Share

Chapter 88

last update Huling Na-update: 2025-03-28 18:21:20

ALTHEA POV

Mahinang hinaplos ko ang tiyan ko habang nakahiga sa kama. Alam kong ligtas kami ng baby ko, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot at pag-aalala. Nang maramdaman kong nakaupo si Xander sa tabi ko, dahan-dahan kong inabot ang kamay niya.

"Xander…" mahina kong tawag sa kanya.

"Nandito ako, love," sagot niya agad, hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

Tinitigan ko siya nang diretso sa mata. Kita ko ang pagod at pag-aalala sa mukha niya, pero hindi iyon sapat para mawala ang tanong na matagal nang bumabagabag sa isip ko.

"Bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya, pilit pinapanatili ang mahinahong boses. "Saan ka galing?"

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Xander—parang nag-aalangan, pero kita ko rin ang determinasyon sa mga mata niya.

"May natanggap akong mensahe mula sa hindi kilalang numero," sagot niya sa wakas. "Sinabi nilang hindi raw ako ang ama ng dinadala mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Ano?!"

Mabilis siyang umiling. "Hindi ako n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • His Runaway Wife   Chapter 89

    XANDER POV Matapos kong tiyakin na maayos na si Althea, nagpaalam ako sa kanya. "Pupuntahan ko lang sandali si Zsazsa sa kabilang silid, ha? Babalik din ako agad." Tumango siya, pero halata pa rin ang lungkot at tampo sa mga mata niya. "Sige. Sabihin mo kay Zsazsa na dalawin niya ako kapag okay na siya." Hinaplos ko ang kamay niya bago ako tumayo. "Babalik ako agad, mahal." Paglabas ko ng kwarto, doon ko nasalubong sina Don Julio at Donya Cecilia. Pareho silang seryoso at halatang may gustong sabihin. "Xander, may kailangan kaming pag-usapan," panimula ni Don Julio. "Tungkol kay Althea." Tumango ako at sumunod sa kanila sa isang pribadong sulok ng hallway. Doon, nagsalita si Donya Cecilia. "Kapag lumabas na ang DNA result at nakumpirma na anak nga namin si Althea, gusto naming kunin siya. Gusto naming bumawi sa lahat ng panahong nawala siya sa amin." Napatigil ako. Alam kong may posibilidad na ito ang kalalabasan, pero iba pala kapag mismong sa harapan mo na nila sinas

    Huling Na-update : 2025-03-29
  • His Runaway Wife   Chapter 90

    Ngumiti ang dalawang matanda habang pinagmamasdan sina Xander at Zsazsa. Sa wakas, natapos din ang lahat ng kalituhan tungkol sa tunay na pagkatao ni Zsazsa. Ang dating sakit at pagkalito ay napalitan ng kapanatagan. Ngunit may isang bagay pang kulang—ang resulta ng DNA test ni Althea. Habang abala ang lahat sa kasiyahan at pag-uusap, biglang nag-ring ang cellphone ni Don Julio. Agad niya itong sinagot, at sa kabilang linya, narinig niya ang tinig ng doktor. "Lumabas na po ang resulta ng DNA test ni Althea," anunsyo ng doktor. Napatingin si Don Julio kay Donya Cecilia. Maging si Xander at Zsazsa ay napansin ang biglang pagseryoso ng ekspresyon ng matanda. "Ano po ang sinasabi sa resulta?" tanong ni Don Julio, ramdam ang kaba sa kanyang dibdib. Naghintay ng saglit ang lahat, tila bumagal ang oras habang hinihintay ang kasagutan. Nanginginig ang kamay ni Donya Cecilia habang mahigpit na hawak ang braso ng kanyang asawa. Ang sagot ng doktor ang siyang magpapabago sa buhay n

    Huling Na-update : 2025-03-29
  • His Runaway Wife   Chapter 91

    Pagbabalik sa Nakaraan Pagkalipas ng ilang araw, sabay-sabay nilang nilisan ang ospital. Nasa likuran ng sasakyan si Althea, pinagmamasdan ang tanawin sa labas habang hawak ang kamay ni Xander. Tahimik ito, tila malalim ang iniisip, ngunit hindi niya ito binitiwan. Sa tabi nila, masayang nag-uusap sina Jace at Zsazsa, habang sina Julio at Doña Cecilia ay hindi maitatago ang excitement sa kanilang mga mata. Hindi nagtagal, nakarating sila sa mansyon ni Xander. Bumaba sila at sinalubong agad sila ni Aling Edna, ang matandang nag-alaga kay Althea mula pagkabata. Nanginginig ang mga kamay nito habang papalapit, tila may kutob na ito sa balitang dala nila. "Althea..." mahina niyang bulong, bago lumipat ang tingin kay Xander. "Bakit kayo narito? Ano'ng nangyari?" Lumapit si Jace, bitbit ang dokumento mula sa ospital. "Aling Edna... totoo ang hinala mo. Si Althea, tunay na anak nina Julio at Doña Cecilia." Nanlaki ang mga mata ni Aling Edna. Napatingin siya kay Althea, tila hindi m

