Home / Fantasy / 6969 Corp / CHAPTER 2

Share

CHAPTER 2

Nakasakay ako ngayon sa lumang train na maghahatid sa akin sa Ashvel town. Hindi ko rin alam kung bakit may lumang station ng train sa syudad na ito. Maunlad naman ang syudad, kaya nakakatuwang makakita ng lumang train.

I have search about the town pero wala akong ibang nakita bukod sa malaki at lumang mansion na sa tingin ko ay nasa dekada na ang tanda. Wala ring ibang lumabas tungkol sa pamumuhay at mga mamamayan ng Ashvel.

Dinukot ko ang cell phone ko sa bulsa para tawagan si mama.

After the second ring, she picked.

I take a deep breath."Ma," I enthusiastically called.

"Salamat, anak! Binigay na nila si Stacy. Maraming salamat," bungad niya, at walang humpay na nagpapasalamat sa akin.

Napangiti ako. Tinuyo ko ang luha sa aking mata. Sa wakas ay nawala na ang tinik sa lalamunan ko. Balik na sa dati ang lahat.

"Salamat naman at tumupad sila," bulong ko.

"Kumusta na pala si Stacy, ma?" pag-iiba ko. Kahit naman na hindi kami close ng kapatid ko na iyon ay may pakialam pa rin ako sa kalagayan niya.

"Nasa kwarto siya ngayon, nak. Nagpapahinga. Saa—" biglang naputol ang linya.

"Hello, ma?" pauli-ulit kong tawag sa kabilang linya

Kunot-noong tiningnan ko ang cell phone ko. Hindi pa naman lowbat at malakas din ang signal. Hindi bali na. Ang mahalaga ay nasa maayos na lagay na ngayon ang kapatid ko.

I try to call them again but someone interrupted.

"No, phone call please," maawtoridad na sabi ng ginang na kanina pa pabalik-balik na lakada, na sa tingin ko ay nasa 40s na. Nakapusod ang buhok nito at nakasuot ng mahabang palda at itim na damit na may logo pa ng companya, bakas sa buong mukha nito ang awtoridad na kaniyang bitbit.

"Sorry," I apologize.

Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Sinilip ko ang cell phone ko't nag tipa. Matapos kong i-sent ay itinago ko ang cell phone ko sa bulsa at agad na bumuntong hininga.

Nag-umpisa ng umandar ang train. Napasinghap ako. Napatingin ako sa mga upuan. Halos lahat ata ng upuan sa train na ito ay bakante.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin iyon at tumingin sa labas.

Umuulan pa rin ng malakas kahit umaga na. Walang tigil sa pagbuhos ang ulan simula nang makaalis ako sa gusali na iyon. Hindi ko rin nagawang umidlip dahil agad na pinasakay nila ako sa train na ito.

"Ano kaya'ng aasahan ko sa lugar na iyon?" Napatingin ako sa labas. Kitang-kita ko ang bawat pagbagsak ng butil ng ulan sa bintana na gumagawa ng kakaibang imahe. Napahikab ako at siniksik ang sarili ko sa upuan.

Slowly, I closed my eyes.

Nagising ako sa malakas na tunog ng train. Napahawak ako sa ulo ko't nagkusot ng mata. Inayos ko ang sarili sa pagkakaupo. Ito na ata ang pinakmahabang tulog ko sa taong ito. Napatingin ako sa labas at halos wala akong ibang nakita bukod sa mga punong naglalakihan. Napasinghap ako ng maamoy ang simoy ng hangin. Napakapresko, malayong-malayo iyon sa hangin na nasa syudad. Nasaan na nga ba ako?

Napabuga ako ng tingnan ko ang relo. Mag-aalas saes na ng hapon, tumigil na rin ang ulan pero nanunot pa rin sa ilong ko ang malamig na hangin.

Tumayo ako para sana hanapin ang ginang at makapagtanong na rin, nang biglang may nag-anunsyo galing sa nakakabit na maliit na speaker sa harapan.

