Home / Romance / His Runaway Wife / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng His Runaway Wife: Kabanata 81 - Kabanata 90

108 Kabanata

Chapter 80

Nakatitig si Althea sa harapan niya, kung saan nakasabit ang isang napakagarang gown. Ang tela nito ay tila bumabalot sa liwanag, kumikinang sa ilalim ng ilaw, habang ang disenyo ay perpekto sa kanyang pigura. Napakaganda nito—isang gown na para bang ginawa lang para sa kanya. "Napakaswerte mo, Ma’am Althea," sabi ng isa sa mga stylist habang marahang inaayos ang kanyang buhok. "Isa ito sa pinakamagandang gown na ginawa para sa espesyal na event na ito." Napangiti si Althea, ngunit sa loob niya ay may kaunting kaba. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong bumabagabag sa kanya. "Ang ganda nga, pero parang…" Napahinto siya at napatingin sa salamin. "…masyadong marangya para sa akin." "Nako, Ma’am! Ikaw pa? Napakaganda n’yo kaya, at bagay na bagay sa inyo!" sabat ng isa pang stylist habang inaayos ang mahaba niyang buhok. "Kapag suot mo na ‘yan, wala nang mas gaganda pa sa’yo sa event." Dumating ang makeup artist at sinimulang ayusin ang kanyang mukha. Habang nakapiki
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Chapter 81

Lilia's POV: Ang Pagtatago ng Lihim "Putangina!" Napamura si Lilia habang naglalakad sa isang madilim na eskinita. Mahigpit niyang hawak ang isang envelope na naglalaman ng ebidensya—ang DNA test results na magpapatunay na hindi anak ni Xander si Zsazsa. Hindi niya akalaing may CCTV sa opisina ni Xander. Hindi rin niya inaasahan na mahuhuli siya sa mismong event! Pero wala siyang pakialam. “Kahit nakakulong na si Mommy, hindi ko hahayaang mawala ang lahat ng pinaghirapan namin!” bulong niya sa sarili, habol ang hininga. Sa isip niya, hindi pa tapos ang laban. Siya ang magpapatuloy ng plano ng kanyang ina, si Lucrecia Montevista. "Xander... Hindi mo ako matatalo. Hindi mo ako matatakasan. Ako lang ang dapat mong piliin!" bulong niya, isang baliw na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Dahan-dahan niyang inilabas mula sa sobre ang dokumento. Saglit niya itong pinagmasdan, saka mabilis na sinilaban gamit ang lighter. “Tingnan natin kung paano mo pa patutunayan ang lahat ngayo
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Chapter 82

Sa loob ng ospital… Matapos Ang ilang araw.... Pagpasok nina Xander at Althea sa pribadong kwarto, tumambad sa kanila ang dalawang matandang mag-asawa na nakaupo sa tabi ng hospital bed ni Jace. Kita sa mukha ng mga ito ang pag-aalala habang tahimik na binabantayan ang lalaking halos walang malay sa kama. Nagpalitan ng tingin sina Althea at Xander bago sila lumapit. "Kayo po ang pamilya ni Jace?" tanong ni Xander, pormal ang tono. Tiningnan sila ng matandang lalaki. "Oo. Kami ang umampon at nagpalaki sa kanya. Ako si Don Emilio, at ito ang asawa kong si Doña Cecilia." Napatingin si Althea sa lalaking nasa kama. Mahinang humihingal si Jace, may tubo sa bibig, at mukhang matindi ang tinamo nitong pinsala mula sa aksidente. "Ano po ang balak ninyo kay Jace?" tanong ni Xander matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Malalim ang buntong-hininga ni Don Emilio bago sumagot. "Dahil sa kondisyon niya, gusto naming dalhin siya sa ibang bansa para ipagamot. Mas malaki ang tsansa niy
last updateHuling Na-update : 2025-03-26
Magbasa pa