    Huling Na-update : 2025-03-29
  • His Runaway Wife   Chapter 92

    Tahimik na Sandali sa Dilim Nakatayo si Althea sa terrace, yakap ang sariling katawan habang marahang hinihimas ang kanyang tiyan. Tahimik ang paligid, tanging malamig na simoy ng hangin ang kasama niya. Ngunit sa kanyang isipan, isang taong kulang—si Zsazsa. “Namimiss ko na ang ingay mo, Zsazsa…” bulong niya sa hangin, tila umaasang maririnig ito ng batang ngayon ay nasa piling na ng tunay nitong ama. Hindi niya namalayang may isang pares ng mata ang matamang nakamasid sa kanya. Mula sa pinto ng terrace, lumabas si Xander, bagong ligo, may tapis lamang na tuwalya sa baywang. Dumadaloy pa ang tubig mula sa kanyang buhok, dumidiretso sa matigas niyang dibdib pababa sa maskuladong tiyan. Hindi niya alintana ang lamig ng hangin—mas gusto niyang alamin kung anong bumabagabag kay Althea. Dahan-dahan siyang lumapit, hindi inaalis ang tingin sa babae. “Ang lalim ng iniisip mo,” basag niya sa katahimikan. Napalingon si Althea. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang itsura ni Xander

    Huling Na-update : 2025-03-29
  • His Runaway Wife   Chapter 93

    Habang nasa kusina, abala si Althea sa pakikipag-usap sa kanyang mga magulang, sina Julio at Cecilia. Masaya silang nagkukuwentuhan tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw, lalo na ang tungkol sa pagbubuntis ni Althea. "Anak, sigurado ka bang maayos ka na? Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo," nag-aalalang sabi ni Cecilia habang inaabot ang baso ng juice kay Althea. Ngumiti si Althea at kinuha ang baso. "Opo, Mama. Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Saka andiyan naman si Xander para alagaan ako." Napatingin si Julio kay Xander, na kasalukuyang nasa labas kasama sina Zsazsa at Jace. "Si Xander ba talaga? O ikaw pa rin ang mas nag-aalaga sa kanya?" pabirong tanong nito. Natawa si Althea. "Kahit paano naman po, nag-e-effort na rin siya," sagot niya habang palihim na sumulyap sa direksyon ni Xander. Samantala, sa labas, masayang naglalaro si Zsazsa sa tubig habang si Jace at Xander ay nag-uusap sa gilid ng pool. "Mukhang enjoy na enjoy si Zsazsa," puna ni

    Huling Na-update : 2025-03-29
  • His Runaway Wife   Chapter 94

    Xander's POV Malamig ang simoy ng hangin habang nakatayo ako sa terrace ng resort, pinagmamasdan si Althea na masayang nakikipag-usap sa kanyang ina. Napakaganda niya sa liwanag ng araw, at ramdam ko ang kapayapaang hindi ko inakalang mararamdaman ko sa buong buhay ko. Pero alam kong hindi ito magtatagal. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone. Nasa kabilang linya si Attorney Vergara, ang abugado ng pamilya namin. "Xander, may emergency tayo. Natuklasan namin na may negosyo pa ang ama mo sa America—at kinamkam ito ni Lucrecia nang hindi mo nalalaman. Kailangan mong pumunta rito agad para ayusin ang mga legal na usapin. Kung hindi, tuluyan na niyang makukuha ang lahat." Nanlaki ang mata ko. "Ano? Hindi ko alam na may negosyo pa kami roon. Akala ko, tapos na ang lahat!" "Hindi, Xander. Hindi mo ba naisip kung bakit masyadong naging kampante si Lucrecia kahit nawala na sa kanya ang kontrol sa negosyo dito? Dahil mayroon pa siyang hawak sa America. Kung hindi mo aayusin