Agad akong naglakad papunta sa exit ng makompirmang ito na nga ang distinasyon ko. Iginala ko ang tingin ko sa labas.

"Ashvel town." Basa ko sa naka ukit sa malaking semento.

"Ito na nga siguro," mahina kong bulong sa sarili ko. Habang ninanamnam ang simoy ng hangin. Nagulat ako nang marinig na nagsalita ang ginang.

"Hope you enjoy staying in Ashvel, Precious." Napatigil ako nang marinig ang boses niyang kaseng lamig ng panahon ngayon.

Napangiwi ako ng bigkasin niya ang pangalawang pangalan ko. Nakangiti ito at kitang-kita ko ang ngipin niyang kulay pilak. Magsasalita pa sana ako pero pumasok na ito sa loob at agad na umandar ang train.

Nagkibit-balikat ako, trying to shrug the swamped I feel. I exhaled the cold air.

Naglakad ako malapit sa waiting shed nila. Ayon kay secretary Joan may susundo sa akin rito upang igiya niya ako sa pagtatrabahuan ko.

I can't believe I come this far para mag-training. Great, mukhang lalamukin pa ako kakahintay sa susundo sa akin.

Nilibot ko ang tingin ko. Kung tutuosin ay parang normal lang naman ang mga tao sa lugar na ito. Sa harap ko ay ang malalaking puno kung saan naglalaro ang mga bata ng tagu-taguan. May mga bahay na konkreto at mga nagtitinda. Sa palagay ko ay hidni pa ganoong kasibilisado ang syudad nila rito.

Naningkit ang mga mata ko ng makita ang mansion gaya ng nakita ko sa internet pero mas maganda ito sa malapitan.

Ilang oras ang lumipas ay may lumapit sa akin na babae. Sa tansya ko ay nasa 30s na ito. Medyo matangkad ito sa akin ng kunti, nakasuot ng itim na jacket at mahabang saya. She had protruding eyes, bulbous nose, bottom-heavy lips and black hair. Her amber eyes meet mine.

Suddenly, her eyes turn into red-blood. Naikunot ko ang noo ko nang pagkurap ko ay bigla na lang itong sa normal. Baka nagmamalik-mata lang ako.

"Ikaw si Precious Jasmine Jewel?" Her cold voice bring chill to my bone.

Hindi pa lang ako nakatango ng magsalita ito ulit, "mabuti at marami tayong gagawin. Ako nga pala si Miss Joanna. Inutusan ako nang Alpha na sunduin ka."

Kaniyang ibinigay ang payong sa akin. Nagtatakang tinitigan ko iyon.

"Ah, huwag na p—"

"Malapit ng umulan at sa tingin ko wala kang gamit na dala kaya masmabuti pang tanggapin mo na iyan at marami pa akong ipapaliwanag," she said in monotone.

Wala akong ibang nagawa kun'di tumango at tanggapin ang payong.

"I-I'm sorry I-I didn't mean to be rud—"

"Don't apologize. Come let's just go at kanina pa naghihintay si Mr Yvan." Napayuko at sumunod sa kaniya.

"By the way, I'm Joanna."

Makalipas lang ang ilang minuto ay bumagsak ang malakas na ulan gaya ng sinabi ni Joanna. Agad naming ginamit ang dala niyang payong upang hindi mabasa. Mahirap na at wala pala akong dalang gamit. Biglaan naman kase lahat at hindi man lang ako nakauwi sa inuupahan ko para kumuha ng gamit. Itong jacket at cell phone ko lang tuloy ang bitbit ko at kakaunting barya sa bulsa.

Napatingin ako sa mga batang nagliwaliw sa pagbuhos ng ulan. Nagtatawanan sila habang yung iba naman ay naghahabulan sa ulan. Napangiti ako nang kumaway sila sa akin. I smile and waved back to them.

