Semua Bab His Runaway Wife: Bab 71 - Bab 80

108 Bab

Chapter 70

Nanigas ang panga ni Xander nang marinig ang pangalan ni Jace mula mismo kay Benjamin. Ramdam niya ang kilabot na gumapang sa kanyang katawan, pero hindi niya pinahalata. Jace? Bakit palaging may koneksyon ang pangalang iyon sa mga gulong kinasasangkutan nila? Mabilis siyang tumalikod, halatang hindi na nag-aksaya ng oras. Kailangan niyang makabalik. Kailangan niyang makita si Althea. "Siguraduhin mong hindi makakatakas 'yan," malamig na utos niya sa kanyang mga tauhan bago tuluyang lumakad palayo. Hindi siya maaaring magpaka-kampante. Alam niyang bihasa sa pagtakas si Benjamin, pero sa ngayon, mas mahalaga ang alamin kung anong papel ni Jace sa buhay ni Zsazsa. Bago tuluyang sumakay sa sasakyan, nilingon pa niya ang isa sa kanyang mga tauhan. "Ang anak ni Benjamin—siguraduhing ligtas siya. Walang gagalaw sa kanya hangga’t hindi pa natatapos ang lahat ng ito," madiin niyang bilin. "Yes, Boss," sagot ng tauhan niya bago bumalik sa loob ng gusali. Napasandal si Xander sa upu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

Chapter 71

Habang inaayos ni Althea ang kwelyo ni Xander, hindi niya mapigilang sumimangot. “Sobrang busy mo na talaga,” tampo niyang bulong habang hindi tumitingin sa asawa. Napangiti si Xander sa inis ni Althea. Hinayaan lang niyang paglaruan nito ang kwelyo niya kahit alam niyang maayos na iyon. Alam niyang nagtatampo ito, at aminado siyang naging abala nga siya sa trabaho. Hinaplos niya ang pisngi ni Althea at marahang inangat ang baba nito para tumingin sa kanya. “Alam kong hindi kita masyadong nabibigyan ng oras, Althea,” malambing niyang sabi. “Pero pagkatapos ng trabaho ko… at pagkatapos ng family photo shoot natin, ikaw naman ang aasikasuhin ko.” “Promise?” kunot-noong tanong ni Althea, pero halata sa mata niya ang kaunting lambing. “Hmm,” tumango si Xander, saka yumuko at marahang hinalikan ang noo ni Althea. “Promise.” Hindi man ito sinabi ni Althea, pero natuwa siya sa sagot ni Xander. Alam niyang may tiwala siya rito—at ngayon, mas lalo niyang gustong hintayin ang araw n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

Chapter 72

Pagdating ni Xander sa opisina, nadatnan niya roon ang kanyang Tito Ricardo, nakaupo sa harap ng kanyang desk at tila may hinihintay. "Xander," bungad ni Ricardo nang makita siyang pumasok. "Tamang-tama ang dating mo. May gusto akong pag-usapan sa'yo." Tumango si Xander, sinara ang pinto at lumapit sa kanyang mesa. "Ano ‘yon, Tito?" "Punta tayo sa mansyon ko mamaya," seryosong sabi ni Ricardo. "Dadalaw doon si Lucrecia. Sa tingin ko, dapat kang naroon." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Xander. "Bakit?" "Kapag andun ka, malalaman mo," sagot ng matanda. "Pero isang bagay lang, Xander… siguraduhin mong hindi ka magpapadala sa mga kasinungalingan ng babaeng ‘yon." Napatango si Xander. Wala siyang balak magpatalo kay Lucrecia. Sa Mansyon ni Ricardo… Pagdating nila sa mansyon, naroon na si Lucrecia. Nakaupo ito sa sala, may hawak na isang baso ng wine, at tila kuntento sa sarili. Agad nitong sinalubong ng matamis ngunit mapanlinlang na ngiti si Xander. "Xander, hijo! Bu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

