng mama ko. Pakiramdam ko'y nagising ako bigla sa bawat hikbi niya.

This is new.

I often heard my mom's voice with a trace of braveness. Never in my life, I heard her cry nor see her weak side. This is bad.

Hindi na 'ko mapakali. Ang sabi niya kanina stable na raw ang lagay ni papa. Nabanggit niya kasing kaninang umaga na kailangan nilang isugod si papa dahil sa sakit nitong high blood.

Oh heavenly grace! Huwag naman sana!

"Si Stacy..." nanginginig niyang panimula.

"B-bakit? Anong meroon?" I asked with a little annoyed. Pero hindi mawala sa dibdib ko ang pag-aalala.

Stacy is my older sister. She's 3 years older than me. Dalawa lang kaming magkakapatid pero hindi kami gano'n ka close. I mean never kami naging close. We had opposite attitudes and I don't know what's the point sa pagpa-aaral nila mama kay Stacy, lagi naman pagbubulakbol at pagbabarkada ang inaatupag niya.

"Na-kidnap ang kapatid mo, 'nak. At nanghihingi ang mga kidnappers ng 100 million... Jas, anak ano na gagawin natin?" Tuluyan na ngang umiyak si mama sa kabilang linya na nagpasikip ng dibdib ko.

Napasandal ako't dahan-dahan dumaosdos paupo. Napasambunot ako sa sarili kong buhok habang iniisip kung saan kukuha ng ganoong kalaking halaga? Napatakip ako sa bibig ko ng unti-unting magsilaglagan ang mga luha ko.

100 million? Saan kami kukuha ng gano'n kalaki? Kahit pagsabayin ko pa yung limang part-time job ay hindi pa sapat. Kahit pa bugbogin ko ang katawan ko sa pagtatrabaho, hindi pa rin sapat iyon.

Napatingin ako sa card na binigay ni Sally kanina, kapag-kuwan ay may naiisip ako na paraan. Tinuyo ko ang takas na luha at suminghap.

"Sige ma, gagawa ako ng paraan para makatulong. Uutang na lang ako sa boss ko," paos kong sabi rito. I end up the call after she said thank you.

Napasinghap ako at tumayo. Inayos ko ang damit ko at nagtungo sa office ni boss. Tapos naman din ako sa trabaho ko kaya kinuha ko na yung sahod. Sinubukan kong manghiram sa boss ko pero dahil matumal ang nagpupunta rito ay hindi pa rin ako nakahiram.

Napatingin ako sa suweldo ko. I know this money is not enough, but it'll help.

Pumara ako ng jeep. Sinabi ko na rin kay manong yung address na pupuntahan ko.

Napahawak ako nang mahigpit sa jacket ko ng umihip nang malakas ang hangin.

Madilim na at malaming na rin ang gabi na 'to. Iilan na lang din ang mga dumdadaan na sasakyan at ako na lang ang natitirang pasahero ni manong.

Napatingin ako sa relo ko bago tiningnan ang maliit na card na bigay ng kaibigan ko.

If this is the only luck that I have. I must dwell on the circumstances. I am not familiar with the building as well as the address. Ngayon ko lang narinig ang ganitong corporation sa siyudad na 'to.

Buti na lang talaga ay alam ni manong kung saan ang babaan, pero sabi niya sa may eskinita niya lang ako ihihinto dahil masyadong makipot ang daanan papunta sa istablisyemento paparoonan ko.

Ilang minuto pa ang nakalipas bago huminto ang sinsasakyan kong jeep sa madilim na lansangan.

Hindi pa lang ako nakababa sa jeep ng magsalita si manong na siyang kinagulat ko.

"Sigurado ka ba talaga r'yan?" Tanong niya na may halong pag-aalala.

Napapantastikuhang napatingin ako kay manong. Pati ako ay bigla na lang kinabahan nang husto. Para bang may pinapahiwatig itong hindi maganda.

Ngayon ko lang naisip baka scam itong pupuntahan ko na ikapahamak ko pa. But I am desperate. My sister needs to save. I must try.

Napangiti ako. Hindi ko rin po alam.

"O-opo naman," I answer, ngumiti ako sa kaniya.

"Sige, mag-ingat ka, naway tulungan ka ng Panginoo at makalabas sa lugar na 'yan, " bulong niya.

"Walk straight at makikita mo na yung malaking building," he added.

Medyo nakaramdam ako kahit papaano ng ginhawa. Sigurado akong hindi 'to scam. Sana lang/

Napatango na lang ako kay manong kahit ang totoo niyan ay kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya.