Napatingin ako sa kasama ko ngayon. Seryoso itong nakatingin sa daan at walang bahid na ibang emosyon. Napabuga ako. Bigla akong namangha ng makita ang isang britzka carriage. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakitanito. Doon ko lang napansin na hindi sila gumagamit ng kung ano mang transportasyon. Kaya pala masarap sa ilong ang hangin dito.

Akala ko hanggang doon lang ang pagkamangha ko sa lugar na ito. Napahanga ako sa loob ng mansion nila. It is an aristocratic mansion, but the most attracted that magnet my sight is their bifurcated staircase. WOW!

"Ako ang tita ni Yvan," panimula niya na nagpakuha sa attention ko. Agad na nabaling ang tingin ko sa kaniya. Nakaupo kami ngayon sa mahabang at malambot na sofa.

"For the first rule, Kailangang lahat ng mga nakikita mong gamit sa lugar na ito ay malinis at makintab." Napatingin ako sa mga kagamitan na nandito. Lahat ng mga gamit dito ay gawa sa ceramics o hindi naman kaya ay ginto. Tanging tango lang ang tugon ko sa kaniya.

"Huwag mo ring kakalimutan na mahalaga sa mansion na ito ang katahimikan."

"No running on stairs, no singing, no humming. Just keep your mouth shut," pag-iisa isa niya bago sumimsim ng tsaa.

"Wala kang ibang gagawin kun'di linisin ang buong bahay at pakainin ang alagang puso ni Mr Yvan." Sumimsim ulit ito ng kape niya.

"At para sa huling rule sa mansion," she paused and composed her glasses.

"Never get close or any physical contact with Mr. Yvan Ferrer... or else you'll be punished in his way," seryoso nitong sabi.

"And for additional rule, no concupiscence." Napabuga ako ng tsaa sa gulat ko. Hindi ko inaasahan na masaabi niya iyon ng diretso.

Concupiscence? What makes her think I will do that?

Halos marinig ko na ang tambol ng aking dibdib sa mga tingin ni Miss Joanna nang itaas ko ang tingin sa kaniya. I pressed my lips and apologize to her.

"Now, go to your room and change your clothes. Marami ka lilinisin," she added.

Napatango ako at agad na tumalima sa sinabi niya. She already told me where to find my room. Habang naglalakad papuntang second floor ay hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng tao si Mr. Yvan. Bakit kailangan walang physical contact? Paano namin siya makakausap kung gano'n? May sakit ba ito? What kind of punishment? Sana naman hindi ako palayasin o kaya ipatapon sa kung saan at ipalapa sa liyon.

Sa kakaisip ko sa mga posibleng tanong ay hindi sinasadyang napatingin ako sa third floor. Agad akong napaiwas ng tingin ng makita ang pigura ng isang lalake na nakatayo doon. Napalunok ako ng may nakita ako doon na tumitingkad sa dilim.

Parang may kung anong humahampas sa dibdib ko at ganoon na lamang kalakas ang tibok nito.

You'll be punished...

You'll be punished...

Paulit-ulit na sigaw ng isip ko. Nanginginig na sinirado ko ang pinto at napasinghap. Napahawak ako sa dibdib ko.

I am not a rule-breaker and I am honestly afraid of any kind of punishment. Napadasal ako bigla ng maalala ulit ang matulis na tingin sa dilim galing sa third floor.

The scents of lavender welcome me as breathe in. Ginala ko ang aking tingin sa loob ng silid. The room is huge and clean. A queen-size bed at the centers at sa harap nito ang full-length mirror. On my left side is the huge cabinet.

Naglakad ako patungo sa kabinet at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang iba't-ibang klase na pambahay na damit at pantulog. Binuksan ko naman ang katabing pinto nito at tumambad sa akin ang mga maid uniform. Marami itong nakahilira at pare-pareho lahat ng kulay.

It's a white dress with black trim, an above-knee length, and a black half-apron with lace.