Chapter 83

Habang nasa loob ng sasakyan pauwi sa mansyon, tahimik si Althea. Halatang marami siyang iniisip, at ramdam iyon ni Xander. Hinawakan nito ang kanyang kamay at bahagyang pinisil. "Mahal, okay ka lang ba?" tanong ni Xander habang minamaneho ang sasakyan. Napalingon si Althea sa kanya at pilit na ngumiti. "Oo naman… pero may bumabagabag lang sa akin." Pagdating nila sa mansyon, sinalubong sila ni Aling Edna, halatang nag-aalala. "Oh, anong nangyari? Kamusta si Jace?" tanong nito habang pinapasok sila sa loob ng bahay. Naupo si Althea sa sofa at bumuntong-hininga. "Inay, may gusto akong sabihin." Umupo rin si Aling Edna sa tabi niya. "Ano yun, anak?" "Yung mag-asawang umampon kay Jace… may sinabi sila kanina habang nasa ospital." "Ano naman yun?" nagtatakang tanong ni Aling Edna. "Sabi ng ginang, kamukha ko raw ang anak nilang nawawala," seryosong sabi ni Althea. "Para bang may kung anong bumabagabag sa kanya nung nakita niya ako." Napakurap si Aling Edna, halatang hind
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 84

Pagpasok nina Xander at Althea sa silid ni Zsazsa, agad nilang napansin ang lungkot sa kanyang mga mata. Bagamat medyo okay na siya, hindi maitatangging may bumabagabag sa kanyang isipan. Ngumiti si Althea at marahang hinaplos ang noo ng bata. “Mabuti naman at mas maayos na ang pakiramdam mo, sweetheart.” Tumango si Zsazsa ngunit hindi pa rin maalis ang lungkot sa kanyang mukha. “Nasaan si Ninong Jace?” mahina niyang tanong. Nagkatinginan sina Xander at Althea. Alam nilang hindi pa tamang oras upang sabihin ang totoo, lalo na sa kabila ng hindi pa rin nagigising si Jace. Umupo si Xander sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Zsazsa. “Si Ninong Jace mo ay nagpapagaling pa. Huwag kang mag-alala, hindi niya tayo pababayaan.” Tumango si Zsazsa, pero halata sa kanya na hindi ito lubos na nakumbinsi. “Bakit parang may itinatago kayo?” diretsong tanong niya, pinag-aaralan ang reaksyon ng kanyang mga magulang. Napangiti si Althea at hinaplos ang buhok ni Zsazsa. “Hindi naman, a
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 85

Althea’s POV Tahimik akong nakaupo sa veranda ng mansyon habang hawak ang tasa ng kape. Ang sariwang hangin ng umaga ay bahagyang nagpapakalma sa akin, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol sa mga nangyayari kamakailan. Napatingin ako kay Inay—si Aling Edna—na tahimik ding umiinom ng kape sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero halata sa kanyang mukha ang lalim ng kanyang pag-aalala. “Inay, ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya, basag sa katahimikan. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti. “Ayos lang naman, anak…” sagot niya, pero alam kong may bumabagabag sa kanya. Ibinaba ko ang tasa ko sa lamesa. “Inay, sabihin niyo po sa akin ang totoo.” Mas lalo kong pinagtibay ang loob ko. “Alam kong may iniisip kayo tungkol kina Don Julio at Donya Cecilia.” Napabuntong-hininga si Inay bago niya ako hinawakan sa kamay. “Althea… kahit kailan, itinuring kitang anak. Walang kahit anong makakapagpabago ro’n.” Naramdaman ko ang init ng
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Chapter 86

