Pag-aalala ng Pamilya ni Althea Tahimik na nakaupo si Althea sa hapag-kainan kasama ang kanyang pamilya. Kahit anong pilit niyang itago ang lungkot, napansin pa rin ito ng Inay Edna niya. “Althea, anak,” mahinahong tawag ni Inay Edna habang nakatingin sa kanya. “Para kang walang gana. Ang tagal mong nagising, tapos ngayon, parang hindi ka interesado sa pagkain mo.” Napatingin si Althea sa pagkain sa harapan niya. May sinigang na baboy, pritong isda, at kanin—paborito niya noon, pero ngayon, parang wala siyang gana kahit sa isang subo. “Wala lang po, Inay,” mahina niyang sagot, iniwas ang tingin. Ngunit hindi siya tinantanan ni Inay Edna. Napansin din ni Cecilia at Julio ang kanyang pananamlay. “Ano ka ba naman, anak?” sabat ni Cecilia, nag-aalalang hinawakan ang kamay ni Althea. “Buntis ka. Hindi puwedeng pinapabayaan mo ang sarili mo. Paano ang baby mo? Kailangan mong kumain.” “Kahit pilitin mo, kung ganyan ang mukha mo habang kumakain, baka lalo kang hindi makakain,” d
Last Updated : 2025-03-31 Read more