    Huling Na-update : 2025-03-31
  • His Runaway Wife   Chapter 95

    Althea’s POV: Isang Buwan ng Pangungulila Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama, hawak-hawak ang unan na madalas yakapin ni Xander tuwing gabi. Ramdam kong may nakatingin sa akin, at nang lingunin ko si Inay Edna, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Anak, okay ka lang ba?" malumanay niyang tanong habang lumapit sa akin. Pilit akong ngumiti. "Okay lang po, Nay. Sanay naman na akong maiwan." Pero halata kong hindi siya naniniwala. "Althea, kilala kita. Alam kong hindi lang simpleng lungkot ‘yang nararamdaman mo," sagot niya habang hinawakan ang kamay ko. "Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko." Napabuntong-hininga ako. "Nay… ang dami ko nang pinagdaanan. Akala ko tapos na. Akala ko pagkatapos ng lahat ng gulo, makakapagpahinga na ako, pero heto na naman... Umalis na naman si Xander." Naramdaman kong unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. "Alam ko namang hindi niya ginusto. Kailangan niyang umalis, kailangan niyang ayusin ang negosyo ng pamilya niy

    Huling Na-update : 2025-03-31
  • His Runaway Wife   Chapter 96

    Althea’s POV Habang nasa sasakyan kami, hindi mapakali sina Zsazsa at Ava sa tuwa. Sa bawat madaanan naming bukirin, natutulala sila sa mga kalabaw, baka, at kambing na malayang nanginginain sa damuhan. "Mama, tingnan mo! Ang laki ng kalabaw!" sigaw ni Zsazsa habang halos idikit na ang mukha sa bintana. "Ava, may mga sisiw! Ang cute nila!" dugtong naman ni Ava habang tinuturo ang grupo ng mga manok sa gilid ng daan. Napangiti ako sa kanilang kasiyahan, pero sa kabila noon, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Kanina pa ako hawak-hawak ang cellphone ko, naghihintay ng tawag ni Xander. Ilang araw na siyang wala, at kahit alam kong abala siya sa Amerika, hindi ko pa rin mapigilan ang lungkot. "Inaantay mo ba ang tawag ni Xander?" tanong ni Inay Edna, na nakaupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Hindi naman po… iniisip ko lang kung kamusta na siya." Isang makahulugang tingin ang ibinigay ni Inay Edna sa akin. "Huwag kang masyadong mag-alala, hija

    Huling Na-update : 2025-03-31

Pinakabagong kabanata

  • His Runaway Wife   Chapter 109

    EPILOGUE – LIMANG TAON MAKALIPAS Third Person POV Maliwanag ang sikat ng araw. Sa isang hardin na pinalibutan ng puting bulaklak at hanging sariwa, isang masayang kasalan ang nagaganap. Simple lang—pero ramdam ang pagmamahalan sa bawat ngiti, sa bawat sulyap, at sa bawat hakbang. Nakahawak si Althea sa braso ni Zsazsa, ngayon ay siyam na taong gulang, habang naglalakad sa aisle. Si Zsazsa ang nagsilbing flower girl at bridesmaid—proud na proud, may konting arte pa sa lakad, pero may kinikilig sa mata. Sa unahan, nakatayo si Xander. Hindi na siya ‘yung lalaking laging may bigat sa puso. Ngayon, isa na siyang ganap na asawa, ama, at lalaking natutong lumaban para sa pamilya niya. Habang naglalakad si Althea, dahan-dahan siyang tumingin kay Xander. Nandoon pa rin ang kilig, ang lungkot, ang kasaysayan ng nakaraan—pero sa lahat ng iyon, ang nangingibabaw ay pagmamahal. Sa tabi ni Xander, nakaupo si baby Liam—ngayon ay apat na taong gulang, nakasuot ng maliit na coat, at abala sa pag

  • His Runaway Wife   Chapter 108

    THIRD POV Lumipas ang mga araw sa pagitan ng lungkot at pag-asang bumabalot sa tahanan ni Althea. Unti-unti nang lumalaki ang kanyang tiyan, at bawat araw na dumadaan ay parang tinutulak siya ng panahon pabalik sa mga alaala nila ni Xander. Samantalang sa malayong lugar, isang lalaking punong-puno ng pag-aalala at pangungulila ang nakaupo sa labas ng isang lumang ospital. Si Xander. Namumugto ang kanyang mga mata, at tila ba nahulog ang buong mundo sa balikat niya. May tungkulin siyang kailangang tapusin—isang pangako sa nakaraan na matagal na niyang pinasan. At iyon ay si Lilia. Hindi niya kayang sabihin kay Althea ang katotohanan. Alam niyang masasaktan ito. Alam niyang mahirap itong ipaliwanag sa pamilya ni Althea, lalo na sa anak nitong si Zsazsa. Kaya pinili niyang manahimik, magsakripisyo, at muling itago ang sariling sakit. --- XANDER POV “Patawad, Althea…” bulong ko habang nakatanaw sa malamig na burol ng babaeng minsan kong inalagaan.* Lilia is gone. Tinup