Pagkarating namin sa mansyon, pagod akong napabuntong-hininga. Mahabang araw na naman ang lumipas, at sa dami ng nangyari, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib. Habang inaayos ko ang sarili sa kwarto, tumunog ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Xander sa screen. Xander: Hindi ako makakauwi ngayong gabi. May inaayos lang ako. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit may kung anong kaba akong nararamdaman. Alam kong may rason si Xander, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Lumipas ang magdamag nang hindi siya dumating. Paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko, umaasang baka may sumunod pang mensahe mula sa kanya, pero wala. Pagsapit ng umaga, nagising akong wala pa rin si Xander. Tahimik akong bumangon at lumabas ng kwarto. Pagdaan ko sa kusina, nakita ko si Inay Edna na nagtitimpla ng kape. Napatingin siya sa akin at bahagyang napakunot-noo. “Maaga kang nagising, anak. May problema ba?” Umiling ako at pilit na ngumiti. “
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Chapter 87

XANDER POV Nakatitig ako sa screen ng cellphone ko, pinag-aaralan ang mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero. "Huwag kang magpakasaya, Xander. Hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Althea." Napakuyom ako ng kamao, pilit pinipigilan ang galit na unti-unting sumisidhi sa loob ko. Sino ang may ganang magpadala ng ganitong kasinungalingan? Napatingin ako sa relo—madaling araw na. Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nasa opisina. Dapat sana ay umuwi na ako kay Althea, pero hindi ko maiwan ang espasyong ito, hindi matapos ang natanggap kong mensahe. Alam kong imposible ang sinasabi rito. Alam kong ako ang ama ng anak ni Althea. Pero hindi ko rin maitanggi na may bahid ng inis sa isip ko—bakit may ganitong klaseng paninira? Sino ang gumagawa nito? Dinial ko ang numero pero out of coverage. Sinubukan kong i-trace sa system ng kumpanya namin, pero burner phone ang ginamit. Mas lalo lang akong nainis. Napasandal ako sa swivel chair at napabuntong-hininga. "Gusto mo
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Chapter 88

ALTHEA POV Mahinang hinaplos ko ang tiyan ko habang nakahiga sa kama. Alam kong ligtas kami ng baby ko, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at pag-aalala. Nang maramdaman kong nakaupo si Xander sa tabi ko, dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. "Xander…" mahina kong tawag sa kanya. "Nandito ako, love," sagot niya agad, hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata. Kita ko ang pagod at pag-aalala sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para mawala ang tanong na matagal nang bumabagabag sa isip ko. "Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya, pilit pinapanatili ang mahinahong boses. "Saan ka galing?" Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Xander—parang nag-aalangan, pero kita ko rin ang determinasyon sa mga mata niya. "May natanggap akong mensahe mula sa hindi kilalang numero," sagot niya sa wakas. "Sinabi nilang hindi raw ako ang ama ng dinadala mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?!" Mabilis siyang umiling. "Hindi ako n
last updateHuling Na-update : 2025-03-28
Magbasa pa

Chapter 89

XANDER POV Matapos kong tiyakin na maayos na si Althea, nagpaalam ako sa kanya. "Pupuntahan ko lang sandali si Zsazsa sa kabilang silid, ha? Babalik din ako agad." Tumango siya, pero halata pa rin ang lungkot at tampo sa mga mata niya. "Sige. Sabihin mo kay Zsazsa na dalawin niya ako kapag okay na siya." Hinaplos ko ang kamay niya bago ako tumayo. "Babalik ako agad, mahal." Paglabas ko ng kwarto, doon ko nasalubong sina Don Julio at Donya Cecilia. Pareho silang seryoso at halatang may gustong sabihin. "Xander, may kailangan kaming pag-usapan," panimula ni Don Julio. "Tungkol kay Althea." Tumango ako at sumunod sa kanila sa isang pribadong sulok ng hallway. Doon, nagsalita si Donya Cecilia. "Kapag lumabas na ang DNA result at nakumpirma na anak nga namin si Althea, gusto naming kunin siya. Gusto naming bumawi sa lahat ng panahong nawala siya sa amin." Napatigil ako. Alam kong may posibilidad na ito ang kalalabasan, pero iba pala kapag mismong sa harapan mo na nila sinas
last updateHuling Na-update : 2025-03-29
Magbasa pa
PREV
1
...
67891011
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status