Sa loob ng memorial chapel, tahimik na nakatayo si Althea malapit sa kabaong ni Xyrene. Ang paligid ay puno ng puting bulaklak, at sa bawat sulok ay nararamdaman ang bigat ng lungkot at pangungulila. Sa hindi kalayuan, nakita niya sina Zsa Zsa at Ava na magkatabing nakaupo. Ang mga mata ni Ava ay namamaga sa kaiiyak, habang si Zsa Zsa naman ay hinahaplos ang likod ng kanyang kaibigan, tila pinapatahan ito. “Huwag kang umiyak, Ava…” mahina ngunit puno ng pagmamalasakit na sabi ni Zsa Zsa. “Alam mo, sabi ni Daddy, kapag ang isang tao ay naging mabait sa mundo, nagiging anghel siya sa langit. Baka ngayon, ang mommy mo ay isa nang maganda at mabait na anghel na nagbabantay sa’yo.” Dahan-dahang tumingin si Ava kay Zsa Zsa, tila iniisip ang sinabi nito. “Talaga?” mahina niyang tanong, sabay punas sa kanyang luha gamit ang maliit niyang kamay. Tumango si Zsa Zsa at ngumiti. “Oo! Kaya hindi mo kailangang malungkot palagi. Kasi kahit hindi mo na siya nakikita, nandiyan lang siya, nagba
Terakhir Diperbarui : 2025-03-20 Baca selengkapnya