  • His Runaway Wife   Chapter 107

    Sa di kalayuan, sa likod ng matataas na punong kahoy at kakahuyan na bahagyang natatakpan ng anino, nakatayo si Xander. Tahimik, walang imik, ngunit tila may lindol sa loob ng kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng mga taong mahal niya. Hawak niya ang kanyang jacket sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay nakakuyom sa gilid ng kanyang katawan. Sa harap ng puntod, nakita niya si Althea na nakayakap kay Zsazsa. Kasama rin si Jace at si Inay Edna, tila isang kumpletong pamilyang nagluluksa ngunit sabay-sabay ding bumibitaw sa nakaraan. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming bumabalot sa kanya. May kirot, may galit, may lungkot… pero higit sa lahat, may panibugho. Hindi sa pag-ibig ni Althea, kundi sa pagkukulang niyang maging sapat—kay Althea, at higit sa lahat, kay Zsazsa. Tila mabagal ang pag-inog ng mundo sa paningin niya habang pinagmamasdan kung paano niyakap ni Althea si Zsazsa nang mahigpit, kung paano ngumiti ang bata sa gitna ng lungkot, at kung paano n

  • His Runaway Wife   Chapter 106

    Third POV Lumipas ang ilang araw, ngunit walang balita kay Xander. Para siyang nawala na parang bula, iniwan si Althea sa gitna ng napakaraming tanong at sakit. Sa bawat paggising niya sa umaga, umaasa siyang makakatanggap ng tawag o kahit mensahe mula kay Xander, pero wala. Tila baga hindi lang siya basta iniwan—parang hindi na ito muling babalik. Ang kanilang bagong tahanan na dapat ay puno ng saya bilang bagong kasal ay naging malamig at tahimik. Sa tuwing bababa siya sa hapag-kainan, parang gusto niyang umiyak. Napansin niyang kakaiba ang kilos ng kanyang mga magulang. Si Julio at Cecilia ay laging nag-uusap nang pabulong. Sa tuwing papasok siya sa silid nila, bigla silang titigil at magpapanggap na wala lang. Si Jace naman, palaging naroon, nakabantay sa kanya. Minsan, parang may gusto itong sabihin, pero hindi nito magawa. Isang gabi, habang palabas siya ng bahay upang magpahangin sa garden, narinig niya ang usapan ng kanyang mga magulang sa sala. "Hindi na dapat b

  • His Runaway Wife   Chapter 105

    Third POV Malapit na ang kanilang kasal, pero sa halip na excitement, kaba ang bumalot kay Althea. Ilang oras na siyang naghihintay, pero ni anino ni Xander ay hindi pa niya nakikita. Nagsimula siyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay, sinusubukang hanapin ito. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, pero hindi sumasagot. Sinubukan niya ring tanungin ang mga tauhan na abala sa paghahanda ng kasal, pero walang makapagsabi kung nasaan si Xander. Habang lumilipas ang mga oras, unti-unti na siyang kinabahan. “Nasaan na ba ang lalaking ‘yon?” bulong niya sa sarili, napapatingin sa orasan. Maya-maya, lumapit sa kanya si Zsazsa na may bitbit na stuffed toy. “Mama Althea, bakit po parang nag-aalala kayo?” inosenteng tanong ng bata. Napabuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. “Hinahanap ko lang si Daddy Xander mo, baby.” Biglang kumunot ang noo ni Zsazsa. “Baka po hindi na siya bumalik,” sagot nito nang walang emosyon. “Okay lang naman po. Mas gusto ko naman si Daddy Jace.

