Sa loob ng ospital… Matapos Ang ilang araw.... Pagpasok nina Xander at Althea sa pribadong kwarto, tumambad sa kanila ang dalawang matandang mag-asawa na nakaupo sa tabi ng hospital bed ni Jace. Kita sa mukha ng mga ito ang pag-aalala habang tahimik na binabantayan ang lalaking halos walang malay sa kama. Nagpalitan ng tingin sina Althea at Xander bago sila lumapit. "Kayo po ang pamilya ni Jace?" tanong ni Xander, pormal ang tono. Tiningnan sila ng matandang lalaki. "Oo. Kami ang umampon at nagpalaki sa kanya. Ako si Don Emilio, at ito ang asawa kong si Doña Cecilia." Napatingin si Althea sa lalaking nasa kama. Mahinang humihingal si Jace, may tubo sa bibig, at mukhang matindi ang tinamo nitong pinsala mula sa aksidente. "Ano po ang balak ninyo kay Jace?" tanong ni Xander matapos ang ilang sandali ng katahimikan. Malalim ang buntong-hininga ni Don Emilio bago sumagot. "Dahil sa kondisyon niya, gusto naming dalhin siya sa ibang bansa para ipagamot. Mas malaki ang tsansa niy
Habang nasa loob ng sasakyan pauwi sa mansyon, tahimik si Althea. Halatang marami siyang iniisip, at ramdam iyon ni Xander. Hinawakan nito ang kanyang kamay at bahagyang pinisil. "Mahal, okay ka lang ba?" tanong ni Xander habang minamaneho ang sasakyan. Napalingon si Althea sa kanya at pilit na ngumiti. "Oo naman… pero may bumabagabag lang sa akin." Pagdating nila sa mansyon, sinalubong sila ni Aling Edna, halatang nag-aalala. "Oh, anong nangyari? Kamusta si Jace?" tanong nito habang pinapasok sila sa loob ng bahay. Naupo si Althea sa sofa at bumuntong-hininga. "Inay, may gusto akong sabihin." Umupo rin si Aling Edna sa tabi niya. "Ano yun, anak?" "Yung mag-asawang umampon kay Jace… may sinabi sila kanina habang nasa ospital." "Ano naman yun?" nagtatakang tanong ni Aling Edna. "Sabi ng ginang, kamukha ko raw ang anak nilang nawawala," seryosong sabi ni Althea. "Para bang may kung anong bumabagabag sa kanya nung nakita niya ako." Napakurap si Aling Edna, halatang hind
Pagpasok nina Xander at Althea sa silid ni Zsazsa, agad nilang napansin ang lungkot sa kanyang mga mata. Bagamat medyo okay na siya, hindi maitatangging may bumabagabag sa kanyang isipan. Ngumiti si Althea at marahang hinaplos ang noo ng bata. “Mabuti naman at mas maayos na ang pakiramdam mo, sweetheart.” Tumango si Zsazsa ngunit hindi pa rin maalis ang lungkot sa kanyang mukha. “Nasaan si Ninong Jace?” mahina niyang tanong. Nagkatinginan sina Xander at Althea. Alam nilang hindi pa tamang oras upang sabihin ang totoo, lalo na sa kabila ng hindi pa rin nagigising si Jace. Umupo si Xander sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Zsazsa. “Si Ninong Jace mo ay nagpapagaling pa. Huwag kang mag-alala, hindi niya tayo pababayaan.” Tumango si Zsazsa, pero halata sa kanya na hindi ito lubos na nakumbinsi. “Bakit parang may itinatago kayo?” diretsong tanong niya, pinag-aaralan ang reaksyon ng kanyang mga magulang. Napangiti si Althea at hinaplos ang buhok ni Zsazsa. “Hindi naman, a
Althea’s POV Tahimik akong nakaupo sa veranda ng mansyon habang hawak ang tasa ng kape. Ang sariwang hangin ng umaga ay bahagyang nagpapakalma sa akin, ngunit hindi ko pa rin maiwasang mag-isip tungkol sa mga nangyayari kamakailan. Napatingin ako kay Inay—si Aling Edna—na tahimik ding umiinom ng kape sa tabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero halata sa kanyang mukha ang lalim ng kanyang pag-aalala. “Inay, ayos lang po ba kayo?” tanong ko sa kanya, basag sa katahimikan. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti. “Ayos lang naman, anak…” sagot niya, pero alam kong may bumabagabag sa kanya. Ibinaba ko ang tasa ko sa lamesa. “Inay, sabihin niyo po sa akin ang totoo.” Mas lalo kong pinagtibay ang loob ko. “Alam kong may iniisip kayo tungkol kina Don Julio at Donya Cecilia.” Napabuntong-hininga si Inay bago niya ako hinawakan sa kamay. “Althea… kahit kailan, itinuring kitang anak. Walang kahit anong makakapagpabago ro’n.” Naramdaman ko ang init ng
