Sa loob ng ospital, sa tabi ng kama ni Zsa Zsa, minsan ay parang normal ang lahat—parang isang buo at masayang pamilya sila. Kapag gising ang bata, nagkukulitan sina Xander at Althea, nagpapalitan ng matatamis na ngiti sa harap ng kanilang anak. Pero kapag wala si Zsa Zsa o kapag tulog ito, bumabalik ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Xander, hindi mo kailangang bumili ng kung ano-ano para kay Zsa Zsa. Hindi niya kailangan ng mamahaling laruan, kailangan niya ng panahon mo," seryosong sabi ni Althea habang inaayos ang kumot ng anak. Nakangisi lang si Xander, nakahalukipkip habang nakasandal sa dingding. "Bakit? Hindi ba puwedeng ibigay ko pareho? Or gusto mong ikaw rin, bigyan kita ng laruan?" Napangiwi si Althea. "Ano bang problema mo? Hindi ito biro, Xander. Anak natin ang pinag-uusapan natin." "Alam ko, kaya nga ginagawa ko ang lahat para sa kanya." Tinitigan siya ni Xander, may bahagyang lungkot sa mga mata nito. "At para rin sa'yo, Althea." Napakurap si Althea. "H
Terakhir Diperbarui : 2025-03-16 Baca selengkapnya