Kumuha ako ng isang uniform at agad nagpunta sa banyo. After a couple of minutes, ay lumabas na ako suot ang nakahandang damit.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Ipinusod ko ang buhok ko. The uniform's really fit and sexy. The texture of the textile is somehow soft and very comfy to move. I used the perfume they provided. And honestly, mas mabango pa ito sa mga perfume ko. Every personal thing here is new, kaya I'm pretty sure safe naman ito gamitin.

I close the door after I put on a little of lipstick.

Isinirado ko ang pinto ko at naglakad. Habang naglalakad ay pakiramdam ko'y may nakatinging mga mata sa akin; sinusundan at tila nakamasid lang sa akin. Napalunok ako ng biglang umuhip ng malakas ang hangin. Sinasayaw ng hangin ang puting kurtina sa bintanang nakaawang. I shrug. Lumapit ako dun at sinirado ito. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ko. Maingat ang bawat hakbang ko para hindi ito makalikha ng ingay.

Nang makadaan ako sa hagdanan papunta sa pangatlong palapag ay napasilip ako rito kung nando'n pa ba ang silweta at mga nakatitig na mata nakita ko kanina. Nang masiguro ko na walang tao doon ay t'saka lamang ako nakahinga ng maayos. Sapo ko ang dibdib ko.

Dumiretso ako sa dining room nila kung saan naghihintay si Miss Joanna. Tinuruan niya ako kung paano ilagay ang mga gamit sa mesa. Mula sa babasaging plato hanggang sa maingat na pagsindi ng ilaw. Dapat lahat ay maingat na nakalagay at nakapwesto.

Nang makabisado ko na ang mga bagay na nasa dining table ay agad kaming tumulak sa kusina.

Malapad at kompleto ang mga gamit nila. Mula sa pinakamaliit na equipment hanggang sa malaking refrigerator at equipment sa pagluluto. May mga laman na rin ang mga kabinet nila't ref na pagkain.

Matapos sabihin ni Miss Joanna ang mga pagkain na dapat ihain na naayon sa oras ay tumulak kami sa mga kwarto.

Marami ang kwarto sa mansion at lahat ng iyon ay dapat linisin.

Dapat daw araw-araw nililinis ito dahil minsan ay may mga sumusulpot na kaibigan ni Mr. Yvan at dito na natutulog.

Mag-aalas tres na ng madaling araw ng matapos kaming maglinis kaya tumulak na kami sa kusina para maghain ng pagkain.

Since I already master the cuisine, Miss Joanna left me. May gagawin din kase siya sa office niya. Nang ganitong oras!

Napasinghap ako nang marinig ko ang huling ingay mula sa pinto na nilabasan ni Mis Joanna. Halos mabingi ako sa sobrang katahimikan. Nagkibit-balikat ulit ako't inumpisahang ihanda ang pagkain.

Matapos kong i-platting ang breakfast niya at ilapag sa mesa ay napatingin ako sa relo. Sakto lang sa pagtuntong ng alas saes ng umaga. Akmang aalis na ako ng marinig ko ang yabag papunta sa direksyon ko. Napalunok ako sa bigat ng atmosphere. Mabibigat ang bawat hakbang nito na bumabasak sa katahimikan.

Nag-umpisa ng pagpawisan ang mga kamay ko. Imposible namang si Ms Joanna 'yon dahil ilang oras na itong nakaalis. Gusto ko tumakbo para magtago pero tila kinain ng sahig ang mga paa ko't hindi ako makagalaw sa kinatitirikan ko.

Before I blink, he's on my back caressing my neck with his soft hand. Kinikilabutan ako sa mga daliri niyang naglalaro sa balat ng leeg ko. Para itong matutulis na karayom na nagdudulot sa akin ng bolta-boltahing kuryente.

"Got you," sabi niya.

Napasinghap ako ng marinig ang boses niya, ilang beses din akong napalunok. Ang baritono niyang boses ang siyang pumuno sa tahimik na dining table at nagpapatalbog ng ganito sa puso ko. And I can feel him smirking beneath his breath.

"Rules are rules, and punishment is punishment." His breath touches my nape, that brings shivers down my spine.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status