Napatingin ako sa nag-iisang jeep na nagsisilbing ilaw sa kalsadang ito. Unti-unti na itong nawawala kaya minabuti kong umpisahan na maglakad.

Makipot ang daan, wala rin akong nakikitang kabahayan aside from the long concrete wall in my opposite side. Buti na lang at medyo maliit ang katawan ko. Wala rin akong nakikitang ilaw maliban na lang sa sinag na nanggagaling sa buwan.

I purse my lips, trying to fight the nervous envelope inside. I freeze, shivering down my spine as I heard the howled near to where I am standing. I'm pretty sure it wasn't just a dog.

Mas lalo pa akong napakapit sa jacket ko ng marinig ang mga yabag na tila ba sinusundan ako. I have the urge to go back. Tila naglaho na ang tapang ko.

But my sister, my mom. Sigaw ng boses sa isip ko.

Binilisan ko pa lalo ang lakad ko hanggang unti-unti ay nawawala ang mga kakaibang alulong at yabag na nakasunod sa akin. Napahinto ako nang nasa harapan ko na ang malaking building.

Magkahalong inis at pagkadismaya ang naramdaman ko ng makita ang building na sinasabi ni manong.

"Ito na yun?" Dismiyado kong bulong.

The building is look like haunted. Wala rin akong natatanaw na bukas na ilaw na nagsasabing may tao.

"They must be kidding me." Nanghihinayang na bulong ko sa sarili ko.

Nag-aksaya lang ata ako ng pera papunta rito, nakakatakot pa ang lugar na ito.

I dramatically sigh. Napatingala ako sa building,sa pinaka entrance nito ay may nakaukit na numero na sinundan ng mga letra.

"6969 Corporation," basa ko rito.

Napatingin ako sa card na hawak ko. Sabi rito 24/7 silang bukas sa kung sino mang mag-a apply. Hindi kaya ibang trabaho ang inaalok ng corporation na ito?

Napakamot ako sa batok ko't napatingin sa cell phone ng tumunog ito. It was a text message from my mom.

Halos manlumo ako ng mabasa ang text niya. Dinagdagan ang ransom. 20 million.

Halos madurog ang selpon ko nang basahin ko iyon. Bakit ba na nangyayari sa amin ito? Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko.

I drastically sigh. I have to try this. I have no choice. Isinilid ko sa bulsa ko ang cell phone, at nag-aalangan na tumulak ako sa loob.

Bahala na!

Pabigat nang pabigat ang paghinga ko, my mind screaming to go back, you'll find another way, but it's contradict to what my body did.

Palakas nang palakas ang ihip ng hangin kaya naman mas isiniksik ko pa lalo ang nanlalamig kong kamay sa bulsa ng jacket ko.

I hear nothing. Aside from my stilettos meet the dusty ceramic tiles. I will never wonder if I'll meet a ghost in this place. Tirahan ata 'to ng mga ligaw na kaluluyaw. Biglang tumayo ang balahibo ko sa naisip ko.

The door made a horror sound as I push, nagliparan pa ang mga alikabok, halatang napabayaan na.

I can hear my heartbeat, my breathing. I saw nothing but a light, switching on and off, maybe that was the elevator?

Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla may lumitaw mula madilim na isang babae. She has a white skin like snow, a red lips and black straight hair. She's also wearing a black office attire.

Is this snow white from Disneyland? I mean wow. She looks like one.

"Oh, sorry, did I scare you?" She said with a tiny, sweet voice.

Hindi na ako nakapag salita nang magsalita ito ulit. "You must be Precious Jasmine Jewel?" She blurts.

I crease my forehead. How does she know my name?

"Oh sorry, I'm excited to see you. Anyway, your friend recommended you and we are waiting for you to start the interview," maligaya niyang sabi.

Interview? Sa oras na ito?

Napatango na lang ako't ngumiti sa kaniya. "You're so pretty!" She enthusiastically screamed.

"I uhm, thank you?"

Napakamot na lang ako sa batok ko. At least I know that I am not alone in this dark building. She looks normal and decent too, so I guess I have nothing to worry about.

Hinatak niya ako sa pinaka office nila papasok sa elevator. May pinindot siyang floor bago ngumiti sa akin. May ilaw na rin sa loob kaya medyo nabawasan ang pagkabahala ko.

Habang nasa loob ng elevator ay hindi ko maiwasang mag-isip. Ano naman kaya ang trabaho na i aalok nila? Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Sally.