  • His Runaway Wife   Chapter 104

    Third POV Abala ang buong pamilya sa paghahanda ng kasal nina Xander at Althea. Masaya ang lahat, maliban kay Althea na nakaupo sa gilid, nakasimangot habang hinahaplos ang kanyang umbok na tiyan. "Hindi ba pwedeng pagkatapos ko na lang manganak?" reklamo niya kay Xander habang nakasandal ito sa balikat ng lalaki. Agad siyang hinila ni Xander palapit. "No way, love. Gusto kitang pakasalan ngayon na. Mas okay na may kasiguraduhan akong hindi mo na ako matatakasan!" malakas niyang sabi, sabay halik sa tuktok ng ulo ni Althea. Napairap si Althea at kinurot ang tagiliran ni Xander. "Ganyan ka na naman! Para bang takot na takot kang iwan kita." "Gano’n na nga," sagot ni Xander, hindi man lang tinatago ang katotohanan. "Baka kung kelan hindi kita binantayan, bigla kang tumakbo na parang si Cinderella!" Napahalakhak si Althea. "Eh paano naman ako tatakbo, ha? May bitbit akong baby sa tiyan! Hindi mo ba nakikita kung gaano na ako kabigat?" Tumango-tango si Xander na kunwaring na

  • His Runaway Wife   Chapter 103

    Sa Ilalim ng mga Bituin Sa malawak na bakuran na malapit sa ilog, nag-uumapaw ang kasiyahan. Ang mga ilaw mula sa mga nakasabit na bombilya sa puno ay nagbibigay ng mainit at kaaya-ayang liwanag sa buong paligid. Amoy na amoy ang inihaw na isda at baboy, samahan pa ng halakhakan ng mga tao. Habang abala ang lahat sa paghahanda ng pagkain at paglalaro ng mga bata, si Althea naman ay nakaupo sa may gilid, pasilip-silip sa nagaganap na kasiyahan. Nakaunan siya sa kanyang palad, may kaunting lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang paligid. Kung iisipin, ilang araw lang ang lumipas pero pakiramdam niya ay parang isang siglo na niyang hindi nakikita si Xander. Inakala niyang hindi na ito babalik. Pinilit niyang maging matatag, pero sa bawat paglipas ng araw, mas lalo niyang naramdaman ang sakit ng pangungulila. Napabuntong-hininga siya at nilaro ang dahon ng damo sa kanyang kamay. Maya-maya pa, bigla niyang naramdaman ang isang mainit na bagay na lumapat sa kanyang bali

  • His Runaway Wife   Chapter 102

    Tahimik ang buong bahay. Para bang lahat ng tao ay nawala, o kaya nama’y sinadyang iwan siyang mag-isa. Hindi niya maintindihan, pero ramdam niyang may bumabagabag sa kanya. Mahigpit ang pagkakabalot niya sa kumot, nakasiksik siya sa gilid ng kama, at kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili, patuloy pa rin sa pagpatak ang kanyang luha. Paulit-ulit sa isip niya ang larawang nakita niya—si Xander, inaalagaan si Lilia, samantalang siya, na kanyang asawa at dinadala ang kanilang anak, ay hindi man lang nito napupuntahan. Maya-maya, isang katok ang gumambala sa kanyang pag-iiyak. Mahina lang ito noong una, pero hindi ito tumigil. Isa, dalawa, tatlong beses—at nang hindi siya sumagot, nanatiling tahimik ang kabilang panig ng pinto. Wala pa ring tunog. Parang nakikiramdam kung gising siya o hindi. Ngunit kahit pa sirain ang pintuan, hindi niya ito babangon. Mas gusto niyang manatiling nakabalot sa lungkot at pagdaramdam. Pero hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari. Isan

  • His Runaway Wife   Chapter 101

    Samantalang si Althea ay abala sa pagkain ng hinog na mangga sa likod-bahay. Sarap na sarap siya sa bawat kagat habang iniisip kung bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam niya. Ilang araw na siyang malungkot at hindi niya na rin makontak si Xander. Napabuntong-hininga siya at tumingin sa langit. "Kailan kaya matatapos ang ganitong pakiramdam?" tanong niya sa sarili. Nang maalala niya ang kanyang cellphone, agad siyang napatayo at bumalik sa kanyang silid. Kinuha niya ang telepono sa tabi ng unan at nanlaki ang mata nang makita ang napakaraming missed calls mula kay Jace. Kinabahan siya. "Baka may nangyari sa mga bata!" mabilis niyang inisip. Agad niyang tinawagan si Jace habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Althea. Napalingon siya at nakita niyang si Jace ang pumasok. Kumunot ang noo niya, bakas sa mukha niya ang pagtataka. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya, kita sa mukha ang bahagyang pag-aalala. Hindi agad nagsali

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status