Miss Patty
Maganda. Inosente. Probinsyana. Ilan lang 'yon sa mga katangian ni Karen, o mas kilala bilang Miss Quack sa baryo nila. Araw-araw, iba't ibang halamang gamot ang tinda niya. May gumagaling—mayroon namang ayaw na lang magreklamo dahil sinusungitan niya.
Si Paul, isang doktor. Guwapo. Mayaman. Magaling--lalo na sa kama.
Nang magtagpo ang landas nina Miss Quack at Doc Paul, 'ika nga'y mata lang ang walang latay sa damdamin nilang tila nagliliyab, sa isang gabing tila wala nang bukas.
Napakasaya ni Karen. Akala niya'y totoong mahal nga siya ni Paul. Pero ang walanghiya, iniwan siya bigla!
Ang sarap--este, ang sakit na naramdaman niya'y mas tumindi nang iwan siya nito ng pera. Hindi pa nakontento, nag-iwan din ito ng supling na kaugali nito. Not just one, but two!
Ano'ng gagawin niya kung magkita silang muli?
Mapanindigan niya kaya ang pangakong, WHO YOU? na ito sa kaniya?