I was surprised when I saw people inside, the same skin as this girl beside me. Paled. May iba na bumati pa dito sa kasama ko, at napatingin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na ma conscious. They are so pretty. I wish I am too.

Napasiksik ako sa pinalikod ng may dumagdag na namang mga empleyado.

Weird to think na kung titingnan mo sa labas ay isa lamang itong luma at nakakatakot na gusali, pero hindi mo aakalain na may mga nag tr-trabaho pala rito.

Well, I guess I judge the book.

Napatingin ako sa babaeng nasa kaliwa ko, she's an inch shorter than me, has the same skin with them, has oceanic eyes, thick brows, now I am wondering if I will belong to this place if ever I'll be hired? Guess, like all of their employees, are foreign.

Binababa ko ang tingin ko sa suot niyang k'wentas na may pendant na bullets? Kulay pula na may halong silver ito. Napaiwas ako ng tingin ng bigla itong lumingon sa akin.

"You know what? Why don't you just relax? Masyado kang kabado. Naririnig ko na ang malakas na pagtibok ng puso mo." Napatingin ako sa maala Snow White niyang ganda. She was smiling, cheering me up.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ganoon kalakas ang pintig ng puso ko para marinig niya?

"By the way, I am secretary, Joan," pagpapakilala niya nang magsilabasan na ang mga tao sa loob at kami na lang ang natira.

Bago sumirado ang elevator ay napatingin sa akin ang epleyado na babae na may suot na k'wentas. Bigla itong ngumiti sa akin. Hindi ko alam, pero siya lamang ang empleyado na ngumiti sa akin sumula nang makarating ako sa floor na 'to.

Naabot namin ang 69th floor ng building. Agad kaming pumasok sa pinakaunang silid nito kung saan naghihintay sa akin ang boss nila.

"Good luck," Joan mouthed me before shutting the door.

Napalunok ako't naglakad. Dim light scared the hell out of me. Ang tanging nagsisilbing ingay lamang ay ang stiletto kong kumukumpas papalapit sa table.

Damn. This place is chilling my bone.

"G-good evening po," I greeted him with my shaky voice.

Tanaw ko yung lalakeng nakaupo. Sa pagkakatansya ko ay nasa mids 50s na ito. May hawak itong tobacco at pormal na nakaupo sa upuan nito habang abala sa pagperma sa mga papil.

"Maupo ka." He action his hand. His baritone settles the whole office.

Agad akong tumalima at naupo sa upuan hindi kalayuan sa kaniyang table.

"Do you have any idea what kind of company are you dwelling with?" He started. inilapag niya ang kaniyang panulat.

I gulped several times before I answer honestly, "I- I don't have any idea, sir. B-but I swear to God I can do and willing to learn I can be your best asset if you hire me," I paused and pressed my lips.

"Alam mo ba na bilang lang ang tinatanggap namin?" He answers.

"And once you're hired, there's no looking back or turning back to where you come from. " He explained.

Namilog ang mata ko sa sinabi niya na 'yon. "W-what do you mean by that, sir?" Naguguluhan kong tanong dito.

Nakita kong binuga nito ang usok mula sa bibig niya bago inipit muli ang piraso ng tobacco.

"Simple, walang uwian."

I remain silent in my chair.

"We can provide the money you need right now, Miss Jewel," he said in a serious tone.

Napapikit ako't mahigpit na napahawak sa palda ko. Ano ba itong napasok ko? Bakit ba pakiramdam ko buhay ang kapalit ko sa pagpasok ko sa kompanya na ito?

Wala na akong oras para pag-isipan ang sarili ko't nasa bingit na ng kamatayan ang kapatid ko.

"H-how much is the salary, sir?"

"You're quick. I like that, Miss Jewel." I can trace he's smirking right now.

Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at may inabot na papel.

"Sign it." utos niya.

Binasa ko ang kontrata nang nasa kalagitnaan na ako ay biglang tumunog ang cell phone ko. Si mama. Sinabi niyang hanggang bukas na lang daw ang palugit nila. Halos manlumo ako sa narinig kong pag-iyak ni mama.

I turn off my phone. I take a deep breath and sign the contract without reading the rest.

Inabot ko sa kaniya ang papel nang matapos na ito.

"200 million. We will send the money. Just ready yourself and we will send you to the Ashvel town."

Teka, ganoon kadali lang 'yon?

"Really? T-thank you sir!" I'm about to hug him, nang pigilan niya ako. Napaatras na lang ako't napangiti. This is luck!

Halos maiyak ako sa tuwa. I was smiling ear to ear right now. He doesn't know how happy I am right, now knowing that my sister will be saved.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status