Chapter 73

Nagising si Althea sa marahang dampi ng halik sa kanyang noo, pababa sa kanyang pisngi, hanggang sa makarating sa kanyang labi. Napasinghap siya at bahagyang dumilat, at doon tumambad sa kanya ang gwapong mukha ni Xander, nakangiti habang nakapatong ang isang braso sa kanyang baywang. "Umaga na, mahal," bulong ni Xander, tinutukso siya ng malalim nitong boses. Ngunit imbes na matunaw sa tamis ng sandali, naalala ni Althea ang kanyang pagtatampo. Mabilis siyang tumalikod, tinakpan ang sarili ng kumot at nagkunwaring tulog ulit. "Hmm, galit ka pa rin ba?" Tanong ni Xander habang hinahaplos ang kanyang likod. "Hindi ako galit," matabang na sagot ni Althea. "Ayoko lang makipag-usap sa isang busy na tao na hindi ko na halos makita." Napakamot sa batok si Xander. Alam niyang may kasalanan siya. "Althea, hindi ko naman sinasadya. May inaasikaso lang ako—" "Oo, oo. Business, kompanya, kung anu-ano," putol ni Althea sabay irap. "Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng buntis na hindi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 74

Hindi na inabutan ni Althea si Xander sa terrace. Parang bula itong naglaho, at hindi niya naabutan kung saan ito nagpunta matapos ang tawag sa telepono. Napabuntong-hininga siya bago bumalik sa loob ng silid. Nang balikan niya ang Inay Edna, nakangiti itong nakaupo sa gilid ng kama, pinagmamasdan ang inihandang almusal. "Kain ka na, anak. Huwag mong isipin ang kung ano man 'yang bumabagabag sa'yo," anang ina niya habang inaayos ang kumot sa kama. Tumango si Althea at marahang sumubo ng arroz caldo. Napakasarap ng sabaw, at ramdam niya ang init na gumapang sa kanyang sikmura. Habang kumakain, hindi niya maiwasang mapatingin sa bintana. Ang liwanag ng araw ay sumisilip sa kurtina, at may banayad na simoy ng hangin na nagdala ng bango ng mga bulaklak mula sa hardin sa ibaba. Pagkatapos niyang kumain, nagpasya siyang lumabas saglit. Parang gusto niyang mamitas ng bulaklak at ilagay ito sa kanyang silid. Pakiramdam niya, makakatulong iyon upang maging mas presko at maaliwalas ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 75

Opisina ni Xander Halos mapakuyom ng kamao si Althea sa nalaman. Kaya pala sobrang close nina Jace at Zsazsa—iyon pala ay mag-ama sila! Hindi siya makapaniwala. Ilang taon niyang itinuring si Jace bilang kaibigan, pinagkatiwalaan niya ito, ngunit may itinatago pala itong malaking lihim. Mas lalo pang sumidhi ang galit sa dibdib niya. Pero alam niyang wala siyang ibang dapat sisihin kundi si Lucrecia. Napatingin siya kay Xander, na tahimik lamang habang nakaupo, hawak pa rin ang brown envelope. "Si Lucrecia," madiin na sabi ni Xander. "Siya ang puno't dulo ng kaguluhang ito." Althea swallowed hard. Hindi na siya nagulat. Kung may isang taong kayang magmaniobra ng ganitong klase ng sikreto, si Lucrecia iyon. Napasandal siya sa upuan, pilit pinoproseso ang lahat ng nalaman. "Paano mo nalaman ang tungkol dito?" tanong niya, bagaman kinakabahan sa isasagot ng asawa. Napatingin si Xander sa kanya, saka sumandal sa kanyang swivel chair. "Ngayon lang," sagot nito. "Matagal ko na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 76

Madilim na ang paligid ng Montevista Group, at tanging ang mahihinang ilaw mula sa poste at ilang ilaw sa loob ng gusali ang nagbibigay-liwanag. Tahimik ang paligid, maliban sa marahang ihip ng hangin na sumasayaw sa mga dahon. Nakagawian na ng guard na libutin ang bawat departamento bago bumalik sa kanyang pwesto. Maingat niyang sinuri ang bawat sulok ng gusali, tinitiyak na walang anomang kakaiba. Nang matiyak niyang maayos ang lahat, bumalik siya sa kanyang istasyon sa lobby. Samantala, sa Mansyon ng Montevista, masaya namang naghahapunan ang pamilya nina Xander at Althea. Magaan ang usapan sa hapag-kainan, at kahit may ilang tensyon sa kanilang buhay, sa mga sandaling iyon ay tila isang normal at payapang gabi lamang para sa kanila. Habang lumilipas ang oras, sa gusali ng Montevista Group, nagsimulang makaramdam ng antok ang guard. Tahimik at malamig ang paligid, kaya naman hindi niya napigilan ang pagpikit-pikit ng mata. "Bwisit!" Mura ni Lucrecia habang mahigpit na hawak
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 77