Pagkarating namin sa mansyon, pagod akong napabuntong-hininga. Mahabang araw na naman ang lumipas, at sa dami ng nangyari, hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat sa dibdib. Habang inaayos ko ang sarili sa kwarto, tumunog ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan ni Xander sa screen. Xander: Hindi ako makakauwi ngayong gabi. May inaayos lang ako. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung bakit may kung anong kaba akong nararamdaman. Alam kong may rason si Xander, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Lumipas ang magdamag nang hindi siya dumating. Paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko, umaasang baka may sumunod pang mensahe mula sa kanya, pero wala. Pagsapit ng umaga, nagising akong wala pa rin si Xander. Tahimik akong bumangon at lumabas ng kwarto. Pagdaan ko sa kusina, nakita ko si Inay Edna na nagtitimpla ng kape. Napatingin siya sa akin at bahagyang napakunot-noo. “Maaga kang nagising, anak. May problema ba?” Umiling ako at pilit na ngumiti. “
XANDER POV Nakatitig ako sa screen ng cellphone ko, pinag-aaralan ang mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero. "Huwag kang magpakasaya, Xander. Hindi ikaw ang ama ng dinadala ni Althea." Napakuyom ako ng kamao, pilit pinipigilan ang galit na unti-unting sumisidhi sa loob ko. Sino ang may ganang magpadala ng ganitong kasinungalingan? Napatingin ako sa relo—madaling araw na. Hindi ko namalayang ang tagal ko na palang nasa opisina. Dapat sana ay umuwi na ako kay Althea, pero hindi ko maiwan ang espasyong ito, hindi matapos ang natanggap kong mensahe. Alam kong imposible ang sinasabi rito. Alam kong ako ang ama ng anak ni Althea. Pero hindi ko rin maitanggi na may bahid ng inis sa isip ko—bakit may ganitong klaseng paninira? Sino ang gumagawa nito? Dinial ko ang numero pero out of coverage. Sinubukan kong i-trace sa system ng kumpanya namin, pero burner phone ang ginamit. Mas lalo lang akong nainis. Napasandal ako sa swivel chair at napabuntong-hininga. "Gusto mo
ALTHEA POV Mahinang hinaplos ko ang tiyan ko habang nakahiga sa kama. Alam kong ligtas kami ng baby ko, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at pag-aalala. Nang maramdaman kong nakaupo si Xander sa tabi ko, dahan-dahan kong inabot ang kamay niya. "Xander…" mahina kong tawag sa kanya. "Nandito ako, love," sagot niya agad, hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko. Tinitigan ko siya nang diretso sa mata. Kita ko ang pagod at pag-aalala sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para mawala ang tanong na matagal nang bumabagabag sa isip ko. "Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya, pilit pinapanatili ang mahinahong boses. "Saan ka galing?" Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Xander—parang nag-aalangan, pero kita ko rin ang determinasyon sa mga mata niya. "May natanggap akong mensahe mula sa hindi kilalang numero," sagot niya sa wakas. "Sinabi nilang hindi raw ako ang ama ng dinadala mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?!" Mabilis siyang umiling. "Hindi ako n
XANDER POV Matapos kong tiyakin na maayos na si Althea, nagpaalam ako sa kanya. "Pupuntahan ko lang sandali si Zsazsa sa kabilang silid, ha? Babalik din ako agad." Tumango siya, pero halata pa rin ang lungkot at tampo sa mga mata niya. "Sige. Sabihin mo kay Zsazsa na dalawin niya ako kapag okay na siya." Hinaplos ko ang kamay niya bago ako tumayo. "Babalik ako agad, mahal." Paglabas ko ng kwarto, doon ko nasalubong sina Don Julio at Donya Cecilia. Pareho silang seryoso at halatang may gustong sabihin. "Xander, may kailangan kaming pag-usapan," panimula ni Don Julio. "Tungkol kay Althea." Tumango ako at sumunod sa kanila sa isang pribadong sulok ng hallway. Doon, nagsalita si Donya Cecilia. "Kapag lumabas na ang DNA result at nakumpirma na anak nga namin si Althea, gusto naming kunin siya. Gusto naming bumawi sa lahat ng panahong nawala siya sa amin." Napatigil ako. Alam kong may posibilidad na ito ang kalalabasan, pero iba pala kapag mismong sa harapan mo na nila sinas
Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n
Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b
Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.
Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na
Sa Ilalim ng mga Bituin Sa malawak na bakuran na malapit sa ilog, nag-uumapaw ang kasiyahan. Ang mga ilaw mula sa mga nakasabit na bombilya sa puno ay nagbibigay ng mainit at kaaya-ayang liwanag sa buong paligid. Amoy na amoy ang inihaw na isda at baboy, samahan pa ng halakhakan ng mga tao. Habang abala ang lahat sa paghahanda ng pagkain at paglalaro ng mga bata, si Althea naman ay nakaupo sa may gilid, pasilip-silip sa nagaganap na kasiyahan. Nakaunan siya sa kanyang palad, may kaunting lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang paligid. Kung iisipin, ilang araw lang ang lumipas pero pakiramdam niya ay parang isang siglo na niyang hindi nakikita si Xander. Inakala niyang hindi na ito babalik. Pinilit niyang maging matatag, pero sa bawat paglipas ng araw, mas lalo niyang naramdaman ang sakit ng pangungulila. Napabuntong-hininga siya at nilaro ang dahon ng damo sa kanyang kamay. Maya-maya pa, bigla niyang naramdaman ang isang mainit na bagay na lumapat sa kanyang bali
Tahimik ang buong bahay. Para bang lahat ng tao ay nawala, o kaya nama’y sinadyang iwan siyang mag-isa. Hindi niya maintindihan, pero ramdam niyang may bumabagabag sa kanya. Mahigpit ang pagkakabalot niya sa kumot, nakasiksik siya sa gilid ng kama, at kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha. Paulit-ulit sa isip niya ang larawang nakita niya—si Xander, inaalagaan si Lilia, samantalang siya, na kanyang asawa at dinadala ang kanilang anak, ay hindi man lang nito napupuntahan. Maya-maya, isang katok ang gumambala sa kanyang pag-iiyak. Mahina lang ito noong una, pero hindi ito tumigil. Isa, dalawa, tatlong beses—at nang hindi siya sumagot, nanatiling tahimik ang kabilang panig ng pinto. Wala pa ring tunog. Parang nakikiramdam kung gising siya o hindi. Ngunit kahit pa sirain ang pintuan, hindi niya ito babangon. Mas gusto niyang manatiling nakabalot sa lungkot at pagdaramdam. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Isan
Samantalang si Althea ay abala sa pagkain ng hinog na mangga sa likod-bahay. Sarap na sarap siya sa bawat kagat habang iniisip kung bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam niya. Ilang araw na siyang malungkot at hindi niya na rin makontak si Xander. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa langit. "Kailan kaya matatapos ang ganitong pakiramdam?" tanong niya sa sarili. Nang maalala niya ang kanyang cellphone, agad siyang napatayo at bumalik sa kanyang silid. Kinuha niya ang telepono sa tabi ng unan at nanlaki ang mata nang makita ang napakaraming missed calls mula kay Jace. Kinabahan siya. "Baka may nangyari sa mga bata!" mabilis niyang inisip. Agad niyang tinawagan si Jace habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Althea. Napalingon siya at nakita niyang si Jace ang pumasok. Kumunot ang noo niya, bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, kita sa mukha ang bahagyang pag-aalala. Hindi agad nagsali
Pag-aalala ng Pamilya ni Althea Tahimik na nakaupo si Althea sa hapag-kainan kasama ang kanyang pamilya. Kahit anong pilit niyang itago ang lungkot, napansin pa rin ito ng Inay Edna niya. “Althea, anak,” mahinahong tawag ni Inay Edna habang nakatingin sa kanya. “Para kang walang gana. Ang tagal mong nagising, tapos ngayon, parang hindi ka interesado sa pagkain mo.” Napatingin si Althea sa pagkain sa harapan niya. May sinigang na baboy, pritong isda, at kanin—paborito niya noon, pero ngayon, parang wala siyang gana kahit sa isang subo. “Wala lang po, Inay,” mahina niyang sagot, iniwas ang tingin. Ngunit hindi siya tinantanan ni Inay Edna. Napansin din ni Cecilia at Julio ang kanyang pananamlay. “Ano ka ba naman, anak?” sabat ni Cecilia, nag-aalalang hinawakan ang kamay ni Althea. “Buntis ka. Hindi puwedeng pinapabayaan mo ang sarili mo. Paano ang baby mo? Kailangan mong kumain.” “Kahit pilitin mo, kung ganyan ang mukha mo habang kumakain, baka lalo kang hindi makakain,” d
Xander's POV Nang makaalis si Attorney, naramdaman ko agad ang bigat ng katahimikan sa silid. Naiwan kaming dalawa ni Lilia, at ramdam ko ang bawat segundong lumilipas—parang isang bitag na unti-unting sumasakal sa akin. Tumayo ako, nag-aalalang tinitingnan si Lilia na nakahiga sa kama. “Lilia, magpapahinga na ako. May mga dapat pa akong asikasuhin bukas,” sabi ko, pilit na nagpapaka-kalma. Biglang sumimangot si Lilia, parang batang inagawan ng laruan. “Bakit ang bilis mo namang umalis, Xander? Akala ko ba, mananatili ka muna rito?” Napabuntong-hininga ako. “Sinabi kong isang buwan akong mananatili rito para ayusin ang usapin sa negosyo, pero hindi ibig sabihin na kailangan kong bantayan ka buong magdamag.” Tumayo siya mula sa kama, bagama’t halatang mahina pa rin ang katawan niya. Lumapit siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking braso. “Xander, please… kahit sandali lang. Ayokong mag-isa rito.” Ramdam ko ang init ng kamay niya, pero mas ramdam ko ang lungkot sa bos