Pagbabalik sa Nakaraan Pagkalipas ng ilang araw, sabay-sabay nilang nilisan ang ospital. Nasa likuran ng sasakyan si Althea, pinagmamasdan ang tanawin sa labas habang hawak ang kamay ni Xander. Tahimik ito, tila malalim ang iniisip, ngunit hindi niya ito binitiwan. Sa tabi nila, masayang nag-uusap sina Jace at Zsazsa, habang sina Julio at Doña Cecilia ay hindi maitatago ang excitement sa kanilang mga mata. Hindi nagtagal, nakarating sila sa mansyon ni Xander. Bumaba sila at sinalubong agad sila ni Aling Edna, ang matandang nag-alaga kay Althea mula pagkabata. Nanginginig ang mga kamay nito habang papalapit, tila may kutob na ito sa balitang dala nila. "Althea..." mahina niyang bulong, bago lumipat ang tingin kay Xander. "Bakit kayo narito? Ano'ng nangyari?" Lumapit si Jace, bitbit ang dokumento mula sa ospital. "Aling Edna... totoo ang hinala mo. Si Althea, tunay na anak nina Julio at Doña Cecilia." Nanlaki ang mga mata ni Aling Edna. Napatingin siya kay Althea, tila hindi m
Terakhir Diperbarui : 2025-03-29 Baca selengkapnya