Dumadagundong ang tunog ng makina ng itim na SUV habang mabilis na tinatahak ni Xander ang daan patungo sa paaralan nina Ava at Zsazsa. Mahigpit ang hawak niya sa manibela, ramdam ang bigat ng pag-aalalang bumalot sa kanyang dibdib. Kasalukuyan siyang kausap sa telepono ang kanyang asawa, si Althea. “Althea, pakisabihan si Nita na hindi na niya kailangang sunduin sina Ava at Zsazsa. Ako na ang bahala.” Malalim ang kanyang boses, puno ng seryosong pag-aalala. “Sigurado ka? Akala ko may meeting ka?” tanong ni Althea sa kabilang linya. “Hindi bale na. May mas mahalagang bagay akong kailangang asikasuhin.” Sa gilid ng kanyang paningin, may isang pamilyar na pigura ang kanyang nasilayan—isang anino mula sa nakaraan na matagal na niyang gustong kalimutan. Si Lilia. Nanlamig ang kanyang buong katawan. Napamura siya nang mahina. “Tangina…” “Xander? Anong nangyari?” Napansin ni Althea ang biglang pagbabago ng tono niya. “Si Lilia… Nandito siya malapit sa eskwelahan.” Napatigi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 78

Hindi pa man ganap na natatapos ang kaguluhan, sumabog na ang balita sa media. Sa bawat istasyon ng TV, radio, at social media platforms, nagkalat na ang headlines: “ANAK NG MONTEVISTA, SANGKOT SA MALAGIM NA AKSIDENTE!” “XANDER AT ALTHEA MONTEVISTA, PINUNA SA KAPABAYAAN!” “ANG KATAHIMIKANG BUMABALOT SA AKSIDENTE—ANO ANG TINATAGO NG MONTEVISTA?” Sa loob ng kanilang bahay, hawak ni Althea ang remote habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Puno ng kaba ang kanyang dibdib habang pinapanood ang live news coverage. Sa screen, makikita ang reporters na nakatayo sa harap ng ospital, tinututukan ang estado nina Jace at Zsazsa. “Ayon sa mga nakasaksi, mabilis umano ang takbo ng sasakyan bago mawalan ito ng kontrol. Maraming espekulasyon na may kapabayaan ang mga magulang ng bata, lalo na’t tila walang sapat na seguridad ang kanilang anak sa ilalim ng pangangalaga ng ibang tao.” “Sa ngayon, hinihintay pa ang opisyal na pahayag ni Xander at Althea Montevista ukol sa insidente. Ano
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-25
Baca selengkapnya

Chapter 79

Sa isang high-end boutique shop, kumikinang sa loob ng glass display ang isang eleganteng custom-made gown—isang obra maestrang eksklusibong ginawa para kay Althea Montevista. Ngunit sa harapan nito, nakatayo si Lilia, nakataas ang kilay at nakapamewang, habol ang hininga sa gigil. Sa tabi niya, ang boutique stylist na halatang naiipit sa sitwasyon. "Ano bang problema mo?!" matigas na sabi ni Lilia, ang matalim niyang tingin ay nakatutok sa stylist. "Sinabi ko nang bibilhin ko ‘tong gown na ‘to, ano pa bang hinihintay mo?!" "Pasensya na po, Ma’am, pero hindi po ito for sale," mahinahong paliwanag ng stylist. "Eksklusibo po itong ginawa para kay Mrs. Montevista. Naka-reserve na po." Nagsalubong ang kilay ni Lilia. "Monte—si Althea?!" Napangisi siya, halatang nainis. "At bakit siya?! Alam mo bang mas mataas ang kaya kong ibayad kaysa sa kahit anong binayaran niya?!" Napalingon ang ibang customers sa boutique. Kita sa mukha ng stylist ang kaba, pero nanatili itong matatag.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-26
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
67891011
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status